CHAPTER 2
“BIGYAN mo nga ako ng pinakamatapang na inumin niyo rito!” anas ni Syler sabay lagok ng hawak niyang baso na puno ng alak.
Napakamot sa ulo ang bartender na nagse-serve ng drinks sa kanya. “Ma’am, pasensya na pero iyan na po kasi ang pinakamatapang na drinks namin.”
Humigpit ang hawak niya sa baso habang nanggigigil at pinanlakihan niya ito ng mata. “Ano pa’ng silbi ng pagiging bartender mo kung hindi ka naman marunong mag-imbento?!” singhal niya na ikinagulat nito at halatang natakot. “Hala, sige, igawa mo ako! Magbabayad naman ako!”
Sunod-sunod ang naging pagtango nito at mukhang namutla pa dahil sa pagtaas ng boses niya. “Sige po, Ma’am.”
Hindi niya gustong ibunton dito ang inis na nararamdaman niya. Hindi lang talaga niya mapigilan ang sarili.
Muli niyang binalingan ang bagong salin na alak sa kanyang baso at pinanliitan ito ng mata na para bang ito ang kaaway niya. Nandito siya ngayon sa Centre Bar sa Mandaluyong at nagpapakalunod sa alak kahit hindi naman talaga siya marunong uminom. Ito nga ang unang beses na pumunta siya sa lugar na ito.
“Hayop ka... walanghiya ka... herodes ka,” nanggagalaiting bulong niya.
Mainit ang ulo niya ngayon. Sobrang init. Ang hudas kasi na boyfriend niya ay may ibang babae pala. Ang herodes na iyon! Ipinakita pa talaga ang pakikipaglampungan nito sa iba.
Ngayon lang nawasak ang puso niya at hindi siya papayag na ibinasura lang siya nito nang gano’n gano’n lang. Hindi siya papayag na hindi siya makakaganti.
Humanda ka sa’king hinayupak ka! Lintik lang ang walang ganti! Mata mo lang ang walang latay! hiyaw niya sa isip.
Inisang lagok niya ang basong may lamang alak at mabilis na gumuhit ang pait nito sa kanyang lalamunan. Halos mabasag ito nang bigla niya itong ibagsak sa counter. Napangiti siya nang mapait nang bumalik sa kanyang gunita ang tagpong nagpadurog ng puso niya.
Hindi alam ni Syler kung bakit hindi na niya ma-contact ang nobyo niyang si Leinard kahit tinext niya ito na nasa Mall of Asia siya. Kanina pa siya paikot-ikot pero hindi niya ito makita. Isang linggo na ang nakaraan mula nang huli niya itong nakita, matapos itong humiram sa kanya ng fifty thousand pesos para ipambayad daw sa pinagkakautangan nito. Hindi iyon ang unang beses na nangutang ang nobyo niya sa kanya. Noong una ay one hundred thousand at nasundan pa ito ng fifty thousand ulit. Ipon niya iyon pero nangako naman ito na babayaran din siya kaya hindi siya nagdalawang isip na pahiramin ito.
Lubos lang talaga siyang nagtataka kung bakit kapag bagong sapatos, damit, relo at cellphone ay may pambili naman ito, pero inuutangan pa rin siya. Naisip niya na baka gipit talaga ang kanyang nobyo ngayon. Ayaw din naman niya kung sa iba pa ito manghihiram ng pera kung puwede naman siya nitong lapitan.
Sinubukan niyang tawagan ito pero nakapatay naman ang cellphone nito. Luminga-linga siya sa paligid upang hanapin si Leinard at baka papunta na ito, nalowbat lang siguro kaya hindi masagot ang text at tawag niya.
Nasaan na ba kasi siya? Inuugat na ako rito kahihintay!
"Nasaan ba ang lalaking..."
Hindi na natapos ni Syler ang kanyang sasabihin nang mamataan ‘di kalayuan ang lalaking sobrang pamilyar sa kanya. Huminto sa pagtibok ang puso niya nang makilala niyang si Leinard nga ang lalaking iyon pero hindi ito nag-iisa dahil may kasama itong ibang babae na kinulang sa tela ang damit.
Pakiramdam niya ay unti-unting gumuguho ang kanyang mundo kasabay nang pagkawasak ng kanyang puso sa tagpong nakita niya. Nakaupo ang mga ito sa labas ng isang mamahalin na restaurant at naka-lean si Leinard sa lamesa’t hinahalikan nito ang babae sa labi.
Huminga siya ng malalim upang pigilin ang pagbuhos ng nagbabadya niyang luha.
Mga walang hiya! Ang kakapal ng mukha! Nasa public place sila’t pinagtitinginan pero kung magtukuan sila gano’n gano’n na lang! Para bang wala silang pakialam sa paligid! Balak pa yata nilang gawing motel ang restaurant na ‘yon! singhal niya sa isip.
Unti-unti siyang naglakad palapit sa mga ito habang nakakuyom ang nakatagong kamao. Nanginginig at kumakabog nang husto ang dibdib niya sa sobrang galit. Hindi niya alam kung may kakayahan pa ba siyang kontrolin ang emosyon niya ngayon. Masyado na siyang nilulukob ng matinding galit.
“Hi!” Pinilit niyang ngumiti kahit sa loob loob niya ay gusto na niyang sakalin agad ang herodes niyang nobyo.
Nagulat si Leinard nang mag-angat ito ng tingin at nakita siya. “Syler?” Bigla itong namutla at para bang nakakita ito ng multo habang nakatitig sa kanya.
“Yes.” She smirked, trying to hide the pain. “So, kamusta naman ang date niyo?”
“Babe, who is she?” biglang tanong ng haliparot na kasama ng herodes niyang nobyo.
“Me?” Tinuro niya pa ang kanyang sarili habang pinanlalakihan ito ng mata. Naramdaman niyang lahat ng dugo niya ay nasa ulo na niya ngayon. “For your information, I’m his—”
“Oh, Leinard, darling! You didn’t tell me you hired a new maid,” putol nito sa sasabihin niya na sinabayan pa nang esksaheradang pag-ikot ng mga mata.
Napahinto siya. Namilog ang kanyang mata. Mas lalong kumulo ang kanyang dugo. Sa isang iglap nagdilim ang paningin niya at sinugod ito ng sabunot.
“Haliparot ka! Hindi niya ako katulong! Girlfriend niya ako! Girlfriend!” marahas na bulyaw niya bago ipinulupot nang husto sa isang kamay ang makapal nitong buhok.
“Ouch! Leinard! She’s hurting me!” hiyaw nito dahil kahit mas matangkad ito sa kanya ay hindi nito magawang lumaban.
Balak niya sana itong kalbuhin kung hindi lang siya pinigilan ni Leinard. Itinaboy nito ang dalawang kamay niya’t inayos ang buhok ng haliparot na babaeng iyon.
“Ano ba, Syler?! Bakit ka ba nananakit? Umalis ka na nga!” bulyaw nito na ikinagulat niya.
Natigilan siya. Parang pinalakol ang puso niya sa sinabi nito. “What?” Pinigilan niya ang sariling magalit dito. Na 'wag sumbatan ito. Iniisip niya ang pinagsamahan nila. Iniisip niya ang magagandang alaala nila.
No, Syler. Not here! bulong niya sa isip.
“Bakit... bakit mo ‘ko pinapaalis?”
He shook his head. Para bang bigla itong naubusan ng pasensya dahil sa ginawa niya sa babaeng kasama nito. “Tanga ka ba o nagtatanga-tangahan?”
She gulped loudly. Bumilis ang paghinga niya dahil puno ng sarkasmo ang tinig nito. Malayo sa lalaking inubusan niya ng oras, atensyon, pagmamahal at pera.
“Leinard...”
Hindi naman niya gustong saktan ang babaeng kasama nito. Naunahan lang talaga siya ng matinding galit dahil sa kanyang nasaksihan. Hindi siya mapanakit. Hindi lang talaga niya kayang kontrolin ang kanyang emosyon.
Napahilamos ito ng mukha. Halatang iritang-irita na. “Can’t you see or are you pretending to be blind? Damn it!” Parang kulog na yumanig sa pagkatao niya ang mura nito. “I’m tired of this fucking relationshit, Syler. I am breaking up with you.”
Natulala siya. Pilit na nilulunok ang mga salitang isinubo nito sa kanya. Unti-unting gumuhit ang isang ngiti na puno ng sarkasmo. “Ikaw pa talaga ang may lakas ng loob magsabi ng linya na ‘yan?” hindi makapaniwalang sambit niya. “Damn you, asshole!” she hissed.
Naramdaman na niya ang panlalamig nito pero hindi niya alam na aabot pa sila sa ganitong punto. May kutob na siya na ito talaga ang kahahantungan ng relasyon nila. Na maghihiwalay din sila pero hindi sa ganitong paraan. Masakit sa kanya dahil minahal niya ito nang totoo. And yes, she still love him despite of what he did. Napaka laking tanga.
Laking gulat niya nang ngumisi ito. “Sa simula pa lang naman, hindi na kita mahal,” amin nito na ikinaguho ng mundo niya. “Pera mo lang talaga ang habol ko sa ‘yo. Marami ka no’n, e. Ewan ko ba sa ‘yo kung bakit masyado kang tanga at uto-uto kaya hindi mo man lang napansin ‘yon— what the fuck!”
Bigla niya itong ginawaran nang isang napakalutong na sampal sa pisngi na nagpatalsik ng mukha nito. Bumakat pa nga ang palad niya.
“Manloloko kang herodes ka!”
Napasinghap ang babaeng kalampungan nito na kanina pa nakangisi ng mapang-asar sa kanya. “Oh my gosh! Why did you do that to him, bitch?!” bulyaw nito bago hinaplos ang pisngi ni Leinard na parang alalang-alala. “Darling, are you okay?”
“Bitch?” sambit niya habang nanlilisik ang kanyang dalawang mata. Naikuyom niya ang dalawang kamao. Ramdam na ramdam niya ang panginginig ng buong niyang katawan. Gusto niyang baklasin ang buto ng babaita na ito sa sobrang galit. “Ako pa ngayon ang bitch! Malandi ka! Haliparot! Mang-aagaw!”
Hindi na niya inalintana kung pagtinginan man sila ng mga tao sa mall, basta gusto niyang masaktan ito para mabawasan ang sakit na nadarama niya ngayon. Susugurin na niya sana ito kung hindi lang siya mabilis na itinulak ni Leinard. Muntikan na siyang matumba kung hindi lang siya napakapit sa isang upuan.
“Don’t hurt her!” bulyaw nito bago siya pinanlakihan ng mata. Natulala na lamang siya. “Ganyan ka ba kadesperada?!”
Mabilis siyang umiba ng tingin habang nadudurog ang kanyang puso.
Don’t cry infront of them, Syler Lim. Hindi ka mahina! aniya sa isip.
Lihim niyang pinakikiusapan ang kanyang mga luha na kanina pa nagbabadya. Ayaw niyang ipakita sa herodes na ito na nasasaktan siya. Hindi rin niya dapat iyakan ang ganitong klaseng lalaki. Hindi siya ganito kahina pagdating sa pag-ibig.
Nang mapigil niya ang kanyang luha ay pinagmasdan niya nang mabuti si Leinard.
“Bakit ganyan ka makatingin?”
“Napaisip lang ako.” Napakunot ang noo nito. Unti-unting namang kumurba ang labi niya habang nakatingin dito. “Alam mo noong nakilala kasi kita akala ko nabuksan na ‘yong third eye ko.”
Mas lalong nagsalubong ang kilay nito na parang walang maintindihan sa sinabi niya. “What are you talking about?”
She smiled, a bit. Lihim din siyang bumuwelo. “Huli na nang malaman ko na natural lang pala ang lamang lupa look mo!” she hissed and with all of her force, binigyan niya ito ng isang malakas na sipa sa “what hurts the most” ng mga lalaki.
“Oh fuck! Holy shit!” Nagtatalon ito sa sobrang sakit habang nagmumura at namimilipit. “Damn it!”
She smirked. “Bagay lang ‘yan sa ‘yo! Mabaog ka sana gago!”
Napansin niyang mas lalong dumadami ang nanunuod sa kanila. Iyong iba ay kinukuhanan pa sila ng litrato at video. Saka na lang niya iisipin ang kahihiyan na idudulot nito pagkatapos niyang gumanti.
Nabaling ang tingin niya sa haliparot na kasama ni Leinard. “Oh, my dear.” Mas lalo siyang napangisi nang makitang bigla itong natakot nang lumapit siya’t pasimpleng dinampot sa lamesa ang isang bote ng ketchup. “Ang putla mo na. Kulang ka sa blush-on at lipstick, kaya dadagdagan ko ha?” Bigla niyang binuhos sa pagmumukha nito ang ketchup na hawak niya.
Nanlaki ang mata nito at parang hindi makapaniwala sa ginawa niya. “What the hell! You ruined my Givenchy dress! Kabibili ko lang nito!” Tiningnan siya nito ng masama. Halos maiyak na. “You bitch!”
She rolled her eyes heavenwards. “Oh God. Jhee-von-shee not Gi-ven-chee. Social climber!” Napaawang ang labi nito sa sinabi niya. She smirked. “Pasalamat ka na lang hindi hot sauce ang nadampot ko!” Then she stormed out of the mall with so much pain and hatred.
CHAPTER 3SA NGAYON ay sapat na kay Sylerang ginagawa niya sa mga ito. Sa palagay niya naman ay nasira na niya ang reproductive system ng herodes niyang ex-boyfriend at madadala na rin ang haliparot na ‘yon!“Humanda ka,” bulong niya sa sarili. Hindi pa siya tapos. Ni hindi pa nga siya nagsisimula. Patikim pa lang iyon. Hindi siya makakapayag na binasura lang nito ang puso niya. Mas lalong hindi niya matanggap na ginawa pa talaga siya nitong sugar mommy. Ipapamukha niya sa herodes niyang ex-boyfriend kung ano’ng sinayang nito.Bumalik siya sa reyalidad at bumuntong hininga. Pinipilit niya ang sariling huwag na ulit umiyak. Hindi dapat pinag-aaksayan ng luha ang mga gano’ng klase ng lalaki. Hindi niya alam kung bakit masyadong mababaw ang luha niya.“I can’t believe I’m crying over someone like him. He’s not even worth a single tear from me!” Marahas niya
CHAPTER 4KINAUMAGAHAN ay masigla at magaan ang pakiramdam ni Syler pagmulat niya ng kanyang mata. Para bang ang tagal niyang hindi natulog at ngayon lang siya nakapagpahinga nang matagal. Ni ayaw na nga niyang bumangon pa mula sa pagkakahiga. Gustong-gusto niya ang lambot na kama na kanyang hinihigaan.Napangiti siya bago niyakap ang unan sa kanyang tabi. Naalala niyang nagpunta siya sa isang bar kagabi. “Buti na lang nakauwi pa ako.” Biglang kumunot ang kanyang noo. “Pa’no kaya nangyari ‘yon?”Unti-unting niyang inilibot sa kabuuan ng silid ang kanyang mata. Naalarma siya at biglang napabalikwas ng bangon nang mapansing hindi pamilyar ang lugar na kinaroroonan niya.Muli niyang hinagod ng tingin ang kabuuan ng silid na iyon. Halos manliit siya nang mapagtantong hindi talaga sa kanya ‘yon. Ibang kuwarto iyon. Base sa kulay at sa mga kagamitan na kanyang nakikita ay lalaki ang
CHAPTER 5NATIGILAN si Syler sa paghilamos ng kanyang mukha gamit ang dalawa niyang kamay nang mapansin na mas lalong gumuhit ang pilyong ngiti sa labi ni Rusty. Tiningnan niya ito nang pagkasama-sama. Hindi niya tuloy napigilang isipin na nagustuhan nito ang nangyari sa kanila dahil mukhang masaya pa ito, samantalang siya ay balisang-balisa na.“Nakukuha mo pa talagang ngumiti?” ‘di makapaniwalang bulalas niya.“Calm down, Sy.” Mas lalong tumalim ang tingin na binibigay niya rito. Hindi niya alam ang salitang kalma ngayon. “Kung sakali naman na may nabuo tayo, paninindigan kita,” kaswal lang na sambit nito. “Hindi kita tatakbuhan.”
CHAPTER 6“DO YOU work here?” gulat na bulalas ni Leinard nang makita siya nito sa loob ng building ng Vergara Holdings.“Welcome, Miss Lim,” nakangiting bati ng isang empleyado.“Thank you!” masayang sambit ni Syler.Nang muli siyang bumaling sa damuho niyang ex-boyfriend ay nginitian niya ito nang pagkatamis-tamis. Hinihiling niyang maumay ito. “Yes. Aren’t you happy to see me again? Hmm?” mapang-inis na tanong niya rito. “To be honest, no.”“Bitter,” nakangising sambit niya.Don’t waste your precious time, Syler.Ngayon ang unang araw ng trabaho niya bilang personal secretary ni Rusty tulad ng napagkasunduan nila. Lubos na ikinasaya ng ama ni Syler nang malaman na nagtatrabaho na ulit siya. Her father’s wish fulfilled. Mas lalo nitong ikinatuwa nang malaman na sa kompanya
CHAPTER 7NANG makapasok na si Syler sa opisina ni Rusty ay siya na mismo ang kumalas sa pagkakahawak nito sa kamay niya.“Bakit hindi mo sinabi na maaga ka pa lang makakauwi? Akala ko pa naman mga 9:00 pm ka pa darating.”Umangat nang konti ang gilid ng labi nito. “Kung sinabi ko ba sa ‘yo, susunduin mo ‘ko?”She rolled her eyes heavenwards. “Hindi ‘no!” He chuckled. Uminit tuloy ang kanyang pisngi. Wala naman talaga siyang balak na salubungin pa ito. “Pagkauwing-pagkauwi mo dito ka agad dumiretso. Sana nagpahinga ka na lang muna sa unit mo tutal half-day lang naman ngayon.”“Nangako ako sa &ls
CHAPTER 8“NEXT WEEK na ang deadline ng nobela mo, girl!” ani ng kaibigan ni Syler na si Riri sa kabilang linya. Tumawag ito upang mangamusta sa bago niyang trabaho. Madalang na rin kasi silang magkita dahil bihira na siyang makadaan sa publishing company kung saan ito nagtatrabaho.She was a writer as well. Tinagurian na nga itong best-selling writer ngayon. Patok na patok kasi sa masa ang mga nobelang ginagawa ng kanyang kaibigan. Hindi niya maitatangging epektibong manunulat ito dahil halos lahat ng genre ay gamay na nitong isulat. Lalo na ang romantic-comedy na masasabi niyang forte nito. Maging siya ay palaging nag-aabang sa mga nobela na isinusulat ng kanyang kaibigan.Samantalang siya ay romance na nga lang hirap na hirap pa. Masayang-masaya siya para kay Riri dahil kahit sikat na ito ay nananatili pa rin na nakasayad sa lupa ang mga paa nito. Para sa kanya ay karapat-dapat talagang bigyan ng gano’ng
CHAPTER 9BIGLANG hinatak ni Leinard ang kamay ng haliparot nitong girlfriend palayo kay Rusty.“Stay away from my girlfriend!” nanggagalaiting bulalas nito.Nakipagtagisan din nang titigan si Rusty kay Leinard na bakas ang pinipigilang galit sa mukha. Para bang ano mang oras ay magpapang-abot na sila.Naalala niyang alam na nga pala ni Leinard na si Rusty ang CEO ng Vergara Holdings. Hindi na siya nagulat na nalaman din nito agad pero may nakapagsabi sa kanya na hindi ito makapaniwala sa nalaman. Magbuhat nang nalaman nito iyon ay hindi man lang ito humingi ng despensa kay Rusty dahil sa pagiging walang modo nito. Para bang nagmamataas pa ang herodes. Ni hindi nga niya ito kinakakitaan ng takot sa tuwing magkakaharap ito pati na si Rusty. Malakas ang loob nito dahil malapit ito sa Daddy ni Rusty. Pakiramdam nga niya, kung hindi lang dahil gusto niyang gantihan ito nang paunti-unti ay matagal na itong tinan
CHAPTER 10PARANG gusto na lang lumubog ni Syler mula sa kinatatayuan nang makita si Rusty na nakatayo sa hamba ng pintuan habang mamatay-matay sa katatawa.“You’re gonna give me a heart attack!” singhal niya rito.Mas lalo pa itong natawa. He was wiping tears from his eyes when he finally calmed down. Tumindi pa tuloy ang pag-iinit ng kanyang buong mukha.“Kanina ka pa ba r’yan?”“Uh-huh.”Sinamaan niya ito ng tingin. Nakuha kasi nito ang isang susi ng condo unit niya at ayaw na ibalik. Iyon ang dahilan kung bakit malaya itong nakakalabas-masok sa unit niya. Nagtataka nga siya dahil ibinigay din nito ang spare key ng condo unit nito sa kanya kahit hindi naman niya hinihingi.“Hindi talaga uso sa ‘yo ang privacy ‘no?” sarkastikong saad niya bago ito inirapan.Hindi ito sumagot sa halip ay tinitigan lang
CHAPTER 33HANGGANG ngayon ay hindi pa rin alam ni Syler kung ano ba talagang nangyayari. Ramdam na ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso niya dahil sa matinding kaba.Biglang bumagal ang paghinga niya nang dalhin siya ni Rusty sa private pool at nakita niya ang magandang pagkakaayos ng buong lugar. Nahagip ng mata niya ang mga petals at balloons na nakalutang sa pool. Mayroon din pati na sa dinaraanan nila. May nagva-violin at may live pianist din. Ngunit ang nasa dulo no’n ang talagang umagaw ng buo niyang atensyon.Natameme siya na lang siya habang pinagmamasdan iyon. Hindi niya nagawang magsalita. Pakiramdam niya ay nalunok na niya ang kanyang dila. Hindi niya makapaniwala na naghanda ito ng isang candlelit dinner. Napaka-romantic ng ambiance ng buong lugar.“Tinulungan ka ni Daliam na gawin ito?” gulat na sambit niya.“Uh-huh. Tinulungan niya akong magplano para sorpresahin
CHAPTER 32NAISIPAN ni Syler na maglakad-lakad muna sa dalampasigan dahil hindi pa siya dinadalaw ng antok kahit halos hating gabi na. Napayakap na lang siya sa kanyang sarili nang umihip ang malamig na simoy ng hangin.Noong isang araw pa siya parang wala sa kanyang sarili at si Rusty ang palaging laman ng kanyang isip. Hindi niya maiwasan makadama ng lungkot dahil matapos ang nangyari sa bungee jumping adventure nila, matapos siya nitong halikan ulit ay bigla na lang itong nagpaalam para bumalik sa Maynila.Sinabi nitong marami pa raw itong kailangang asikasuhin na negosyo roon. Pero hindi niya maiwasang isipin na hindi lang talaga negosyo ang aasikasuhin nito. Marahil ay kasama na roon si Daliam. Marahil ay namimiss na nito ang babae kaya gusto na nito agad umuwi.Hindi niya maiwasang masaktan dahil pakiramdam niya ay pinapaasa lang siya ni Rusty. At hindi maiwasang mainis sa kanyang sarili kung bakit pa
CHAPTER 31NANLAMIG si Syler sa kanyang kinauupuan at hindi na nagawang magsalita pa. Ilang araw din niyang hindi nakita si Rusty mula noong dumating sila sa resort. Kahit kasi nandito ito ay mukhang negosyo pa rin ang pinagkakaabalahan. Mas mabuti na nga iyon para hindi sila nagkakalapit dalawa. Para mas lalo niya itong maiwasan. Para manahimik na rin ang puso niya.“Talaga? May boyfriend ka, Syler?” masiglang tanong ni Demmy.“Sino?” singit naman ni Laicy.She gulped loudly. “Si...” Napatingin siya sa mga co-writers niyang naghihintay rin ng kanyang sagot. Think, Syler! Think! “’Yong fictional character ko.” She smiled a bit. “Si... si Lantis,” she joked.Nagtinginan ang mga co-writers niya at bigla na lang nagtawanan ang mga ito. Nagloloko lang naman kasi talaga siya kanina na may boyfriend siya. Hindi naman niya alam na bigla pa lang sus
CHAPTER 30KANINA pa hindi mapakali si Syler sa loob ng sasakyan. Hindi niya alam kung paano siya kikilos nang maayos kasama si Rusty. She couldn’t look at him in the eyes without feeling a little awkward. Hindi na talaga niya maitago ang matinding pagkailang na nararamdaman niya.Paano ba naman kasi nang magising siya kanina ay labis siyang nagulat nang mapagtanto na magkayakap pala silang natulog buong kagabi. Sino’ng hindi mawiwindang doon? Bigla tuloy siyang humiwalay rito habang namumula ang buo niyang mukha. Maging ito ay halatang nagulat din dahil napunta sila sa gano’ng posisyon.Gaga ka talaga! kastigo niya sa sarili.Hinihiling nga niya na sana ay lasing na lang siya kagabi para hindi na niya maalala ngayon ang mga kagagahan na ginawa niya. Pero hindi iyon mangyayari dahil lahat ng ‘yon ay tandang-tanda niya talaga. Ultimo ang kaliit-liitang detalye ay alam niya. Lalo na ang m
CHAPTER 29“BAKIT nga pala hindi siya nakapunta sa book signing ko? Naalala ko lang na nag-comment siya sa isang post ko na pupunta raw siya.”“Nagkasakit daw bago ang book signing mo.” Saglit siyang nilingon ni Rustynang nakangiti bago ibinalik ang tingin sa daan. “Excited sigurong makita ka. Sabagay, hindi ko rin naman siya masisisi.”Ano’ng ibig niyang sabihin? usal niya sa isip.“May mga susunod pa naman akong book signing. Sana makapunta siya at magkita kami ulit. Pakisabi na lang na magpagaling siya at kinakamusta ko siya.”Muli itong napatingin sa kanya. Bigla siyang palunok dahil sa lantarang pagtitig nito sa kanya. “Ako ba, hindi mo man lang kakamustahin?”Napasinghap siya at mabilis na umiwas ng tingin. Hindi niya alam kung bakit halos lumundag palabas ang puso niya mula sa kanyang dibdib. Masyadong marahas ang pagkabog n
CHAPTER 28NAPATDA si Syler nang tanggalin nito ang suot na salamin dahil bumungad sa kanya ang mukha ng isang lalaki na hindi niya inaasahang makita rito. Sa lugar na ito. Sa pagkakataon pa na ito.Her eyes widened, literally. Halos tumigil sa pagtibok ang puso niya nang maglakad na ito palapit sa kanya.“Rusty?!” gulat na sambit niya. “What are you doing here?” ‘Di ba dapat nasa France pa rin siya hanggang ngayon?“Mukhang ako dapat ang nagtatanong niyan sa ‘yo. Ano’ng ginagawa mo sa lugar na ito?” balik tanong nito sa kanya.It had been eight months since she last saw him, pero kahit konti ay wala man lang itong pinagbago. Mas lalo pa nga itong gumwapo.Natauhan siya nang mapagtanto na nakatitig pala ito sa kanya. “Nasiraan kasi ako ng sasakyan at hinihintay ko ‘yong magsusundo sa ‘kin papunta sa isang beach resort,” si
CHAPTER 27WALANG tigil sa pagtunong ang cellphone ni Syler, ngunit hindi niya magawang sagutin iyon dahil kasalukuyan siyang abala sa nagmamaneho.Napabuntong hininga na lamang siya nang hindi pa rin tumitigil iyon. Alam naman niyang ang mala-armalite na boses ni Riri ang sasalubong sa kanya. Isuot na lang niya ang earphone sa isang tainga at kaagad na sinagot iyon.“Oo na, Riri. On the way na nga ako—” Natigilan siya nang mapagtanto na hindi si Riri ang nasa kabilang linya, kundi si Miss Villor Lee. “Hello, Miss V? Uhm, yes. Ako po ito. Pasensya na po. Akala ko po kasi si Riri ang tumatawag.”Natawa na lamang ito nang bahagya. “I’m sorry, Syler. Naistorbo ba kita?”“Hindi naman po, Miss V.”“Alam kong nasa vacation mode ka na rin ngayon. Pero gusto ko lang sanang tanungin kung hindi mo ba talaga lalagyan ng sequel ang Yesterday’s Memory n
CHAPTER 26“GOOD AFTERNOON, Ma’am. Welcome to Lover’s Sanctuary,” pambungad ng isang babae.Ngumiti lang siya bilang tugon. Hindi niya alam kung bakit nangangatog ang mga tuhod niya habang naglalakad papasok sa loob niyon, pero nagawa pa rin niyang hagurin ng tingin ang buong lugar.Napansin niya na hindi na ito tulad ng dati dahil may mga interiors na at iba’t ibang kulay ng disensyo na idinagdag sa dingding. Maging ang mga lamesa at upuan ay iba rin. Other than that, the place gave her the same peace of mind it had given her three years ago.Bago pa siya umupo ay nahagip ng mata niya ang isang wall doon na puno ng mga pictures. Tahimik niyang nilapitan iyon dahil parang may nag-uudyok sa kanya na pumunta roon. Katulad ng inaasahan niya ay puro pictures iyon ng mga magkakasintahan na regular customer siguro ng restaurant.Babalik na sana siya sa kanyang upuan nang mahagip ng mata n
CHAPTER 25“BAKIT ba hindi ako makapagsulat?” usal ni Syler sa kanyang sarili.Nauubos ang oras niya sa pagtitig sa kanyang laptop na patuloy na nagbubuga ng radiation sa kanyang mukha. Sa totoo lang ay nasa mood naman talaga siyang magsulat. Kung puwede nga lang ay tatapusin na niya kaagad ang naka-pending niyang fantasy novel. Pero hindi niya magawa iyon ngayon dahil may iba pa siyang dapat na gawin.She sighed heavily. “Oh, brain.”Mahigit isang linggo na ang nakakaraan nang tanggapin niya ang alok ni Miss Villor Lee na gumawa ng isang pure romance novel. Nag-alangan siya noong una dahil alam niya sa kanyang sarili na hindi na niya gamay ang ganoong genre. Masasabi niyang ito na ngayon ang kahinaan niya bilang isang manunulat. At ayaw niyang magpasa ng isang pilit na akda.Oo, isa siyang romance writer noon, pero hindi na ngayon. Marami siyang romance novel na nalimbag noon pero