Share

Chapter 38 : Part 1

NAGTULOY nga kami pa-Tagaytay. Tahimik lang ako na nakayakap kay Jass habang tinatanaw ang magandang tanawing nakikita. Smooth lang ang andar niya na parang sinasadya pa ngang bagalan.

Kanina pa nag-aalburoto ang tiyan ko dahil sa gutom. Sa sobrang antok at pagod kagabi, nalimutan ko nang kumain. Hindi naman talaga ako kumain kina Tita. Sinabi ko lang iyon para iwasan makasabay si Jass.

Mayamaya huminto kami. Kumalas ako sa kaniya nang maramdaman ang paggalaw niya. Bumaba siya kaya bumaba na rin ako.

"Ano na?" tanong ko.

Ikinawit niya ang nakatikwas kong buhok sa tainga ko. "Gutom na 'ko!" aniya sabay himas sa tiyan. "Tara!"

Pumasok kami sa isang restaurant malapit sa lugar na pinagtigilan namin. Hindi na ako tumanggi dahil talagang gustong-gusto ko nang kumain. Isinandal niya ang bike sa gilid ng resto malapit sa nakabantay na guard. Pero bago kami tuluyang pumasok ay tinanggal niya muna ang mga safety gear ko.

"Ano'ng gusto mo?" tanong niya agad pagkahanap namin ng mesa. Iyong
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maureen Danes
nkakatuwa at exciting ang nobelang ito,stress reliever,thank you author,
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status