- FLASHBACK -
Pagkatapos ng nangyaring komosyon sa VIP section ay heto ngayon sina Luke sa kanyang kwarto, kasama sina Philip at Criselda."Why did you—""Tinanong ko na siya, Mr. Garcia. But he refused." agad na putol ni Criselda kay Philip. Batid nitong ang itatanong ni Philip ay kung bakit sa regular na kwarto lang naka-ckeck-in si Luke.Isang beses lang na tumango si Philip saka tiningnan si Luke na kasalukuyang nakahiga sa kama. Mukhang nasa malalim na pag-iisip.Nagkatinginan sila ni Criselda at nag-usap sa pamamagitan ng mata. Sinabi ni Criselda na kanina pang ganoon si Luke."Mr. Cruise, would you mind telling us what's your problem? Maybe makakatulong kami." pakiusap ni Philip sa magalang na tono.Pinandilatan ni Criselda si Philip at sinabi sa pamamagitan niyon na naitanong niya na rin iyon kay Luke. Napabilog ang nguso ni Philip.Makalipas ang ilang saglit ay naupo si Luke at pinagsalikop ang mga pala"Don't worry, Mr. Cruise. Hinding-hindi makakarating kay Lord Duncan ang sinabi mo sa'min." paninigurado ni Philip."Kung may kailangan ka man, you can just phone us. Hindi na namin aabalahin pa ang 'yong pamamahinga, Mr. Cruise. Kailangan mo pang maghanda para sa laban mo mamaya." nakangiting saad ni Criselda.Binigyan lang sila ni Luke ng tipid na ngiti bago pagbuksan ng pinto. Tinanaw niya pa ang mga ito hanggang sa tuluyang mawala sa palikong bahagi ng pasilyo.Papasok na sana ulit siya sa kanyang silid nang saktong sumulpot sa paliko ng pasilyo ang dalawang maintenance personnel at parehas na may dalang mga gamit panlinis. Saglit niyang pinagmasdan ang mga ito at binalewala rin kalaunan pagkatapos ay isinara ang pinto.Nag-umpisang mag-mop ng sahig ang isa samantalang ang isa ay nagpagpag ng mga mamahaling pasong naka-display sa gilid gamit ang feather duster. Parehas na nakasuot ng facemask ang dalawa.Ang isa sa mga itong may hawak
Naupo si Luke sa kama at pinagmasdan ang mga nakahandusay na katawan sa sahig. Makaraan ng ilang saglit ay napagdesisyunan niyang tawagan si Bernard. Pipindutin niya palang ang call button nang marinig niya ang pagtunog ng doorbell ng kanyang kwarto.Lumapit siya sa pintuan upang tingnan kung sino iyon sa pamamagitan ng monitor sa may gilid. Nakita niya na isa iyong delivery man kaya gumuhit ang pagtataka sa kanyang itsura. May bitbit itong maliit na sando bag ng pagkain. Namali ba ito ng kwartong pagdadalhan?Bago niya pa man buksan ang pinto ay muli niyang ibinalik ang kanyang tingin sa monitor nang may napagtanto. Maliit lang na detalye iyon pero napansin niyang luma nang disenyo ang suot na uniporme ng lalaki. Minsan na siyang naging delivery man sa parehong kumpanyang nakadisenyo sa uniporme nito at higit na mas bago ang disenyo ng kanyang naging uniporme kaysa sa suot ngayon ng lalaki.Napaismid siya. Batid niyang kasamahan ito ng dalawa. Nakangiting
Nag-umpisa ang ikalawang round. Katulad ng kanina ay hinati sa pangkat-pangkat ang maglalaban-laban. Ngayon ay mayroong labing pitong pangkat at sa bawat pangkat na iyon ay may sampung pares na maglalaban.Kasalukuyang tinititigan ni Luke ang hawak niyang papel. Number eigthy four ang nakasulat doon. Wala siyang ideya kung sino ang makakatapat niya sa puntong ito. Hinihiling niyang sana ay si Joaquin o hindi kaya ay si Danny ang nakakuha ng parehas niyang hawak na numero.Nakataas ang kilay na napatingin siya sa kanyang likuran nang may humawak sa kanyang balikat. Nakita niya si Alona."You look like shit," puna nito sa kanya. "Anong nangyari sa'yo? Mukha kang ginahasa." dagdag pa nito lalo na nang makita ang sugat niya sa braso.Hindi lang damit ni Luke ang medyo madumi kung hindi ay ang suot niyang pantalon."Bakit ka nandito?" seryosong tanong niya, hindi pinansin ang sinabi ni Alona."Para tanungin ka kung anong nangyayari. N
Tumapat sa pwesto ni Luke ang isang young master na may sakto lang na pagkakatipuno ng katawan. Higit na mas matangkad ito kaysa sa kanya.Inalukan siya nito ng pakikipagkamay. Ang kayumangging kulay ng mata nito ay parang binabasa ang kanyang pagkatao. "Hi, my name is Hunter Young. Nice to meet you," nakangiting bati nito sa mabait na itsura.Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Luke, nanatili siyang seryoso. Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "Luke Cruise." tipid na pakilala niya.Lumawak ang ngiti sa labi ni Hunter. "Oh, so you're from the Cruise family. Kaya naman pala napakahusay mo sa martial arts." puri nito habang may mabait na ngiti.Nagtaka si Luke sa napakasimpleng reaksyon nito. Normal na sa kanya ang gulat na reaksyon ng isang tao kapag nakikilala siya. Pero sa reaksyon ni Hunter ay parang may kakaiba. Mukhang kilala na siya nito.Hindi siya kumbinsido sa pagiging mabait nito kaya binasa niya ang ekspresyon ng mukha
Kahit na sobrang bilis man ng ginagawang side-jump technique ni Hunter ay madali lang para kay Luke malaman at mapredikta kung nasaan ang tunay na katawan nito. Gayunpaman ay hanga siya dahil sa napakaperpekto rin nito gumamit ng technique na iyon. Huminto si Hunter, may malawak itong ngisi sa mukha. "How's my speed? Kaya mo ba 'yong higitan?" Ngumiti si Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Aminado akong naperpekto mo ang paggamit ng side-jump at aminado rin akong hindi kita mahihigitan. Pero hindi ibig sabihin n'on ay mahihirapan akong talunin ka sa laban." kampante niyang wika. Tumawa si Hunter. "Sure, whatever you say." kibit balikat na saad nito. Naging mainit ang kanilang titigan. Nakapokus lang sa kanila ang lahat maging ang mga kamera, nag-aabang ng susunod nilang gagawin. Makalipas ng ilang saglit ay sabay silang naglaho sa paningin ng lahat. Sobrang bilis nila parehas sa puntong kahit simpleng pigura nila ay hindi na makita ng mga manonood. "Paano nila nagagawa ang baga
Napaawang nalang ang bibig ng lahat matapos masaksihan ang kakaibang bilis ng reaksyon ni Luke upang kontrahin ang atake ni Hunter. Kitang-kita sa malaking monitor ang pagsipa niya sa kanyang likuran kung saan wala namang tao, pero ikinagulat nila nang tumilapon nalang bigla si Hunter.Napapatanong ang ilang hindi nakakakilala sa kanya kung paanong ganoon siya kahusay sa pakikipaglaban samantalang nagmula lang naman siya sa lower class. Paano ito naging ganito kahusay sa martial arts kung walang estado sa buhay upang makapagbayad ng mahuhusay na guro?"Is he really from the lower class?" tanong ng isa."I think I heard someone calling him Mr. Cruise. Mula iyon sa kanila." sambit ng isa sabay turo sa direksyon ng kinapipwestuhan ng mga BPG at WDK members."Mr. Cruise? Hindi kaya siya ang tinutukoy nilang apo ni Duncan Cruise?" namimilog ang matang hinuha ng isa.Hindi pinansin ni Luke ang hiyawan ng mga manonood. Lumapit siya kay Hunter na
Natigilan si Zeo dahil sa kanyang narinig. Seryosong pinagmasdan nito si Jason. "Mukhang alam mo na rin naman ang tungkol sa'kin. Bakit mo pa ako gustong tanungin?" wika nito, nanatili itong nakatayo."Pasensya na, isa lang 'yon sa nga libangan ko lalo na kapag nagkakaroon ako ng interes sa isang tao." nakangiting sambit ni Jason. "Please, maupo ka muna." iminuwestra nito ang upuan.Ilang saglit pa bago muling bumalik sa pagkakaupo si Zeo, bagay na ikinatuwa ni Jason."Tulad ng sinabi ko ay tutulungan kitang magkaroon ng estado ang pamilya mo sa buong angkan n'yo. Lilinisin ko rin ang pangalan ng ama mo. If you want revenge, we can do that either. Depende sa kung anong gusto mong mangyari." "Walang kasalanan ang ama ko kaya malinis ang pangalan niya." malamig na wika ni Zeo."I know, Mr. Sullivan. But unfortunately, hindi 'yon ang tingin ng kamag-anak mo sa ama mo. Naiintindihan ko kung gaano kayo inapi ng mismong kadugo n'yo para lang m
Mabilis na tinangka niya itong habulin pero agad na humarurot ang sasakyan ng mga ito. Mabuti na lang at naplakahan niya ang van.Sinu-sino sila at sinong pakay nila? Si Edmund ba?Sa kanyang saglit na pag-iisip ay sumagi sa kanyang isip ang sekretong organisasyon.Si Veronica ba ang pakay ng mga dumukot sa kanila? Si Jason na naman ba ang may pasimuno nito?Isang lalaking hinihingal ang lumapit sa kinatatayuan niya. "What happened?" agad na tanong nito. "Y-you're..."Pinaningkitan ito ni Luke ng tingin. Kung hindi siya nagkakamali ay anak ito ni Edmund. Hindi iyon maipagkakaila sa pagiging magkamukha nila."Tinangay ng mga armadong kalalakihan ang ama mo kasama sina Katarina. May ideya ka ba sa maaaring gumawa n'on sa kanila?" usisa niya agad, walang sinasayang na oras.Mabilis na umiling-iling lang ang lalaki.Dinukot ni Luke ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at kinontak si Malcov. "Pumunta kayo ngayon sa
"May nakakatawa ba sa sinabi namin?" may pagkadiskumpyado sa tonong tanong ng lalaking nagngangalang James habang nakataas ang isang kilay.Nginitian ito ni Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Mukhang kayo ang hindi nakakaunawa ng nangyayari sa inyo ngayon. Sarili n'yong niluto pero hindi n'yo alam kung ano ang mga sangkap at kung anong mga rekado."Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod saka marahang lumapit sa magkapatid. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang mga ito sa paraan ng ginagawa niyang pagtitig kaya nag-iwas ang mga ito ng tingin."Gustong-gusto kong ipaunawa sa inyo kung bakit may kinalaman dito si Jason Zheng, pero may kailangan akong unahin kaysa pagpapaliwanag sa inyo," kampanteng wika niya, ang tinutukoy niya ay ang mga papalapit na kalalakihan. Hinarap niya si Leon. "Sundan n'yo lang ako." utos niya rito."On it, Mr. Cruise.""W-wait, what are you going to do? Napakarami nila." May pag-alala sa boses na wika ni James. "Fighting them head-on will
Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m
"This is so f*cking annoying..." inis na bulong ni Warren sa sarili. Pawis na pawis ito habang sinusubukang i-lock-pick ang kandado sa labas ng rehas na pinto ng kwarto kung nasaan sila nakakulong ngayon. "Bakit hindi gumagana?""Enough already. Sinasayang mo lang ang oras mo d'yan," wika ng babaeng kasama nito sabay irap."Oh shut the..." sasamaan sana ito ni Warren ng salita pero naalala niyang nagmula pala ito sa isang makapangyarihang pamilya kaya inis na bumulong nalang siya sa sarili."She's right," sabat ng isa pang babae sa kabilang dako ng kwarto. "Kahit na mabuksan mo man 'yan ay balewara pa rin 'yan. Hindi natin malulusutan ang daan-daang mga armadong nagbabantay sa gusaling ito." wika nito.Si Sylvia iyon. Katabi nito sa kinapipwestuhan nito sina Leon at Malcov. Tulad nga ng inisip ni Luke sa maaaring nangyari sa mga ito ay nadakip din ang mga ito habang sinusundan ang mga dumukot kina Malcov.Matapos marinig ang sinabi ni Sylvia ay inis na paupong ibinagsak ni Warren ang
"Yosi," alok ng isang lalaki sa kasamahan nitong nagbabantay sa labas ng gate ng isang malaki at pribadong pasilidad.Parehas na may nakasabit na riple ang mga ito sa kani-kanilang katawan kaya nangangahulugan lang na isang importanteng lugar ang binabantayan ng mga ito na nasa isang liblib na dako ng isang probinsya.Walang tugon na tinanggap naman iyon ng isa pang lalaki. Bago pa man nito sindihan iyon ay isang babaeng may abot hanggang balikat na buhok ang bigla nalang sumulpot sa kanilang harapan. Ang mukha nito ay pinapalamutian ng make-up. Pulang-pula rin ang labi nito.Nakasuot ito ng kulay itim na backless mini dress na may maiksing palda at bagay na bagay iyon sa makulimlim na hapon, kaya mas nangingibabaw ang alindog ng pagkababae nito.Nakangiting kinawayan nito parehas ang dalawang lalaki. "Hi, nandito ba si Jovert?" tanong nito.Ang laylayan ng palda nito ay bahagya pang iniangat ng hangin kaya naman ay saglit na nakita ng mga lalaki ang pares ng mapuputi nitong hita."Op
Kasama si Razid pati na ang apat na BPG officials, sina Cleo, Larry, Joanna at Dylan, ay nagtungo sina Luke sa kampo ng White Dragon Knights na nakabase sa Manila. Isa lang ito sa tatlong kampo ng gang sa Luzon. Gusto sanang sumama ni Alona pero hindi niya ito pinayagan kaya wala itong nagawa kung hindi ang pumasok nalang sa trabaho kahit late."Grabe... parang kastilyo pala ang kampo ng gang mo Mr. Cruise," Puri ni Cleo habang pinagmamasdan ang napakalaking pader sa kanilang unahan.Sakay ng kotse ay naghihintay sila sa tapat ng isa ring malaking gate habang nasa likuran nila ang sasakyan nina Larry. Sa kanang bahagi ng gate ay may nakadisenyong malaking ulo ng dragon na siyang tila unang sumasalubong sa kanilang pagdating. Sa kaliwang bahagi naman ay patayong nakasulat ang pangalan ng gang.Parehas na nakabilog ang nguso ni Razid at Cleo habang pinagmamasdan iyon samantalang abala naman si Luke sa kanyang cellphone, sinusubukan pa ring kontakin si Leon."Anong oras daw umalis sina L
"Morning," bati ni Kina sa katrabaho nito habang may tipid na ngiti bago naupo sa kanyang pwesto.Pagkalapag niya ng kanyang mga gamit ay binuksan niya kaagad ang CPU ng kanyang computer para makapagsimula na kaagad ng hindi niya natapos na disenyo kahapon.Gamit ang monitor bilang salamin ay itinali niya ang kanyang buhok. Sa pamamagitan din niyon ay nakita niya ang paglapit sa kanya ng isa niyang katrabahong may kulot na buhok. Agad niya itong nilingon."Oy bhie!" bungad nito. "Bakit ang aga mo namang umuwi kahapon? Akala ko ba sasama ka sa'min?" tanong nito. Ang isa nitong kamay ay nakahawak sa suot nitong ID na may nakasulat na Judy sa ibabaw ng FD Department."May importante kasi akong ginawa kahapon. Sa susunod nalang siguro," tugon niya, hindi interesadong pahabain pa ang usapan.Dahil sa sahod nila kahapon ay nagkayayaan ang buong departamentong gumimik kinagabihan. Lahat pumunta maliban sa kanilang dalawa ni Alona.Ang totoo ay plano niya sanang yayaing kumain sa labas ang pa
Itinuro-turo ni Razid si Luke ng hawak nitong tinidor habang ang mata nito ay nangangahulugan ng pagsang-ayon. "Hmm... ang tungkol sa bagay na 'yan, gusto ko ring malaman." tumatango-tango nitong saad.Tumaas ang isang kilay ni Luke. Ibig bang sabihin ay hindi pa nito nakikita ang reyna ng organisasyon ni Jason?Nang puntong iyon ay bumukas ang pinto ng silid at pumasok roon ang hinihingal na si Dylan. Ang ekspresyon ng mukha nito ay puno ng pagkabahala.Sabay-sabay silang nagtatakang napatingin dito, maliban nalang syempre kay Alona na tila walang pakialam. Abala lang ito sa paglamon."G-guys, kailangan nina Malcov ng tulong natin. They were--" Nahinto ito sa pagsasalita nang dumako at huminto ang tingin nito kay Luke. Agad na nagliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. "Mr. Cruise!" bulalas nito.Mabilis na lumapit ito sa kinauupuan ni Luke at desperado ang itsurang lumuhod. "Oh thank goodness! Mabuti naman at nandito kayo!""Anong nangyari kay Malcov?" Magkasalubong ang kilay niyang t
"Kay Zeo? Umalis na ba siya sa gang?" takang tanong niya.Nagkibit balikat si Razid. "Malay. Si Malcov ang nagsabing kailangan na ng gang ng bagong ikalabing-lima."Nagsalubong ang kilay ni Luke at nabalot siya ng pag-iisip. Ang isa sa may potensyal sa gang ay masyado na ring naging abala sa sarili nitong buhay. Ni hindi nga ito sumabay sa kanila noong umuwi sila galing ng gubat.Gusto niyang matawa sa isiping baka tulad ni Joaquin ay nagselos din ito nang nalaman nitong may relasyon na sila ni Kina pero nakita niya naman sa ekspresyon ng mukha nitong wala itong pakiaalam.Kaya ipinagtataka niya pa rin hanggang ngayon kung ano ang pakay nito kay Kina kung wala naman sa plano nitong paibigin si Kina. Kahibangan nalang nito kung isa ito sa mga magtatangka sa kaligtasan ni Kina.Kung iyon man ang pinagkakaabalahan nito ngayon ay magpasensyahan nalang silang dalawa. Wala siyang pakialam kahit katulad niya man itong itinakwil ng kani-kanilang pamilya.Ang sinumang magtatangka sa kaligtasan
Kasamahan ni Kina na pumapasok si Alona sa kumpanyang pinapasukan nito. Hindi akalain ni Luke na kukunin ding designer ni Randolph si Alona sa kabila ng pagiging tila hindi pagseryoso nito sa pag-aaral. Bukod pa roon ay ni hindi nga ito dumalo noong araw ng kanilang pagtatapos sa halip ay natulog lang ito maghapon sa kanilang apartment.Ang angas di ba?Pero maging siya ay nagandahan din sa mga disenyo nito. Mahilig din pala talaga ang babaeng ito sa pasyon at mga kasuotan. Kaya naman pala kinupit nito sa kanya ang black card na ibinigay sa kanya ni Randolph."Mas importante pa rin sa'kin ang gang kaysa sa trabaho. Malcov called me last night at sinabing may meeting ngayon." paliwanag nito."Mas importante pa ba ang meeting n'yo kaysa sa bantayan mo si Kina?"Bumusangot ito dahil sa kanyang tanong. "It's been months already at hindi naman na sila nagpaparamdam na. Probably they knew how strong you really are and they gave up chasing her. At what cost? Uubusin mo lang naman ulit ang mg