ILANG CHAPTER NA LANG MATATAPOS NA ANG STORY NILA. MARAMING SALAMAT PO SA PAGHIHINTAY.
“Clarence!” Napatigil si Clarence sa kanyang paglalakad ng marinig ang tawag sa kanya ni Monica. Ngayon pa lang niya naaala na kasama pala nila ang babaeng ito. Itinuring ni Ciara na tunay na kapatid ngunit kasabwat rin pala ni Jano at Lorenz sa pagtangkang pag gahasa noon sa asawa niya. Nakuyom niya ang kamao. Umigting ang mga panga niya at pilit kinokontrol sa sarili ang galit. Hindi siya lumingon, bagkus hinintay niya ang gusto nitong sabihin sa kanya. “Clarence alam kong malaki ang kasalanan na ginawa ko kay Ciara dati. Alam kong hindi sapat ang pagbayaran ko sa kulungan ang labat ng ginawa ko, pero siguro mas nanaisin kong doon na lang din mamatay upang maging gumaan man lang ang bigat na nararamdaman ninyo.” Nagpahid ng luha si Monica. Nakita niyang hindi pa rin lumilingon si Clarence sa kanya, ngunit alam niyang hindi siya karapat-dapat na pag-aksayahan ng oras. Muli niyang ipinagpatuloy ang pagsasalita. “Maraming salamat Clarence. Pakisabi kay Ciara, humihingi ako ng tawad sa
“Daddy, maraming salamat, dahil sayo kung bakit kasama pa rin namin ngayon si Clyde. Maraming salamat sa buhay na binuwis ninyo para sa amin. Aaminin ko, gusto kong magtampo dahil isang araw lang tayo nagkita, ngunit yun din ang araw na iniwan mo ako. Lumaki na rin ako na sabik sa pagmamahal ng isang ama Dad, ngunit naiintindihan ko kayo kung mas pinili mong samahan si Kuya Jano kaysa sa amin ni Mommy. Alam kong kahit nandyan ka, patuloy mo pa rin kaming ginagabayan ng pamilya ko.” Tinuon niya ang mga mata sa tombstone ni Jano. “Kuya, inaamin kong hanggang ngayon, galit pa rin ako sa’yo, ngunit unti-unti ko ng tinuturuan ang sarili ko na patawarin ka. Masakit lang kasi dahil ikaw, pinaglaruan ng tadhana sapagkat napunta ka sa maling tao, ngunit ako, pinaglaruan mo ang kapalaran ko, kuya. Lahat ng masakit na nangyari sa akin ikaw ang naging dahilan. Ngunit hindi kita masisisi, dahil tulad ko, naniwala ka lang din sa taong itinuturing mong pamilya. Kung meron man akong ala-ala na magaga
“Sir, may mga pulis po naghahanap sa inyo.”Umangat ng mukha si Lorenz, at tiningnan ang sekretarya sa may labas ng pintuan.“Papasukin mo,” sagot din ni Lorenz na tila bang kanina pa nito hinihintay ang mga pulis na pupunta sa kanya. Sa totoo lang isang linggo na niyang hinihintay na puntahan siya ng mga pulis at arestuhin. Naiinip na siya. Tumayo siya mula sa inuupuan na swivel chair at sinalubong ang mga pulis.Mr. Lorenz Dillion, my warrant of arrest—”“I’m guilty.” agaw niya sa sinabi ng pulis at binigay ang dalawang kamay upang lagyan ng posas.Sandali pang natigilan ang pulis ngunit agad din itong nakabawi. First time niyang maka encounter ng hinuhuli na excited hulihin. Nilagyan niya ng posas ang mga kamay ni Lorenz at sinama palabas ng building.“Sandali.. Pwede ko bang makahingi ng isang minuto para makausap ang mga empleyado ko?” pakiusap ni Lorenz sa mga pulis. Pinayagan naman siya ng mga ito.Tamang-tama at nagtipon na ang mga ito sa lobby. Halata ang pagtataka sa mata n
"Master, napapaligiran na ng mga tauhan natin ang buong paligid." Pagbibigay alam ni Brando mula sa suot nitong earpiece."Good job. Papasok tayo sa loob." Wika niya sa mga pinili niyang tauhan. Agad naman na tumalima ang mga ito. Una nilang pinuntahan ang ikaapat na boardlord ng Planetarium na pinamumunuan ni Lohan Madrid. Isa sa mga pangalan na binanggit ng kanyang ina. Sa lahat ng mga natirang boardlord ito ang may pinakamalakas na pwersa sa Planetarium kaya naman ito ang inuna niya.Agad silang sinalubong ni Lohan kasama ng mga tauhan nito.“What brings you here, Mr. Del Castrillo?” Buong tapang nitong tanong sa kanya. Mukhang Kilala na pala siya, at amoy na amoy niya ang kawalang respeto nito sa kanya. “Alam mo kung ano ang pinunta ko rito Mr. Madrid.” Malamig niyang sagot.“Sa naalala ko, you have no business here, Mr. Del Castrillo.” Nakapamewang nitong sagot sa kanya.Binalingan ni Clarence si Brando sa tabi niya at senenyasan ito. Agad na binigay ni Brando ang maliit na putin
“Sweetheart anong ginagawa mo riyan?” tanong ni Clarence ng makita ang asawa na nagtatago sa likuran ng kanilang mataas na Freezer. Parang gusto niyang pumalatak ng tawa ng makita itong pinandilatan siya ng mga mata. Alam niyang nahihiya ito dahil bakas pa ang parang kamatis sa pula ang mukha nito. Nilapitann niya ito at niyakap ng mahigpit. “I missed you.” Akamang hahalikan niya ito sa labi ng umiwas ito kaya nagtaka siya.“Nanonood ang mga anak mo, may isip na ang mga iyan.” bulong nito sa tainga niya habang yakap siya. Lihim naman siya napangiti. “Okay, pass na muna, pero double kill mamaya.” pabulong niya ring sagot dahilan upang magtaka ito.“Anong double kill?” litong tanong nito sa kanya pero nakayakap pa rin.“I want you to kill me with so much pleasure.” nang-aakit niyang sagot.Ramdam niya ang pang-iinit ng mukha nito dahil sa sinabi niya. Ngunit akala niyang maaasar niya ito, hindi iyon nangyari. Sa halip gumanti rin ito nang pang-aakit sa kanya. “Are you sure? Siguraduhi
MATAPOS ANG ILANG ARAW na pamamahinga ni Clarence1 mula sa kanyang huling laban, nagpasya sila ni Ciara na bisitahin si Norkis sa loob ng kulungan.“Akala ko hindi ko na muli pang masilayan ang mukha mo, Clarence. Sino ang mag-akalang ikaw pala ang pumalit na bagong Master ng lahat ng mga Demonyo! hahahaha–AUrrrgh!” naudlot ang malutong na pagtawa ni Norkis ng bigla s’yang nakatikim ng malakas na suntok mula sa kamao ni Clarence.“Ikaw lang ang Demonyo na hindi nagbibigay-galang sa master mo. Baka gusto mong palabasin pa kita dito sa kulungan, at gawing maaga ang pagpapahirap ko sa’yo.” puno ng pagbabanta ang tono ng boses niya.Tila naging katawa-tawa naman ito sa pandinig ni Norkis dahil imbes na matakot nagpakawala pa ito ng malutong na tawa. “Hah? Ikaw? Nakalimutan mo na ba ang ginawa ko sa’yo dati? Utang mo pa nga ang buhay mo sa akin dahil hindi kita pinatay! Kung tutuusin, dapat buto na lang ang natira sa katawan mo ngayon sa ilalim ng lupa. Hindi ka ba marunong magpasalamat?”
Nasa kalagitnaan na sila ng biyahe pauwi ng biglang mag ring ang telepono ni Clarence. Kinuha ni Ciara ang cellphone mula sa likurang upuan at ibinigay iyon kay Clarence.‘Sino ang tumatawag?” tanong nito habang nagmamaneho. Hindi muna nito kinuha ang cellphone sa kanya. Tiningnan niya ang screen. “Hindi ko alam. Numero lang kasi ang lumabas.” sagot niya.“Sagutin mo na muna,” pasuyo nito sa kanya.“Hello?” bungad niya.“Hello, sa kay Clarence Adler Del Castrillo po ba ito?”“Ito nga po.” agad niyang sagot.“Ah, Ma’am from St. Dominic Hospital po ito. Tumawag po kami to inform about sa pasyente namin na si Leticia Del Castrillo. Thirty minutes na po siyang binawian ng buhay. Ilang araw na po kasi siyang hindi kumakain. At kanina lang, natagpuan namin ang bangkay niya sa loob ng banyo. Uminom po siya ng muriatic acid na nandoon sa loob.”Napaawang ang labi ni Ciara habang nakatingin kay Clarence ng marinig ang balita. “Hello Ma’am? Nandiyan pa po ba kayo?”Agad na nakabalik si Ci
“Hindi ko matatanggap na iwanan mo kami, lalaban pa rin tayo. Hahanap ako ng lunas sa sakit mo. Hindi tayo pababayaan ng Diyos. Kaya hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa.” “Sweetheart,” tawag nito sa kanya na may kasamang pamgumbinsi na dapat na siyang sumuko. “Hindi kita susukuan Clarence. Kahit kailan hindi kita sinukuan. Sana ganun ka rin! Utang na loob! Papayag ka na lang ba na paghihiwalayin tayo ng sakit mo? Nakalimutan mo na ba? Sabay tayong lumaban kahit gaano man kahirap labanan ang mga kalaban natin. Nalampasan natin iyon. Ngayon ka pa ba susuko?” Umangat siya ng ulo at tinitigan ang maamong mukha ng asawa na nahilamos na rin sa luha. Kinulong niya sa kanyang mga palad ang mukha nito at ginawaran ng mainit na halik sa labi. Napapikit si Clarence habang ginagawa iyon ni Ciara. “Huling laban na natin ito, nasa atin ang gabay ng Diyos, kaya naniniwala akong gagaling ka pa. Kahit sa bingit ka pa ng kamatayan hindi pa rin kita susukuan kahit ako na lang ang mag-isang lumalaban.”