Nang malaman kong nasa England si Chynna at na confirm ko wala na akong inaksayang panahon kundi mag travel gamit ang private plane nang kumpanya. Ibinilin ko muna kay Luis ang kambal at hindi sila pwedeng sumama sa akin. Kahit anong pilit nila hindi ko sila pinayagan. Sobrang miss na miss ko na si Chynna kaya ayokong sayangin ang oras ko na kakahintay na bumalik siya sa akin. Lalo na't alam ko na kong bakit siya umalis ng gabing 'yon. Inakala niya yatang nagkabalikan kami ni Quennie. Hindi ako maka idlip man lang, sapagkat sabik na sabik na akong mayakap siya. Hindi na ako mapakali sa kina uupuan ko ng mga sandaling 'yon. Sa oras na magkita kaming muli sayaw at sa gusto niya pakakasalan ko na siya. Medyo malayo pa ang England kaya naman bagot na bagot na rin ako sa byahe namin. Naka airplane mode ang signal ng cellphone ko kaya hindi nila ako matatawagan ngayon. ***Habang si Chynna naman ay muling nanaginip at this time medyo malinaw na ang lahat sa kaniya. Nakilala niya ang boss
Niyakap ni Zuigi si Chynna ng nasa loob na sila ng private plane. Kanina pa kasi wala sa sarili ito at tila balisabg balisa. "You'll be safe now, Mommy!" bulong nito sabay halik ng noo ni Chynna para iparamdam dito na hindi siya nag-iisa. "Natatakot ako, Zui!" usal niya habang nakayapak pa rin dito."Sssssh! Naka alis na tayo, hindi na nila tayo masusundan." wika nito.Hindi pa nga nakaka layo ang private plane na ginawa nilang get a way. Bigla na naman silang nagulantang nang may marinig na putok ng armalite. Hanggang sa umiwas ang piloto na nagmamaneho ng kanilang sinasakyang panghimpapawid. "Ano 'yon?" sabay na tanong ng dalawa at kalas sa pagkakayakap. Mas lalo pang dumami ang sunod sunod nang pagputok ng armalite hanggag sa nagpagewang gewang na ang kanilang sinasakyan. "Zui, anong nangyayari?" tanong ni Chynna na umiiyak na rin."Sssssh! relax lang makaka alis tayo ng ligtas dito." aniya. Promise me kahit anong mangyari hindi ka hihiwalay sa akin ha. Pag balik natin ng Manil
"Ineng, nasa clinic ka nang Isla Monte Verde. Napulot ka namin kanina ng asawa ko. Ano bang nangyari sayo?" tanong nito.Napa pikit si Chynna ng sandali at inalala ang nangyari sa kanila. Dumilat siya at nagsalita na;"Nasira po kasi ang sinasakyan namin ng kasama ko. At nagkahiwalay po kami sa dagat, masyadong malakas ang alon at tinangay po siya. Hindi ko na alam kong nasaan siya." wika ni Chynna."Ganon ba Ineng, pero alam mo ang pangalan mo?" tanong nito."Opo, ako si Chynna. Saang Isla po ba ito? May mga cellphone po ba kayo para makatawag po ako sa bahay." tanong nito.Sabay na umiling ang mag-anak. "Ineng, walang signal dito kaya 'di uso sa amin ang mga gadget. Kong gusto mo pwede ka namin dalhin sa bayan maraming telepono roon, pero sa ngayon magpagaling ka muna ha." mariing wika ng matanda."Tama, kasi may mga sugat at pasa ka pa na kailangang mag hilom." singit ng nurse."Last na po, nakita niyo po ba ang kasama ko?" tanong ni Chynna."Wala kaming nakitang kasama mo ng maki
Nagising si Luis sa sunod sunod na tunog ng ringtone ng cellphone niya kaya napabalikwas siya ng bangon. At nang i-check niya mula ito sa mga rescuer at sinabing may natagpuan daw sa Isla- Monte Verde na dayuhan. Sa pag-aakalang si Zuigi ito ibibilin niya ang kambal sa mga kasambahay para sumunod sa Batanes. Doon daw kasi nakita ang private plane na sumabog. Umalis siya ng Mansyon na buo ang pag-asang makikita ang kaibigan. Ilang oras rin ang tinagal ng byahe niya at naabutan siya ng rush hour, diretso na siya sa ZSGC at nag hihintay na ang plane na gagamitin niya sa pagsundo sa kaibigan.***"Help! Helpppp!" malakas na sigaw ni Zuigi. At natigil siya ng may nag bukas ng pintuan."Sus maryosep anong nangyari sayo?" tanong ng matanda."Help me, I will pay you any amount." wika nito."Naku! Hindi na kailangan, tutulungan pa rin kita. Teka nga sino ba ang nagtali sayo?" tanong nito. Habang kinakalagan ng tali ang mga paa niya."Y...Yong dalagita po." sagot niya. Natigilan ang matanda sa
Nang makatakas ang matanda sa anak nito. Mabilis siyang nag tungo sa kubo kong nasaan ang estranghero, kailangan na nitong maka alis bago pa magising ang anak niyang si Emma. Hindi siya makakapayag na lalong mabaliw ang anak niya.Nagulat pa si Zuigi ng humahangos ang matanda. "Bakit po?" gulat na tanong niya."Tara na, at baka magising ang anak ko. Kailangan na kitang i-alis dito." wika nito. Kaya nagmamadali na silang lumabas ng kubo. Dahan dahan lang silang naglakad sa labas, dahil medyo 'di pa magaling ang sugat niya sa likod. "Kaya mo pa ba?" tanong ng matanda ng medyo nakalayo na sila sa kubo."Opo, kayo po ba?" tanong nito."Kaya ko pa, hwag mo kong intindihin at malakas pa ako sa kalabaw." aniya.Habang naglalakad sila nakasalubong sila ni Mang Kener na may dalang jeep pampasada sa bayan. Pinara ito ng matanda kaya nakasakay sila."Pare, saan ba ang tungo nyo? At sino naman 'yang kasama mo?" tanong nito. "Sa Bayan. Hwag ka nang mag tanong basta ihatid mo na lang kami sa bay
Nagulat naman si Zuigi ng may yumakap sa likuran niya.."Zuigi!" usal ni Chynna.Nang marinig niya ang boses ni Chynna napa pihit siya sa harapan niya. Kitang kita niya si Chynna. "Chynna, ikaw ba yan?" tanong nito na 'di makapaniwala sa kaniyang nakikita."Oo, akala ko hindi na kita makikita pa." wika nito at nagsisimula ng maiyak."Sssssh! Tahan na! Nandito na ako, 'di na tayo magkakahiwalay pa." wika niya. Ang mga mata nila ay nangungusap at tila may nais ipahiwatig ang mga ito. Zuigi kiss him and she respond it. Hindi nila alintana kong may maka kita sa kanilang dalawa. Ang tanging mahalaga sa kanila ay muli silang nagkita. Nagulat at napapa palapak naman ang mga naka kita sa kanila partikular na si Luis na kararating lamang mula sa kabilang kalsada at ang matandang si Mang Milfred. Masaya sila para sa dalawa. Nang makaramdam si Chynna na parang may audience sila sa likuran napa lingon siya sa likod at bigla siyang nag tago sa likod ni Zuigi sa hiya ng makita si Luis na nasa li
Kumalas sa pagkakayakap si Chynna ng tawagin sila ng staff para ipaalam na nalipat na ng recovery room area si Zuigi at pwede na nilang puntahan ito. Tumayo si Chynna at inaya si Luis kaso nag dahilan ito at sinabing susunod na lamang siya. Kaya sumunod na rin si Chynna sa staff at dinala siya nito sa kwarto ni Zui. Kasalukuyang nahihimbing sa pagtulog ang kaniyang masungit na boss. Lumapit siya dito at naupo. Nagsasalita siya habang natutulog ito, hindi kasi siya makapag salita kapag gising ito at sobra siyang nahihiya. Sinimulan niya ang pagsasalita sa pag-amin."Alam mo sir, sobrang natakot ako ng gabing 'yon. Akala ko talaga good bye na. Pero, salamat sa pag ligtas sa akin, akala ko hindi na ako makakabalik pa at tuluyan ng makukulong sa Palasyo. Sorry, rin kong palagi akong nagmamatigas sayo. Aaminin ko kaya lang naman tinataboy kita palagi kasi kahit 'di ko man sabihin at aminin sa sarili ko unti-unti na rin naman akong nahuhulog sayo. Kaya sana lang--" Hindi na niya natapos an
Lulan na ng private plane sina Luis, Zui at Chynna na hindi na mapag hiwalay pa. Habang tahimik naman na nag-iisip si Luis tungkol sa babaeng nakita niya. Kakaiba ang taglay nitong ganda kaso sadyang nakaka turn-off ang magaslaw niyang pag kilos at ang brusko nito g pananalIta na daig pa ang katulad niyang lalaki. Hindi niya masyadong naka usap ang babae sapagkat nabadtrip na siya sa mga pinagsasabi nito. Sana lang hindi na muling mag krus ang landas nilang dalawa at baka mabaliw pa siya sa kabaliwan ng babaeng 'yon. Natigil ang pag-iisip niya ng kalabitin siya ni Zui."Ang lalim ng ini isip natin ah. May problema ka ba bro?" tanong ni Zuigi na umupo sa tabi niya. Nakatulog kasi si Chynna kaya iniwan niya muna saglit para makapag pahinga at alam naman niya na napagod ito ng sobra sa lahat ng nangyari. "Wala naman bro." sagot niya."Bro, babae ba?" nagulat siya bigla at napatingin kay Zui."Huh! Hindi ah! Business. Medyo tagilid ako sa mga investors." pagsisinungaling niya, pero ang t