Chapter 44 (Part 2)
“G-Gusto ko lang makita si Gideon,” mahina ang boses nito at ang bait-bait. Tumingala ang babae nang nanubig ang mga mata nito at pinunasan ang gilid ng mata gamit ang isang daliri.
Bumuntong-hininga siya dahil hindi niya alam kung matatawag niya ba ang sariling walang konsiderasyon dahil ang tingin niya ay ang arte-arte nito sa kilos nitong iyon.
“Gusto ko lang mag- thank you sa kanya sa ginawa niya kagabi.”
Tumango siya at binuksan ng malaki ang pinto. “Tuloy ka.”
Sandaling bumadha ang pagkagulat sa mukha ng babae. Nawala rin iyon at muling bumalik ang tila inaping ekspresyon.
Chapter 45 Ang akala ni Lyzza ay susundan siya ni Gideon papasok sa kwarto nila kung saan siya pumunta matapos niyang mag-walk out. Subalit, sa kanyang pagkadismaya, hindi niya man lang narinig kahit yabag nito papasok sa kwarto. Inis na inis siya nang marinig ang malakas na hagulhol ni Mariz nang mag-walk out siya. Panay ang tawag nito sa pangalan ng asawa niya at kung anu-ano na naman kasinungalingan ang pinagsasabi. Halos trenta minutos yata siyang naghintay sa loob ng kwarto para hintayin na sumunod ito sa kanya at komprontahin siya o kaya ay aluhin siya sa nangyari. Subalit, sa kanyang pagkadismaya, nakatanggap siya ng text mula rito na nagsasabing magpahatid na lang siya sa mga bodyguards niya papunta sa Vesarius Mansion at susunod na lang ito. And what make it worse is that, sinamahan nito si M
Chapter 46 (Part 1) Ang sinabi ni Gideon na magkita na lang sila sa mansion ay hindi natupad. Inasahan na niya iyon, kaya lang natahimik si Summer nang malaman nito na sila lang dalawa ang pupunta sa bahay ng Mamila nito. “Mommy, is it bad to break a promise?” mahina ang boses na tanong sa kanya ni Summer habang nasa biyahe sila. Hinaplos niya ang buhok nito at inayos ang pagkaka-upo sa hita niya. “Depende. Bakit hmn?” “I don’t understand.” “Kasi baby, may mga promises na hindi natutupad ng hindi sinasadya. For example, kunyari nag-promise si Tito Caius na bibilhan ka niya ng stickers tapos hindi niya natupad kasi may kailangan pala siyang bilhin na school project. O kaya naman, kunyari nagpromise ako sa ‘yo na pup
Chapter 46 (Part 2) “She insulted my baby. Wala naman akong pakialam kung paratangan niya ako na niloloko lang kita at hindi mo anak si Summer. Hindi ko naman isinisiksik sa ‘yo ang anak ko, in the very first place. Ikaw ang nagpumilit na kunin sa akin si Summer at pumasok sa buhay namin. Pero ang idamay niya ang anak ko sa kung ano mang kabaliwan niya, magkakamatayan muna kami.” “She’s lying then? Ang sabi niya sa akin ikaw ang nagsimula ng gulo tungkol sa mga bata dahil binanggit mo ang namatay kong anak,” malamig ang boses nito sa pagkakataong iyon. Pagak siyang natawa at dismayadong umiling. “Oo nga naman. Kailan ba naging bida ang kaaway sa kwento ng bruha? Alam mo? Kung may na-realize man ako tungkol sa dati mong asawa, ‘yon ay tama ka. Hindi siya santa. Ginamit niya ang walang kamuwang-muwang na bata para makuha
Chapter 47 It’s been a week since Mariz stayed with them. Ang sabi sa kanya ni Gideon, wala itong pagpipilian dahil walang matutuluyan ang babae. Isa pa, nasa panganib din ito dahil nakalabas ng kulungan si Ricky at hinahabol ang babae. Mariz is pregnant and the baby might be in danger if her former live-in partner found and hurt the woman again. Hindi niya alam kung matatawa ba siya sa sitwasyon nilang iyon dahil kasama nila ng anak ang babaeng unang pinakasalan ni Gideon. Buhay reyna ang babae at hindi lang ilang beses nitong pinaramdam sa kanila ni Summer na parang sila pa ang nakikitira sa bahay na iyon. Sabi kasi nito ay bahay naman talaga nito iyon. It was Gideon and Mariz’s house when they were still married. Hindi na niya inalam kung kanino nakapangalan dahil baka mas lalong sumama ang loob niya sa kanyang asawa.
Chapter 48 (Part 1) “Mommy, why we need to leave daddy?” tanong ni Summer habang pinapanood siyang ilagay ang mga damit nila sa maleta. Halata sa mukha ng bata na kahit may tampo pa rin ito sa ama ay gusto naman nitong makasama. “Kailangan nating umalis o masasaktan tayo.” “Who will hurt us, Mom? I don’t think daddy can hurt us. Hindi niya naman po ako pinapalo.” Umiling siya at inilagay ang panghuling damit ni Summer sa loob ng kulay pink nitong maleta bago siya lumuhod sa harapan ng anak na nakaupo sa kama upang magpantay sila. “Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Alam mo naman na mahal na mahal ka ng daddy mo di ba? You are his princess. Alam nating pareho na hindi ka niya kayang saktan ng pisikal.”
Chapter 48 (Part 2) Nanlalaki ang mga mata niya sa narinig. Bakit nito ipapapatay ang dati nitong ka-live in partner? “Anong wala at sino ang mga stupidong kumuha sa kanya? Hindi siya papanigan ng mga pulis dahil may kaso siya. Tinawagan mo na ba ang may hawak sa pamilya niya.” Sandali itong natahimik habang nakikinig sa kausap. “B*bo! Pati pamilya niya nakawala? Sino ang mga t-nginang nakikialam sa atin? Hindi pwedeng makahanap ng butas si Gideon. Malapit ko na siyang makuha ulit.” Mabilis at walang ingay siyang pumanhik sa hagdan nang akmang lilingon ito sa direksyon niya. Saka pa lamang niya napagtanto na kanina pa pala niya pinipigilang huminga nang tuluyan siyang makarating sa loob ng kwartong pakay. Pakiramda
Chapter 49 (Part 1)“Tama na, Ate Lyz. Hindi mo kasalanan ‘yon,” pag-aalo sa kanya ni Carollete. Panay ang haplos nito sa kanyang buhok habang pinapakalma siya. Ibinaba niya sa center table ang baso matapos niyang uminom.“Paano kung may masamang mangyari sa baby? Dapat hindi ko na siya inaway.”“Hindi mo naman siya itinulak. Nakita namin ni Summer pati na rin ng dalawang katulong na siya ang umatras kaya siya nahulog. At saka isa pa, sinaktan niya si Summer. Natural lang na ipagtanggol mo ang pamangkin ko.”Nasa Vesarius Mansion na sila ng anak na ngayon ay natutulog sa malaking sofa habang nakaunan sa kanya.“Natatakot ako para sa bata, Rolle. Dapat hindi ko na siy
Chapter 49 (Part 2) “Lyzza!” May humila sa kanyang braso kasabay ng malakas ng pagbusina ng sasakyan. Ang businang iyon ay inalog ang isipan niya na ikinabalik niya sa reyalidad. Nakita niya ang sarili na nasa tabi ng kalsada habang may lalaking sakay ng kotse ang matalim ang tingin sa kanya. “Hoy, kung magpapakamatay ka. Huwag kang mangdamay!” galit na sigaw niyon bago pinausad ang sasakyan paalis. “Ayos ka lang?” tanong ng boses na kanina pa niya naririnig. Nalingunan niya si David na nag-aalala habang nakatingin sa kanya. Sinuri siya nito mula ulo hanggang paa para tingnan kung may galos ba siya o kahit ano na kailangan ng atensyong medikal. Nang makita nitong wala naman siyang tinamong pinsala ay muli nitong ibinalik ang paningin sa mukha niya.&