NANG natapos ang meeting ni Manuel ay hindi na niya nagawa makipag-usap at nagpaalam sa mga ka meeting niya. Hindi ba siya nag- aksaya ng sandali para bumalik doon sa loob ng opisina niya Sa pagmamadali niya ay hindi niya napansin na sinusundan siya ni Celine.Nang na nasa loob na siya ng kanyang opisina ay nilapag niya sa ibabaw ng lamesa ang folders at laptop na bitbit niya. Hinubad niya na rin ang suot niya coat, atsaka isinampay sa may likod ng swivel chairs niya. Awtomatikong napatingin siya roon sa may pintuan nitong opisina niya ng magsalita ang babae. Nakikita niya si Celine na naglalakad palapit dito sa lamesa niya.Nakatingin lang siya sa babae. Ano naman ang pakay nito sa kanya. Hanggang ngayon hindi pa rin niya lubos maisip na representative ito ng company ni Senior Hercules.“What are you doing here?” Tanong niya na hindi na nakatiis. Hindi na siya dapat makipag-usap sa babaeng ito dahil alam niya na gulo lang ang hatid nito sa kanya at sakit ng ulo.“We need to talk,Man
AWTOMATIKONG napatingin siya sa cellphone niya ng umalingawngaw iyon na nakapatong sa ibabaw rin ng lamesa niya.Number ng house telephone niya ang naka registered sa caller ID ng cellphone niya. Bigla siya nabuhayan ng loob ng inaakala niya ay si Yza ang tumatawag. Ngunit ng sagutin niya ay dismaya na lamang siya ng nagsalita si Manang Salod nasa kabilang linya ng tawagan. Biglang napatayo siManuel sa swivel chairs na inuupuan niya. “Ano ang sabi mo Manang Salod? Nawawala si Yza?” Tanong niya na pilit pinoproseso sa kanyang isip ang sinabi ni Manang Salod nasa kabilang linya ng tawagan. “Sigurado ka bang nawawala siya?” Binagsak niya sa lamesa ang nakakuyom niyang kamao.“Pagdating ko dito,Sir. Nakabukas na ang maindoor at wala na si Yza dito sa bahay,” saad ni Manang Salod.Hinilot niya ang kumikirot niyang sentido. “Sigurado ka bang nawawala siya? Hinanap mo ba siya sa buong bahay, baka nandiyan lang siya at natutulog na hindi mo napansin,” aniya pilit pinapakalma ang kanyang sar
LIHIM nagtatangis si Yza, dahil sa pagkamatay ng kanyang Daddy Franco niya. Bakit nagawa ni Manuel na ilihim sa kanya. Pakiramdam niya nang mga sandaling iyon ay katulad siya sa kandila na paunti-unting nauupos. Wala na rin siyang sapat na lakas dahil sa nagpupumiglas na ginawa niya para lang makawala sa pagkakatali sa ksnya. Ngunit sa halip ay nagkakasugat lang ang balat niya at naging kulay violet na rin. Pilit niya pinoproseso ang mga nangyayari sa kanyang isip. Ngunit kahit ang isip niya ay gusto na rin sumuko. Pakiramdam niya ay pagod na pagod na siya at hopeless para sa kanyang sarili.Nanlalabo ang mga mata niya na napatingin doon sa pinto na pabalya binuksan. Pumasok si Mr Wong na nanlilisik ang mga mata nito sa galit na nakatingin sa kanya. Nagulantang na lamang siya ng binunot nito ang baril mula sa bewang nito atsaka tinututukan siya ng baril sa ulo. Pakiramdam niya ay mas lalong tinakasan siya ng lakas. Nanginginig ang buong katawan niya sa sobrang takot nang mga sandali
Natawag niya na yata ang lahat ng santo nang mga sandaling iyon. Para sa kaligtasan ni Yza at ng baby nasa sinapupunan ng dalaga. Sakaling may masamang mangyari sa kay Yza at sa pinagbubuntis nito. Siya ang dapat sisihin. Hinding-hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili. Kasalanan niya ang nangyari kay Yza. Kung hindi niya na lang sana iniwan na mag-isa ang dalaga. Sana hindi ito nangyari kay Yza, sana nagawa niya itong protektahan. Marahas siya napabuntong-hininga ng malalim, inipon niyon sa kanyang dibdin pagkatapos ay pinakawakan niya rin ang hangin. Pakiramdam niya sobrang bigat ng nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.“Drive faster, Raider. Wala tayo sa prosesyon,” angil niya pakiramdam niya kasi sobrang bagal ng pagpapatakbo ni Cm sa kotse minamaneho nito at ang tagal nila makarating ng ospital.“Hindi tayo p'wedeng over speed,” palatak sabi ni Cm. “Relax, sandoval malapit na tayo sa ospital.” “Paano ako mag-relax, Raider?” nagpapagot ang ngipin sabi ni Manuel. “Nasa p
KANINA pa nalipat ang dalaga dito sa private room ng hospital.Matalim na napabuntong-hininga si Manuel habang pinagmamasdan si Yza. Hindi pa rin ito nagkamalay-tao. Sabi ng Doctor ay natural lamang ang nangyayari sa dalaga at walang dapat ikabahala. Ngunit bakit hindi pa rin ito nagigising? Ilang oras na rin ang nakalipas buhat ng nawalan ito ng malay. Hinawakan niya ang kamay ni Yza, hindi pa rin nawawala ang marka sa bandang pulsuhan nito gawa ng mahigpit na pagkakatali at nagkaroon din ng maliliit na sugat ang makinis nitong balat. Nagtatagis ang bagang niya sa tuwing maalala ang ginawang kahayupan ni Mr Wong. “Sweetheart,wake up please. Nag-aalala na ako sa’yo,” aniya kinakausap si Yza kahit na nanatili tulog ito at hindi sigurado kung naririnig nito ang mga sinasabi niya.“Im sorry, hindi kita nagawang protektahan. Sorry kung iniwan kita mag-isa, Im sorry…” dinala niya sa kanyang mga labi ang kamay ng dalaga at hinalikan ang likod ng palad nito. Awang-awa siya sa itsura ng d
NANG naramdaman niya na umalis na si Manuel. Tahimik siya umiiyak sa ilalim ng kumot na nakatalukbong sa kanya. Marami siyang katanungan sa kanyang sarili. Mga katanungan na gusto niya itanong sa kay Manuel na tanging ito lang ang makakasagot sa kanya.Ngunit paano niya simulan ang maraming tanong niya? Dahil duwag at natatakot siya sa magiging sagot ni Manuel. Kaya niya bang tanggapin ang mga sasabihin nito sa kanya.Gayon pa man ay alam niya sa kanyang sarili na hindi nagbago ang nararamdaman niya para sa binata. Pero bakit nagawa nitong ilihim ang kaugnayan nito sa Daddy Franco niya? Bakit hindi nito sinabi sa kanya ang tungkol sa pagkamatay ng Daddy niya? Gayun palagi naman sila magkakasama. Aaminin niya na masama rin ang loob niya para sa Daddy Franco niya pero sa loob ng labing-siyam na taon ay nagiging mabuting ama ito sa kanya at pinaramdam nito sa kanya ang pagmamahal ng isang tunay na ama. Kaya nga hindi siya nagduda noon na ampon lang pala siya ng mag-asawang Calvajar. Ni
TAHIMIK si Yza habang kumakain. Naasiwa rin siya sa uri ng mga titig sa kanya ni Manuel. Tila may gusto itong sabihin ngunit hindi nito maisatinig. Deadma lang siya. Dahil hindi pa siya nakakapag-isip ng mabuti. Talagang hindi pa nag sick in sa kanyang isip ang mga rebilisasyon nalalaman niya.Higit sa lahat alam niya sa kanyang sarili at kapag nagsalita siya ay hindi niya na kontrolado ang kanyang sarili. Tiyak makapagbitaw siya ng salita na hindi nila ni Manuel magugustuhan pareho. Nagrereklamo na gutom ang kanyang alaga sa kanyang tiyan. Ngunit pakiramdam niya ay bumabara ang pagkain sa kanyang lalamunan. Pinipilit niya lang ang kanyang sarili na lunukin ang pagkain. Pagkatapos ng ilang subo ay hindi niya na ginalaw ang pagkain nasa plato niya.“Busog na ako,” sabi ni Yza,binitawan ang kurbertos hawak niya “Sweetheart, kaunti lang ang nakain mo. Kailangan mong kumain ng marami para sa gan'on bumalik ang lakas mo,” sabi ni Manuel para subuan ng pagkain ang dalaga.“Sabing ayoko
WALANG tigil pa rin ang impit na pag-iiyak ni Yza. Tina dinudurog ng pinakamatalim na kutsilyo ang kanyang puso habsng pinagmamasdan ang dalaga na hilam ng luha ang mga mata nito.Hindi niya kayang titigan na lamang si Yza, sa gan'on sitwasyon. Tumayo siya mula sa stool na inuupuan niya. Napasabunot siya sa sariling buhok.Kuyom ang mga kamay niya, nagpapagot ang kanyang mga ngipin sa galit na tinitimpi niya at sa awa para sa dalaga.Tiim ang bagang niya habang naglalakad siya paroon parito sa loob ng silid. Galit na nararamdaman niya para kay Mr Wong at higit sa lahat para sa kanyang sarili. He's given Yza’s so much pain and betrayal.Pilit pinapakalma ni Yza ang kanyang sarili. Pakiramdam niya ay namamanhid na ang buong katawan niya sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay napakasama niyang anak. Hindi man lang niya nadamayan ang Daddy Franco niya sa mga huling sandali nito ng nabubuhay pa ito. Sa halip nagrerebelde siya at lumayas pa siya. Kung sumunod kaya siya sa
Nagising si Yza mula sa comatose, dalawang taon na ang nakalipas. At sa mga panahon nagpapagaling siya ay naging maalagain sa kanya si Manuel. Parati nito pinaparamdam sa kanya kung gaano siya kamahal nito.Samantala si Celine ay hindi na nila sinampahan pa ng kaso. Nakakaawa na rin kasi ang kalagayan ni Celine. Naputol ang dalawang binti nito at nawala rin sa tamang pag-iisip ang babae. At kasalukuyang naka-confine na sa psychiatrist ward ng National Mental Hospital.Pinapasa Dios na lang nila ang mga nangyari sa nakaraan at mga ginawa ni Celine. Ang mahalaga ay sa wakas nabuo na rin ang kanyang pamilya. Siya, si Manuel at ang kanilang anak na si Yunna.Akala niya tuloy-tuloy na ang kasiyahan ng puso niya. Simula ng magsama na sila ni Manuel at binuo ang kanilang pamilya ay lalong pinaparamdam nito ang pagmamahal sa kanilang mag-ina. Ngunit nitong mga nakaraang araw ay napapansin niya na may kakaiba sa kay Manuel. Parang may tinatago ito sa kanya at ayaw rin ipaalam. Parati iton
“NO!” Matigas sabi ni Celne. “Kailangan mong mawala para tuluyan ng mapa sa akin si Manuel!” Galit at pasigaw sabi ni Celine.“Ikaw ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Yza?” Tanong ni Manuel, tila ngayon lang nag sick-in sa isip nito ang sinabi ni Celine. “Yes. Surprise Manuel? Pakana ko ang lahat para paghiwalayin kayo ni Yza and I am succeed,” tumatawang saad ni Celine. “ Ang pagkikita natin sa Amerika ay sinadya ko rin. Naka plano na ang lahat pero sinira na naman ni Yza ang mga plano ko!” matigas sambit ni Celine.“Walang hiya ka talaga,” galit wika ni Manuel. “Pinaniwala mo ako sa pawang kasinungalingan mo. Iniwan ko ang mag-ina ko sa pag-aakala na niloko ako ni Yza.”“Hangal ka kasi,” tumatawang sabi ni Celine. Tinulak nito si Yza. “Lakad!” pasigaw sambit nito ng hindi man lang natinag si Yza sa kinatatayuan.“Saan mo ako dadalhin?” tanong ni Yza, habang naglalakad sila palabas ng mansion. Nakatotok pa rin sa kanya ang kutsilyo.“Sa far far away!” Tumatawang sabi ni Cel
“HAVE a seat Celine, kumain ka na rin,” sabi ni Manuel, minuwestra niya ang bakanteng upuan nasa kaliwang bahagi.“Anyway, Manuel nakausap ko na ang wedding coordinator for our wedding. Nakapili na rin ako ng gown para sa araw ng kasal natin,” sabi ni Celine na may malapad na ngiti nakapaskil sa mga labi nito. Pati yata ang mga mata nito ay kumikinang sa sobrang excitement.Hindi sinasadya nabitawan ni Yza ang tinidor hawak niya ng narinig ang sinabi ni Celine.“Yza, you are invited in our wedding,” nakangisi turan ni Celine. “At si Yunna ang magiging flower girl sa araw ng kasal namin ni Manuel.” Binalingan nito si Yunna na walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid nito. Dahil sa busy ang bata sa kinakain nitong pancakes. “Do you like it, Yunna?”Tanging iling lang ng ulo ang sagot ni Yunna, puno ng pagkain ang bibig nito. Atsaka hindi na rin pinansin si Celine.“Huwag mong idamay ang bata, Celine,” sabi ni Yza ng umangat siya ng mukha at pinukol ng tingin si Celine nasa kabilan
KASALUKUYANG nasa loob ng mini library na nagsisilbing opisina ng Daddy niya si Manuel. Malapad ang ngiti na nakapaskil sa kanyang mga labi. Nasa kamay niya ang result ng pregnancy test ni Celine. Negative. Hindi buntis si Celine. Sa kabila ng nalaman niya ay hindi siya nagagalit bagkos masayang-masaya pa siya dahil sa wakas maayos niya na ang pamilya nila ni Yza. Kailangan niya kumuha ng magandang pagkakataon na kausapin si Celine. Kahit sa gan'on paraan ay maghihiwalay sila ng maayos ng babae at hindi nagkakasakit.Maingat niya binalik sa loob ng brown envelope ang papel, atsaka itinago sa drawer ng lamesa. Pagkatapos ay sinara niya ang drawer. Sigurado na siya sa gagawin niya. Mahal na mahal niya ang kanyang mag-ina. Gusto niya ng mabuo ang kanyang pamilya.“Dad, katulad sa pangako ko sa iyo. Aayusin ko na ang pamilya ko,” usal niya sa kanyang sarili, nakatingin doon sa malaking picture frame ng kanyang mga magulang.Marahas siya napabuntong-hininga. Higit isang buwan na ang nakal
Parang tanga pa rin siya pagkatapos ng mainit na tagpo sa pagitan nila ni Manuel. Halos wala rin siya sa sarili kanina habang kumakain sila ng hapunan. Mabuti na lang at hindi napansin ni Yunna. Paminsan-minsan ay nahuhuli niya si Manuel na tinititigan siya ng lalaki. Ngunit agad din siya umiiwas ng tingin dito. Nang matapos na sila kumain ay naglalambing si Yunna na samahan ito ni Manuel, sa kwarto nito para matulog na rin.Nang matapos niya na rin ang gawain sa kusina ay pumasok na rin siya sa loob ng sariling kwarto. Malalim na ang gabi ng nararamdaman ni Yza na lumundo ang parte ng kama sa tabi niya. Naamoy niya ang masculine scent ni Manuel. Kasunod niyon ay nararamdaman niya ang pagdantay ng kamay nito sa kanyang baywang mula sa pagkakatahilid niya. Napapikit siya at pinigil ang pagkawala ng singhap sa bibig, lalo na nang maramdaman ang pagdampi ng mga labi nito sa kanyang buhok. Ikinaigtad niya ang ginawang pagyakap sa kanya ni Manuel. Hindi yata at kulang pa ang ro
Maagang umuwi ng bahay si Manuel mula opisina. Pagka bukas niya ng dahon ng pinto ay sumalubong sa pandinig niya ang malakas na volume ng tv. Nadatnan niya niya si Yunna na nanood ito ng favorite cartoon character na palabas doon sa big flat giant screen tv. Hindi rin nito napansin ang kanyang presensya. Sinara niya ang dahon ng pinto. Pagkatapos ay lumapit doon sa console, kinuha ni Manuel ang remot control ng tv atsaka pinatay ang tv. Gumuhit ang inis sa mukha ni Yuna, halos hindi na ma drawing ng magaling na pintor ang itsura ng kanyang anak. Ikaw ba naman patayan ng tv habang nanonood ng paboritong anime character. Ngunit ng tumingin ito sa kanya ay dagli nawala ang busangot sa itsura ni Yuna. Napalitan ng pananabik. “Hey, my love.” Malapad ang ngiti nakapaskil sa mga labi ni Manuel. “Daddy!”Basta na lang tumalon si Yunna mula sa sofa na inuupuan nito, patakbong sinugod ng yakap ang ama. Yumukod naman si Manuel upang magpantay sila ng kanyang anak, sa ganun salubong
TULOG pa si nang pumasok si Manang Salod at kuhanin si Yuna sa kama nito tulad ng nakagawian. Napuyat siya dahil sa nangyari nang nagdaang gabi.Si Celine na napadaan sa tapat ng guestroon na pansamantala inuukopa ni Don Hector. Papasok sana ito upang kumustahin ang matandang Sandoval nang maudlot sa may pinto. Nasilip nitong kausap ni Don Hector ang abogado at malinaw nitong narinig ang sinasabi ng matandang Sandoval. Namangha ito sa narinig. Hindi nito inaakala iyon. Kumislap ang mga mata nitong maingat na umalis.Pasado alas-nueve na nang magising si Yza. Pumasok siya ng banyo upang ayusin ang sarili. Pagkatapos ay naka-robe pa rin na lumabas ng veranda. Nagulat siya nang matanawan sa ibaba sa parking lot ang isang ambulansiya.Mabilis siya lumabas ng veranda at malalaki ang ang bawat hakbang ng kanyang mga paa na bumaba ng hagdan.Kinakabahan nilapitan ang glass door upang buksan ito at pumasok. Subalit naka-lock. Agad siyang bumalik sa kabilang silid at doon lumabas patungo sa si
“PA, totoo ba ito?” nanginginig ang boses na tanong ni Manuel. Taas baba ang adams apple nito habang nagsasalita. Tila ba pinipigilan nito ang anuman emosyon naramdaman nito.Ngumisi si Don Hector. "Yes, legal and with stamps.”Hindi na nakatiis si Yza na makinig lang sa pinag-uusapan ng mag-ama. Kinuha niya ang documento mula sa pagkakahawak ni Manuel.Ganun na lang paniningkit ng kanyang mga mata ng makita ang nakasulat sa hawak niyang papel. Marriage contract iyon at nakasaad doon na kasal sila ni Manuel. At may pirma rin ni Manuel.Ilang beses siya kukurap-kurap na baka namalik-mata lamang siya. Ngunit hindi pa rin nagbabago ang nakasulat sa papel na hawak niya. Paanong nangyari na ang pangalan ni Manuel ang nakalagay sa marriage contract at hindi ang pangalan ni Hector. “Ano ang ibig sabihin nito?” Nanginginig ang buong katawan niya. Sa samu't sari na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.Tandang-tanda pa niya ang araw na ikinasal sila ni Hector. Dapat pangalan ni Hector ang
NADATNAN niya inaayos ng private nurse ang dextrose na nakakabit kay Don Hector. Sadyang matigas ang ulo ni Don Hector. Ayaw nito magpa confined sa hospital.Mas gustuhin daw nito na mmalagutan ng hininga sa sariling pamamahay nito.Hindi na lang siya nagpupumilit. Dahil alam niya rin na ang kagustuhan nito ang masusunod.“Kamusta siya?” tanong niya rito sa private nurse. Nakapikit ang mga mata ni Don Hector. “Kakatapos niya lang uminom ng mga gamot niya,” sabi naman ng nurse.“Hija,” anas ni Don Hector, nanatiling nakapikit pa rin ang mga mata nito.“Kumusta ang pakiramdam mo Hector?” tanong ni Yza, naupo siya sa gilid ng kama na hinihigaan nito.“Im fine,” nagmulat ito ng mga mata. Biglang umaliwalas ang itsura nito ng makita siya.Hindi pa rin siya sanay. Naawa pa rin siya sa matandang Sandoval. Malaki ang binagsak ng katawan ni Don Hector, simula ng naging malubha na ang kalagayan nito.Nagpaskil siya ng pilit na ngiti sa kanyang mga labi.“Gusto ko makita si Yuna,” sabi ni Don He