Pagkarating nila sa bahay nila Amy, nakita niya ang anak na si Aliah na umiiyak pa rin at pinapatahan ni Quen. Nang makita siya ng anak ay tumakbo ito sa kanya at niyakap siya nang mahigpit."M-mommy where Josh," umiiyak na sabi ng anak sa kanya."He’s here anak, wag na mag cry. Shhh stop crying my princess," sabi ni Amy sa anak. Lumapit naman si Zack na karga si Josh sa bisig niya. Tumingin si Aliah sa kanya at niyakap nito ang kapatid."I’m sorry Josh," sabi nito sa kapatid, habang sina Amy at Zack ay nakatingin sa kanila. Napag-isipan na rin ni Amy nang matagal na sasabihin niya na sa anak ang katotohanan na si Zack ang ama nito. Kaya lumapit siya kay Aliah."Baby, diba you want to meet your daddy," sabi nito sa anak. Bigla namang natahimik ang anak at dahan-dahan na tumango sa kanya. Huminga nang malalim si Amy bago niya sinabi."Do you like Mr. Pogi diba?" tanong niya, na sinang-ayunan naman ng anak."Yes po," kaya hinaplos nito ang pisngi ng anak at tumingin kay Zack."Baby, he
“Daddy, can we visit you po ba tomorrow?” tanong ni Aliah kay Zack. Tumingin naman ang binata kay Amy, at wala nang nagawa ang dalaga dahil alam niyang kukulitin siya ng mga anak kung hindi siya papayag.“But…” sabi ni Amy.“But you need to behave,” sabi niya sa mga anak. Tumango naman ang dalawa. Para kay Amy, okay lang si Josh dahil tahimik ito. Si Aliah lang talaga ang problema niya dahil sobrang kulit nito.“But Mommy, that’s so boring kaya,” sabi ni Aliah sa kanya, kaya pinagtaasan niya ito ng kilay. “Aliah, makikinig ka ba kay Mommy o hindi?” tanong niya sa anak, kaya napayakap ito sa ama niya. Napa tawa naman si Zack dahil sa lumalaki nanaman ang butas sa ilong ni Amy.“Opo, Mommy. Sorry po, I’ll behave po,” sagot ni Aliah. Matapos ang pag-uusap nila, pinatulog na ni Amy ang mga anak. “Amy, sunduin ko nalang kayo bukas,” sabi ni Zack sa kanya. Ngumiti lang si Amy bilang tugon. “Thank you, Zack,” sabi niya, sabay yakap dito, na ikinagulat naman ng binata. “A-ah, I’m sorry
Ang araw sa opisina ni Zack ay patuloy na puno ng mga bulung-bulungan at usap-usapan, ngunit nagpasya si Amy at Zack na manatiling kalmado at mag-focus sa kanilang mga gawain. Matapos ang insidente kay Lily, hindi na naging magaan ang paligid. Ang mga mata ng mga tao sa paligid ay patuloy na nakakatingin, ngunit ni isang salita ay hindi inisip ni Amy na dapat niyang sagutin. Sa kabila ng lahat ng ito, nanatili silang magkasama at tahimik na nagtatrabaho.Habang abala si Amy sa mga papeles, hindi maiwasang magbalik sa kanyang isipan ang mga salitang sinabi ni Zack kanina.‘I'll handle things here.’Ang kanyang puso ay naguguluhan, ngunit sa isang bahagi ng kanyang pagkatao, naramdaman niya ang pag-aalaga at responsibilidad ni Zack para sa kanilang pamilya. Alam niyang si Zack ay hindi basta-basta nagbibiro o nagsasabi ng mga pangako. Sa mga sandaling iyon, naiisip ni Amy na marahil ay handa na siya, o baka naman, hindi pa. Ngunit ang isang bagay na tiyak sa kanya ay ang hindi nila matit
Ilang araw ang lumipas mula nang magbigay ng pangako si Zack kay Amy, at bagamat may mga pagkabahala pa rin sa kanyang isipan, nagpatuloy siya sa pagiging matatag para sa mga anak at sa kanilang pamilya. Isang hapon, habang si Amy ay abala sa paglilinis ng bahay, biglang tumunog ang doorbell mula sa kanilang gate. Nagulat siya, hindi inaasahan ang anumang bisita. Pumunta siya sa pintuan at tinanong ang nag-doorbell mula sa maliit na bintana.“Sinong po sila?” tanong ni Amy, habang tinataas ang kilay sa pag-iwas na mag-abala. Hindi naman sumagot ang tao na iyon kaya pinutahan niya ito at binuksan.Laking gulat ni Amy sa narinig. ‘Mom?’ Inisip niya muna kung nagkakamali lang siya sa narinig o may ibang tao lang na may kapangalan ang kanyang ina. Kaya’t agad niyang binuksan ang gate. Ang nakita niya sa harap ng kanilang tahanan ay isang babaeng hindi niya akalaing makikita pa niya. Ang kanyang ina, si Aling Alice, ngunit hindi ito ang anyo ng ina na naaalala niya. Ang mga damit nito ay
Nagising si Amy sa maliit na halik na binigay sa kanya ng dalawang, makukulit na mga bata kaya napangiti siya. “Mommy, wake up,” sabi ni Aliah sa kanya. “Ok mommy awake,” sabi niya sa anak, napabungis-ngis naman si Aliah samantalang si Josh naman ay nasa gilid lang. “O baby, bakit ang tahimik mo,” sabi ni Amy sa anak na si Josh.“Mom, he's tahimik naman talaga noon pa,” sabi ni Aliah sa kanya kaya napa tawa siya. “Come here anak, what's wrong?” malumanay sa tanong niya sa anak.“M-mommy,” tawag sa kanya ng anak, unti-unti naman na sunod-sunod ang pagtulo ng luha sa mata ng anak. Kaya na taranata si Amy, dahil ngayon niya lang nakita na umiiyak ang anak niyang lalaki. “What's wrong baby?” nag-aalala na tanong niya sa anak, habang niyayakap ito. Samantalang ang anak niya naman na si Aliah ay nag aalala din sa kapatid niya.“M-mommy, they're so scary po,” nauutal na sabi ng anak niya sa kanya, halata sa mga mata ng anak na-traumatic ang nangyari sa kanya ng ma-kidnap ito.“Shhh.. don't
“Zack pwede mo ba alagaan ang mga bata?” tanong niya kay Zack, nasa opisina parin sila. Gusto sana ni Amy na pumunta sa Mall dahil may bibilhin siya na libro.“Yeah sure, gusto mo ipahatid kita sa driver?” sabi ni Zack sa kanya. “Nako hindi na maglalakad na lang ako,” sabi niya sa binata, kaya sumang ayon na lang si Zack sa sinabi niya.Nang makababa siya sa building, nagdadalawang isip si Amy kong sasakay nalang ba siya ng taxi o mag lalakad na lang. Hindi nagtagal na pag-desisyonan niyang mag taxi nalang at mainit. Habang naka sakay siya, nag text si Zack sa kanya kong ano ang paboritong pagkain ng mga bata. Sinagot niya lang ito, kalaunan ay nakarating na siya sa Mall. Pupunta na dapat siya sa NBS ng maymakita siyang pamilyar na itsura na nakatingin sa kanya.Biglang nanlamig lahat ng katawan ni Amy, nang mapagtanto niya na ang tao na iyon ay walang iba kung hindi ang lalaking nagbinta sa kanya. “Tito,” mahinang sabi ni Amy, nakita niya naman ito na may kausap na lalaki at sininya
Malapit nang mag-alas-diyes nang makarating sila Amy sa kanilang bahay. Mahimbing na natutulog sa likod ng sasakyan ang kambal nilang si Josh at Aliah. Habang nagmamaneho, biglang nagsalita si Zack, na bumasag sa katahimikan.“Amy, gusto kong sabihin ito sa’yo. Pwede ba kitang ligawan ulit?” tanong niya, puno ng sinseridad sa tinig. Natigilan si Amy sa narinig. Hindi niya inaasahan ang direktang pag-amin ni Zack. Sa kanyang isipan, maaaring ito na ang tamang panahon upang subukan nilang muli. Alam niyang nasaktan siya noon, pero ayaw na niyang magtago pa ng nararamdaman. Handa na siyang bigyan ng pagkakataon ang naudlot nilang pag-ibig.“Z-Zack...” pautal na sagot ni Amy, kinakabahan pero may kaunting saya sa kanyang boses.“Amy, I know I hurt you before,” sabi ni Zack habang marahang hinawakan ang kanyang kamay. “Pero sa pagkakataong ito, nangako ako sa sarili ko—hindi ko na muling uulitin ang mga pagkakamali ko. Ayusin natin ito, para sa’yo, para sa mga bata.” Napatitig si Amy sa
Habang nakahiga si Amy sa kanyang kwarto at nakatitig sa kawalan, iniisip niya kung tama ba ang naging desisyon niyang payagan si Zack na ligawan siya muli. Hindi niya maiwasang mapangiti habang inaalala ang matatamis na alaala ng kanilang nakaraan.“Ano na naman ang ginagawa mo sa pagkatao ko, Zack? Bakit ganito pa rin ang epekto mo sa akin?” bulong ni Amy habang tinatakpan ang mukha niya ng kumot, namumula ang kanyang pisngi. “Siguro nga, mahal pa rin kita... tulad ng dati,” mahina niyang sabi sa sarili.Hindi nagtagal, nakatulog na rin si Amy habang iniisip si Zack. Mag-aalas-otso na nang magising siya kinabukasan. Dumiretso muna siya sa kwarto ng kanyang mga anak upang tingnan kung gising na ang mga ito. “Baby!” mahina niyang bulong sa anak na si Aliah.“M-Mommy, I want to sleep pa,” nakanguso at inaantok na sabi ng anak niya. “Baby, you have class pa, diba? And also, Dada will fetch you later. Diba gusto mo 'yon?” malambing na sabi ni Amy sa anak. Bigla namang bumangon ang bata n
Habang ang mga kambal ay nagdiriwang ng kanilang ika-18 na kaarawan, isang masayang okasyon ang nagaganap sa kabilang bahagi ng kanilang tahanan—ang ika-10 na kaarawan ni Maui, ang bunso nina Amy at Zack. Matapos ang ilang taon ng mga pagsubok at paghihirap, nagdala si Maui ng bagong saya at kulay sa kanilang buhay. Ang kanyang mga mata, puno ng pag-asa, ay naging simbolo ng bagong simula para sa pamilya.Si Amy, na kahit abala sa mga kaganapan sa buhay ng kambal, ay hindi pinabayaan ang espesyal na araw ng kanyang bunso. Ang buong bahay ay puno ng mga dekorasyong kulay pastel—mga lobo, banderitas, at mga table setup na pinalamutian ng mga paboritong karakter ni Maui mula sa mga libro at pelikula na kinagigiliwan niya. Habang ang mga kaibigan ni Maui ay inaasahan din ang kanilang pagdalo, ang pamilya ay nagsimulang magtipon-tipon.“Mommy, Daddy! Tignan mo, meron akong bagong teddy bear!” masayang sigaw ni Maui habang ipinapakita ang kanyang regalo mula sa kanyang mga magulang.“Oo nga
Ang kanilang ika-18 na kaarawan ay isang espesyal na okasyon para kay Amy at Zack. Ito ay hindi lamang simpleng pagdiriwang ng buhay, kundi isang pagguniguni sa lahat ng kanilang pinagdaanan upang makarating sa puntong ito. Habang lumalaki sina Josh at Aliah, lumago rin ang kanilang pagmamahal at pagkakaisa bilang isang pamilya.Maaga pa lamang ay nagsimula na ang mga preparasyon sa bahay. Si Amy at Zack ay parehong nagbigay ng espesyal na pansin sa mga detalye ng party. Isang malaking tent ang itinayo sa kanilang hardin na puno ng makukulay na ilaw at mga dekorasyong na may temang "Coming of Age". May mga larawang nakalagay sa paligid ng tent na kuha mula sa iba't ibang yugto ng buhay nina Aliah at Josh—mga alaala ng mga mahalagang sandali mula sa kanilang pagkabata hanggang sa pagiging mga kabataan.Samantalang si Aliah at Josh ay abala sa kanilang mga huling paghahanda sa mga damit na susuotin at ang kanilang mga speech. Kahit na abot langit ang kanilang saya sa pagtuntong nila sa
Special Thanks to My Readers To my incredible readers, From the very beginning of A Night with Mr. Billionaire to its final chapter, your unwavering support has been the heartbeat of this story. Thank you for every page you turned, every emotion you felt, and every moment you spent with my characters. Your encouragement and passion have made this journey unforgettable. Whether it was a late-night binge or a few minutes stolen from your busy day, your time and love for this story mean the world to me. For every comment, review, or quiet appreciation, I am deeply grateful. This story exists because of you, and it reaches its conclusion with you by my side. Here's to the connection we've built and to many more stories to come! With all my gratitude, Your Author, Quen
Lumipas ang mga taon, at ang pamilya nina Zack at Amy ay nanatiling matatag. Sa kabila ng lahat ng kanilang pinagdaanan, nagawa nilang buuin muli ang kanilang buhay—malayo sa gulo at panganib na minsang bumalot dito.Si Josh at Aliah, na ngayo'y binatilyo at dalagita na, ay nagpakita ng pagiging responsable at mapagmahal na mga anak. Si Nathaniel naman ay lumaki bilang isang masayahin at mabuting bata, hindi alintana ang magulong simula ng kanyang buhay. Sa tulong nina Zack at Amy, natutunan niya ang kahalagahan ng pamilya at pag-ibig.Isang hapon, habang naglalaro ang magkakapatid sa bakuran, lumapit si Quen na may dalang maliit na kahon."Anong meron, Tito Quen?" tanong ni Aliah habang tinitigan ang dala ng tiyuhin."Buksan niyo," sagot ni Quen, nakangiti.Pagbukas ng kahon, tumambad ang mga lumang litrato at alaala ng kanilang pamilya, kabilang ang mga magulang nina Zack at Quen."Gusto kong maalala niyo ang inyong pinagmulan," sabi ni Quen. "Ang pagmamahal ng pamilya natin ang nag
Sa kabila ng tahimik na mga araw na sinimulan nina Zack at Amy, isang balita ang nagdulot ng panibagong alon ng tensyon. Sa kabila ng pagkakabuwag ng grupo ni Victor, may naiwan pala itong tagasunod—isang lalaking kilala sa alyas na "Shadow." Siya ang dating kanang-kamay ni Victor at may plano na ipagpatuloy ang sinimulan ng kanyang lider.Isang gabi, habang nagtitipon sa hapunan ang pamilya, natanggap ni Zack ang tawag mula kay Morales."Zack, may masamang balita. Si Shadow, ang huling natitirang tauhan ni Victor, ay nagbabalak ng isang huling pagsalakay. Ang target niya: ang pamilya mo."Tumayo si Zack mula sa mesa, mahigpit na hawak ang telepono. "Walang mangyayari sa pamilya ko. Kailangang tapusin na ito, minsan at para sa lahat."Napansin ni Amy ang bigat ng sitwasyon. "Zack, anong nangyayari?" tanong niya, puno ng pag-aalala."May paparating na panganib, Amy. Hindi ko hahayaang madamay kayo," sagot ni Zack, puno ng determinasyon.Kinabukasan, nagtipon sina Zack, Quen, Morales, a
Lumipas ang ilang buwan mula nang malaman ni Nathaniel ang kanyang tunay na pinagmulan. Sa kabila ng lahat, napansin ni Zack na tila may nais pang malaman ang bata—isang bagay na maaaring mahanap lamang sa isang taong bahagi ng kanyang nakaraan si Vanessa.Habang nag-uusap sina Zack at Amy sa sala isang gabi, ipinaliwanag ni Zack ang kanyang plano."Amy, gusto kong dalhin si Nathaniel kay Vanessa. Gusto kong mabigyan siya ng pagkakataong makilala ang bahagi ng kanyang nakaraan," ani Zack.Nag-alinlangan si Amy sa simula, ngunit alam niyang mahalaga ito para sa kanilang anak. "Sigurado ka ba, Zack? Paano kung saktan niya ulit tayo?""Hindi ko siya hahayaang masaktan ulit tayo," sagot ni Zack. "Ngunit kung may natitira pang pagkakataon para sa kapatawaran, gusto kong makita iyon. Para kay Nathaniel."Dinala nina Zack at Nathaniel si Vanessa sa isang rehabilitation facility kung saan ito kasalukuyang nananatili matapos sumuko sa mga awtoridad. Sa kanilang pagdating, nagulat si Vanessa ng
Makalipas ang ilang buwan, habang patuloy na bumabalik ang ilang bahagi ng alaala ni Zack, napansin nina Amy at ng mga bata ang pagbabago sa kanyang ugali. Muli siyang naging tahimik at tila inilalayo ang sarili sa kanila. Sa halip na sumama sa mga aktibidad ng pamilya, mas pinipili niyang manatili sa silid o magpakabusy sa mga bagay na hindi nila maintindihan.Isang gabi, lumapit si Amy kay Zack habang abala itong nagbabasa sa sala."Zack, napapansin ko na parang umiiwas ka sa amin," sabi ni Amy, puno ng pag-aalala.Tumingin si Zack sa kanya ngunit mabilis ding iniwas ang tingin. "Amy, hindi iyon ang intensyon ko. Gusto ko lang mag-isa minsan.""Pero hindi ka ganyan noon," sagot ni Amy, pinilit maging mahinahon ang boses. "Anuman ang iniisip mo, nandito lang kami. Hindi mo kailangang dalhin ang lahat mag-isa."Tumayo si Zack at lumapit sa bintana. "Amy, ang problema, hindi ko matandaan kung sino ako noon. Ang mga alaala ko—halos wala pa ring malinaw. Ano ba talaga ang silbi ko sa buh
Sa gitna ng tensyonadong gabi, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Ang tahimik na tahanan nina Zack at Amy ay biglang napuno ng sigawan at ingay ng pagbukas ng pinto. Nakatutok ang baril ni Victor kay Amy, habang si Vanessa ay nasa tabi niya, may ngiting puno ng panlilinlang."Zack," sabi ni Victor, malamig ang boses. "Alam mo kung bakit kami nandito. Ibigay mo sa amin si Nathaniel, o mawawala sa'yo ang mahal mo."Si Zack, bagama’t puno ng galit, ay nanatiling kalmado. Tumayo siya sa harap ni Amy, parang pananggalang laban sa anumang panganib. "Huwag na huwag mong idadamay ang asawa ko, Victor. Kung may problema ka, sa akin mo ilabas, hindi sa kanya.""Hindi ito usapin ng problema, Zack," sagot ni Vanessa. "Si Nathaniel ay anak namin. Ibalik mo siya sa amin, at walang masasaktan."Nagmamadaling bumaba si Nathaniel mula sa itaas nang marinig ang kaguluhan. "Ano’ng nangyayari dito?" tanong niya, ngunit natigilan siya nang makita ang baril na nakatutok kay Amy."Nathaniel," ta
Habang abala sina Zack at Amy sa paghahanda, isang tawag mula kay Morales ang nagdala ng mas matinding tensyon."Zack, kailangan mo itong marinig," bungad ni Morales. "May nahanap kaming impormasyon tungkol sa lalaking tumulong kay Vanessa. Ang pangalan niya ay Victor Strauss. Isa siyang dating opisyal ng militar na naging kriminal. Eksperto siya sa pagpaplano at may malawak na koneksyon sa underground world. Mukhang siya ang utak sa pagtakas ni Vanessa.""Victor Strauss?" ulit ni Zack, habang minememorize ang pangalan. "Ano ang pakay nila?""Yan ang hindi pa namin matiyak," sagot ni Morales. "Pero may palatandaan na malapit na silang gumawa ng hakbang laban sa inyo. Huwag kayong magpapabaya."Pagkatapos ng tawag, agad na ipinatupad ni Zack ang mas mahigpit na seguridad. Naglagay sila ng mga surveillance camera sa bawat sulok ng bahay at nagpaikot ng mga tauhan upang magbantay 24/7. Si Quen, na malapit sa kambal, ay tumulong din sa pag-aalaga kina Josh at Aliah upang matiyak ang kanil