"Sweetie, I made your husband sign the divorce paper. You need to reward me for this."Imbes na magsaya siya dahil nakalaya na siya kay Clarence, ngunit tila sinaksak ang puso niya dahil hindi niya inaasahan na maging mabilis ang pagpapalaya nila sa isa't-isa. Muling bumagsak ang luha niya ngunit pilit pa rin siyang ngumiti."Okay, ano ba ang gusto mong reward?" nakangiti niyang tanong habang nagpapahid ng luha."Alam kong malungkot ka ngayon kaya gusto kong pasayahin ka. May bago akong bukas na bar dito sa Makati, baka gustong mong e-try.""Wow, Atty. Ryke Shaw, kailan ka pa, nagsimula na magnegosyo? Akala ko puro na lang korte ang inaatupag mo?" Narinig niya ang mahinang pagtawa nito sa kabilang linya."Ikaw kasi eh, kahit anong gawin ko, parang hindi pa rin ako sapat para sa 'yo. Gusto kong pantayan ang yaman mo, kaya nagpatayo ako ng luxury bar. "Baliw ka!" Narinig niya na humagalpak ito ng tawa. "Milyon na ang binabayad sa 'yo ng mga kliyente mo, huwag kang magdrama dyan. Ako la
"Ciara," Biglang hinablot ni Clarence ang kamay niya na kanina lang nakapulupot sa braso ni Ryke. Hindi niya inaasahan iyon kaya muntik na siyang ma-out balance. Mabilis niyang tinulak si Clarence ng makita na nakayakap na siya sa lalaki. Ngunit tila wala itong plano na pakawalan siya dahil mas lalong humigpit ang pagyakap nito sa kanya. "Let me go, Clarence!" "No, Sweetheart, dahil akin ka lang!" Puno ng pagkadismaya ang mukha niya habang tinititigan ito. Alam niyang lasing lang ito kaya nito na sabi ang mga salitang iyon. Puno ng lungkot ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "Clarence, lasing ka lang!" Muli niya itong tinulak ngunit, muli rin naman siyang niyakap pabalik. Mahigpit ang pagyakap nito sa kanya habang hinahaplos ang buhok niya. "I can't let you go, my sugar," ibinaon nito ang mukha sa leeg niya at muli siyang kinintalan ng halik doon na alam niyang nag-iwan na naman ng marka. Ramdam pa niya ang mainit na likido na galing sa pag iyak nito ang bumagsak sa leeg
“Sir, patawarin n’yo po ako. Nangangako po ako, hindi na mauulit. Sumusunod lang po ako sa utos ng Mommy n’yo sir.” mabilis na lumuhod si Conrad, habang nakatingin sa nakapamewang na boss niya. Matuwid itong nakatayo at nakatalikod sa kanya habang nakatanaw sa bituin na nagpapalitan sa pag kislap sa kalangitan. Kahit hindi niya nakikita ang mukha ng boss nya, alam niyang galit na galit ito ngayon dahil natuklasan nito na in-edit niya ang Cctv Footage. Nakita niyang inubos nitong tunggain ang laman ng alak sa loob ng kopita na hawak nito. Bang ! Crack! Napapikit siya sa sobrang takot ng makita ang boss niya na humarap sa kanya at galit na hinagis ang kopita na hawak sa harapan niya. “Ilang taon ka na sa pagseserbisyo sa akin, Conrad?” kita niya ang pag-ngitngit ng mga ngipin nito habang nakatingin sa kanya. “Sa–Sampung taon, Sir,” nauutal niyang sagot. “Sampung taon! But you still managed to fool me!” Dumadagundong ang boses nito sa sobrang galit. Nanlilisik ang mga mata nito hab
1 MONTH LATER“Master, pwede naman na ako na lang ang lalaban para sa’yo. Hindi mo kailangan na gawin ‘to.”Binalingan ni Ciara si Lesly—ang kanang kamay niya. Nakita niya ang sobrang pag-alala sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. “Lesly, hindi pwede. Hinayaan na kita na lumaban para sa akin ng ilang rounds.” sagot niya habang abala sa pagsuot ng bodysuit. Maihahalintulad ang bodysuit na suot niya kay Black widow ngunit ang kaibahan lang dahil kulay pula ang sa kanya. Nagsuot na rin siya ng kulay pula na bonnet at tanging mga mata lamang niya ang nakikita. “Hindi na ba magbabago ang desisyon mo?”patuloy pa rin sa pangungulit si Lesly.“Hindi na. Isa pa, hindi mo kakayanin si Lexus. Hindi mo siya kapantay.” prangkang wika niya sa alalay. “Master, hindi lihim sa atin na traydor si Lexus kapag lumaban. Paano kung gumamit na naman siya ng ibang tricks para mapatumba ka niya tulad ng ginawa niya sa ibang nakalaban niya? Nag-alala lang ako sa mga anak mo, paano kung may mangyaring
"Black Phoenix, kahit patayin mo man ako, wala pa rin akong sasabihin sa'yo dahil hindi ko alam kung saan kukunin ang antidote na sinasabi mo. Tanging si Harrison lang ang makakapagturo kung saan ang antidote." Mahabang paliwanag ni Venom King. Kasalukuyan silang nasa loob ng phoenix underground at magkaharap ni Clarence. Bawat isa sa kanila ay may mga kasamang bodyguard na handang umatake sa isang kumpas lang ng kanilang mga daliri."Venom King, hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. Huwag mo ng ituro ang taong alam mo na hindi na makapagsalita dahil patay na. Sino ang gumawa ng poison needle? Kailangan 'yan ngayon ni Red Phoenix!" Galit niyang tanong sabay hampas ng kamao sa ibabaw ng mesa. Dahil sa ginawa nya, um-alerto lahat ng mga tauhan ni Venom King. Matalim ang mga mata nito na tinitigan siya. "Kung alam ko, bakit ako nandito ngayon sa harapan mo?" Madiin ang pagkakasagot nito atsaka muling idinagdag. "Kung akala mong nandito ako ngayon, dahil natakot akong malaman ni Demon Master
"Boss," tawag sa kanya ni Brando ng lumapit na ito. Makikita ang pagdanak ng dugo sa kabuuan ng Phoenix underground. Tuwid pa rin siyang nakatayo habang nakatingin sa mga tauhan ng WildLand na wala ng buhay. Binalingan niya si Brando."Ilang oras na lang mayroon tayo, Brando?" Yumuko si Brando at tiningnan ang oras sa kanyang suot na relo."Dalawang oras na lang Boss, para ilikas ang kambal at si Ma'am Ciara.""Gawin ito sa lalong madaling panahon. Kailangan natin bumalik sa ospital." Hindi na sila nagsayang pa ng oras. Agad silang nakarating ng hospital sa loob ng kinse minutos lang dahil sa bilis ng kanyang pagpapatakbo ng sasakyan."Lesly, kailangan nating umalis, ngayon din." Nagmamadali niyang binuhat si Ciara palabas ng hospital. "Master Black, wala tayong oras upang itago si Master Red, narinig ko kanina ang pagbaba ng Rewad Notice mula sa Planetarium tungkol sa patong sa ulo ni Master. Saan mo siya balak dalhin?""Saka na natin isipin 'yan, kailangan ko pang ilikas ang mga
"Doc, anong lagay ngayon ng anak ko?" Puno ng pag-alala ang mga mata ni Donya Amanda habang nakatingin kay Ciara. Hawak ni Clarence ang kamay ng asawa habang naghihintay sa sasabihin ng Family Doctor nito."Nahihirapan akong tanggalin ang lahat ng lason sa loob ng kanyang katawan. Kumalat na sa buong sistema n'ya ang lason. I'm afraid kapag tumagal pa ito, hindi na rin kakayanin ng 5 weeks old na ipinagbubuntis niya ang poison." Nahilamos ni Clarence ang mukha. Ang anyo niya ngayon, dinaig pa ang natalo sa laban. Kailangan na niyang magmadali. Habang tumatagal, palala ng palala ang sitwasyon ng mag-ina niya. Nauubusan na siya ng oras. Kailangan na niyang mahanap ang antidote. Bigla siyang tumayo, nakita niya ang nagtataka na mga mata ni Donya Amanda."Kailangan ko ng umalis Mom. Wala na po akong oras. Kailangan ma-iligtas ang mag-ina ko." Hindi na niya hinintay pa ang Donya na sumagot. Agad na siyang humakbang patungong pintuan."Clarence," Napatigil siya sa pagpihit ng doorknob ng
“Brando, hintayin mo muna ang go signal ko bago kayo magpaputok.” wika niya habang nag-iisip kung paano makapasok sa loob ng mataas na building. Nasa limampung palapag ito at bawat palapag ay puno ng mga nakabantay na highly trained assassins. Inayos niya ang suot na hidden earpiece sa earlobe niya. Naka-konekta ang coil wire nito sa loob ng suits niya pababa sa kanyang paa. Madilim ang paligid dahil sinadya niyang pumunta sila ng gabi upang hindi halata ang pag atake nila. "Ang mga tauhan?"tanong niya. "Kanina pa sila nakahanda, Master." "Good," “Pero si Demon Master, hindi nakapunta, ayon sa napagkasunduan niyong dalawa.” dagdag sa sinabi nito. “Pero ang sabi niya pupunta siya,” giit niya kay Brando. “Hindi ko alam Master. Pero hindi po siya dumating ayon sa takdang oras na napag-usapan ninyo.” Parang gusto niyang panghinaan ng loob dahil sa narinig. Si Demon Master lang ang pwedeng tumulong sa kanya upang lumakas ang pwersa niya. Ngunit hindi niya alam bakit hindin ito naka
SIXTEEN YEARS LATER ** CLYDE DEL CASTRILLO *** Abala si Clyde sa pagtipa sa harap ng laptop niya nang biglang bumungad ang katawan ni Brando sa loob ng kanyang opisina. "Boss young," Hindi niya ito pinansin kahit naririnig naman niya ang pagtawag nito. Naiirita ang tainga niya kapag naririnig niyang tinatawag siya sa 'Boss young' 'Batang Boss.' Nakasanayan na siyang tawagin ni Brando sa ganitong pangalan kahit ilang beses na niyang sinaway ito. Tila nahulaan naman nito kung bakit hindi siya namamansin kaya binago nito ang pagtawag sa kanya. "Boss Clyde." "What?" Tinatamad niyang sagot habang nakatutok pa rin ang tingin sa monitor ng laptop. Narinig niya ang pagsara ng pinto ng kanyang opisina katibayan na tuluyan na itong pumasok. "Dumating na ang mga fresh flowers na in-order mo." Bakas ang galak at tuwa sa boses nito habang pinipresenta sa harapan niya ang magandang klase ng mga bulaklak. Sinulyapan niya lang ang mga iyon ngunit hindi din naman nagtagal. Muli niyang tinuon a
Inabot ng isang linggo bago nakabalik si Lesly at Brando ganun din si Lauron. Nasundan pa ng maraming linggo ang paggawa ng gamot dahil kailangan pa muna itong e-test kung epektibo at tagumpay ang paggawa.Habang tumatagal lalo ng nanghihina si Clarence. Nagsisimula na rin maubos sa paglagas ng buhok niya sa ulo. Pinili munang dalhin ni Ciara si Clarence sa dating mansyon na binili niya noong una niyang umuwi ng pilipinas. Kasalukuyan silang nasa hardin ngayon habang nanonood ng iba’t-ibang klase at kulay ng paru-paru na masayang lumilipad sa hardin. Nakaupo silang mag-asawa sa damuhan habang nakasandal si Clarence sa balikat ni Ciara. Masaya silang nanonood sa kanilang mga anak na naghahabulan sa hardin kasama ng mga paru-paru.“Sweetheart, sakaling mawala ako, huwag kang tumigil magmahal–”“Kahit kailan hindi ako magmamahal ng iba, Ikaw lang ang gusto ko.” Agaw niya sa sinabi nito kaya napatigil ito sa pagsasalita. Nakita niyang ngumiti ito ng mapakla.“Ngunit hindi ko na masusukli
"Edwin!"Naabutan pa ni Edwin ang panghuling hilik niya ng marinig ang sigaw ni Mylah. Hinahanap niya kung saan ito habang pupungas-pungas."Babe, ano ka ba naman. Bakit ka ba sumisigaw? Baka magising na naman ang anak mo. Ang hirap pa naman patulugin ito." Reklamo niya."Kasalanan mo yan! Kailan ka pa natutong nagdesisyon na hindi muna ako tinatanong?" Mahinahon ngunit halata pa rin ang galit nito."Pumirma ka na?" Tanong nito."At bakit hindi ako pipirma gayung nakapirma ka na?" Singhal nito at pabagsak na umupo sa kama."Babe, isang taon lang naman ang kontrata nila eh. Sakaling hindi nila natutunang ibigin ang isa't-isa, mawawalan ng bisa ang kasal after 1 year.""Wala akong question sa pagpapakasal sa kanila dahil alam kong swerte ng anak natin mung si Clyde ang pakasalan niya. Ngunit bakit kailangan pang ilihim mo ito sa akin?""I'm sorry." Kinuha nito ang kamay niya at dinampian ng halik. "Alam ko kasi ang maging reaksyon mo kaya parang isang galit na lang hinayaan ko na si Cla
Umangat ng mukha si Clarence. “Saan niyo ito nakita Mom?” tanong niya habang nakatingin kay Donya Amanda. “Si Clyde ang nakakita niyan.” naluluhang sagot ni Donya Amanda. “Saan nga pala sila?” “Nauna na sila sa loob ng sasakyan.” sagot ni Ciara na ang tinutukoy ay ang bridal car niyang limousine. “Tamang-tama, doon na rin ako sasakay.” mabilis pa kaysa sa kanila na pumasok ito ng limousine. “Ako na ang magdadrive anak.” nakangiting wika ni Lauron at kinuha ang susi sa driver. “Mukhang naging masungit ngayon si Mommy sa inyo Dad, ah.” pabirong saad ni Ciara. “Hehe, hayaan mo siya anak. Lalambot din sa akin yan.” nakangiting sagot ni Lauron at tinulungan ng makapasok sa loob ng limo si Clarence. Matapos niyang e-fold ang wheelchair at ipasok rin sa loob. Agad na siyang lumipat sa driver seat. “Mi-amor, dito ka umupo sa tabi ko sa driver seat.” tawag niya kay Amanda ngunit tila wala itong narinig. “Mom, sa tingin ko po, doon na kayo umupo. Medyo masikip tayo rito.” wika ni Ciara.
"Kanina, habang binabaybay natin ang gitna ng Aisle, hindi pa rin ako makapaniwala na sa daming lalaki sa buong mundo ikaw ang lalaking itinakda ng panginoon sa akin upang maging kabiyak ng puso ko. Sa dinami-dami ng kamalasan na nangyari sa buhay ko minsan tinanong ko ang Diyos kung deserve ko ba ang lahat ng iyon ngunit ikaw ang naging sagot niya sa lahat ng mga tanong ko. Simula ng malaman ko na ikaw ang ama ng mga anak ko hindi ko alam kung paano kita tatanggapin sa buhay ko. Until I didn't realize that I was slowly falling in love with you. Walang kapantay ang saya na nararamdaman ko ng sinabi mo na mahal mo rin ako. Sa maikling salita nagsama tayo. Nasanay ako sa bawat araw na lagi akong nagigising habang nakaunan sa bisig mo. Lagi akong natutulog sa mga yakap at halik mo. But as the saying goes, love isn't perfect, so fate has put our love to the test several times. Minsan ng sinubukan ng tadhana na ilayo ka sa akin ngunit nagtiwala ako na babalik ka at hindi ako nabigo. Mas la
“Clarence Adler, do you take Ciara Ella to be your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part? “I do,” mabilis na sagot ni Clarence sa tanong ng Pari. "Ciara Ella, do you take Clarence Adler to be your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?” “I do,” nakangiting sagot ni Ciara habang hawak ang kamay ni Clarence. Nakaupo pa rin ito sa wheelchair. Habang tinitingnan ni Donya Amanda ang dalawa sa harap ng Pari hindi niya maiwasan ang manghinayang. Siya ang nahihirapan para sa dalawa. Bongga ang set up ng simbahan. Puro Cherry blossoms ang theme. Napapaligiran ng mataas na puno ng Cherry Blossoms ang magkabilang gilid ng Aisle. Ang Gown naman ni Ciara abot mayroong limang metro ang haba sa likuran at puno ito ng swarovski Crystal beads. Talagang pinaghanda
“Besh okay ka lang ba?” Narinig niyang tanong ni Mylah habang inaayos ang kanyang mahabang wedding Gown sa likuran. Magkasunod siyang tumango. “Okay lang ako best. Hindi ko lang kasi maiiwasan na hindi mag-alala para kay Clarence.” Naiiyak niyang sagot habang maingat na pinapahid ng tissue ang mga luha niya. Nakita niya ang awa mula sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. “Nag-alala ka ba sa kanya dahil mas pinili niyang tumayo kaysa umupo sa wheelchair niya?” Hinawi nito ang ilang hibla ng pinakulot niyang buhok sa gilid ng pisngi. “Oo,” Naluluha niyang sagot. “Alam kong pinipilit niya lang tumayo para sa akin. Ayaw kasi niyang bigyan ako ng pasanin sa araw ng aming kasal. Parang sasabog na ang puso ko ngayon, best.” Magkasunod na pumatak ang mga luha niya na yumakap sa kaibigan. Hinimas naman nito ang likod niya upang maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman. “Isipin mo na lang na masaya si Clarence sa pinili niya, best. Huwag mong isipin na may sakit siya, baka kapag nak
“Hindi ko matatanggap na iwanan mo kami, lalaban pa rin tayo. Hahanap ako ng lunas sa sakit mo. Hindi tayo pababayaan ng Diyos. Kaya hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa.” “Sweetheart,” tawag nito sa kanya na may kasamang pamgumbinsi na dapat na siyang sumuko. “Hindi kita susukuan Clarence. Kahit kailan hindi kita sinukuan. Sana ganun ka rin! Utang na loob! Papayag ka na lang ba na paghihiwalayin tayo ng sakit mo? Nakalimutan mo na ba? Sabay tayong lumaban kahit gaano man kahirap labanan ang mga kalaban natin. Nalampasan natin iyon. Ngayon ka pa ba susuko?” Umangat siya ng ulo at tinitigan ang maamong mukha ng asawa na nahilamos na rin sa luha. Kinulong niya sa kanyang mga palad ang mukha nito at ginawaran ng mainit na halik sa labi. Napapikit si Clarence habang ginagawa iyon ni Ciara. “Huling laban na natin ito, nasa atin ang gabay ng Diyos, kaya naniniwala akong gagaling ka pa. Kahit sa bingit ka pa ng kamatayan hindi pa rin kita susukuan kahit ako na lang ang mag-isang lumalaban.”
Nasa kalagitnaan na sila ng biyahe pauwi ng biglang mag ring ang telepono ni Clarence. Kinuha ni Ciara ang cellphone mula sa likurang upuan at ibinigay iyon kay Clarence.‘Sino ang tumatawag?” tanong nito habang nagmamaneho. Hindi muna nito kinuha ang cellphone sa kanya. Tiningnan niya ang screen. “Hindi ko alam. Numero lang kasi ang lumabas.” sagot niya.“Sagutin mo na muna,” pasuyo nito sa kanya.“Hello?” bungad niya.“Hello, sa kay Clarence Adler Del Castrillo po ba ito?”“Ito nga po.” agad niyang sagot.“Ah, Ma’am from St. Dominic Hospital po ito. Tumawag po kami to inform about sa pasyente namin na si Leticia Del Castrillo. Thirty minutes na po siyang binawian ng buhay. Ilang araw na po kasi siyang hindi kumakain. At kanina lang, natagpuan namin ang bangkay niya sa loob ng banyo. Uminom po siya ng muriatic acid na nandoon sa loob.”Napaawang ang labi ni Ciara habang nakatingin kay Clarence ng marinig ang balita. “Hello Ma’am? Nandiyan pa po ba kayo?”Agad na nakabalik si Ci