Tumayo si Dylan at tiim ang bagang na pinagmasdan si Zeo. "You're the real spy, aren't you?" mapait ang ngiting tanong nito. Katulad rin ng dahilan ni Malcov ang naisip nitong dahilan kung bakit para dito ay isang espiya si Zeo.Tinugon lang ito ni Zeo ng malamig na tingin."That's nonsense. Malcov had already said the same thing to him. Inakusahan din ni Malcov si Zeo na espiya ng Night Bandos bago pa man namin malaman na tinangay nila si Shiela. Pinabulaanan ni Mr. Cruise ang paratang ni Malcov sa kanya at si Mr. Cruise rin ang nagsabing espiya ng Night Bandos si Shiela." pagtatanggol ni Sylvia kay Zeo.Natahimik din naman agad si Dylan. Kung si Luke na rin mismo ang nagsabi ay malabong maging hindi totoo iyon. Sadyang mahirap lang talaga paniwalaan para sa kanya na isang espiya si Shiela."Which is why we asked our Intelligence Informative Squad to investigate Sheila's real background, and we found this." pagpapatuloy ni Sylvia.Ipinakita nito sa kanila ang hawak nitong tablet kung
Lumapag ang helicopter na sinasakyan nina Luke sa helipad ng katabing gusali ng mismong palasyo. Napagdesisyunan niyang isama sina Leon at Malcov."Anong lugar 'to?" tanong ni Luke kay Sigmund."We called this place as Green Palace, Young Master." magalang na sagot ni Sigmund.Napatango-tango si Luke. Resonable naman kumbaga kung bakit nila tinawag ang lugar na ito na green palace. Hindi iyon dahil sa kulay berde ang mismong gusali na kung tawagin nila ay palasyo, kung hindi ay dahil sa napakaberdeng kapaligiran. Nagtataasang pine trees at patag na napakalawak na damuhan na kung tawagin ay zoysia ang halos sumasakop sa kabuuan ng lugar.Hindi maiwasan ni Malcov na mapawaang ang bibig. Minsan na nitong narinig ang tungkol sa lugar na ito pero hindi niya akalaing ganito pala dito kaganda kumpara sa sabi-sabing isa itong liblib lugar.Si Leon naman ay hindi na bago sa lugar. Kumpara sa kanila, nakailang balik na ito rito."Ito pala ang ikinwento sa'kin ni lolo noong maliit pa ako. Kung t
"Sa ngayon ay pinaiimbestigahan ko pa kung ano ang tunay na pagkakakilanlan at kung anong pakay ng organisasyong iyon sa ating pamilya. Ito ang unang pagkakataon na merong makapangyarihang pamilya ang kumalaban sa pamilya Cruise." seryosong sambit ni Duncan na sinudan ng malalim na pagbuntong hininga.Kasalukuyan silang nasa conference meeting room ng palasyo. Malawak ang kabuuan ng kwartong iyon at aapat lang silang naroon. Mula sa kanilang kinauupuan ay kitang-kita ang ganda ng tanawin sa labas sa pamamagitan ng mga salaming bintana.Gayunpaman, hindi nila nai-enjoy ang tanawing iyon dahil lahat sila ay seryosong nakatingin lang kay Duncan. Lalo na si Luke."Isa rin po ba iyon sa rason kung bakit niyo ako pinatawag ngayon? Upang pag-usapan ang bagay na 'yan?" tanong nito.Marahang tumango si Duncan. "By the time you went to ENDX Corp, sa tingin ko ay mayroon silang tauhan na nakamasid sa'yo. Hindi nila maisasagawa agad ang malinis nilang planong pagdukot sa'yo sa restaurant ni Damia
"Luke! Bakit ang tagal mong sagutin? Bilisan mo! Pumunta ka agad ngayon dito sa cafeteria! May kailangan kang makita!" Maririnig ang pag-aalala sa boses ni Tony mula sa kabilang linya ng tawag. "Bakit, anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Luke habang nakakunot ang kanyang noo. Nasa kalagitnaan siya ng pagligo nang magsimulang tumunog ang kanyang cellphone. Patuloy lang ito sa pagtunog hanggang sa matapos siyang maligo. Nang makitang si Tony ang tumatawag ay agad niyang sinagot ito. Nakasuot lamang siya ng puting tuwalya at natatakpan lang nito ang ibabang bahagi ng kanyang katawan, habang nakalantad naman ang itaas na bahagi na may magandang hubog na animo'y alagang gym. Kapansin-pansin din ang maliit nitong birthmark sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib na tila para bang hugis ulo ng isang dragon. Kung sino man ang makakakita nito ay aakalaing tattoo ito ng ulo ng dragon. "Basta dalian mo! Pumunta ka agad dito! Si Veroni—" Hindi natapos si Tony sa kanyang sasabihin. Pagkatapos a
Bumalik si Luke sa kanilang dormitoryo. Pagkatapos niyang pumasok sa kanilang kwarto ay dumiretso siya sa kanyang kama at naupo. May pasok dapat siya ngayon pero dahil sa nangyari sa cafeteria ay nawalan na siya ng gana.Mamasa-masa ang mga matang ibinaling niya ang kanyang tingin sa isang picture frame na nakapatong sa maliit na drawer sa gilid ng kanyang kama. Picture nila iyon ni Veronica noong unang anniversary nila. Ang kalungkutan sa kanyang puso ay mas tumindi pa nang makita niya ang nakangiting mukha ni Veronica sa larawan. Kinuha niya ito at ilang segundong pinagmasdan. Pagkatapos ay binuksan niya ito mula sa likod saka kinuha ang mismong laman nitong litrato at itinapon sa basurahan ang frame.Mapait siyang napangiti habang hinahaplos niya ang mukha ni Veronica sa litrato. Matapos ng ilang saglit, ay pinunit niya ito at itinapon din ito sa basurahan. Kasabay nito ang kanyang pangako sa sarili na sisimulan na niyang kalimutan ang tungkol sa kanilang dalawa. Kahit na alam niyan
"Itigil niyo 'yan!" sigaw ng isang lalaki sa hindi kalayuan.Sabay-sabay na napalingon ang mga tao sa pinanggalingan ng boses. Nakatingin ito sa direksyon nina Luke habang magkasalubong ang kilay. Matangkad ito na marahil ay nasa singkwenta pataas na ang edad dahil sa medyo mauban nitong buhok. Ang maayos na kulay-abo na suot nitong suit at makintab na itim na sapatos, kasama ang kanyang postura ng katawan, ay nagbibigay ng impresyon ng isang makapangyarihang negosyante.Siya si Bernard Bautisa, ang Presidente ng ENDX Corporation. Ang isa sa tanyag at pinakaiginagalang na negosyante sa buong mundo."Is that really Mr. Bautista?" tanong ng isa sa mga nakikiusisang empleyado."Omg! Ang gwapo niya pa rin kahit may edad na!" mahina at kinikilig na bulalas naman ng isa pang babaeng empleyado."Totoo ba ito o baka nananaginip lang ako? Siya ba talaga si Mr. Bautista?" hindi makapaniwalang saad naman ng isa pa habang kinusot-kusot pa ang kanyang mata.Lahat sila ay hindi makapaniwala sa kanil
"Mahigit dalawang dekada na akong nagtatrabaho para sa inyong pamilya." panimula ni Bernard. Napataas naman ang kilay ni Luke dahil sa sinabi ni Bernard.Ibig sabihin lamang nito ay hindi pa siya sinisilang sa mundo, ay naninilbihan na si Bernard sa kanilang pamilya. "Nagsimula ako bilang tagapamahala ng isang hotel. Noong mga panahong iyon ay hindi pa naitatayo ang ENDX Corp. Naitayo lamang ito noong 2013." patuloy nito.Dahil nga sa may kaunting kaalaman na si Luke patungkol sa kompanya, hindi na siya nagulat nang sabihin ni Bernard na itininayo lamang ang ENDX Corp sampung taon palang ang nakakalipas. Ang bagay na kanyang ikinamangha ay ang mabilis na pag-unlad nito at mabilis na pamamayagpag sa larangan ng negosyo sa kabila ng marami nitong kakompetensya. Ito ay dahil sa pagmamay-ari pala nila ang kompanya at malamang dahil na rin sa impluwensya ng kanyang lolo ay mabilis itong lumago.Napansin ni Luke ang bahagyang pagngiti ni Bernard sabay na naiiling na para bang may naalala ito
Pero kahit naman wala pang nobya ang kanilang bagong presidente ay napakaimposibleng magkagusto ito sa katulad niyang Executive Manager lang. Kahit na marami namang lalaki ang nanliligaw sa kanya na nagmula sa mayayamang pamilya, ay wala pa ring makakatalo sa karisma at estado sa buhay ni Luke. Bukod sa gwapo at mabait, ay siya ang presidente ng ENDX Corporation! Kung sino man ang babaeng papakasalan nito sa hinaharap ay talagang napakaswerte!"May problema ba Ms. Lee?" nagtatakang tanong ni Luke nang mapansing nakatitig lang sa kanya si Pauline. Napansin niya ang paghanga sa mga mata nito.Nanlaki ang mga mata ni Pauline at agad itong tumalikod sa kahihiyan. Hindi niya napansing nakatitig na pala siya ng husto sa mukha ni Luke dahil sa kanyang sobrang paghanga rito. Namula ang kanyang magkabilang pisngi at hiniling na sana magkaroon ng butas sa sahig na kinatatayuan niya at higupin siya nito."No Mr. Cruise. There's nothing wrong." agad na sagot nito habang nakatalikod siya kay Luke.