CHAPTER 11
SA LOVER'S Sanctuary siya dinala nito. Obviously, it was a place for lovers. Ni minsan ay hindi pa siya nagawi sa first-class restaurant na iyon kahit hindi lang naman pang-lovers ang ambiance ng lugar. Puwede rin naman pumunta kahit mag-isa lang o may kasamang mga mahal sa buhay. Pero para sa kanya ay mas magiging romantic ang lugar kung magkasintahan talaga ang magkasama.
Nilapitan kaagad sila ng mga lalaking sabay sabay na tumutugtog ng violin at parang sinusundan ang malamyos na romantikong musika na nililikha ng live pianist. Napaka sarap nito sa kanyang pandinig at para bang siya ay ipinaghehele.
Bago siya umupo ay inabutan siya ni Rusty ng boquet ng tulips na ikinabigla niya.
“For you.”
She smiled. “Wow, thank you.”
Naalala niya tuloy noong huli siyang makatanggap ng bulaklak. Tatlong pirasong rosas iyon na sumisimbolo raw ng ‘I love you’ s
CHAPTER 12‘SMILE. Because when I see your smile, it also makes me have a smile.’Ito ang mga salitang nabasa ni Syler sa kulay blue na sticky note na nakadikit sa ibabaw ng lamesa niya sa opisina.Kinuha niya iyon at hindi niya namalayan na unti-unti na siyang napapangiti. May ideya na siya kung kanino ito galing kaya naman kaagad din niyang binura ang ngiti na ‘yon sa kanyang labi. She pursed her lips. Idinadaan lang siya nito sa paglalambing at panunuhol. Hindi siya kaagad bibigay kung iyon man ang intensyon ng note na ‘to.“Sy.”Napapitlag siya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Halos lumundag sa dibdib niya ang kanyang puso. Hindi niya alam kung bakit sa tuwing ito ang bumibigkas ng pangalan niya ay masarap sa pakiramdam. Masarap sa pandinig. Para bang bigla na lang nawawala lahat ng iniisip niya.“Hmm?” sagot niya nang hindi inaalis a
CHAPTER 13“THE first time I met you I didn't think I would fall in love with you, but I did.”Napasinghap si Syler nang marinig ang boses na iyon sa tabi niya. Nadala siya sa kanyang isinusulat dahil nandoon na siya sa nakakakilig na eksena na magtatapat na ‘yong hero sa heroine ng nararamdaman nito. Nawala tuloy sa isip niya na nandito siya ngayon sa unit ni Rusty at wala sa unit niya.Mabilis niyang pinatay ang kanyang laptop. “N-nand’yan k-ka n-na p-pala.”Gumuhit ang isang matamis na ngiti sa labi nito. “Turn it on, Sy. I’m enjoying your story.”“No!” mariing usal niya.Alam niyang nabasa na nito ang ibang nobela na ginawa niya, ngunit hindi siya sanay sa tuwing nagsusulat siya at may ibang taong nagbabasa. Nawawala siya sa focus dahil naiilang siya. Mabilis siyang nadidistract.He backed out. “Okay.”Mabuti n
CHAPTER 14BAKIT ba ang tagal niya? tanong ni Syler sa isip.Kanina pa siya hindi mapakali habang hinihintay sa kusina si Rusty. Naihanda niya na ang kakainin nila pero hindi pa rin ito tapos maligo. Mas lalo tuloy siyang natataranta sa hindi malamang dahilan.“Ano ba’ng nangyayari sa akin?” tanong niya sa sarili. “Nababaliw na ba talaga—”“Sy.”“Ay malaking kalabaw!” Napahawak pa siya sa dibdib sa sobrang gulat. “Bakit ka ba nanggugulat?”Natulala siya nang makita niya si Rusty na walang suot na pang-itaas. Her jaw dropped. Halatang bagong ligo talaga ito dahil bumabagsak pa sa matipuno nitong dibdib ang maliliit na butil ng tubig.Hindi na niya napigilan ang sarili na lantarang pagmasdan ang katawan nito. He had the most magnificent body of a man she had ever seen. Kung ilalaban man ito sa mga lalaking modelo na naki
CHAPTER 15MAHIGIT isang linggo nang iniwasan ni Syler si Rusty. Sa tuwing nasa opisina siya nito ay minsan na lang niyang kinakausap ang binata. Sa tuwing niyayaya nga siya nitong lumabas ay tumatanggi na siya at naga-alibi na lang. Sa tuwing sinasabi nga ni Rusty na pupunta ito sa unit niya ay um-aapela kaagad siya at nagdadahilan na hindi siya makapag-concentrate sa pagsusulat kung may ibang tao sa paligid. Iniiwasan na niya talaga si Rusty kahit hindi iyon ang inuutos ng kanyang puso. Dahil alam niyang kapag lumala pa ang nararamdaman niyang iyon, sa huli siya rin naman ang masasaktan. Siya rin naman ang uuwing luhaan. At ayaw na niyang mangyari ulit iyon. Tama na ‘yong isang beses siyang nasaktan. Baka hindi na niya kayanin kung may pangalawa pa.Romance writer siya, hindi lang talaga halata, kaya alam niya kung ano ba talaga ang nararamdaman niya sa binata. Alam niya ang ibig sabihin ng kusang pagguhit ng ngiti sa kanyan
CHAPTER 16“DO YOU like the ice cream-cake?”Buong ningning na ngumiti si Syler habang nakatitig kay Rusty. “Yes, it’s so delicious.”Pero mas masarap ka pa rin titigan! hirit niya sa isip.“Try this one.”Nagulat siya nang inilapit nito sa bibig niya ang kutsara nito na may laman na kapirasong chocolate ice cream-cake.Susubuan niya ako? Oh my God.Wala na siyang nagawa kundi ibuka ang bibig niya ay kainin iyon kahit ang puso niya ay umaarangkada na naman. She couldnt help but admire this good-looking man in front of her. Napaka-sarap nitong pagmasdan lalo na kapag malapitan. Bigla rin siyang napaiwas ng tingin ng ito naman ang tumingin sa kanya. Sinubukan niyang ituon ang buong atensyon sa kanyang kinakain ngunit hindi niya maiwasang mailang sa lantarang pagtitig nito sa kanya.“Why are you staring like that?”&ldq
CHAPTER 17“BILIS! Baka hindi na natin maabutan,” saad ni Syler habang tumatakbo sila ni Rusty papunta sa seaside sa harap ng Mall of Asia. Pasado alas nuebe na ng gabi pero hindi pa rin sila umuuwi.“Ano ba’ng mayro’n? Bakit tayo nagmamadali?”“Basta—ayy!” Bigla na lang siyang napatid. Mabuti na lang at nahawakan siya kaagad ni Rusty.He chuckled, a bit. “Kahit kailan talaga, lampa ka.”“Heh!”Nagulat na lang siya nang biglang nitong hawakan ang kamay niya. “Halika na nga.”Hindi na siya nakapagsalita habang tumatakbo sila. She had never held hands with a guy before in public place. Para tuloy silang mga bida sa isang action movie habang tumatakbo. Nagkaroon na naman tuloy siya ng ideya na magagamit niya sa nobelang isusulat niya.Napansin niyang bakas ang pagtataka sa mukha nito nang huminto sil
CHAPTER 18PAKANTA-KANTA si Syler nang sumakay siya sa elevator ng Vergara Holdings. Hindi niya magawang itago ang malaking ngiti na nakaguhit sa kanyang labi. Parang lumulutang pa rin siya sa nag-uumapaw na saya. Hindi pa rin mabawasan ang kilig na nadarama niya.Ilang beses niyang hinawakan ang kanyang labi na dinampian ni Rusty nang masuyong halik. Mas lalo pang nadaragdaragan ang kilig na kanyang nadarama sa tuwing inaalala niya ang sandaling iyon. Sa buong buhay niya ay iyon lang ang unang beses na nahalikan siya nang totoo. Mas masarap pala ang mahalikan nang totoo kaysa sa halik na inilalarawan niya sa kanyang nobela sa tuwing naghahalikan ang mga bida. Parang gusto na niyang magsulat ulit ng isang nakakakilig na eksena. Gusto niyang ilabas sa pamamagitan nito ang kanyang nararamdaman dahil pakiwari niya ay sasabog ang kanyang dibdib sa sobrang kilig at saya kung hindi niya ito maisusulat.Sinuot niya ang earphon
CHAPTER 19ILANG beses pinilit ni Syler na um-attend ng meeting si Rusty pero hindi rin niya ito nagawang mapasunod. Talagang desidido na itong ihatid siya pauwi. Malas lang nito dahil hindi siya ganoon karupok. Hindi dahil gusto nitong ihatid siya pauwi ay papayag na siya. Hindi gano’n kadaling paamuhin ang nagmamaktol niyang puso.Manigas ka, Vergara!“Pinapatawag ka ng Daddy mo,” aniya matapos i-reschedule ang meeting nito ngayong araw na ikinansela niya.He nodded. Ngunit halata sa tingin nito na parang tinatantya pa rin ang kilos niya. “Can I leave you here for a minute? Kakausapin ko lang sandali si Dad at ihahatid na kita pauwi. Sandali lang iyon.”Tumango lang siya bago iniligpit ang mga gamit niya sa mesa. Buong akala niya ay aalis na ito agad, pero natigilan siya nang makitang nakatayo pa rin ito sa kanyang tabi. Halata ang pagdadalawang isip sa mukha nito.
CHAPTER 33HANGGANG ngayon ay hindi pa rin alam ni Syler kung ano ba talagang nangyayari. Ramdam na ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso niya dahil sa matinding kaba.Biglang bumagal ang paghinga niya nang dalhin siya ni Rusty sa private pool at nakita niya ang magandang pagkakaayos ng buong lugar. Nahagip ng mata niya ang mga petals at balloons na nakalutang sa pool. Mayroon din pati na sa dinaraanan nila. May nagva-violin at may live pianist din. Ngunit ang nasa dulo no’n ang talagang umagaw ng buo niyang atensyon.Natameme siya na lang siya habang pinagmamasdan iyon. Hindi niya nagawang magsalita. Pakiramdam niya ay nalunok na niya ang kanyang dila. Hindi niya makapaniwala na naghanda ito ng isang candlelit dinner. Napaka-romantic ng ambiance ng buong lugar.“Tinulungan ka ni Daliam na gawin ito?” gulat na sambit niya.“Uh-huh. Tinulungan niya akong magplano para sorpresahin
CHAPTER 32NAISIPAN ni Syler na maglakad-lakad muna sa dalampasigan dahil hindi pa siya dinadalaw ng antok kahit halos hating gabi na. Napayakap na lang siya sa kanyang sarili nang umihip ang malamig na simoy ng hangin.Noong isang araw pa siya parang wala sa kanyang sarili at si Rusty ang palaging laman ng kanyang isip. Hindi niya maiwasan makadama ng lungkot dahil matapos ang nangyari sa bungee jumping adventure nila, matapos siya nitong halikan ulit ay bigla na lang itong nagpaalam para bumalik sa Maynila.Sinabi nitong marami pa raw itong kailangang asikasuhin na negosyo roon. Pero hindi niya maiwasang isipin na hindi lang talaga negosyo ang aasikasuhin nito. Marahil ay kasama na roon si Daliam. Marahil ay namimiss na nito ang babae kaya gusto na nito agad umuwi.Hindi niya maiwasang masaktan dahil pakiramdam niya ay pinapaasa lang siya ni Rusty. At hindi maiwasang mainis sa kanyang sarili kung bakit pa
CHAPTER 31NANLAMIG si Syler sa kanyang kinauupuan at hindi na nagawang magsalita pa. Ilang araw din niyang hindi nakita si Rusty mula noong dumating sila sa resort. Kahit kasi nandito ito ay mukhang negosyo pa rin ang pinagkakaabalahan. Mas mabuti na nga iyon para hindi sila nagkakalapit dalawa. Para mas lalo niya itong maiwasan. Para manahimik na rin ang puso niya.“Talaga? May boyfriend ka, Syler?” masiglang tanong ni Demmy.“Sino?” singit naman ni Laicy.She gulped loudly. “Si...” Napatingin siya sa mga co-writers niyang naghihintay rin ng kanyang sagot. Think, Syler! Think! “’Yong fictional character ko.” She smiled a bit. “Si... si Lantis,” she joked.Nagtinginan ang mga co-writers niya at bigla na lang nagtawanan ang mga ito. Nagloloko lang naman kasi talaga siya kanina na may boyfriend siya. Hindi naman niya alam na bigla pa lang sus
CHAPTER 30KANINA pa hindi mapakali si Syler sa loob ng sasakyan. Hindi niya alam kung paano siya kikilos nang maayos kasama si Rusty. She couldn’t look at him in the eyes without feeling a little awkward. Hindi na talaga niya maitago ang matinding pagkailang na nararamdaman niya.Paano ba naman kasi nang magising siya kanina ay labis siyang nagulat nang mapagtanto na magkayakap pala silang natulog buong kagabi. Sino’ng hindi mawiwindang doon? Bigla tuloy siyang humiwalay rito habang namumula ang buo niyang mukha. Maging ito ay halatang nagulat din dahil napunta sila sa gano’ng posisyon.Gaga ka talaga! kastigo niya sa sarili.Hinihiling nga niya na sana ay lasing na lang siya kagabi para hindi na niya maalala ngayon ang mga kagagahan na ginawa niya. Pero hindi iyon mangyayari dahil lahat ng ‘yon ay tandang-tanda niya talaga. Ultimo ang kaliit-liitang detalye ay alam niya. Lalo na ang m
CHAPTER 29“BAKIT nga pala hindi siya nakapunta sa book signing ko? Naalala ko lang na nag-comment siya sa isang post ko na pupunta raw siya.”“Nagkasakit daw bago ang book signing mo.” Saglit siyang nilingon ni Rustynang nakangiti bago ibinalik ang tingin sa daan. “Excited sigurong makita ka. Sabagay, hindi ko rin naman siya masisisi.”Ano’ng ibig niyang sabihin? usal niya sa isip.“May mga susunod pa naman akong book signing. Sana makapunta siya at magkita kami ulit. Pakisabi na lang na magpagaling siya at kinakamusta ko siya.”Muli itong napatingin sa kanya. Bigla siyang palunok dahil sa lantarang pagtitig nito sa kanya. “Ako ba, hindi mo man lang kakamustahin?”Napasinghap siya at mabilis na umiwas ng tingin. Hindi niya alam kung bakit halos lumundag palabas ang puso niya mula sa kanyang dibdib. Masyadong marahas ang pagkabog n
CHAPTER 28NAPATDA si Syler nang tanggalin nito ang suot na salamin dahil bumungad sa kanya ang mukha ng isang lalaki na hindi niya inaasahang makita rito. Sa lugar na ito. Sa pagkakataon pa na ito.Her eyes widened, literally. Halos tumigil sa pagtibok ang puso niya nang maglakad na ito palapit sa kanya.“Rusty?!” gulat na sambit niya. “What are you doing here?” ‘Di ba dapat nasa France pa rin siya hanggang ngayon?“Mukhang ako dapat ang nagtatanong niyan sa ‘yo. Ano’ng ginagawa mo sa lugar na ito?” balik tanong nito sa kanya.It had been eight months since she last saw him, pero kahit konti ay wala man lang itong pinagbago. Mas lalo pa nga itong gumwapo.Natauhan siya nang mapagtanto na nakatitig pala ito sa kanya. “Nasiraan kasi ako ng sasakyan at hinihintay ko ‘yong magsusundo sa ‘kin papunta sa isang beach resort,” si
CHAPTER 27WALANG tigil sa pagtunong ang cellphone ni Syler, ngunit hindi niya magawang sagutin iyon dahil kasalukuyan siyang abala sa nagmamaneho.Napabuntong hininga na lamang siya nang hindi pa rin tumitigil iyon. Alam naman niyang ang mala-armalite na boses ni Riri ang sasalubong sa kanya. Isuot na lang niya ang earphone sa isang tainga at kaagad na sinagot iyon.“Oo na, Riri. On the way na nga ako—” Natigilan siya nang mapagtanto na hindi si Riri ang nasa kabilang linya, kundi si Miss Villor Lee. “Hello, Miss V? Uhm, yes. Ako po ito. Pasensya na po. Akala ko po kasi si Riri ang tumatawag.”Natawa na lamang ito nang bahagya. “I’m sorry, Syler. Naistorbo ba kita?”“Hindi naman po, Miss V.”“Alam kong nasa vacation mode ka na rin ngayon. Pero gusto ko lang sanang tanungin kung hindi mo ba talaga lalagyan ng sequel ang Yesterday’s Memory n
CHAPTER 26“GOOD AFTERNOON, Ma’am. Welcome to Lover’s Sanctuary,” pambungad ng isang babae.Ngumiti lang siya bilang tugon. Hindi niya alam kung bakit nangangatog ang mga tuhod niya habang naglalakad papasok sa loob niyon, pero nagawa pa rin niyang hagurin ng tingin ang buong lugar.Napansin niya na hindi na ito tulad ng dati dahil may mga interiors na at iba’t ibang kulay ng disensyo na idinagdag sa dingding. Maging ang mga lamesa at upuan ay iba rin. Other than that, the place gave her the same peace of mind it had given her three years ago.Bago pa siya umupo ay nahagip ng mata niya ang isang wall doon na puno ng mga pictures. Tahimik niyang nilapitan iyon dahil parang may nag-uudyok sa kanya na pumunta roon. Katulad ng inaasahan niya ay puro pictures iyon ng mga magkakasintahan na regular customer siguro ng restaurant.Babalik na sana siya sa kanyang upuan nang mahagip ng mata n
CHAPTER 25“BAKIT ba hindi ako makapagsulat?” usal ni Syler sa kanyang sarili.Nauubos ang oras niya sa pagtitig sa kanyang laptop na patuloy na nagbubuga ng radiation sa kanyang mukha. Sa totoo lang ay nasa mood naman talaga siyang magsulat. Kung puwede nga lang ay tatapusin na niya kaagad ang naka-pending niyang fantasy novel. Pero hindi niya magawa iyon ngayon dahil may iba pa siyang dapat na gawin.She sighed heavily. “Oh, brain.”Mahigit isang linggo na ang nakakaraan nang tanggapin niya ang alok ni Miss Villor Lee na gumawa ng isang pure romance novel. Nag-alangan siya noong una dahil alam niya sa kanyang sarili na hindi na niya gamay ang ganoong genre. Masasabi niyang ito na ngayon ang kahinaan niya bilang isang manunulat. At ayaw niyang magpasa ng isang pilit na akda.Oo, isa siyang romance writer noon, pero hindi na ngayon. Marami siyang romance novel na nalimbag noon pero