Thank you sa mga nagpapaabot agad ng suporta sa mga pa-gems. Salamat at love ninyo ang story ng ALEYA. Sana bigyan din ninyo ng rating para magkaroon na rin ng rating ang story ni Alguien. Thank you ulit.
ALGUIEN “Hindi ko alam kung kaya kong magmahal, Freya. Hindi ko pa nasubukan. May mga pinapahalagahan akong mga tao na iilan pero hindi ko alam kung paano ang pagmamahal na sinasabi mo.” I just say what’s on my mind. Iyon naman ang totoo. Maraming babae. Hindi ko nga alam kung ilan ba ang makokonsidera na ex ko. Pare-pareho lang din kasi ang kinalabasan nila sa buhay ko. I never let any woman control my emotion. They can make me lust them, but it was just like that. No more, no less. A lust that after a fuck, my member won’t be interested with them again even how hard they tried. Gano’n lang ang silbi nila sa akin. One-time fuck for a day or for a night. Kung anong oras ako inabot na kasama ang kahit sino sa kanila ay hanggang doon na lang. Walang round 2. Ni hindi ko nga hinahayaan ang kahit sino na tumabi sa akin nang matagal. Kung mauulit man napagbigyan ko ang iba dati ay isa o dalawang beses lang. Isang buwan lang ang pinakamatagal na pagtiyatiyaga ko sa isang babae kaya kun
FREYA Naisahan ko nga yata si Alguien kasi pagkatapos ng kakakulit ko sa kaniya kung masarap ba ako ay nagbihis na. Binalewala pa nga ang paghimas-himas ko sa… sa ano niya. Sinundan ko na lang siya sa baba pagkatapos kong maglinis ng sarili. Pababa pa lang ako ay nakita ko na si Alguien na kausap si Sheena at mukhang ginagalitan ang pinsan niya. Ginagalitan o binabantaan? Naalala ko na simula tumira ako rito ay hindi pala marunong manermon si Alguien. Hindi marunong manermon kasi pambabanta ang alam niya lagi. Pambabanta na gagawin niya talaga. Sakto na nasa gitnang part na ako ng hagdan nang marinig ko ang sinasabi niya. “Ayokong nandito. Ayokong ma-stress pa si Freya sa presensya mo. Ayokong makita ang mukha mo.” “Alguien please…” pakiusap ni Sheena bago napatingin sa akin. “Freya…” tumayo siya at nilapitan ako. “Please talk to Alguien. Hindi ba at okay na tayo?” pakiusap at tanong niya. Tumango naman ako at napatingin kay Alguien na nakatitig sa akin. Dahan-dahan akong l
ALGUIEN Nang nasa kusina na kami ni Freya dahil niyaya ko siyang kumain ay saka ko sinabi ang gusto kong sabihin. Naisahan niya talaga ako kanina at para akong gago na nagpadala sa mga sinasabi niya at… at— Puta… nakakahiya ang reaksyong nagawa ko. Kung bakit nawala ang kontrol ko ay kasalanan ng babaeng ito. At ngayon na nasa harap ko siya at sumusubo ng kutsara sa bibig niya ay naiisip ko na nasa harap ko siya at sinusubo ang— P*****a!!! Bakit ba kung ano-ano ang nasa isip ko dahil lang nakatingin ako sa kagandahan ng babae sa harap ko? At bakit ba hindi ko magawang magsawa sa babaeng ito? May kung anong virus yata ang dumapo sa akin. Nang kausapin ko na siya at sabihin na sa Oriental Mindoro pa kami pupunta dahil nandoon ang yate ko ay tumango lang siya. Now she is back on being the listener and submissive type, samantalang kanina ay nagawa niya akong utuin. She is dangerous kapag gumagana ang utak niya. “This is my first wedding, Freya. I wanna make this memorable,” I said a
FREYA Nang magising ako ay nasa cabin na ako sa yate nakahiga. Agad akong bumangon at hinanap si Alguien. Bigla kong naisip ang mga sinabi ko sa kaniya kanina sa mansion. Huminga ako ng malalim nang maisip na nagawa kong sagot-sagutin siya. Pero kasalanan naman niya… lagi na lang niyang pinapamukha sa akin na parang dapat ako magpasalamat na… na gusto niya ako. Bakit kailangan gano’n? Kung gusto niya ako ay gusto niya ako. Hindi na sana iparamdam pa sa akin na parang ang baba ng pagkatao ko kaya sigurado siyang sa susunod ay magsasawa na rin siya sa akin. Ang hindi ko rin kasi maintindihan sa sarili ko ay bakit ako nasasaktan sa ginagawa niya? Noong una naman ay gusto ko pang tumakas kasi nakakatakot siya. Bakit isang buwan mahigit lang ay parang iba na ang kinakatakutan ko? Ikinakatakot ko ang isipin na isang araw iba na ang gusto niya. Nang maramdaman ko ang mahinang paggalaw ng yate dahil sa alon ay saka ko naalala na kasal pala namin kaya ako nandito ngayon. Ano ba ang nang
ALGUIEN “Ready?” tanong sa akin ni Matthias na natatawa. “Ready ka na ba maging married man, Alguien?” segunda naman ni Nikias at sabay pa silang nagtawanang magkapatid. “Que estupidos…” usal ko na lang sa dalawa na pinagtatawanan ako at saka ako lumabas ng cabin kung saan ako nagbihis. Iniwan ko si Freya kanina sa cabin ko sa yate na ito, ang cabin kung saan ako galing ay ang cabin na nakalaan para sa kapitan ng yate. Bumalik ang isip ko sa mga pinagsasabi ni Freya kanina nang nasa helicopter pa kami. Lengguwahe na hindi ko akalain na alam niya. Hirap nga siya mag-English pero alam niya magsalita gamit ang lenggwaheng iyon. Nakakapagtaka. “Nag-aalangan ka na ba?” natawang tanong ni Nikias dahil tahimik lang ako habang naglalakad palabas. Sumunod na rin pala silang magkapatid sa paglabas ko. Napailing ako bilang tugon sa tanong niya. Hindi ako nag-aalangan, iba ang iniisip ko. “Do you have some associate that can speak European languages?” bigla kong natanong sa kanilang da
FREYA Natatakpan ako nina Willow at Carmen kaya hindi ko makita si Alguien. Napatingin na lang ako sa hawak kong bouquet na puro puting rosas ang naroon. Nilingon ko ang paligid at ilang sandali na lang ay tuluyan nang lulubog ang araw. Ang simpleng preparasyon sa kasal ay hindi simple para sa akin. Nakikita ko ang effort ng kung sino man. Mula sa naglagay ng mga ilaw sa palibot na railings ng yate, na kahit may liwanag pa ay nakahanda na. Sa mga nag-ayos ng mesa at mga upuan. Nakita ko rin ang tatlong teenager na kung sino man sila ay baka mga kasama ng judge na nakita ko kanina na nasa may gitna at naghihintay yata na magsimula na kami. Walang simple sa tingin ko kasi pinaghandaan pa rin ng mga tao ni Alguien. “Ang saya ko talaga para sa’yo, Freya…” muling ulit ni Carmen sa akin ng mga salita. “Is it okay if I say na masaya rin ako para kay Alguien?” tanong ni Willow sa amin ni Carmen na ikinangiti ko na lang. Ayaw ko na dagdagan, mas mabuting walang alam si Carmen sa kakai
ALGUIEN I smiled warmly seeing Freya talking to Carmen. Nakikita ko na ibinibigay niya sa kaibigan ang bouquet niya. Some traditional stuff like giving it to someone you want to get married next. I was standing there when Rogelio gets near me and told me something. Tumango na lang ako at kinuha ang phone ko na hawak ni Rogelio. I went down to lower deck at doon ko tatawagan si papa. Iyon ang sabi ni Rogelio, na hinihintay ni papa ang tawag ko. “Alguien…” my father instantly answered my call. Mukhang mainit talaga ang ulo kagaya ng sinabi ni Rogelio sa akin. “Hola, Papá…” “What did I hear, Alguien?” “Que?” “You are marrying a peasant! Hijo de puta! You should stop that craziness before I get back there! Hindi ko pinamana ang lahat sa ‘yo para lang ibahagi mo sa babaeng ipinambayad atraso lang!” M!erda… Mukhang si Sheena na ang nagsabi kay papa ng tungkol kay Freya. Detalyado pa nga ang pagkakakuwento. Magaling na babae! “Are you listening?! Que estupido, Alguien! I raised you t
FREYA Ilang buwan na rin ang lumipas pagkatapos ng kasal namin at malaki na ang tiyan ko. Eight months na ang baby ko at tama si Alguien, lalaki ang anak namin. Pagkatapos ng kasal ay hindi kami bumalik ng mansion niya. Dinala niya ako rito sa Salvacion. Pinasamahan na rin niya ako kina Carmen at Rogelio. Hindi ko alam kung ano ang plano niya pero hindi na ako nagtanong. Alam ko na ang dahilan, ang papa niya na base sa narinig ko ay ayaw sa akin. Hindi ko alam kung kaninong bahay itong tinuluyan namin pero sabi ni Rogelio ay binili ni Alguien para tirahan namin dito. Nang gabing iyon, matapos kong marinig ang pakikipagtalo ni Alguien sa ama niya, ay umakyat na ako sa upper deck ng yate. Nagkunwa na lang akong masaya para hindi masira ang mood ng lahat. Sinadya ko ang mga kabataan, na kumanta sa kasal, lapitan para kausapin ko muna. Kung sina Willow o Carmen ay baka maiyak lang ako sa lungkot ko dahil hindi ako matatanggap ni Don Raymundo. Iyon naman kasi ang iniisip ko dati pa. N