HINDI na bumalik si Sandra sa pag-swimming pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Aj.She was really hurt.Aj just proved that his not interested to her. She is almost gave herself but he refused. Sampal 'yon sa pagkababae niya. Hindi na niya sana ipapaalam 'yon kay Sammy pero kilala siya ng kapatid kaya wala siyang nagawa kundi sabihin dito ang nangyari.Wala siyang nakuhang reaksyon sa kapatid. Pinagbihis lang siya nito dahil kailangan na nilang bumaba para sa party."Don't think about it. We're here to enjoy," nakangiting wika ni Sammy na kakalabas lang ng banyo. Nginitian niya lang ito bilang sagot.She's now wearing a navy blue maxi dress na backless kaya litaw ang napakakinis niyang likuran pa-vneck rin ang design sa harapan kaya naman kitang-kita rin ang kanyang cleavage dahil sa mababang neckline. Kapatid niya ang pumili nito, ewan ba niya kung ano na naman iniisip nitong kalokohan."You're really gorgeous, Ate. Bulag talaga 'yang boss mo!""Ano na naman drama mo Sammy, masyado re
PAPUNTA na si Aj sa opisina, nagpahatid na lang siya sa driver nila dahil masakit ang kanyang ulo. Halos wala siyang tulog kagabi dahil ang isip ay okupado ng dalawang taong nasa katabing silid lang.Hindi niya na talaga maintindihan ang trip ng secretary niya. Inamin nitong isa itong tunay na babae at gusto nito siya. Halos ibigay na nga ang sarili sa kanya, buti na lang malakas ang self control niya sa sarili.Parang ang dali lang para rito makipag-sex sa kanya. Kung sabagay ano ba aasahan niya. She is really a whore! Handang makipag-sex sa kanya habang may iba itong kasama sa kwarto. She is really crazy!She is a liar! Nagtiwala siya rito pero sinira lang nito ang ibinigay niyang tiwala. Anong dahilan nito para magpanggap?! Bakit hindi niya napansin? Ang tanga-tanga niya!Pinaglaruan siya! Pwes kung sa tingin nito, he will dismiss her then she was wrong because he is willing to play her game. Hanggang sa ito mismo ang kusang umayaw sa larong inumpisahan.No one messes with Andrew J
"HINDI ka mabubusog kakatingin sa pagkain mo," wika ni Raymond kay Sandra.Nandito sila ngayon sa canteen dahil lunch time."Baka busog na kasi," singit ni Jayson.Sinamaan niya ito ng tingin. "Hoy! Sandra kung makatingin ka parang ang laki ng kasalanan ko, ah," maarte nitong sambit, "hindi ba natuloy ang jugjugan?"Hinampas niya ito sa braso. "Ouch, Sandra!"Binalik niya ang tingin sa pagkain. Wala talaga siyang gana, naiinis siya sa walang hiyang boss niya!"Ano'ng hindi natuloy?" tanong ni Sarah."'Yong jugjugan nila ni Dragon, dumating kasi ako ayun naistorbo ko," pabulong na wika ni Jayson pero rinig naman nila.Inirapan niya ito. "Pwede ba Jayson, dalagang Pilipina ako.""Dalagang ano? Baka kung hindi ako dumating nakahiga ka na sa sahig at umuungol," mahina pa rin nitong sambit.Nakita niyang napanganga sina Sarah at Raymond. Parang inosente kung maka-react!"Ano 'yan reaksyon niyo? Inosente lang?""You mean Sandra, you and dragon do the jugjugan in the office?" nanlalaki ang mg
HINDI pumasok si Aj sa araw na 'yon. Tinawagan niya ito pero naka-off ang cellphone nito. Kaya si Anthony na lang ang tinanong niya. Sinabi nito na may importante raw inasikaso. Hindi man lang marunong magsabi, mabut ati wala itong meeting ngayon.Napatingin siya sa wrist watch na suot, mag-alas kwatro na pala, wala naman siyang masyadong trabaho. Nang marinig niya ang pagtunog ng private elevator ay napadako ang tingin niya rito.Baka ang boss niyang hambog ito.Ngunit mali siya dahil si Anthony ang sakay nito. Papalapit ito sa kanya na tila 'di mapakali."Good afternoon, Sir Anthony," bati niya rito. Kapag nasa opisina ay pormal sila.Tipid itong ngumiti. Parang may kakaiba rito."Ah, Sandra..." panimula nito. Nanatili naman siyang walang imik at hinihintay ang susunod na sasabihin na mukhang 'di masabi-sabi.Nang lumipas ang ilang minuto na hindi pa ito nagsasalita ay siya na ang nagtanong, "May kailangan po ba kayo?" Tiningnan siya nito pero mahahalata ang pagkabalisa na nagpapaka
ISANG linggo na hindi pumasok si Aj. Mas ayos na 'yon para kay Sandra dahil wala siyang mukhang ihaharap dito pagkatapos niya itong gerahin.Akala niya nga wala na siyang trabaho pero hindi naman siya hinarangan ng security at inihagis palabas.Joke lang…O.A lang siya dahil sa pinanggagawa niya. Nasermunan pa tuloy siya ng mga kuya niya nang ikwento niya ang ginawa niya. Hindi naman niya pinagsisisihan ang mga sinabi. Ewan niya ba kung ano ang sumapi sa kanya at sinermunan ang boss niya.Siguro, dahil pareho sila ng sitwasyon at ewan niya rin kung bakit nasasaktan siyang isipin na nahihirapan ito. Gusto niya itong tulungan makawala sa nakaraan."Ang lalim ng iniisip natin, ah." Nabalik siya sa kasalukuyan nang marinig ang boses ni Anthony. Napataas ang kilay niya nang makita ang apat sa kanyang harapan."What are you doing here?" Walang respeto niyang tanong sa mga ito. Kapag walang ibang tao ay walang dahilan para galangin ang mga ito."We're going to eat," sagot ni Kevin na itinaas
NAKASAKAY na si Sandra sa company car na maghahatid sa kanya sa mansion ng boss niyang herodes. Nagulat talaga siya nang makitang tumatawag ito. Aaminin naman niya na sobrang na-miss niya ito.Pero ang walang hiya imbes mangamusta puro tanong sinalubong sa kanya parang ewan! Wala pa rin pinagbago. Akala niya sa pagkawala nito ng isang linggo ay may mabuting espiritu ang sumanib dito. Pero wala! Wala! Wala!"Nandito na po tayo ma'am." Kalabit sa kanya ni Kuya Jaime. Kanina pa yata sila nakahinto at dahil naglalakbay ang kanyang isipan ay hindi niya ito napansin. Napilitan tuloy siyang kalabitin.Nakakahiya!"Ah, opo, salamat po Kuya." Mabilis siyang bumaba sa sasakyan. "Hihintayin n'yo po ba ako?" tanong niya pagkababa."Hindi na po ma'am, sabi rin kasi ni Mr.Villaflor na iwanan ko na po kayo rito," magalang nitong sagot.Napatango na lang siya at pinaalis na ito.Ano na naman kaya ipapagawa ng lalaking 'yon?Nakabukas naman ang napakalaking pintuan na tila aabutin ng sampung taon ang
NAALIPUNGATAN si Aj nang may tumatapik sa pisngi niya. Ang ganda pa man din ng panaginip niya na katabi niya raw si Sandra at nakaunan siya rito habang nakayakap .Kung sino man itong istorbo makakatikim talaga sa kanya.Bahagya niyang iminulat ang mga mata. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Sandra. Muli niya tuloy ipinikit ang mga mata. Namamalikmata na yata siya."Hey, sleepy head wake up! Kailangan mo ng kumain at uminom ng gamot para gumaling ka. Huwag kang pabebe diyan." Alog nito sa kanyang balikat.Napabalikwas tuloy siya ng bangon.Pero napangiwi nang maramdaman ang sakit ng ulo."Ayan! Bakit kasi kailangan pabigla-bigla babangon? Hay naku!" rinig niyang sermon nito.Bahagya niya muling iminulat ang mga mata. Nakita niya itong may kinuha sa mesa at ngayon ay pabalik na sa kanya.Naka-uniform pa ito.Hindi panaginip ang lahat. Naalala na niyang pinapunta niya ito."A penny for your thoughts?" taas kilay nitong tanong habang hawak-hawak ang tray na may umuusok na lugaw.
KAPWA sila naghahabol ng hininga ng maghiwalay. Tinitigan niya si Aj. The man she loves."Take me now, baby boy." Panggagaya niya sa tawag nito sa kanya. Kinagat niya pa ang ibabang labi upang akitin ito lalo.She's ready to surrender.Level 3 na eh, haha.Kita niya nag-apoy ang mga mata nito.Walang sabi-sabing hinalikan niya muli ito na tinugon naman agad. Nakakaadik ang labi nito. Tila isang drugs nga na nakakawala sa sarili. Dahan-dahan siya nito inihiga. Huminto ito sa paghalik sa kanya saka siya tinitigan."Are you sure baby girl?" paninigurado na tanong nito."Ayaw mo ba?" taas kilay niyang tanong din. Nanlaki ang mga mata niya nang makarinig na tilang pinunit na tela.At hindi nga siya nagkamali.Ang herodes winarak ang nighties niya."What the f*ck baby boy! Baka hanapin ng mommy mo 'yan. Wala akong pambayad d'yan," naiinis niyang sabi rito.Ngumisi ito. "I can buy you a lot of it baby girl," pagkasabi no'n ay muli siya nito hinalikan. Bumaba ang halik nito sa may leeg niya, p
MABILIS ang paglipas ng mga araw, buwan at taon. Sampung taon na nga ang lumipas mula nang magsama sila bilang mag-asawa. At sa loob nang mahigit sampung taon na 'yon ay walang pagsidlan ng saya ang naramdaman ni Sandra. Having three kids was enough to be grateful. At sa mga taon pang darating ay mas sisiguraduhin niya na patuloy niyang papahalagahan ang pamilyang binuo kasama ng pinakamamahal niyang asawa. "Are you ready, baby girl?" Napalingon siya sa asawa na kakapasok lang sa silid nila. At kahit sampung taon na ang lumipas. Her husband remains as one of the handsome men in her eyes. "Baby girl, stop staring at me like that. May lakad tayo at alam ko na ayaw mo na ma-late." Natawa na lang siya sa sinabi ng asawa."Why? It is bad to admire how handsome my husband is?" Pinalandi niya pa ang boses para asarin ang asawa. Alam niya naman kasi kung ano ang kahinaan nito. Aj groaned. At bago pa niya ito tuluyan matukso ay nagmamadali na siyang tumayo. "Baby girl! You really know how to
HINDI maipinta ang mukha ni Sandra. Kanina pa siya wala sa mood at hindi niya alam kung bakit. Siguro ay dahil sa kanyang pagbubuntis. Mga tatlong buwan na ang tiyan niya. Hindi naman siya pinabayaan ng asawa dahil todo asikaso ito sa kanya. Pero itong mga nakaraang araw ay ayaw niya itong nakikita. Mas gusto niya makita ang kuya ni Clara—si Jacob. "Baby girl, I'm home!" Ang malakas na boses ng asawa ang kanyang narinig. Nanatili siyang nakahiga at nagtalukbong ng kumot. "Baby girl, are you okay? May masakit ba sayo? Masama ba pakiramdam mo? I will bring you to the ho—" "Nothing! And please, stop asking. Ayoko marinig ang boses mo!" naiinis niyang sagot at mas hinigpitan ang hawak sa comforter nang maramdaman niya na inaalis 'yon ng asawa."Baby girl naman, stop doing it. Nasasaktan na ako," bakas ang sakit sa boses nito pero ewan niya ba kung bakit wala siyang maramdaman na awa. Imbes ay mas lalo siyang naiinis. Bakit naman kasi ganito ang epekto ng pagbubuntis niya?Hindi siya nag
TALAGANG sinulit ni Aj ang kanilang travel honeymoon. Napapailing na lang si Sandra habang pinagmamasdan ang asawa na masayang nakikipagkwentuhan sa mga pinsan at sa kambal niyang kapatid. Sigurado siya na puro kalokohan at kayabangan lang ang ipinagsasabi nito. Wala naman maganda do'n."Pretty Beshie!" Napalingon siya sa tawag ni Clara. Napangiti siya saka sinalubong ito ng yakap. "Blooming, ah. Mukhang maraming vitamins ang naitarak sayo." Natawa siya sa sinabi nito. Wala na talagang bahid ng kainosentehan ang kanyang beshie. "Isang linggo ba naman sinulit…ewan ko lang kung hindi pa mabuo ang bunso namin," ganting biro niya rito sabay himas sa kanyang maliit pa na tiyan. One week vacation in Hawaii is really great. Lalo na kung libre. Dahil nga nanalo ang asawa sa pustahan nito at nina Kevin at Anthony. Na-enjoy niya ang lugar. Siyempre hindi naman pwedeng magkulong lang sila sa kwarto at puro jugjugan lang. Kumusta naman ang beauty niya."Hello there, pretty ladies," bati naman ni
"SANDREW, bumaba ka d'yan!" sigaw ni Aj sa anak na lalaki. Paano ba naman kasi ay umakyat sa may railings ng hagdan at naglambitin. Mabuti at sa may mababang parte lang."Daddy, look I feed snoopy." Nanlaki ang mga mata niya nang makitang punong-puno ang bunganga ng pinabili nitong aso na ang breed ay Chihuahua kahit na ayaw niya. Wala siyang nagawa dahil nagwala ito at sinang-ayunan naman ni Sandra. Kaya ayon, talo ang kinalabasan niya."Lyna! Snoopy will die if you continue to feed him," sabi niya habang itinatabi ang nakahanda pang pagkain nito."Daddy!! help! help! I'm gonna die!" Mabilis naman niyang dinaluhan si Sandrew na nakakapit sa pangatlong baitang ng railings ng hagdan.Dinala niya ito sa tabi ni Lyna at namaywang siya sa harapan ng dalawa. "Can you please behave, tatlong taon pa lang kayo pero sobrang likot n'yo na! Isusumbong ko kayo sa mommy n'yo!" sermon niya sa kambal. Tatlong taon na ang kambal nila ni Sandra. Sobrang saya niya dahil talaga namang nagbigay kulay an
NASA LIVING room si Sandra habang nanonood ng TV. Hindi na kasi siya pinapakilos pa. Dahil kabuwanan na niya kaya naman medyo nahihirapan na talaga siyang gumalaw.Maswerte nga si Aj dahil hindi niya ito pinahirapan sa paglilihi. Mukhang kakampi nito ang mga anak. Yes, they are going to have a twins, a boy and a girl. She can't wait to see them. Everyone was excited to see their twins, especially Aj's grandparents.Dito na sila pinatira ng magulang ni Aj sa mansion. Ang rason ng mga ito ay wala naman daw magmamana nito kung hindi si Aj. Kaya pumayag na rin sila para mapagbigyan ang magulang nito.Maging ang kambal ay rito na rin nakatira. Ayaw niya kasi malayo sa mga ito. Saka gusto rin naman ng mga magulang ni Aj, mas sumaya nga raw dahil nagkaroon ng buhay ang mansion.Masaya siya sobra dahil naka-graduate na sa wakas si Samuel habang si Sammy ay ipinagpatuloy ang pagiging doctor nito.Bumalik siya sa kasalukuyan nang maramdaman na sumakit ang kanyang tiyan."Ahhhh!!!" sigaw niya ha
DAHAN-DAHAN iminulat ni Sandra ang kanyang mga mata. Sumalubong sa kanya ang puting kisame."Baby girl, you're awake! Thanks God," masyang tinig ni Aj ang kanyang narinig. At naramdaman niya ang paghawak sa kanyang kamay.Inilipat niya ang tingin dito dahilan para magtama ang kanilang mga mata. Bakas ang kasiyahan sa mukha nito habang hawak-hawak ang kanyang kamay at hinahalikan iyon.Lumibot ang tingin niya sa paligid ng silid at napaawang ang kanyang bibig sa nakita. Lahat ng pamilya ni Aj ay narito maging ang kambal. Naalala niya ang huling nangyari. Oo nga pala, bigla na lang siya nawalan ng malay."Iha, maayos na ba ang pakiramdam mo? Ano ba nangyari at hinimatay ka?" tanong ng lola ni Aj.Akmang uupo siya nang mabilis siyang inalalayan ni Aj. Napangiti tuloy siya. Napa-sweet talaga ng mahal niya. Nang sa wakas ay nakaupo na siya ay biglang tumuon ang tingin niya kay Kevin. Napasimangot tuloy siya."Oh! Bakit ganyan ang tingin mo sa akin? Parang ang laki ng kasalanan ko. The last
"WHAT?!" malakas na sigaw ni Sandra kay Clara na nasa kabilang linya. Palagay niya ay nabasag ang eardrums nito."Beshie, balak mo ba sirain ang eardrums ko. Makasigaw lang wagas! Kainis ah!" reklamo nito.May ibinalita kasi ito na dahilan para tawagan niya ito. Lagpas dalawang linggo na simula nang umalis siya sa Manila. Pinatay niya ang kanyang cellphone dahil sigurado na uulanin siya ng tawag at message. Ngayon niya lang naisipan buksan at ang unang bumungad sa kanya ay ang mensahe ng kanyang kaibigan."Still there beshie?" Nabalik siya sa sarili nang marinig ang boses ni Clara. Oo nga pala, kausap niya pa ito."Ye-yeah.""So, ano na? Okay lang sayo? Hahayaan mo na lang na maikasal si Andrew sa Nicole na 'yon? Angkinin ang anak na 'di naman kanya," dire-diretsong wika nito."Pero ikakasal na kami.""Ikakasal? Hindi ba nag-run away bride ka? Paano kayo ikakasal? Ano ba kasi nangyari at nag-alsa balutan ka?" bakas na ang iritasyon sa boses nito. "I don't like that Nicole. Mabait siya
"NANAY, sandali lang po magpapaalam lang po ako kay panget," paalam niya sa kanyang nanay."Aj, hindi na pwede nandito na 'yong tricycle na maghahatid sa atin. Balikan mo na lang siya." Wala na siyang nagawa nang hilahin na siya ng kanyang ina pasakay sa naghihintay na tricycle."I'm sorry panget, pero pangako babalikan kita. Hintayin mo ako!" piping usal niya sa sarili habang unti-unting lumiliit ang lugar na espesyal sa kanya.…"Andrew, anak wake up. Kevin, call a doctor or call Dominic now!"Dahan-dahan ni Aj iminulat ang mga mata."Oh my God! Thank God you're awake," tinig ng kanyang mommy ang kanyang naririnig."Apo, how are you?" sunod niya narinig ang tinig ng lola niya.Gising na siya at gusto niya ibuka ang bibig pero tila hindi niya kontrolado ang kanyang katawan."What happened to him? Where is the doctor?" tinig ng kanyang daddy.Narinig niyang bumukas ang pintuan at may lumapit sa kanya.Ramdam niya ang ginawang pag-eksamin sa kanya habang nananatili siyang nakahiga."A
NAPAGDESISYON ni Aj na bumalik na sa kanyang condo. Pagkalabas niya kanina ay sa rooftop siya dumiretso kung saan may isang restobar. Puwesto siya sa pinakatagong lugar. Gusto niya mapag-isa. Gusto niya ilabas ang sakit na nararamdaman niya. Gusto niya itanong nang paulit-ulit kung ano ba ang mali at kulang para hindi siya maging sapat? Pero alam niya na hindi niya ito masasagot.Nang halos tatlong oras na siya nakatambay sa rooftop ay nagdesisyon na siyang bumalik sa kanyang condo. Umaasa na naroon pa rin si Sandra. Baka nahimasmasan na ito at pwede na silang mag-usap nang maayos.Kung kinakailangan niya humingi ng tawad sa mga nasabi ay gagawin niya. Manatili lamang ito sa kanyang tabi. Being alone for a while made him realize that he can't afford to lose her. He will fight until she says that she doesn't need him anymore.Pagkarating sa may pintuan ay bumuga muna siya ng hangin bago pinindot ang kanyang password at binuksan ang pinto.Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa kan