Nagising si Luis sa sunod sunod na tunog ng ringtone ng cellphone niya kaya napabalikwas siya ng bangon. At nang i-check niya mula ito sa mga rescuer at sinabing may natagpuan daw sa Isla- Monte Verde na dayuhan. Sa pag-aakalang si Zuigi ito ibibilin niya ang kambal sa mga kasambahay para sumunod sa Batanes. Doon daw kasi nakita ang private plane na sumabog. Umalis siya ng Mansyon na buo ang pag-asang makikita ang kaibigan. Ilang oras rin ang tinagal ng byahe niya at naabutan siya ng rush hour, diretso na siya sa ZSGC at nag hihintay na ang plane na gagamitin niya sa pagsundo sa kaibigan.***"Help! Helpppp!" malakas na sigaw ni Zuigi. At natigil siya ng may nag bukas ng pintuan."Sus maryosep anong nangyari sayo?" tanong ng matanda."Help me, I will pay you any amount." wika nito."Naku! Hindi na kailangan, tutulungan pa rin kita. Teka nga sino ba ang nagtali sayo?" tanong nito. Habang kinakalagan ng tali ang mga paa niya."Y...Yong dalagita po." sagot niya. Natigilan ang matanda sa
Nang makatakas ang matanda sa anak nito. Mabilis siyang nag tungo sa kubo kong nasaan ang estranghero, kailangan na nitong maka alis bago pa magising ang anak niyang si Emma. Hindi siya makakapayag na lalong mabaliw ang anak niya.Nagulat pa si Zuigi ng humahangos ang matanda. "Bakit po?" gulat na tanong niya."Tara na, at baka magising ang anak ko. Kailangan na kitang i-alis dito." wika nito. Kaya nagmamadali na silang lumabas ng kubo. Dahan dahan lang silang naglakad sa labas, dahil medyo 'di pa magaling ang sugat niya sa likod. "Kaya mo pa ba?" tanong ng matanda ng medyo nakalayo na sila sa kubo."Opo, kayo po ba?" tanong nito."Kaya ko pa, hwag mo kong intindihin at malakas pa ako sa kalabaw." aniya.Habang naglalakad sila nakasalubong sila ni Mang Kener na may dalang jeep pampasada sa bayan. Pinara ito ng matanda kaya nakasakay sila."Pare, saan ba ang tungo nyo? At sino naman 'yang kasama mo?" tanong nito. "Sa Bayan. Hwag ka nang mag tanong basta ihatid mo na lang kami sa bay
Nagulat naman si Zuigi ng may yumakap sa likuran niya.."Zuigi!" usal ni Chynna.Nang marinig niya ang boses ni Chynna napa pihit siya sa harapan niya. Kitang kita niya si Chynna. "Chynna, ikaw ba yan?" tanong nito na 'di makapaniwala sa kaniyang nakikita."Oo, akala ko hindi na kita makikita pa." wika nito at nagsisimula ng maiyak."Sssssh! Tahan na! Nandito na ako, 'di na tayo magkakahiwalay pa." wika niya. Ang mga mata nila ay nangungusap at tila may nais ipahiwatig ang mga ito. Zuigi kiss him and she respond it. Hindi nila alintana kong may maka kita sa kanilang dalawa. Ang tanging mahalaga sa kanila ay muli silang nagkita. Nagulat at napapa palapak naman ang mga naka kita sa kanila partikular na si Luis na kararating lamang mula sa kabilang kalsada at ang matandang si Mang Milfred. Masaya sila para sa dalawa. Nang makaramdam si Chynna na parang may audience sila sa likuran napa lingon siya sa likod at bigla siyang nag tago sa likod ni Zuigi sa hiya ng makita si Luis na nasa li
Kumalas sa pagkakayakap si Chynna ng tawagin sila ng staff para ipaalam na nalipat na ng recovery room area si Zuigi at pwede na nilang puntahan ito. Tumayo si Chynna at inaya si Luis kaso nag dahilan ito at sinabing susunod na lamang siya. Kaya sumunod na rin si Chynna sa staff at dinala siya nito sa kwarto ni Zui. Kasalukuyang nahihimbing sa pagtulog ang kaniyang masungit na boss. Lumapit siya dito at naupo. Nagsasalita siya habang natutulog ito, hindi kasi siya makapag salita kapag gising ito at sobra siyang nahihiya. Sinimulan niya ang pagsasalita sa pag-amin."Alam mo sir, sobrang natakot ako ng gabing 'yon. Akala ko talaga good bye na. Pero, salamat sa pag ligtas sa akin, akala ko hindi na ako makakabalik pa at tuluyan ng makukulong sa Palasyo. Sorry, rin kong palagi akong nagmamatigas sayo. Aaminin ko kaya lang naman tinataboy kita palagi kasi kahit 'di ko man sabihin at aminin sa sarili ko unti-unti na rin naman akong nahuhulog sayo. Kaya sana lang--" Hindi na niya natapos an
Lulan na ng private plane sina Luis, Zui at Chynna na hindi na mapag hiwalay pa. Habang tahimik naman na nag-iisip si Luis tungkol sa babaeng nakita niya. Kakaiba ang taglay nitong ganda kaso sadyang nakaka turn-off ang magaslaw niyang pag kilos at ang brusko nito g pananalIta na daig pa ang katulad niyang lalaki. Hindi niya masyadong naka usap ang babae sapagkat nabadtrip na siya sa mga pinagsasabi nito. Sana lang hindi na muling mag krus ang landas nilang dalawa at baka mabaliw pa siya sa kabaliwan ng babaeng 'yon. Natigil ang pag-iisip niya ng kalabitin siya ni Zui."Ang lalim ng ini isip natin ah. May problema ka ba bro?" tanong ni Zuigi na umupo sa tabi niya. Nakatulog kasi si Chynna kaya iniwan niya muna saglit para makapag pahinga at alam naman niya na napagod ito ng sobra sa lahat ng nangyari. "Wala naman bro." sagot niya."Bro, babae ba?" nagulat siya bigla at napatingin kay Zui."Huh! Hindi ah! Business. Medyo tagilid ako sa mga investors." pagsisinungaling niya, pero ang t
Lahat ng tao sa Mansyon ay punong abala sa nalalapit na proposal ni Zuigi sa kaniyang soong to be wife. Ang plano nila ni Luis kailangang sagutin muna siya ni Chynna, then kapag sinagot na siya diretso sila sa proposal. Ayan kong sasagot si Chynna. Pagpasok pa lang ni Chynna sa Mansyon kasama ang kambal, nawe weirduhan naman siya sa mga kaganapan dito. Tila may mangyayaring events at abala ang mga tao doon, maliban kay Zuigi na wala daw dito at nasa business venture sa Milan, Italy. Nakakasama lang ng loob na hindi man lang ito nagpaalam sa kaniya. Sabagay what did she expect wala naman silang relasyon bukod sa ina siya ng mga anak nito. Oo nagka aminan sila ng feelings and the feelings are mutual. Pero, hindi la rin mawaglit sa isipan ni Chynna na baka wala naman gusto ang boss niya sa kaniya. Walang kaalam alam si Chynna na nasa presscon talaga si Zuigi ngayon at kasalukuyan hini hintay siya.Ilang saglit lang may pumuntang media con sa Mansyon at ina anyayahan siyang dumalo sa isa
Nang tawagin ng host si sir Zuigi nagulat ako lalo na nang lumapit ito sa akin at may inabot na bulalak. Nahihiya man ngunit tinanggap ko na rin para hindi ito mapahiya nation wide pa naman ang ere ng show. Naupo ito sa tabi ko at binulungan ko siya na; "Anong ginagawa mo dito? Nasaan ang kambal? Kasama mo ba?" sunod sunod na tanong ko. Ngunit imbes na sagutin niya ang tanong ko, nginitian niya lang ako ng ubod ng tamis na ikina kilig ng host pati na ng mga staff at audience. Kilala pa naman siyang snob at cold sa mga babae. "Maiba tayo Mr. Scott, diretsahan na po tayo dito. Ano po bang namamagitan sainyong dalawa ni Miss. Holland?" prangkang tanong ni ate Bea.Sinubukan ni Chynna na pigilan ang boss kaso spoiler talaga ito. "Ahmmm! First of all Chynna is not my secretary only, she is the Mother of my twins." wika nito. Na ikinagulat ng lahat."What??""Ano, raw??? Twins??""May anak sila??" "Tama ba ang narinig natin?" Sunod sunod na tanong ng mga audience at mas lalo lang umingay
Buong akala ni Chynna dito na magtatapos ang event ngunit akala niya lamang 'yon. Dahil may mas malaking pasabog pa ang boss na boyfriend niya na ngayon. Nagulat sila sa sunod sunod na pagsabog sa labas at agaw pansin ang mga makukulay ay iba't-ibang disenyo sa kalangitan ng mga fireworks. At kong babasahin mo may mga nakasulat dito. At halos manlaki ang mga mata ni Chynna sa kaniyang nabasa. "Will you be my Wife??" halos hindi siya makapaniwala sa nababasa at natulo ang kaniyang luha. Kaya tinapik siya ni Zui at tinanong. "Ayos ka lang ba?" "Oo naman!" Natawa na lang si Chynna sa layo ng narating ng isip niya. Kaka in-relationship nga lang nila kanina, kasal agad ang pumasok sa isip niya. Niyakag na siya nito sa iba para dalhin sa table nila. Kasama ang kambal syempre. "Kain ka na darling, hwag muna pinag iisip yan ang mahalaga tayo na. Salamat sa tiwala. I love you." wika nito sabay taas nang kamay ko at hinalikan ito. Ako na lang talaga ang nahihiya sa pagiging PDA nito, lalo sa