Ang malamig na simoy ng hangin ay sumalubong kay Zack habang nakaupo siya sa hardin sa likod ng bahay, malalim na nag-iisip. Hawak niya ang larawan nina Amy at ng kanilang kambal, si Josh at Aliah, na kuha noong isang masayang araw sa parke. Naalala niya ang matatamis na ngiti ni Amy at ang masasayang halakhak ng kanilang mga anak. Ngunit ngayon, ang alaala ay tila nagiging anino ng kanyang pagkakamali.Kailangan niyang gumawa ng hakbang. Hindi niya hahayaan na tuluyang mawala si Amy at ang kanilang pamilya.Samantala, si Amy ay tahimik na nakaupo sa tabi ng kama ng kambal. Habang pinapanood ang mga inosenteng mukha nina Josh at Aliah na himbing sa pagtulog, naramdaman niya ang bigat sa kanyang dibdib."Paano kung tama ako? Paano kung hindi ko na kayang pagkatiwalaan si Zack?" bulong niya sa sarili. Ngunit sa kabila ng sakit, alam niyang mahal niya ang lalaki.Kinabukasan, maagang bumangon si Zack at nagtungo sa kusina. Gumawa siya ng almusal para kina Amy at sa kanilang mga anak. Isa
Habang abala si Zack sa isang meeting sa kanyang opisina, nagulat ang mga empleyado nang makita si Vanessa na biglang pumasok, matikas ang lakad at puno ng kumpiyansa. Hindi siya pinigilan ng mga guwardiya dahil dala niya ang pangalan ng dating relasyon nila ni Zack.Hindi alam ni Zack na si Amy ay nasa opisina rin, nagdadala ng lunch para sa kanya at nagulat nang makita si Vanessa sa reception area. Lalo na nang tila walang pakialam si Vanessa na umupo sa opisina ni Zack na parang may karapatan pa siya."Amy," bati ni Vanessa, ang boses ay puno ng hinahon ngunit may halong panunuya. "Hindi ko akalaing magkikita tayo dito. What a coincidence."Ngunit hindi sumagot si Amy. Sa halip, dahan-dahan siyang lumapit at pinigilan ang kanyang sarili. Ngunit ang bawat hakbang niya ay puno ng galit at alaala ng nakaraan."Vanessa," malamig niyang tawag. "Akala ko ba tapos ka na? Ano pang ginagawa mo dito?"Ngumiti si Vanessa, tila walang bahid ng pagsisisi sa kanyang mukha. "Relax, Amy. I’m just
Maagang umalis si Amy sa opisina ni Zack. Balak niya sanang mag-bar mag-isa para mailabas lahat ng hinanakit niya. Pagdating niya sa bar na pagmamay-ari ng kaibigan niyang si Jewels, binigyan siya nito ng VIP room para walang mang-abala sa kanya. “Amy, if you need anything, just tell me, okay? Sa labas lang ako,” sabi ng kaibigan niya sa kanya. Tumango naman siya rito. Iniintay na lang ni Amy ang inumin niya, at hindi nagtagal ay nagsidatingan na ang mga inorder niya. Habang nag-iinom si Amy, palagi na lang gumugulo sa kanya ang mga nangyayari sa buhay niya, lalo na't bumalik na naman si Vanessa, ang babae na sumira sa buhay niya. “Waiter, bigyan mo pa nga ako ng beer,” sabi niya sa waiter na kakapasok lang sa VIP room niya. Kinuha niya ang telepono at tinawagan si Quen para papuntahin ang kaibigan sa bar. Naisip niya na hindi naman siguro masaya kung mag-iinom siya nang mag-isa. “Hello, Quen, can you come? Nasa bar ako ni Jewels. Let’s party,” sabi niya. Narinig niya naman si Que
Kinabukasan, nagising si Amy na may matinding sakit sa katawan. Hindi lang dahil sa kalasingan, kundi dahil sa mga nangyari kagabi. Gulong-gulo ang kanyang isip. Nasa tabi siya ni Zack, na mukhang hindi pa natutulog, nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame. Ramdam niya ang pagkabigla at ang sakit na dulot ng kanilang mga desisyon. "Amy..." tawag ni Zack sa kanya, at nagulat siya nang makita nitong nakatingin sa kanya. "Are you okay?" Tumingin si Amy sa kanya ng malalim. "I should have known better, Zack. Bakit ba laging ganito? Laging kailangan magtago ng nararamdaman." Zack's face softened. "I know, and I'm sorry. Hindi ko rin naman sinasadyang saktan ka, Amy. Pero..." nag-atubili siya, "... I never meant to hurt you." "Pero nasaktan ako," sagot ni Amy, ang boses niya puno ng kalungkutan. "Laging ikaw lang ang iniisip ko, at parang... parang ako na lang lagi ang nasasaktan." Tiningnan ni Zack si Amy, at nagsimula siyang magsalita, "Amy, gusto ko lang na maging masaya ka. Gusto k
“Mommy!” sabi nag matinis na boses, na nagpagising kay Amy sa pagkakatulog niya. Isang linggo na ang nakalipas simula nang maynagyari sa kanila ni Zack, at ang pagbabalikan nila. “Mommy, wake up, come on Daddy's here,” magiliw na sabi nag kanyang anak, habang hinahawakan ang kamay niya para bumangon na. “Hmm, baby, 3 mins please,” malambing niyang sabi sa anak, kaya lumabas na si Aliah.Makalipas ang tatlong minuto, pumasok si Zack sa kwarto ni Amy at sinimulan halikan ito. “ Hmmm…” ungol ni Amy. “Wake up, sleepy Mommy,” malambing na sabi ni Zack sa dalaga, napamulat naman si Amy. Nagkatinginan silang dalawa nang matagal, hinalikan siya ulit ni Zack at tumugon naman siya rito.“As much as I want to kiss you more, the kids are waiting, Love,” sabi ni Zack sa dalaga, napa-pout naman si Amy sa sinabi nang nobyo. “Sunod ako,” sabi niya, bago umalis si Zack sa loob ng kwarto niya. Tumayo naman si Amy, bigla naman tumunog ang telepono niya nang tignan niya. “Remender: Twin’s Birthday Toda
Kinabukasan, nagising si Amy sa amoy ng kape at pancakes. Napansin niyang wala ang kambal sa tabi niya, kaya agad siyang bumangon. Pagbaba niya sa kusina, bumungad sa kanya si Zack na abala sa pagluluto habang masayang naglalaro ang kambal sa sala."Good morning, fiancée," bati ni Zack, sabay lapit at halik sa pisngi niya. "Good morning," tugon ni Amy, na may ngiti sa labi. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari kahapon.Habang naghahapunan, napag-usapan nilang dalawa ang plano para sa kasal. "Gusto ko simple lang, Zack. Ang importante, kasama natin ang mga taong mahalaga sa atin," sabi ni Amy. "Anything you want, Love. Basta't ikaw ang mapapangasawa ko," sagot ni Zack, na lalong nagpakilig kay Amy.Sa parehong araw, sinimulan nilang ayusin ang mga detalye ng kanilang kasal kasama ang kambal. Ang excitement ng mga bata ay ramdam na ramdam, lalo na't gusto nilang maging bahagi ng espesyal na araw na iyon.Ngunit habang maayos ang lahat, isang sorpresa ang darating na muling sus
Nakaharap si Amy sa isang malupit na desisyon. Ang sakit at takot na nararamdaman niya ay mahirap itago, ngunit alam niyang kailangan niyang harapin ang katotohanan—ang bagong realidad na dumating sa buhay nila ni Zack. Pinipilit niyang manatiling kalmado, ngunit ang nararamdaman niyang pagkatalo at kalungkutan ay sumasakop sa kanya.“Naiintindihan ko kung galit ka sa akin, Amy,” sabi ni Zack, ang boses nito ay puno ng pagsisisi. “Hindi ko ginusto na mangyari ito. Ngunit hindi ko rin kayang iwan si Nathan kung siya nga ang anak ko.”Tumingin si Amy kay Zack, ang mga mata niya ay puno ng luha. “Ang hirap, Zack. Ang dami ko nang pinagdadaanan. Tapos ngayon, ‘to pa. Hindi ko alam kung paano ko haharapin lahat ng ito.”“Naiintindihan ko, Love. Alam kong hindi madali. Ngunit sana, bigyan mo ako ng pagkakataon na ipakita sa'yo na kayo pa rin ang pinakamahalaga sa akin. Hindi ko iiwan ang pamilya natin.”Tahimik na nakaupo si Amy, at sa bawat saglit, tila isang malaking tanong ang bumabalot
Ang mga araw pagkatapos ng kasal ni Amy at Zack ay puno ng bagong simula. Sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan, natutunan nilang yakapin ang bawat aspeto ng kanilang buhay bilang pamilya. Hindi madali, pero ang pagmamahal at pangako nila sa isa’t isa ay nagsilbing gabay sa bawat hakbang.Isang linggo pagkatapos ng kasal, nagpasya si Amy at Zack na maglaan ng oras para magbakasyon, upang makapagpahinga at muling mapagtibay ang kanilang relasyon. Kasama ang kambal, nagpunta sila sa isang tahimik na beach resort upang mag-enjoy sa mga simpleng bagay—mga sandaling wala silang iniintindi kundi ang isa’t isa.Habang naglalakad sa tabing-dagat, magkahawak-kamay, si Amy ay napatingin kay Zack. “Minsan, parang hindi ko pa rin matanggap lahat ng nangyari. Pero ngayon, nandito tayo—kompleto na.”Zack huminga ng malalim at ngumiti. “Alam mo, Amy, nung mga unang taon natin, hindi ko akalain na darating ang ganitong araw. Pero dito tayo ngayon—masaya, buo, at walang sinuman ang makakapagwasak ng p
Habang ang mga kambal ay nagdiriwang ng kanilang ika-18 na kaarawan, isang masayang okasyon ang nagaganap sa kabilang bahagi ng kanilang tahanan—ang ika-10 na kaarawan ni Maui, ang bunso nina Amy at Zack. Matapos ang ilang taon ng mga pagsubok at paghihirap, nagdala si Maui ng bagong saya at kulay sa kanilang buhay. Ang kanyang mga mata, puno ng pag-asa, ay naging simbolo ng bagong simula para sa pamilya.Si Amy, na kahit abala sa mga kaganapan sa buhay ng kambal, ay hindi pinabayaan ang espesyal na araw ng kanyang bunso. Ang buong bahay ay puno ng mga dekorasyong kulay pastel—mga lobo, banderitas, at mga table setup na pinalamutian ng mga paboritong karakter ni Maui mula sa mga libro at pelikula na kinagigiliwan niya. Habang ang mga kaibigan ni Maui ay inaasahan din ang kanilang pagdalo, ang pamilya ay nagsimulang magtipon-tipon.“Mommy, Daddy! Tignan mo, meron akong bagong teddy bear!” masayang sigaw ni Maui habang ipinapakita ang kanyang regalo mula sa kanyang mga magulang.“Oo nga
Ang kanilang ika-18 na kaarawan ay isang espesyal na okasyon para kay Amy at Zack. Ito ay hindi lamang simpleng pagdiriwang ng buhay, kundi isang pagguniguni sa lahat ng kanilang pinagdaanan upang makarating sa puntong ito. Habang lumalaki sina Josh at Aliah, lumago rin ang kanilang pagmamahal at pagkakaisa bilang isang pamilya.Maaga pa lamang ay nagsimula na ang mga preparasyon sa bahay. Si Amy at Zack ay parehong nagbigay ng espesyal na pansin sa mga detalye ng party. Isang malaking tent ang itinayo sa kanilang hardin na puno ng makukulay na ilaw at mga dekorasyong na may temang "Coming of Age". May mga larawang nakalagay sa paligid ng tent na kuha mula sa iba't ibang yugto ng buhay nina Aliah at Josh—mga alaala ng mga mahalagang sandali mula sa kanilang pagkabata hanggang sa pagiging mga kabataan.Samantalang si Aliah at Josh ay abala sa kanilang mga huling paghahanda sa mga damit na susuotin at ang kanilang mga speech. Kahit na abot langit ang kanilang saya sa pagtuntong nila sa
Special Thanks to My Readers To my incredible readers, From the very beginning of A Night with Mr. Billionaire to its final chapter, your unwavering support has been the heartbeat of this story. Thank you for every page you turned, every emotion you felt, and every moment you spent with my characters. Your encouragement and passion have made this journey unforgettable. Whether it was a late-night binge or a few minutes stolen from your busy day, your time and love for this story mean the world to me. For every comment, review, or quiet appreciation, I am deeply grateful. This story exists because of you, and it reaches its conclusion with you by my side. Here's to the connection we've built and to many more stories to come! With all my gratitude, Your Author, Quen
Lumipas ang mga taon, at ang pamilya nina Zack at Amy ay nanatiling matatag. Sa kabila ng lahat ng kanilang pinagdaanan, nagawa nilang buuin muli ang kanilang buhay—malayo sa gulo at panganib na minsang bumalot dito.Si Josh at Aliah, na ngayo'y binatilyo at dalagita na, ay nagpakita ng pagiging responsable at mapagmahal na mga anak. Si Nathaniel naman ay lumaki bilang isang masayahin at mabuting bata, hindi alintana ang magulong simula ng kanyang buhay. Sa tulong nina Zack at Amy, natutunan niya ang kahalagahan ng pamilya at pag-ibig.Isang hapon, habang naglalaro ang magkakapatid sa bakuran, lumapit si Quen na may dalang maliit na kahon."Anong meron, Tito Quen?" tanong ni Aliah habang tinitigan ang dala ng tiyuhin."Buksan niyo," sagot ni Quen, nakangiti.Pagbukas ng kahon, tumambad ang mga lumang litrato at alaala ng kanilang pamilya, kabilang ang mga magulang nina Zack at Quen."Gusto kong maalala niyo ang inyong pinagmulan," sabi ni Quen. "Ang pagmamahal ng pamilya natin ang nag
Sa kabila ng tahimik na mga araw na sinimulan nina Zack at Amy, isang balita ang nagdulot ng panibagong alon ng tensyon. Sa kabila ng pagkakabuwag ng grupo ni Victor, may naiwan pala itong tagasunod—isang lalaking kilala sa alyas na "Shadow." Siya ang dating kanang-kamay ni Victor at may plano na ipagpatuloy ang sinimulan ng kanyang lider.Isang gabi, habang nagtitipon sa hapunan ang pamilya, natanggap ni Zack ang tawag mula kay Morales."Zack, may masamang balita. Si Shadow, ang huling natitirang tauhan ni Victor, ay nagbabalak ng isang huling pagsalakay. Ang target niya: ang pamilya mo."Tumayo si Zack mula sa mesa, mahigpit na hawak ang telepono. "Walang mangyayari sa pamilya ko. Kailangang tapusin na ito, minsan at para sa lahat."Napansin ni Amy ang bigat ng sitwasyon. "Zack, anong nangyayari?" tanong niya, puno ng pag-aalala."May paparating na panganib, Amy. Hindi ko hahayaang madamay kayo," sagot ni Zack, puno ng determinasyon.Kinabukasan, nagtipon sina Zack, Quen, Morales, a
Lumipas ang ilang buwan mula nang malaman ni Nathaniel ang kanyang tunay na pinagmulan. Sa kabila ng lahat, napansin ni Zack na tila may nais pang malaman ang bata—isang bagay na maaaring mahanap lamang sa isang taong bahagi ng kanyang nakaraan si Vanessa.Habang nag-uusap sina Zack at Amy sa sala isang gabi, ipinaliwanag ni Zack ang kanyang plano."Amy, gusto kong dalhin si Nathaniel kay Vanessa. Gusto kong mabigyan siya ng pagkakataong makilala ang bahagi ng kanyang nakaraan," ani Zack.Nag-alinlangan si Amy sa simula, ngunit alam niyang mahalaga ito para sa kanilang anak. "Sigurado ka ba, Zack? Paano kung saktan niya ulit tayo?""Hindi ko siya hahayaang masaktan ulit tayo," sagot ni Zack. "Ngunit kung may natitira pang pagkakataon para sa kapatawaran, gusto kong makita iyon. Para kay Nathaniel."Dinala nina Zack at Nathaniel si Vanessa sa isang rehabilitation facility kung saan ito kasalukuyang nananatili matapos sumuko sa mga awtoridad. Sa kanilang pagdating, nagulat si Vanessa ng
Makalipas ang ilang buwan, habang patuloy na bumabalik ang ilang bahagi ng alaala ni Zack, napansin nina Amy at ng mga bata ang pagbabago sa kanyang ugali. Muli siyang naging tahimik at tila inilalayo ang sarili sa kanila. Sa halip na sumama sa mga aktibidad ng pamilya, mas pinipili niyang manatili sa silid o magpakabusy sa mga bagay na hindi nila maintindihan.Isang gabi, lumapit si Amy kay Zack habang abala itong nagbabasa sa sala."Zack, napapansin ko na parang umiiwas ka sa amin," sabi ni Amy, puno ng pag-aalala.Tumingin si Zack sa kanya ngunit mabilis ding iniwas ang tingin. "Amy, hindi iyon ang intensyon ko. Gusto ko lang mag-isa minsan.""Pero hindi ka ganyan noon," sagot ni Amy, pinilit maging mahinahon ang boses. "Anuman ang iniisip mo, nandito lang kami. Hindi mo kailangang dalhin ang lahat mag-isa."Tumayo si Zack at lumapit sa bintana. "Amy, ang problema, hindi ko matandaan kung sino ako noon. Ang mga alaala ko—halos wala pa ring malinaw. Ano ba talaga ang silbi ko sa buh
Sa gitna ng tensyonadong gabi, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Ang tahimik na tahanan nina Zack at Amy ay biglang napuno ng sigawan at ingay ng pagbukas ng pinto. Nakatutok ang baril ni Victor kay Amy, habang si Vanessa ay nasa tabi niya, may ngiting puno ng panlilinlang."Zack," sabi ni Victor, malamig ang boses. "Alam mo kung bakit kami nandito. Ibigay mo sa amin si Nathaniel, o mawawala sa'yo ang mahal mo."Si Zack, bagama’t puno ng galit, ay nanatiling kalmado. Tumayo siya sa harap ni Amy, parang pananggalang laban sa anumang panganib. "Huwag na huwag mong idadamay ang asawa ko, Victor. Kung may problema ka, sa akin mo ilabas, hindi sa kanya.""Hindi ito usapin ng problema, Zack," sagot ni Vanessa. "Si Nathaniel ay anak namin. Ibalik mo siya sa amin, at walang masasaktan."Nagmamadaling bumaba si Nathaniel mula sa itaas nang marinig ang kaguluhan. "Ano’ng nangyayari dito?" tanong niya, ngunit natigilan siya nang makita ang baril na nakatutok kay Amy."Nathaniel," ta
Habang abala sina Zack at Amy sa paghahanda, isang tawag mula kay Morales ang nagdala ng mas matinding tensyon."Zack, kailangan mo itong marinig," bungad ni Morales. "May nahanap kaming impormasyon tungkol sa lalaking tumulong kay Vanessa. Ang pangalan niya ay Victor Strauss. Isa siyang dating opisyal ng militar na naging kriminal. Eksperto siya sa pagpaplano at may malawak na koneksyon sa underground world. Mukhang siya ang utak sa pagtakas ni Vanessa.""Victor Strauss?" ulit ni Zack, habang minememorize ang pangalan. "Ano ang pakay nila?""Yan ang hindi pa namin matiyak," sagot ni Morales. "Pero may palatandaan na malapit na silang gumawa ng hakbang laban sa inyo. Huwag kayong magpapabaya."Pagkatapos ng tawag, agad na ipinatupad ni Zack ang mas mahigpit na seguridad. Naglagay sila ng mga surveillance camera sa bawat sulok ng bahay at nagpaikot ng mga tauhan upang magbantay 24/7. Si Quen, na malapit sa kambal, ay tumulong din sa pag-aalaga kina Josh at Aliah upang matiyak ang kanil