Home / Romance / A Wife's Karma / Karma 59 - Calm

Share

Karma 59 - Calm

Author: Mitch Gallora
last update Last Updated: 2021-12-12 22:43:45

Yssa POV

days later

Naririnig ko ang ingay sa paligid. Kwentuhan ng mga taong naririto sa lugar kung saan ako naroroon. Iyak ng sanggol at tawanan ng mga boses na animo'y  hindi na bago sa pandinig ko.

 Pilit kong ibinubukaat iminumulat ang aking mata ko pero hirap na hirap akong buksan ito. Tila ba ang tagal kong hindi naibuka ang mata ko dahil kahit anong gawin kong pilit na imulat ay hirap na hirap ako ng husto. Gustong gusto ko ng gumising at malaman kung sino ang mga kasama ko dito. Gusto ko na din makita kung sino ang taong nakahawak sa kamay ko. Antok na antok pa ako pero may nagsasabi sa akin na dapat na akong magising dahil iyon ang nararapat.

 Dahan dahan kong binuksan ang mata ko pero agad kong ipinikit. Liwanag... Matinding liwanag ang sumalubong sa mga mata ko. Iminulat kong muli ng dahan-dahan ang mga mata ko at medyo hindi na gaanong kaliwanag

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • A Wife's Karma   Karma 60

    Dave's pov1 week laterNakalabas na ng hospital si Yssa at pauwi na kami sa mansyon dahil doon muna kami titira pansamantala para may kasama sila ng baby namin tuwing aalis ako for my schedule meeting. Another reason din ay gustong makasama nila Mommy ang daughter-in-law niya ng matagal kaya pumayag na ako. Nandoon na rin si Baby Yade kasama sina Mommy at Daddy. Hindi na rin sumama sa pagsundo sina Blue dahil sa bahay na rin sila dederetso. Kami lang ni Xander ang kasama ni Yssa pauwi.Kaso naiinis ako sa asawa kong ito dahil kanina pa ako kinukulit dun sa dapat na ikukuwento ng mga kabarkada ko kaso pinigilan ko lang. Actually kahapon niya pa ako kinukulit kaso nakakahiya yung ginawa ko at ayaw ko ng alalahanin pa yun. Ayoko rin na pagtawanan niya ako at maturn-off siya sa akin."Sige na man na love, kwento muna kasi sa akin. Sobrang curious na ako sa mga pinag-uusapan nila. Ano ba kasi yun? Bakot ganun na lang sila kung maka

    Last Updated : 2021-12-13
  • A Wife's Karma   Karma 61 - Suspicious eyes

    Yssa POVMaaga kaming nagising ni Dave dahil sa iyak ng anak namin. Siguro nagugutom na siya o di kaya ay puno na ang diaper niya. Parehas kaming bumangon na dalawa at agd na nilapitan ang baby namin na hindi nagpapapigil sa pag-iyak. Tinignan ko ang diper niya at nakumpirma kong puno na ito at may kasama pang poop."Aw! Kaya pala umiiyak ang baby namin kasi nagpupu na. Nadudumihan ka ba baby ko. Wait lang po at papalitan na ni Mommy ang diaper mo," agad kong binuksan ang diper niya at pinunasan siya ng baby wipes. Si Dave naman ay kumukuha na ng diaper sa lalagyan.Nung natapos ko na siyang palitan at bihisan ay agad siyang kinarga ng asawa ko at dinala sa kama namin. For sure gutom na naman siya kasi nailabas na niya ang mga kinain niya. Nagtimpla ako ng gatas sa feeding bottle niya at lumapit sa mag-ama ko sa kama. Agad kong pinadede ang baby namin na masayang tinanggap ang pagkain niya."Ang takaw talaga ng baby na yan," na

    Last Updated : 2021-12-14
  • A Wife's Karma   Karma 62

    Yssa POVNasa simbahan na kami ngayon nila Dave at baby. Hindi nakasama sila Mommy dahil may meeting sila ng mga amiga niya para sa binyag ng baby namin. Sila ang punong abala sa mga preparations dahil nakafocus lang muna kami sa baby namin. Desisyon na rin ni Dave na hayaan na siyang magorganize dahil need ko din magpahinga pa. Naiintindihan ko naman ang point ni Dave kaya hindi na ako nag-insist. Sa 1st birthday na lang ako babawi.Naupo kami sa may unahan at hinhintay na magsimula ang misa. Hindi ko sinabi sa asawa ko ang nakita ko kanina kasi baka nagkakamali lang ako sa mga naiisip ko. Ayoko din siyang mag-alala at panic lalo na kung mali naman ang mga hinala ko. Malay ko ba naman kung may hinahanap lang pala yung at tumambay lang sa harap ng mansyon. Marami naman At isa pa ay wala naman na ata kaming magigng problema dahil okay naman na ang lahat. Tinignan ko ang asawa ko habang karga ang anak namin at pinapatawa niya. Natigil lang sila

    Last Updated : 2021-12-16
  • A Wife's Karma   Karma 63

    Napatigil ako ng biglang tumunog ang cellphone ko pero bago ko pa yun makuha sa bag ko ay may biglang humawak sa balikat ko kaya ako napasigaw."Ah!" malakas na sigaw ko kaya biglang umiyak si baby Yade. Agad ko na dapat siyang kukunin stroller niya nang bigla siyang buhatin ni Dave at tinahan. Saka pa lang ako nakahinga ng maluwag. Akala ko kung sino ang humawak sa akin. Buwisit kasi na Athena yun. Kung ano-ano ang sinabi sa akin kanina."Dave, ikaw pala yan. Akala ko kung sino eh," kinakabahang sabi ko sa kanya."San ba kasi kayo pupunta? Buti nakita ko ang mga missed calls mo.Natagalan kasi love ang usapan namin ni Father. Ang dami kasi niyang plano sa parokya na need ng tulong. Buti nakita ko kayo ni baby kaagad," wika niya habang pinapatahan ang baby namin na umiiyak pa rin."Sorry love, balak ka na namin sundan ni baby eh kaso naligaw kami dito kaya akala ko may sumusunod sa amin. Ikaw lang pala yun," natatawang sabi ko sa kanya.

    Last Updated : 2021-12-17
  • A Wife's Karma   Karma 64

    Wednesday7 amYssa POVIlang days na lang ay binyag na ng baby namin. Excited na ang mga tao dito sa mansyon lalo na ang parents ni Dave. Nagstart na rin magwork ulit si Dave sa company. Mahaba-haba na kasi ang naging bakasyon at madami din siyang meetings na kailangan attenan.Kakaalis lang ni Dave at Daddy para magwork kaya kami muna ni baby Yade ang magbobonding. Wala si Mommy dahil aasikasuhin daw yung mga souvenirs at damit ng apo niya para sa sa binyag. Sabi ko nga ay huwag na masyadong bongga ang binyag dahil malaki-laki ang naging gastos sa pagpapaopera ko. Nakakahiya naman kung gumastos ulit sila sa binyag ng baby namin kaso pinagsabihan ako ni Mommy na hindi pwedeng simple ang gaganapin na binyag. Ang sabi niya pa nga ay para sa apo niya ito kaya wala problema sa gastos. Wala naman akong magagawa kahit gusto simple lang dahil una nilang apo si baby Yade kaya todo spoil sila.Nandito kami ni baby sa garde

    Last Updated : 2021-12-18
  • A Wife's Karma   Karma 65

    Athena Pov"How was it? Nai-deliver mo ba?" tanong ko sa isang lalaking inutusan ko para ibigay kay Yssa ang paunang regalo ko. Magugustuhan niya yun dahil especially made for her. Siya lang ang binigyan ko ng bonggang regalo na hindi niya malilimutan kaya dapat maging thanful siya sa akin."Yes, Ma'am. Mukhang sasaya ang araw ng pinagbigyan mo. Ang laki ng bahay nila Ma'am. Ang yaman ng mga nakatira sa subdivision na yun," pagkukwento niya sa akin pero wala akong planong makinig sa mga sinasabi niya."Sinigurado mo bang nakita niya yun regalo?" Tanong kong muli sa kanya dahil ayokong pumalpak siya lalo na kung hindi si Yssa ang nakakita at nagbukas ng regalo. Gusto ko siya talaga ang makakareceive nun."Siya mismo nagbukas ng gate, Ma'am. Kita ng dalawang mata ko Ma'am na kinuha niya ang regalo at tinignan. Nagpalinga-linga pa nga siya para hanapin kung sino ang may dala buti na lang magaling ako. Hindi niya ako nakita. May dumating pa nga

    Last Updated : 2021-12-19
  • A Wife's Karma   Karma 66

    Karma 66Yssa POVNatulog kami ni Dave na hindi ko siya pinapansin. Medyo may tampo ako sa kanya dahil sa nangyaring pag-uusap kahapon. Hindi ko lang maatim na hindi niya ako pinapaniwalaan sa mga sinabi ko about Athena. Wala naman akong intensyon na masama. Hindi ko naman siya sinisiraan.Ang sa akin lang naman ay sinabi at kwinento ko lang ang mga sinabi sa akin. Sabi nga ni Milly ay wala kaming panama sa tagal ng pagkakaibigan nila pero sana marunong naman silang magtake ng both sides.Maaga akong nagising ngayon. Tulog pa si Dave habang ang baby namin ay kakagising pa lang. Nilapitan ko si baby Yade para tignan kung basa na ang diaper n niya. Pinalitan ko na agad at binihisan ko siya. Bababa na kami kasi papaarawan ko na naman siya ngayon.Pagbaba namin ng hagdan ay busy ang mga tao sa bahay. Meron kasing gaganapin na dinner mamayang gabi prior sa binyag ni baby sa isang araw. Ang dinner ay parang pawel

    Last Updated : 2021-12-21
  • A Wife's Karma   Karma 67

    Yssa POV"Saan mo dinala ang anak ko?" galit na sigaw ko kay Athena. Kinuha ko agad si baby Yade at binigay kay yaya."What are you saying," nakahalukipkip na tanong niya sa akin."Huwag ka nang magmaang-maangan. Ang tanong ko ay saan mo dinala ang anak ko. Alam ko ang pinaplano mo," malakas na pagkakasabi ko kaya nakuha ko ang atensyon ng ibang bisita."Huwag ka din mambintang!" Pasigaw niya ding sabi sa akin."I am just stating a fact. Totoo naman eh, ilqng beses mo na ako pinagbabantaan tapos ngayon balak mo pang idamay ang anak ko," palaban na sabi sa kanya."Yssa, please stop it na. Pagusapan na lang natin to sa loob. Huwag dito sa harap ng maraming tao," pakiusap na sabi sa akin ni kuya Xander."Bakit ako ang pinapatigil niyo? Wala naman akong ginagawa ha! Sinasabi ko lang na lumayo ang babaeng yan sa anak ko. Walang eskandalong mangyayari. Tinitigan ko ai Athena nang masama dahil sa kaartehan niya at pagpapa

    Last Updated : 2021-12-22

Latest chapter

  • A Wife's Karma   Epilogue - part 3

    8th years AnniversaryWedding all over againDave POV

  • A Wife's Karma   Epilogue part 2 - Wedding Anniversary

    Yssa POVAng daming mga nangyari nang nagdaang taon. Nakapagpakasal na sila Milly at Zach sa kabila nang iba't- ibang pagsubok na dumaan sa pagsasama nilang dalawa. Sa ngayon sila ay may dalawa na rin na anak na babae at lalaki. Kasalukuyang buntis ulit ang aking bestfriend sa kanilang pangatlong anak.Si kuya Xander naman ay sa wakas ay nagkalakas loob nang magpropose kay Amanda. Nakakatawa nga ang kanilang relasyon dahil para silang aso't pusa kung mag-away. Parating nagtatalo pero kapag nagkakapikunan na at sakitan ay agad silang nagkakabating dalawa. Mas mas sweet pa sila sa asukal dahil parehas sila ng personality. Paminsan nga ay napapangiwi na lang ako dahil daig pa nila ang teenager. Kaya napakasaya ko nang nalaman kong sa dinami-dami nang pag-aaway nila ay sa kasa

  • A Wife's Karma   Epilogue part 1

    Yssa's POVThey say that all's well that end's well. Lahat ng problema na dumadating sa atin ay palaging may kaakibat na kabigatan pero lahat naman yan ay malalagpasan kapag nadadaanan sa kahit ano mang paraan ng pag-uusap. Walang problemang hindi nagagawan ng solusyon at napagtatagumpayan.Ang saya nagdaang taon sa pamilya naman ni Dave. Bukod sa aming bunso ay mas naging masaya ang pagsasama naming mag-asawa. Nadagdagan kami ng isang batang babae na siyang nagpasaya pa lalo at nagpakulay sa pagsasama namin. Si Yade naman ay lumalaking gwapo at napakabait. Paborito siyang hiramin at ipasyan ng Tita Milly niya dahil parang anak niya rin daw ito.Speaking of Milly, by th

  • A Wife's Karma   Karma 73

    Yssa's POV7amMaagang umalis si Dave sa bahay dahil meron siyang importanteng client at imemeet ngayong araw. Nandito kami ni baby sa sala at nanonood kami ng cartoons. Ang alam ko na maganda daw sa baby yung nakakarinig at nakakapanood ng cartoons na nagsasalita ng English kahit 1 year old pa lang itong anak ko. Maganda yan para mabilis siyang matutong magsalita.Patuloy lang ako sa panonood at pagbantay kay baby na nasa baby mat at naglalaro ng tawagin ako ng isang kasambahay namin."Ma'am Yssa, may naghahanap po sa inyo," magalang na sabi niya sa akin."Sino po yun manang?" takang tanong ko sa kanya dahil wala naman

  • A Wife's Karma   Karma 72

    Xander POVMas mabilis akong gumalaw kay Athena. Bago niya pa nasagawa ang plano niya ay naunahan ko na siya. Binayaran at kinausap lahat ng mga kinasabwat niya. Ako rin ang parating nakakausap niya at pinagsasabihan ng mga plano niya tungkol kay Yssa. Ayokong makagawa ng masama si Athena. Mabait siyang babae. Napuno lang siya ng galit at poot simula nang bata siya hanggang sa nangyari nilang paghihiwalay ni Dave.Pinalabas at pinaniwala ko na kasama at kasabwat niya ako sa kanyang plano kay Yssa. Bilang kapatid ay kailangan kong protektahan ang kapatid ko. Ayoko din na mapasama si Athena dahil kaibigan ko siya at minahal noon. Lahat ginawa ko para mapigilan ang balak niya. Yung pagsend lang ng box na siyang ikinatakot n

  • A Wife's Karma   Karma 71

    Karma 71 Yssa POV Hindi ko alam kung ilang oras na ako nakatulala dito sa loob ng kwarto. Kalalabas lang ni Milly para kumuha ng pagkain. Kanina na pa niya ako pinipilit na kumain pero wala talaga akong gana. Hindi ako makakakain kung hindi ko makikita ang anak ko. Wala sa sariling tumayo ako at lumabas ng kwarto para pumunta sa nursery ng anak ko. Pagkapasok ko pa lang ay biglang tumulo ang luha ko sa buong lugar. Naalala ko ang anak ko sa lugar na ito.Dahan- dahan akong lumapit sa kama kung saan nandoon ang mga damit ng anak ko. Kinuha ko ito at niyakap ng mahigpit. "Baby, asan ka anak ko?"Nangiginig na pagbigkas ko habang patuloy sa pagyakap ng mga gamit niya na nandito. "Baby ko, I am so sorry. Napabayaan kita. Sana sinama na lang kita nung nagpunta ako ng banyo. Sana hindi ako naging kampante sa mga tao sa paligid ko eh di sana nandito ka ngayon sa tabi ko at hindi ka nawawala," patuloy lang

  • A Wife's Karma   Karma 70

    Dave POV Kasalukuyan akong nakikipag-usap at coordinate sa mga pulis at bodyguard na nandito sa bahay. Hindi ko lang maintindihan kung bakit nangyaring nawawala ang anak ko. Nandito na kami sa mansyon para dito na mag-usap at magplano. Bukod sa mga kapulisan ay nandito na rin ang mga hinire ni Mommy na mga tauhan para maghanap sa anak ko. Kailangan namin ang lahat ng possible resources para mahanap agad ang anak ko. Masyado nang matagal ang isang oras na pagkawalay sa amin. Nakausap ko na din ang mga kaibigan ko para sa gagawin naming paghahanap after ng meeting namin sa kanilang lahat. As of now ay ang mga nasa field na naghahanap ay ang mga tauhan nina Zach at Xander. Wala dito ngayon si Xander dahil may importante siyang gagawin na hindi na daw pwede ipagpabukas pa. Nagpapasalamat ako sa kanilang lahat sa mga tulong nila dahil kung ako ang tatanungin ay hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Hindi ko alam kung papaano ko hahanapin

  • A Wife's Karma   Karma 69

    Yssa POV Ngayon gaganapin ang binyag ng unico hijo namin. Until now ay cold pa din ang trato ko kay Dave. Kinakausap ko siya tuwing tatanugin niya lang ako kay baby at sa needs niya. Kung hindi Oo or tango lang ang sagot ko sa kanya. Sa nursery room pa din ako natutulog kasama ang anak ko para mabantayan at maalagaan ko siya ng maayos. Kumakain na kami ng breakfast kasama sila Mommy, Daddy, Dave at ako. Si baby kasalukuyang na kay yaya sa nursery room. Tahimik lang kaming lahat ng biglang magsalita si Mommy at nagtanong. "Are you two okay?" Curious na tanong niya sa ming dalawa. Hindi lang kami umimik at nagpatuloy lang sa pagkain pero nagsalita ulit siya. "Napapansin ko na parang nag-iiwasan kqyong dalawa. Kung hindi iwasan ay di kayo nagiimikan unlike before. You can share to us your problem para masolusynan at mapayuhan namin kayong mag-asawa," dagdag pa niya. "We're okay. It's just a misunderstanding, Mom," s

  • A Wife's Karma   Karma 68

    Athena's POV"Nakakatawa talaga ang babeng yun. What a woman without class. Ang lakas ng loob niyang pahiyain ako sa party kagabi. Anong akala niya? Lahat sa kanya papanig? Pwes nagkakamali siya," nakataas kong kilay na sabi sa kausap ko ngayon."Do you think it is time for you to stop now?" tanong niya sa akin."I won't stop unless I will hear her cries of sorrow. Hindi pwedeng ako lang ang miserable dito. Anong akala niya ay lahat papanig sa kanya? Well, she's wrong. Ang sabi ko nga ay damay-damay na tayo dito ngayon," nangagalaiti kong sabi kapag inaalala ko ang mga ginawa ni Ysa para makuah si Dave."What if magback-fire ang plano mo? Hindi ka pa matatakot na magakit sila sa iyo?" tanong niya muli sa akin."No! Why would I be scared? Sira na ko. Wala nang naiwan sa akin at isa pa si Dave ang gusto ko pero wala eh. Nagpakasal sa isang sinungaling. You know what? Tayo lang naman dalawa ang nakakalam ng plano ko, unless

DMCA.com Protection Status