HUMUGOT muna ng malalim na hangin si Agatha saka binagtas ang eskinita papasok sa looban. Ang kahabaan ng Agapita Street sa Valenzuela ay may napakalaking bahagi ng kabataan niya noon. Dito siya madalas habulin ng pamalo ng kaniyang inay kapag pinauuwi ng tanghali. Sa pasikot-sikot ng bawat sulok ng eskinita siya madalas maglaro at tumambay kasama ng mga kababatang naging palaboy din sa lansangan sa murang edad. "Hoy Agatha! Napasyal ka ah!" Bati ng kapitbahay nila na si Mang Temyong. "Papasyalan ko ang itay," sagot ni Agatha, saka hinagisan ito ng stick ng yosi. "Nakaraket ka ba? Mukhang maayos na ang buhay mo ah!" "Malapit na!" sagot niya saka nagpatuloy sa paghakbang. Walang ipinagbago ang looban kung saan siya lumaki. Dikit-dikit at tagpi-tagpi pa rin ang mga bahay ng mga nakatira. Nagkalat ang mga batang nanlilimahid habang ang mga nanay nasa umpukan at abala sa pakikipagtsismisan. May iilan na alak naman ang inaatupag. Pangkaraniwan na sa Agapita ang senario na iyon. "Inay!
"SALAMAT Sir Khev ha," Nakangiting saad ni Agatha. Nilapitan ito ng dalaga na umiinom sa mini-bar.Bahagya lang siya nitong sinulyapan saka nagpatuloy sa pag-inom."Sir Khev, sabi ko thank you." ulit ni Agatha. Muli itong nilingon ni Khevin saka napailing. Kukulitin na naman ba siya nito?"Okey na Agatha, sige na iwan mo na 'ko." Kahit hindi niya pa tiyak kung bakit ito nagpapasalamat. "Ayaw mo ng kasama Sir Khev? Masarap akong ka-bonding." tudyo ni Agatha rito. Napailing si Khevin, makulit na nga malandi pa."Agatha please... Leave me alone!" asik niya rito. Natigilan si Agatha saka ngumiti. "May pinagdadaanan ka Sir?" Napabilis ang pag-inom ni Khevin ng alak. Hinding-hindi siya mananalo sa isang Agatha. "Alright, samahan mo na lang ako." talunang saad niya na ikinangiti ng dalaga. Komportable na itong umupo malapit sa kinauupuan ni Khevin. Himalang 'di na ito tila nandidiri sa kaniya."Kwento ka na," feeling tropa na wika ni Agatha. Nangalumbaba pa ito na tila handa ng makinig
"Arayyy! T*ng-ina!" sigaw ni Agatha. Napabilis ang paghakbang ni Khevin papasok ng silid. "Anong nangyari?" Tanong ni Khevin sa dalaga, nakasalampak ito sa floor ng bathroom at napapangiwi. "Nadulas ako Sir," ani Agatha habang hinahaplos ang paa. Napailing si Khevin, ang lampa talaga ni Agatha. "Tatawagan ko si Mang Emil," "Sir naman, mamamatay na ako ipapa-rescue mo pa talaga ako sa driver?" Umingos si Agatha na naluluha. "Huwag kang over-acting. Sprain lang 'yan Agatha hindi cancer," "Eh, tulungan mo na ako Sir Khev." hirit ng dalaga.Kumunot ang noo ni Khevin, inuutusan ba siya nito?"Hintayin mo si Mang Emil, ipapabuhat kita." Akmang tatalikod na si Khevin para iwan ito."Sir Khev, masaaaakittt nga!" tili ni Agatha. Inis na tiningnan ito ni Khevin. "Huwag kang mag-inarte, Agatha-" "Bakit mo ako natitiis Sir Khev?" Nagpahid ng luha si Agatha. Natigilan si Khevin, ngayon naman may paiyak-iyak pa. Talaga ba? At kung bakit naaawa naman siya rito? Napilitan siyang lapitan ito
"UMUWI?!" Nagsalubong ang kilay ni Khevin, inaasahan niyang madadatnan si Agatha pag-uwi ng Mansyon ngunit nagday-off daw ito. "M-masama raw po ang pakiramdam, Sir Khev." sagot ni Aling Lydia. "Bakit hindi n'yo dinala ng ospital?" Alam niyang doble ang sakit na nararamdaman ngayon ni Agatha. Iniinda nito ang sprain sa paa at ang pagitan ng mga hita. Nakadama siya ng awa para sa dalaga. Kagagawan niya ang huli. "Ipasundo kay Mang Emil si Agatha, ngayon din." Mariing utos niya, lihim na napangiti ang mayordoma. Hindi siya manhid para hindi maramdaman na nagkakaroon na ng special na damdamin ang boss niya kay Agatha. "S-sige po, Sir Khev-" Nawalan na ng ganang kumain si Khevin, sa halip ay umakyat na lang sa silid upang magpahinga. Hindi siya sanay na hindi nakikita ang dalaga. Dama niya na nagiging bahagi na ito ng buhay niya.Napabuntong-hininga ang binata nang mapagmasdan ang kamang saksi kung paano niya natuklasan na birhen si Agatha. Ginulo na nito ang utak niya, pero bakit til
"SURPRISE!" Bungad ni Cassey sa boyfriend na natigilan.Ang pagdating ni Cassandra tila katapusan na rin ng pangarap ni Agatha. "Sweetie! Hindi mo man lang ba ako namiss?" Prim & proper, at social ang bawat galaw ni Cassey, kabaligtaran ito ni Agatha. Magkaiba rin ang taglay nilang ganda. Humugot ng malalim na hangin si Khevin, naikukumpara niya ang girlfriend niya sa babaeng nagmula sa club. Pero bakit mas nagugustuhan niya ang ugali at personalidad ni Agatha sa kabila ng pagkatao nito?"Hindi ka nagpasabi na darating ka-" Matamlay niyang sagot. Walang makapang tuwa sa damdamin ang binata. Ang ngiting ibinigay niya rito, udyok ng pagiging boyfriend na ayaw masaktan ang kasintahan."Kasi nga gusto kitang i-surprise sweetie." Yumakap na si Cassey sa binata saka mabilis na hinalikan sa labi ang binata. Eksenang bumungad at nadatnan ni Agatha. Pero sa halip na masaktan, matamis na ngumiti ang dalaga. Napatingin rito si Khevin. Palihim na nadismaya sa reaksyon ni Agatha. Mas gugustuhin n
"HAYAAN mo na sa ibang katulong 'yan Agatha, magpahinga ka na lang sa kwarto." utos ni Aling Lydia. "Kaya ko naman ho," Mabigat sa loob na sagot ni Agatha. Isa siyang palaban, pero bakit tila nanlalambot sa nasaksihan? Si Cassey lang ba ang titibag ng tatag niya? Hindi! Magiging akin si Khevin. Sigaw ng bahagi ng ambisyosa niyang utak. Napabuntong-hininga si Aling Lydia, saka matamang tinitigan si Agatha. "Agatha, minsan kailangan nating tanggapin ang masakit na katotohanan. Sige na, magpahinga ka na." Dama ng mayordoma na may damdamin na ang dalaga sa binatang boss. Aminin man ni Agatha o hindi, tila ang kilig na nararamdaman nito para sa gwapong CEO, nahuhulog na sa pag-ibig. Natigilan si Agatha, sa kauna-unahang pagkakataon gusto niyang makinig sa ibang tao. Mukhang hindi niya nga kakayaning makita si Khevin na kasama si Cassey. Nakakapanghina ang taglay na kagandahan ng girlfriend ni Khevin. Dyosa din kasi! Tarag*s!Sa silid na ibinuhos ni Agatha ang emosyon. Ang pagpatak ng pin
"KASAL?!" ani Khevin na nakatitig kay Agatha saka nagkibit-balikat na napailing. "Sir Khev, p'ano kung magbunga ang nangyari sa'tin?" Handa si Agatha sa rejection, sanay siyang ayawan at tanggihan pero bakit pakiramdam niya hindi sa pagkakataong ito? "Hindi basta nabubuo ang bata ng isang beses lang maliban na lang kung-" napahinto sa pagsasalita si Khevin, alam niya namang posible din naman iyon. Pero sa consequences, handa ba siya? Magiging katawa-tawa siya sa lipunang kinabibilangan."S-sir Khev-" "Agatha, huwag kang mag overthink, hindi ka pa naman buntis " "Paano nga kung mabuntis ako?" tinatantiya ni Agatha ang kaharap. Humugot muna ng malalim na hangin si Khevin saka muling nagsalita. "Hindi ko pababayaan ang bata pero hindi kita maaaring pakasalan, Agatha." Mabilis na rumehistro ang kirot sa dibdib ni Agatha. Tarag*s! Bakit ang sakit? Hindi kasali sa plano niya ang masaktan. "Agatha, may girlfriend ako. At 'yung agwat at pagitan ng estado natin sa buhay-" Napahinto sa pa
"Nas'an tayo, Mang Emil?" Umikot ang paningin ni Agatha sa paligid na pinuntahan nila. Isang semi-bungalow na nakatayo sa gitna ng malawak na bakuran, nagtataasan din ang iba't ibang punong-kahoy at tanaw sa di kalayuan ang malawak na karagatan. Nanunuot na sa kalamnan ng dalaga ang lamig ng simoy ng hangin, nayakap niya ang sarile. Napakalayo ng paligid sa kinalakihan niyang squatters area. Walang nakakasulasok na amoy ng sigarilyo at amoy ng pusali. Walang tambay, malayo sa buhay na kinagisnan niya. "Nasa resthouse ka ng mga Tolentino." Sagot ng driver habang ibinababa ang ilang gamit ng Boss mula s compartment ng kotse Namilog ang mga mata ni Agatha na napatingin kay Khevin. "Bakit tayo nandito? Ibabahay mo na ba ako?" "Ibabahay?" naiiling na naglakad na si Khevin, sinabayan ni Agatha ang paghakbang nito. "Bakit nga tayo nandito?" Pangungulit ni Agatha."Gusto ko lang magpahinga," sagot ng binata. "For five-days." "Sir Khev naman, baka naman bumaho na ako niyan ni hindi ako na
SA LIKOD ng mga ngiti ng mga taong naroon ay alam ni Agatha, na sabik ang lahat na malaman ang balitang kaniyang iaanunsyo. Tanaw niya ang kabuuan ng malawak na bakuran ng mansyon, matamang nag-aabang ang lahat. Pagkalipas ng ilang buwan na namuhay na may tensyon ang mga taga Villa Agatha, tila ngayon pa lang magkakaroon ng kapanatagan."Una, gusto kong magpasalamat sa lahat. Dahil ano man ang nangyari ay pinili n'yong manatili-" huminto sa pagsasalita si Agatha saka nilingon ang asawa na tumango bilang suporta. "Hindi lingid sainyo na nais kong ibigay ang karapatan sa hacienda sa maybahay at orihinal na asawa ng aking Papa." Nagkatinginan ang lahat, batid na nila iyon at alam nilang hindi makabubuti sa pamamalakad sa Villa Agatha. Samu't saring alalahanin dahil kilala nila na matapobre ang dating asawa ni Don Seve."Ngunit bago pa mangyari iyon ay napag-alaman naming kamakailan lang ay namayapa na ang tunay na asawa ng Papa na nasa ibang bansa dahil sa kaniyang sakit at ikinalulung
BU MUNGAD kina Agatha at Khevin ang seryosong mukha ni Attorney Ismael Morales, napatingin si Agatha kay Tristan na makahulugang tumango. "May kailangan ka, Attorney?" Hindi niya maintindihan kung bakit pinapasok pa ito ng pinsan. "Gusto kong i-atras mo ang kasong isinampa mo sa'kin." utos nito." Tiningnan ni Agatha ang asawa saka napailing. "Bakit ko gagawin 'yun? Pagkatapos ng pagtatraydor mo sa Papa, sa akin at sa pagsira mo sa tiwalang ibinigay sa'yo sa mahabang panahon. "Agatha, akala ko ba matalino ka." Kumunot ang noo ni Agatha. "Anong ibig mong sabihin?" "Hindi ako nagsiserbisyo sa ama mo para sa wala."ani Attorney na napangisi. "Bayad ka, walang libre sa serbisyo mo." Gigil na saad ni Agatha." "Kinukuha ko lang ang para sa kapatid ko, pero walang itinira si Sylvestre dahil ibinigay lahat sa'yo!" Dinuro nito ang heredera. Napatiim-bagang si Khevin, gusto niyang durugin ang pagmumukha nito, hindi niya kayang tingnan lang na basta na lang dinuduro ang a
HINDI napigilan ni Agatha ang mahinang pagnulas ng halinghing. Sino naman ang hindi mapapaungol sa sarap na dulot ng labi ng kaniyang asawa? Napapaliyad na siya, namamasa na ang ibabang bahagi na nasa pagitan ng kaniyang mga hita. Walang kasing-sarap ang bawat pagdampi ng labi ni Khevin sa kaniyang balat. Mula sa paghalik sa labi niya ay bumababa ang paghalik nito sa kaniyang dibdib. Kapwa sila hubo't hubad. Dama nila ang pagkasabik sa isa't isa, mas masarap palang lasapin ang ritwal ng pag-iisa ng kanilang katawan kapag legal kayong mag-asawa. "ohhhh!" kagat-labi na napasabunot siya sa buhok ng asawa, awtomatikong umangat ang hubad na katawan ng dumampi ang labi nito sa k*pay niya na naglalawa na sa katas. Sheeetttt! Walang nagbago sa galing ni Khevin sa kama. Sinisimsim nito ang katas na walang patid sa pagdaloy. Napapamura na at napapaliyad na si Agatha. Ang sarap! Nilalaro ng dila nito maging ang kaloob-looban ng kaniyang k*pyas. Napatingala si Agatha sa kisame ng silid, napapat
"Lumalala ang tensyon, para naman akong Presidente na gustong iimpeach ng taong-bayan." Himutok ni Agatha habang nakatingin sa mga magsasaka na kasalukuyang nagpapahinga sa malawak at malaking sala ng mansyon. Okupado din ng mga ito ang mga silid na naroon."Nasa labas na sina General William Debandina, Agatha." saad ni Tristan. Sumilip sa glass-wall si Agatha na natatabingan ng makapal na kurtina. Nanlaki ang mga mata ng heredera. Talaga ba? May mga tangke de gera pa? "Tris naman," naiiling na naupo siya sa sofa. "Inaayos lang nila ang hidwaan sa pagitan n'yo para hindi na umabot sa gulo at hindi na maulit ang pagpapasabog sa hacienda para sa seguridad ng Villa Agatha.""Next week na ang kasal ko," naiiling na saad ng heredera na napatingin sa nobyo."Naayos ko na ang lahat, Hon. Wala ka ng dapat ipag-alala. Magpapakasal tayo dito mismo sa mansyon." Sabad ni Khevin. "Hindi nga lang makakadalo ang pamilya ko pero sasaksihan nila thru live-video streaming." Tumango si Agatha, churc
MAGKAHAWAK-KAMAY na pinagmamasdan nina Khevin at Agatha ang mga tauhan at magsasaka ng Villa Agatha. Abala ngunit bakas sa mga mukha ang hindi matatawarang tuwa at saya. Pagkalipas ng isang linggo ay muling isinagawa ang salu-salo sa hacienda, nakalatag ang dahon ng saging sa mahahabang lamesa na may iba't ibang nakahaing masasarap na pagkain, pangunahin ang seafoods at lechon. Sobra-sobrang pagkain para sa lahat, at iyon naman ang nais ni Agatha ang mabusog at makapag-uwi pa ang mga ito ng pagkain sa mga tahanan nito. Mapasaya ang lahat tulad ng legacy na iniwan ng kaniyang ama. Tama ang kaniyang Papa, masarap sa pakiramdam na ibinabalik mo ang kabutihan sa mga taong naglilingkod sa'yo ng tapat, nasa di-kalayuan si Kheanne kasama nito ang lola at tita Alexis nito at ng dalawang yaya kasama si Ligaya na hindi niya na pinabalik pa ng Club, binayaran niya ang pagkakautang nito sa club na pinagtatrabahuan nito. Hinango niya ito mula sa lusak na kinasasadlakan. Marami pa siyang babaguhin s
ABALA ang buong Villa Agatha, lahat ay eksayted sa formal announcement ng nalalapit na pagpapakasal ng unica hija ng namayapang si Don Sylvestre. "Hinihintay ka na sa ibaba," ani Tristan sa pinsan na lalong gumanda sa espesyal na gabing iyon. Nginitian ni Agatha ang pinsan. "Kapag may asawa ka na, wala na din ba akong trabaho?" Biro ni Tristan. "Hindi mo naman kailangang magtrabaho dahil marami ka namang pera sa bangko, pero magtatrabaho ka pa rin naman sa'kin habang-buhay dahil paborito mo akong pinsan." Iningusan ni Agatha ang binata na natawa na lang. "Talaga?" Nakangiting saad ni Tristan. "Mahal mo ako at magiging hipag mo na din," tudyo ni Agatha na ikinaasim ng facial expression ng binata, napahalakhak si Agatha. Umpisa pa lang ng pagkikita nina Alexis at Tristan ay naiirita na kasi ang binata rito at kinikilig siya sa mga ito. Bagay ang dalawa, idagdag pang boto siya sa pinsan para sa kapatid. Dumarami na ang mga bisita, maging ang pamilya ni Khevin ay kanina pa hinihint
"Señorita-" tinig ng katulong ni Agatha.Lumingon si Agatha saka napaawang ang bibig, sorpresa ngang matatawag dahil parang malalalaglag ang panga niya sa pagkagulat. Maliban sa isa sa mga katulong niya sa mansyon ay may hindi siya inaasahang makita. "Aling Lydia!?" bulalas ni Agatha. Napatingin si Agatha sa fiancee na si Khevin, nakalutang ang dimples nito mula sa pagkakangiti. "Khev-""Pinapunta ko si Aling Lydia para saksihan ang engagement party natin." Napangiti si Agatha. Awtomatikong lumapit sa mayordoma saka niyakap ito. Wala siyang nakikitang dahilan para hindi na magpakatotoo sa katiwala ng mansyon ni Khevin na noon pa man ay hindi naman siya itinuring na ibang tao. Ang isa sa mga naging saksi sa nabuong pagmamahalan nila ng daddy ni Kheanne noong nagsisilbi pa lang siya sa binata bilang katulong."Miss Agatha," nakangiti ang mayordoma na nagpahid ng luha. "Agatha na lang ho," nakangiting saad ng heredera. "Kayo talaga ang itinadhana ni Sir Khev. Natutuwa ako para sain
"Ibibigay mo ng ganon kadali?!" inis na tumayo si Tristan saka napailing. Nagkatinginan naman sina Khevin at Agatha. "Tris, may karapatan siya. Anak din siya ni Lolo Sylverio." "Agatha, walang duda 'dun. Pero sa tunay na motibo hindi ka makakasiguro na may mabuti siyang layunin sa hacienda." Kumunot ang noo ni Agatha. "May punto si Tristan, Babe." sabad ni Khevin. "Pag-aralan mong mabuti ang sitwasyon." "Ang gusto ko lang mapunta sa Tita Crisanta ang nararapat." paninindigan ni Agatha. Umiling si Tristan saka sarkastikong napangiti. "Ni hindi mo pa nga nakakausap ang ina ni Christoff, maghaharap pa lang kayo." Natigilan si Agatha, pinag-isipan niya na rin naman ang desisyon niya at gusto niyang malaman kung bakit interesado ang anak nito sa kalahati ng hacienda? "Hindi mo malalagay sa bitag ang isang matalinong gaya ni Christoff," opinyon ni Tristan. Tumango si Khevin. "Babe, tama si Tristan. Kapag ibinigay mo ng ganon kadali sa Tamayo ang karapatan nila posib
SAKAY ng Land Cruiser na binagtas nina Agatha ang kahabaan ng daan patungo sa karatig-hacienda, kasunod nila ang sasakyan ng mga tauhan ni Agatha. Mapanganib ngunit kailangan nilang harapin si Christoff, linawin at ilatag ang katotohanan para sa kapayapaan sa pagitan nila ng binatang naghahanap ng katarungan sa mali nitong paraan."Maligayang pagbisita, Miss Agatha!" maluwang ang pagkakangiti na bungad ni Christoff. Ang suot nitong black-suit at black leather pants ay dumagdag lang sa angas ng pagkatao nito. Tila isang gwapong Mafia ang binata na may hatid na panganib sa bawat makakaharap. "Paumanhin, Mr. Tamayo. Gusto lang kitang makausap ng sarilinan," seryoso at may diing saad ni Agatha. Sarkastikong ngumiti si Christoff saka binalingan ang mga tauhan na lumabas upang mapagsolo sila ni Agatha. Sumenyas lang sa pamamagitan ng tingin si Agatha sa mga kasama kaya nanatili sa labas ng veranda sina Tristan at Khevin at iba pang mga tauhan nito. Iminuwestra ni Christoff ang isang upua