Ilang segundong pinagmasdan ng mga young master ang uka sa pader bago nila lingunin si Luke na tahimik lang na nakatayo sa gitna. Pare-parehas na namimilog ang kanilang mga mata. Walang nangahas na sumbatan siya sa ginawa niyang iyon. Lahat sila ay biglang nakaramdam ng kakaibang takot habang pinagmamasdan siya. Ang ilan ay napalunok pa. Makalipas ang ilang saglit ay nag-umpisa ring maglakad paalis si Luke kaya nakahinga sila nang maluwag. Saka lang din napansin ng young master na pinuntirya niya ang dugong dumadaloy sa pisngi nito mula sa manipis nitong sugat. Nagsisisigaw ito nang makita ang sariling dugo. Nagtungo si Luke sa kanyang kwarto, inis na inihiga ang sarili sa kama pagkapasok. Makaraan ng ilang saglit ay tumayo siya at pabalik-balik na naglakad habang nasa likuran ang mga kamay. Nag-iisip. Hindi siya mapakali sa isiping kasalukuyang kasabay ng ibang lalaki si Kina habang kumakain. Gusto niyang pumunta roon at tingnan kung anong nangyayari ngayon sa kanilang mesa. Kung a
"Good noon, Ms. Reyes. Saktong-sakto, kakatapos lang naming maihanda ang inyong mesa." magalang na salubong ng manager. Kahit na air-conditioned ang palapag ay pinagpapawisan ito.Mabait na nginitian ito ni Criselda. "Thank you,"Napansin nila na parang may hinahanap sa likuran ang manager."You can leave now." utos na saad ni Criselda rito.Kumunot ang noo ng manager. "A-akala ko po ba kasama n'yo si Mr. Cruise?" usisa nito.Mahinang natawa si Criselda saka binalingan ng tingin si Luke pagkatapos ay pinagmasdan ang kanyang suot. "This is Mr. Cruise."Mas lalo lang nagtaka ang manager. Ang lalaking kasama ngayon ni Criselda ang young master ng pamilya Cruise? Pero bakit napakaordinaryo nito tingnan?Inaasahan niyang higit na kanino pa man ang dating nito at porma pero mukhang kabaliktaran niyon ang lalaking nasa harapan niya ngayon. Ito ba talaga si Luke Cruise?"H-hindi n'yo naman po ako binibiro, Ms. Reyes...""Bakit naman ako magbibiro?" mabait lang na tumawa si Criselda.Tuluyang
"Ms. McCollin, congrats nga pala sa napakabilis na pamamayagpag ng 'yong kumpanya." putol ni Danny sa pagkakatitig ni Natalia kay Joaquin. "It's been a long time since I Iast saw you in person. Napakaganda mo pa rin katulad noon.""Thanks, Mr. Campbell. Even though you're talking to me in an inappropriate manner." seryosong tugon ni Natalia."What's the right one? Pwede mo ba akong turuan?" Pinagsalikop ni Danny ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng mesa pero agad din nitong iniwas iyon nang makitang maglalapag ang waiter ng plato. "Oh sorry."Nagsimulang kumain si Natalia pagkalapag ng kanyang plato sa kanyang harapan. "The right one? Just keep your mouth shut and eat."Mahinang natawa si Danny. "Kaya siguro hanggang ngayon ay wala pa ring nagtatangkang manligaw sa'yo dahil sa ang hirap mong i-approach. Plano mo bang tumanda nang dalaga?"Binigyan ni Natalia ng nakakamatay na titig si Danny pero tumawa lang ulit ito. "You know me, Ms. McCol
Napatayo siya at napatitig din dito, binabasa ang ekspresyon ng mukha nito. Tumingin pa si Kina sa nakaupong si Criselda bago tuluyang naglakad paalis. Agad na hinabol niya ito."K-Kina, saglit!" tawag niya rito pero hindi ito lumingon.Naabutan niya ito sa pasilyo na patungong banyo. Hinablot niya ang kamay nito kaya pwersang nahinto si Kina at lumingon sa kanya. Hindi ito nagsalita sa halip ay nag-iwas ng tingin."Kung anuman ang iniisip mo, hindi totoo 'yan." paliwanag niya kaagad.Batid niya sa mukha ni Kina na tila nagseselos itong makita siyang may kasamang ibang babae. Hindi man nito aminin ay iyon ang una niyang napansin nang makitang nakatitig ito sa kanya kanina.Nakamaang na nag-angat ng tingin sa kanya si Kina. "H-huh? I'm not thinking anything."Pagkasabi nito ay aktong ibibitaw sana nito ang pagkakahawak niya pero pwersa niyang isinandal ito sa pader at kinulong sa kanyang mga kamay. Napansin niya na pinamulahanan k
Tumango-tango ang mga kasamahan nito bilang pagsang-ayon. "Tama. Walang lugar ang mga kagaya mong nangmula sa lower class na pamilya rito sa upperclass kaya ibabalik ka namin kung saan ka nanggaling." pasinghal na ani ng isa habang dinuduro pa si Luke."Sigurado ba kayong gusto n'yong mangyari 'to? Hindi n'yo ba nakita ang ginawa ko kay Adonis kanina?" pananakot niya. Ayaw niyang patulan ang mga ito at gusto niya lang ng tahimik na pagkakataon kasama si Kina."Hah! Akala mo ba ay matatakot kami sa'yo? Para lang sa kaalaman mo, lahat kami rito ay nanalo sa unang round. That Adonis guy is a weakling. Isa siyang basura pagdating sa martial arts." nakaismid na sambit ng nasa unahan. "Isa pa ay mag-isa ka lang at lima kami. Anong laban mo sa'min?" dagdag nito sa mayabang na tono.Hinawakan ni Luke ang kamay ni Kina upang marahan itong hilahin papunta sa kanyang likuran. Hindi naman sumalungat si Kina na hinayaan lang ang sariling gawin iyon ni Luke."Y
Pumailanlang ang boses ng manager sa kabuuan ng palapag. Lahat ng kumakain doon ay sabay-sabay na napatayo at dumungaw sa direksyon ng pinanggalingan ng boses. Pero dahil nasa loob ng mismong pasilyo sina Luke ay hindi nila makita kung anong nagaganap doon."Is that Manager Castro?" takang tanong ng isa."Anong nangyayari? Sinong pinapagalitan niya?" aning tanong pa ng isa.Nauna nang pumunta roon si Alona at Jackielyn. Hindi pa bumabalik si Kina kaya nag-aalala silang baka nasangkot ito. Parehas na napamulagat sila nang madatnan doon si Luke. Sa likuran nito ay ang tatlong wala pa ring malay na young masters.Sunod na dumating si Natalia, Joaquin at Danny. Na sinundan ni Criselda maging ang ibang young masters na gustong makiusisa."Kilala n'yo ba kung sino ang lalaking ito? Ang tinatawag n'yong nagmula sa lower class na pamilya?" direktang tinitigan ng manager sa mata ang isa sa pinapagalitan nito. "Ang tinatawag mong hampaslupa?"
Sumapit ang ala singko ng hapon, muling nagtipon-tipon ang lahat sa stadium. Mas dumami pa ngayon ang manonood kumpara kanina. Mayroon ding mga sikat na artista, politiko, at iba pang sikat na personalidad ang dumalo upang manood.Dumalo rin ang dalawang sikat na lider ng nangunguna at pangatlong gang sa Luzon kasama ang ilan nilang kamiyembro. Dahil sa takot sa kanila ay walang nakapwesto malapit sa kanila."Nasaan kaya si Mr. Cruise? Nai-excite na akong makita ang laban niya!" galak na saad ni Joanna. Katabi nito sina Larry at Cleo."Sit down, 'wag kang humarang diyan!" bulyaw ni Warren. Sinimangutan lang ito ni Joanna at hindi sumunod.Tatayo sana si Warren upang lapitan si Joanna pero hinila ito ni Malcov at binigyan ng blangkong tingin. Walang nagawa si Warren kung hindi ang maupo nalang ulit.Ang halos pitong daang kalahok kanina ay nasa mahigit tatlong daan nalang ngayon. Ang mga natalo sa unang round ay nakaupo nalang ngayon kasam
- FLASHBACK -Pagkatapos ng nangyaring komosyon sa VIP section ay heto ngayon sina Luke sa kanyang kwarto, kasama sina Philip at Criselda."Why did you—""Tinanong ko na siya, Mr. Garcia. But he refused." agad na putol ni Criselda kay Philip. Batid nitong ang itatanong ni Philip ay kung bakit sa regular na kwarto lang naka-ckeck-in si Luke.Isang beses lang na tumango si Philip saka tiningnan si Luke na kasalukuyang nakahiga sa kama. Mukhang nasa malalim na pag-iisip.Nagkatinginan sila ni Criselda at nag-usap sa pamamagitan ng mata. Sinabi ni Criselda na kanina pang ganoon si Luke."Mr. Cruise, would you mind telling us what's your problem? Maybe makakatulong kami." pakiusap ni Philip sa magalang na tono.Pinandilatan ni Criselda si Philip at sinabi sa pamamagitan niyon na naitanong niya na rin iyon kay Luke. Napabilog ang nguso ni Philip.Makalipas ang ilang saglit ay naupo si Luke at pinagsalikop ang mga pala
"May nakakatawa ba sa sinabi namin?" may pagkadiskumpyado sa tonong tanong ng lalaking nagngangalang James habang nakataas ang isang kilay.Nginitian ito ni Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Mukhang kayo ang hindi nakakaunawa ng nangyayari sa inyo ngayon. Sarili n'yong niluto pero hindi n'yo alam kung ano ang mga sangkap at kung anong mga rekado."Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod saka marahang lumapit sa magkapatid. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang mga ito sa paraan ng ginagawa niyang pagtitig kaya nag-iwas ang mga ito ng tingin."Gustong-gusto kong ipaunawa sa inyo kung bakit may kinalaman dito si Jason Zheng, pero may kailangan akong unahin kaysa pagpapaliwanag sa inyo," kampanteng wika niya, ang tinutukoy niya ay ang mga papalapit na kalalakihan. Hinarap niya si Leon. "Sundan n'yo lang ako." utos niya rito."On it, Mr. Cruise.""W-wait, what are you going to do? Napakarami nila." May pag-alala sa boses na wika ni James. "Fighting them head-on will
Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m
"This is so f*cking annoying..." inis na bulong ni Warren sa sarili. Pawis na pawis ito habang sinusubukang i-lock-pick ang kandado sa labas ng rehas na pinto ng kwarto kung nasaan sila nakakulong ngayon. "Bakit hindi gumagana?""Enough already. Sinasayang mo lang ang oras mo d'yan," wika ng babaeng kasama nito sabay irap."Oh shut the..." sasamaan sana ito ni Warren ng salita pero naalala niyang nagmula pala ito sa isang makapangyarihang pamilya kaya inis na bumulong nalang siya sa sarili."She's right," sabat ng isa pang babae sa kabilang dako ng kwarto. "Kahit na mabuksan mo man 'yan ay balewara pa rin 'yan. Hindi natin malulusutan ang daan-daang mga armadong nagbabantay sa gusaling ito." wika nito.Si Sylvia iyon. Katabi nito sa kinapipwestuhan nito sina Leon at Malcov. Tulad nga ng inisip ni Luke sa maaaring nangyari sa mga ito ay nadakip din ang mga ito habang sinusundan ang mga dumukot kina Malcov.Matapos marinig ang sinabi ni Sylvia ay inis na paupong ibinagsak ni Warren ang
"Yosi," alok ng isang lalaki sa kasamahan nitong nagbabantay sa labas ng gate ng isang malaki at pribadong pasilidad.Parehas na may nakasabit na riple ang mga ito sa kani-kanilang katawan kaya nangangahulugan lang na isang importanteng lugar ang binabantayan ng mga ito na nasa isang liblib na dako ng isang probinsya.Walang tugon na tinanggap naman iyon ng isa pang lalaki. Bago pa man nito sindihan iyon ay isang babaeng may abot hanggang balikat na buhok ang bigla nalang sumulpot sa kanilang harapan. Ang mukha nito ay pinapalamutian ng make-up. Pulang-pula rin ang labi nito.Nakasuot ito ng kulay itim na backless mini dress na may maiksing palda at bagay na bagay iyon sa makulimlim na hapon, kaya mas nangingibabaw ang alindog ng pagkababae nito.Nakangiting kinawayan nito parehas ang dalawang lalaki. "Hi, nandito ba si Jovert?" tanong nito.Ang laylayan ng palda nito ay bahagya pang iniangat ng hangin kaya naman ay saglit na nakita ng mga lalaki ang pares ng mapuputi nitong hita."Op
Kasama si Razid pati na ang apat na BPG officials, sina Cleo, Larry, Joanna at Dylan, ay nagtungo sina Luke sa kampo ng White Dragon Knights na nakabase sa Manila. Isa lang ito sa tatlong kampo ng gang sa Luzon. Gusto sanang sumama ni Alona pero hindi niya ito pinayagan kaya wala itong nagawa kung hindi ang pumasok nalang sa trabaho kahit late."Grabe... parang kastilyo pala ang kampo ng gang mo Mr. Cruise," Puri ni Cleo habang pinagmamasdan ang napakalaking pader sa kanilang unahan.Sakay ng kotse ay naghihintay sila sa tapat ng isa ring malaking gate habang nasa likuran nila ang sasakyan nina Larry. Sa kanang bahagi ng gate ay may nakadisenyong malaking ulo ng dragon na siyang tila unang sumasalubong sa kanilang pagdating. Sa kaliwang bahagi naman ay patayong nakasulat ang pangalan ng gang.Parehas na nakabilog ang nguso ni Razid at Cleo habang pinagmamasdan iyon samantalang abala naman si Luke sa kanyang cellphone, sinusubukan pa ring kontakin si Leon."Anong oras daw umalis sina L
"Morning," bati ni Kina sa katrabaho nito habang may tipid na ngiti bago naupo sa kanyang pwesto.Pagkalapag niya ng kanyang mga gamit ay binuksan niya kaagad ang CPU ng kanyang computer para makapagsimula na kaagad ng hindi niya natapos na disenyo kahapon.Gamit ang monitor bilang salamin ay itinali niya ang kanyang buhok. Sa pamamagitan din niyon ay nakita niya ang paglapit sa kanya ng isa niyang katrabahong may kulot na buhok. Agad niya itong nilingon."Oy bhie!" bungad nito. "Bakit ang aga mo namang umuwi kahapon? Akala ko ba sasama ka sa'min?" tanong nito. Ang isa nitong kamay ay nakahawak sa suot nitong ID na may nakasulat na Judy sa ibabaw ng FD Department."May importante kasi akong ginawa kahapon. Sa susunod nalang siguro," tugon niya, hindi interesadong pahabain pa ang usapan.Dahil sa sahod nila kahapon ay nagkayayaan ang buong departamentong gumimik kinagabihan. Lahat pumunta maliban sa kanilang dalawa ni Alona.Ang totoo ay plano niya sanang yayaing kumain sa labas ang pa
Itinuro-turo ni Razid si Luke ng hawak nitong tinidor habang ang mata nito ay nangangahulugan ng pagsang-ayon. "Hmm... ang tungkol sa bagay na 'yan, gusto ko ring malaman." tumatango-tango nitong saad.Tumaas ang isang kilay ni Luke. Ibig bang sabihin ay hindi pa nito nakikita ang reyna ng organisasyon ni Jason?Nang puntong iyon ay bumukas ang pinto ng silid at pumasok roon ang hinihingal na si Dylan. Ang ekspresyon ng mukha nito ay puno ng pagkabahala.Sabay-sabay silang nagtatakang napatingin dito, maliban nalang syempre kay Alona na tila walang pakialam. Abala lang ito sa paglamon."G-guys, kailangan nina Malcov ng tulong natin. They were--" Nahinto ito sa pagsasalita nang dumako at huminto ang tingin nito kay Luke. Agad na nagliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. "Mr. Cruise!" bulalas nito.Mabilis na lumapit ito sa kinauupuan ni Luke at desperado ang itsurang lumuhod. "Oh thank goodness! Mabuti naman at nandito kayo!""Anong nangyari kay Malcov?" Magkasalubong ang kilay niyang t
"Kay Zeo? Umalis na ba siya sa gang?" takang tanong niya.Nagkibit balikat si Razid. "Malay. Si Malcov ang nagsabing kailangan na ng gang ng bagong ikalabing-lima."Nagsalubong ang kilay ni Luke at nabalot siya ng pag-iisip. Ang isa sa may potensyal sa gang ay masyado na ring naging abala sa sarili nitong buhay. Ni hindi nga ito sumabay sa kanila noong umuwi sila galing ng gubat.Gusto niyang matawa sa isiping baka tulad ni Joaquin ay nagselos din ito nang nalaman nitong may relasyon na sila ni Kina pero nakita niya naman sa ekspresyon ng mukha nitong wala itong pakiaalam.Kaya ipinagtataka niya pa rin hanggang ngayon kung ano ang pakay nito kay Kina kung wala naman sa plano nitong paibigin si Kina. Kahibangan nalang nito kung isa ito sa mga magtatangka sa kaligtasan ni Kina.Kung iyon man ang pinagkakaabalahan nito ngayon ay magpasensyahan nalang silang dalawa. Wala siyang pakialam kahit katulad niya man itong itinakwil ng kani-kanilang pamilya.Ang sinumang magtatangka sa kaligtasan
Kasamahan ni Kina na pumapasok si Alona sa kumpanyang pinapasukan nito. Hindi akalain ni Luke na kukunin ding designer ni Randolph si Alona sa kabila ng pagiging tila hindi pagseryoso nito sa pag-aaral. Bukod pa roon ay ni hindi nga ito dumalo noong araw ng kanilang pagtatapos sa halip ay natulog lang ito maghapon sa kanilang apartment.Ang angas di ba?Pero maging siya ay nagandahan din sa mga disenyo nito. Mahilig din pala talaga ang babaeng ito sa pasyon at mga kasuotan. Kaya naman pala kinupit nito sa kanya ang black card na ibinigay sa kanya ni Randolph."Mas importante pa rin sa'kin ang gang kaysa sa trabaho. Malcov called me last night at sinabing may meeting ngayon." paliwanag nito."Mas importante pa ba ang meeting n'yo kaysa sa bantayan mo si Kina?"Bumusangot ito dahil sa kanyang tanong. "It's been months already at hindi naman na sila nagpaparamdam na. Probably they knew how strong you really are and they gave up chasing her. At what cost? Uubusin mo lang naman ulit ang mg