Chapter 25
Iirap-irap siya nang madaanan nila ni Summer ang asawa na prenteng naka-upo sa sofa nila sa living room. Kumaway ang bata kay Gideon bago nagtatakang tumingin sa kanya at palipat muli sa ama nito.
“Mommy, why are rolling your eyes to dad? Inaaway mo siya?” inosente nitong tanong at umusli pa ang nguso.
Muli siyang umirap kay Gideon bago nginitian ang baby niya. “Tara na, Baby. Magsusukat pa tayo ng gown natin.”
Bahagya niyang itinaas ang hawak-hawak niyang mga damit na ipinadala ng Mommy Gerona niya para sa kanila ni Summer. Gagamitin nila iyon sa anniversary ng Vesarius Airlines.
“Daddy, sama ka po sa amin.” Pinaypay nito ang ama.
Gideon look
Chapter 26 Napapikit siya at mabilis na tinakpan ng kamay ang mga mata nang magkislapan ang mga camera na sumalubong sa kanya nang makababa siya sa limousine na sinakyan patungo sa venue kung saan gaganapin ang anniversary party ng airlines. Sunod-sunod na tanong ang ibinato sa kanya ng mga reporter at halos magitgit siya sa kinatatayuan. Mabuti na lamang at siya muna ang lumabas sa limousine, nasa loob pa si Summer na alam niyang nakatingin sa kanya mula sa loob ng limousine. “Maraming balita na kumakalat na ikaw raw ang babae sa blind item na pinakasalan ng CEO ng Vesarius Airlines. Totoo ba ‘yon?” Mas itinakip niya ang kanyang braso sa mga mata para takpan ang kanyang paningin pati na rin ang mukha. Mas nagkislapan din ang kamera kay mas iniharang niya
Chapter 27 Literal na natuod siya sa kinauupuan nang hinalikan ng babaeng iyon ang kanyang asawa. The same woman that was in the wedding picture with Gideon. Malditang itinulak ng kamay ni Summer ang nguso nito nang akmang hahalik pa iyon sa labi ng gulat na si Gideon. “Ouch!” maarteng wika ng babae. “Don’t kiss my Daddy.” “You, Brat!” patiling wika ng babae at gumalaw ang kamay nito papunta kay Summer subalit mabilis niya iyong pinigilan. “Huwag mong sasaktan ang anak ko!” mapagbanta niyang wika at matalim ang tingin. Napatayo na rin siya na nakakuha ng atensyon ng mga bisita. “And who are you?” in
Chapter 27 (Part 2) “Na hindi na ngayon kasi sinungkit niya si Sir. Intern pa lang, ang lakas na ng loob di ba? Kung may ice-credit man ako sa kanya ay iyong sinigurado niya agad na may posisyon siya hindi lang sa airlines kundi sa buhay ng mga Vesarius. Pinaako pa kay Sir ang anak niya. Ang kapal ng mukha.” “P-Pero sabi ni Sir, anak niya raw iyon.” “Naniwala ka naman?” “Well, kasi magkamukha sila.” “Hays, Maureen. Huwag ka na lang magtanong. Ano ngayon? Sabihin na nga natin na kay Sir nga iyong bata. Pero hindi ibig sabihin no’n ay hindi siya iiwan ni Sir. Lalo pa’t nandyan naman na ang dating asawa ni Sir. For all I know, ginagawa lang ‘yan si Lyzza na panakip-butas.” Ilan
Chapter 28 Napa-iwas siya ng tingin dahil tila hinugot ng salitang iyon ni Jessica ang pakiramdam na pilit niyang itinatago sa pinaka-ilalim na bahagi ng kanyang isip at puso. “Aalis na ako,” pag-iiwas niya ng usapan. “Lyz—” “May flight pa ako ng alas-otso Ikaw na ang bahala sa baby ko.” Bumuntong-hininga ang kaibigan. Tila disappointed naging reaksyon niya sa sinabi nito. “Mag-ingat ka.” H*****k siya sa pisngi nito at binigyan ng huling sulyap ang kanyang anak na nakatalungko sa desk nito bago siya tuluyang umalis. Nandoon pa rin ang taxi na sinakyan nila kanina ni Summer. Hindi nila kasama si Caius dahil nauna na itong
Chapter 29 Nang matapos ang huling flight niya kinahapunan, ipinagpara pa siya ni Ate Lorelie—ang lady guard sa guard house—ng taxi. May nakapwesto pa na isang security guard doon, si Manong Arnold, kaya pansamantala munang naiwan ni Ate Lorelie ang gate para samahan siya sa tabi ng kalsada at mag-abang ng taxi. “May anak ka po, Ate?” tanong niya nang walang bakanteng taxi na dumadaan. “Meron po, Ma’am. Tatlo, ‘yong dalawa matanda lang ng isa o dalawang taon sa ‘yo, tapos na mag-aral. Iyong pangatlo ko naman, nag-aaral sa De La Salle, Engineer ‘yon, Ma’am,” puno ng pagmamalaki nitong wika at kapagkuwan ay napakamot-kamot sa ulo. “Kaya nga po nagpapasalamat ako sa pamilya Vesarius.” Nilingon niya ito at tuluyang humarap.
Chapter 29 (Part 2) “I-I’m sorry. Hindi k-ko ginusto mangyari ‘yon.” “Anong hindi ginusto. May atraso ka yata, eh. Kaya nadamay si Nanay.” Itinulak siya ng pangalawang babae. Hindi siya nakagalaw sa kinalalagyan o umapela man lang sa sinabi nito. Totoo naman kasi na kasalan niya. “Ano, hindi ka makasagot? Ipapapulis kita!” Muli sana siya nitong itutulak nang pinigilan ito ng pinakamatandang kapatid ng mga ito. “Ano ba, Kuya? Bitawan mo ako.” “Tama na ‘yan, Shantel. Ano ba? Huwag mo na ngang dagdagan ang problema natin ngayon.” “O, bakit sa akin napunta? Hindi ako ang usapan dito. At saka isa pa, hindi ako ang dumadagdag ng
Chapter 30 “Where’s Summer?” tanong niya nang tuluyan na nitong binuksan ng malaki ang pinto. Pumasok siya sa loob at hinarap ito. The living room is dark as well. Ang tanging mga ilaw lamang sa labas ang tanging nagbibigay ng liwanag sa kinaroroonan nila. “Kina Mommy. Kinuha siya ni Rolle kanina.” Huminga siya ng malalim “You should tell me first hand para hindi na ako mag-alala. Kukunin ko siya o kaya ay doon na rin ako matutulog kung ayaw pa ni Summer umuwi.” Pasimple niyang ipinalibot ang paningin sa loob. His penthouse is…lifeless. “Dito ka na lang matulog,” mababa ang boses nito. “I should be with Summer.
Chapter 31 “Ayoko nga. Baka kung ano pang gawin mo sa akin. Uutuin mo lang ako na umalis kami ng bansa ni Summer.” “I won’t. Hindi ka rin naman susunod sa akin. What’s the use? Nilayasan mo pa nga ako di ba?” Mas nanulis ang kanyang mga labi. “At lalayasan ka pa namin ulit kapag kinulit mo kami. Gusto mo bang umiyak si Summer kasi malayo ka na naman sa kanya? Ngangalngalan ako no’n.” “It’s for you and our daughter safety. Ang nangyari kanina kay Manang Lorelie, those bullets were supposed to be for you. Kung hindi siya humarang, ikaw sana ang nakaratay sa hospital ngayon,” nanggigil nitong wika sa kanya. His face darkened as his jaw clenched. “I should fire those st*pid guards.” “Ang sama nito. Bakit mo tatanggalan ng tr