Dahil sa kagustuhan na rin ng kambal na tumira kasama ang Daddy nila sa Mansyon wala ng nagawa si Chynna kundi sumama na lang rin dito. Nilisan na nila ang Nueva Ecija at bumalik na sila ng Manila. Tuwang tuwa ang kambal ng makapasok sa loob ng Mansyon, sapagkat sa labas pa nga lang ay nanlalaki na ang kanilang mga mata sa nakikita. Halos hindi sika makapaniwalang dito na sila titira. "Dad, is this our new home?" tanong ni Charles sa Daddy niya na naninigurado. "Yes son, from now on dito na tayo titira. Nasa taas pala ang room niyo ni kuya Zach mo. You can use the elevator instead a stairway." bilin ng Daddy nila para hindi mapagod ang kaniyang anak sa pagpanhik sa itaas. "Ok, Dad, Thank you. Lets go, kambal." sabay aya sa kuya Zach nito. Sinundan na lamang nila ng tingin ang dalawa na palayo. Habang silang dalawa naman na naiwan ay natahimik at walang imikan. Hindi alam ni Zui kong paano ito kakausapin. Hanggang sa naisipan niyang ayain itong ilibot sa garden na pina unlakan nam
Walang nagawa si Chynna nang sumama ang kambal sa Daddy nila para mag shopping, manuod ng cinema sa Mall. Naging sunod sunuran siya kaniyang mga anak ng makitang masaya naman ang mga ito. Napag isip-isip niya kanina na wala namang kasalanan ang boss niya. Lalo na't hindi naman niya pina alam dito ang totoo kahit may hinala na rin naman siya. Hindi kasi siya makapaniwala na ang naka one-night stand niya ng araw na 'yon ay ang magiging boss niya. Parang sobra namang coincidence ang lahat mula sa pag ligtas ni sir Luis sa kaniya sa kamay ng mga matandang bilyonaryong manyakis hanggang sa may maganap sa kanila ng boss niya. At hanggang sa mapadpad siya sa mismong kumpanya nito. Kong palalawagin ba niya ang pangyayari parang sinadya at konektado ang lahat. Para tuloy isang teleserye sa mga palabas sa television. At habang pinagmamasdan niya ang mag-a-ama na masaya napapangiti na lang rin siya na masaya ang mga anak niya. Ayon naman ang tanging mahalaga sa kaniya ang maging masaya ang mga b
Paglapit ni Chynna nagulat siya sa paghahabulan ng dalawang anak niya kaya sinitsitan niya ito para tumigil na. "Zach, Charles come here!!" Mabilis namang lumapit ang dalawa sa Mommy nila. "Anong problema niyo?" tanong nito."Siya" magkasabay pang turo ng dalawa kaya nagtanong ulit siya sa dalawa. "Who started this??" "Charles""Zach" Sabay pa nilang sambit na ayaw magpatalo."Okay, fine! Naguguluhan na ako sainyo, enough na yan at aalis pa tayo Zach." wika niya. "Saan po kayo pupunta Mom?" tanong ni Charles patay malisya kunwari ay walang alam."Ah! Sa Mall, may bibilhin lang ang kuya Zach mo gusto mo bang sumama?" tanong nito sa anak."I see. Hindi po Mommy. Maiwan na lang po ako dito." aniya. Maya maya lang piniringan na ni Zach ang mata ng kaniyang Mommy na ikinagulat nito. "Zach, removed it. Stop playing. Akala ko ba aalis tayo?" tanong niya sa anak."Ahmm! I change my mind Mom. I just want to play na lang po. Hide and seek at ikaw ang taya Mom. Habulin mo kami." wika ni Za
"Para saan pala ito sir?" curious na tanong niya dito. "Ahmm! Kain ka muna, baka nagugutom ka na?" alok niya dito. Habang pinagsisilbihan ito nang pagkain."Para sa simula nang panliligaw ko sa'yo," straight to the point kong sambit, ayaw ko na rin magpaligoy-ligoy pa.Nakita ko naman ang pagkagulat niya dahil bigla itong nanahimik at napanganga na lang sa sinabi ko."Seryoso ako Chynna, gusto kitang ligawan at maging isang pamilya tayo ," dagdag ko pang sambit na mas lalo pa yata niyang ikinagulat, sapagkat bigla siyang napa inom ng tubig."S-sir sabihin niyo na nagbibiro lang kayo," tanong nito. Hindi talaga siya makapaniwalang manliligaw ako sa'kaniya."No, seryoso ako Chynna. When I say it, I mean it. Sorry kong nabibilisan ka man sa mga nangyayari, pero sigurado na ako. Ayon ay klng papayagan mo akong makapasok sa puso mo." seryoso kong tanong rito, kasabay na pag tingin ko sa mga mata niya, nakipagtitugan ako rito ng limang minuto, para malaman niyang talagang seryosi ako sa kan
Maaga akong pumasok sa kumpanya at maayos naman ang naging usapan namin sa set-up ng kambal. Pumayag na rin ako sapagkat nakikita ko naman na masaya ang mga anak ko sa pag dating ng Daddy nila. Kahit naman ibigay ko ang lahat sa kanila, 'di ko pa rin nakita 'yong saya nila kapag kasama ang Daddy nila. Nasa loob na ako ng kumpanya at diretso ako sa office ni sir Zuigi. Pag pihit ko ng seradura naka rinig ako ng yabag mula sa loob. Alam kong siya ang nasa loob. Nagulat pa ako ng bumungad ito sa harapan ko."Sir Zuigi, ang aga niyo yata ngayon na pumasok." "Hindi naman kakarating ko lang rin dito." "Ah! Ganon po ba." wika ni Chynna sabay lakad patungong desk nito at naupo. Inayos niya muna ang mga gamit niya at nilinis ang computer na naalikabukan na sa ilang weeks niyang bakasyon."Chynna!" napatayo siya ng marinig ang pag tawag ng boss naglakad patungo roon. "Anong kailangan niyo po sir?" "Ahmm! Please brew my coffee. Thank you." wika niya kasabay nang matamis na ngiti nito kay Chy
Sa loob ng opisina ni Zuigi,napapangiti naman ito nang malaman na nakuha na pala ni Chynna ang lahat ng pinadala niyang bulaklak. Hindi niya kasi alam kung ano ang paborito nitong bulaklak kaya inutos niya na lang sa kakilala niya napadalhan ito nang iba't-ibang klase at kulay na bulaklak, kaya inabot nang lima o apat na truck. Nilalaro niya ang pen niya nang dumating si Chynna na dala ang kape na inutos niya sabay lapag sa table niya kaso mukhang malamig na ito ng mahawakan niya."What's bring you here. Have a seat?" patay malisya nitong sambit."Hwag na tayo mag lokohan pa. Ikaw ang nagpadala nang limang truck na bulaklak sa akin?" prangkang tanong ko. Kasi naiinis na rin ako, dahil alam kung uusok ang ilong nang manager namin kapag nakita 'yon panigurado 'yon.Nakita kung ngumiti ito, sabay sabi na. "Do you like it ba?" tanong niya. So, confirm siya nga. "Ano bang naisipan mo at pinadalahan mo ko nang sandamakmak na bulaklak?" tanong ko kasi nag gigil na ako sa inis, tapos pa ngit
Matapos kung mag bilin nang kanilang mga gagawin, ginugol ko naman ang oras ko sa pag iisip kung ano nga ba ang susuotin ko. Kanina pa kasi ako nakatayo sa wardrobe at wala pa rin akong napili kahit isa man lang. Ayoko naman magsuot nang formal mas gusto kung mag casual kaya naman pinili ko ang hawaian polo at tenernuhan ko ito nang short. Nang masipat ang sarili sa salamin at nang masiguro kong pogi na ako lumabas na rin ako nang kwarto. Naglakad ako patungong venue para i-check kung ready na ba ang lahat para mamaya. Medyo magdadapit hapon na rin naman at ilang oras na lang rin ang hihintayin para sa events. Kanina pa hinahanap nang mga mata ko si Chynna, pero hindi ko pa rin siya makita, binilinan ko naman siya na pumunta mamaya sa events bago kami magka hiwalay sa company. Nagsisimula nang mag datingan ang mga staff at tulad ko namangha rin sila sa ganda nang ayos nito, mukhang lahat sila ay nagtataka kong ano bang magaganap ngayong gabi. Samantalang nagtataka naman si Chynna n
Nasa harapan na ako nang lahat nang employees sa ZSGC at kanina ko pa rin hinahanap si Chynna, pero hindi ko siya man lang makita. Alam kung marami nang nag hihintay nang speech ko kaya naman nag simula na rin akong mag salita sa harapan nila. Sinimulan ko sa pag bati sa kanila nang; "Good day everyone." bati kong panimula sa lahat nang taong naroroon. Natutuwa akong maraming pumunta kahit short notice lang ang announcement ko."Good day sir." sigaw nang mga employees ko. Medyo kabado ako at kasama ko ang kambal baka bigla silang mag salita at malalagot ako sa Mommy nila."You know that I can't do it on my own. Founding this ZSGC is really hard for me, but with your extra efforts, hardwork, dedication and to help also. Impossible always makes it possible, so that my company is your success too. And more success to come with us." wika ko sabay taas nang wine glass at sabay sigaw nang cheers sa lahat. Tumayo naman ang kambal na may hawak ring glass na may lamang juices.The Crowd says;
Maaga kaming umalis ng Isla, sapagkat baka magtampo ang kambal kong magtatagal kami dito. Hindi kasi kami nakapag paalam sa kanila ng maayos at biglaan lang ang pag punta namin dito. Ewan ko ba kasi sa asawa ko ang daming alam at kong ano-ano ang naiisip. Parang hindi ako buntis kong makapag aya ng biglaan. Alam naman niyang napaka mahiluhin ko at ang selan ko sa dinadala ko. Three Months pa lang 'to at marami pa akong pagdadaanan. After naming makabalik ng Mansyon. Inasikaso naman namin ang pag lipad patungong ibang bansa.. Ang pangako niya para sa mga bata medyo maliit pa naman ang tummy ko kaya pwede pa akong mag gala-gala. Hindi rin naman kami sasakay ng plane basta basta at gagamitin namin ang private plane ng kumpanya para iwas sa dami ng tao. Sa Japan ang vacation naming mag-anak Masayang masaya ang mga anak namin nang malaman ito at excited silang lahat makita ang tinatawag na happy place nang mga taong nakakapunta roon lalo na ang sikat na dinarayo sa bansang Japan ang Disne
Habang kumakain kami may mga musikero na lumapit sa kinauupuan namin, sabay nagtipa ito ng gitara at ang isa naman ay violin ang gamit sa pagtugtog. Napasenyas tuloy ako sa asawa ko."Darling, bakit may pa ganto?" nahihiwagaang tanong ko."Ha! Ayan ba, pina request ko. Bakit ayaw mo ba?" tanong naman nito."Ah! Hindi naman, nagulat ako. Pero, sige lang maganda naman at hindi masakit sa tainga." ani ko habang sinusubo ang naudlot kung pagkain na nasa kutsara ko na. Ang lamig nang tugtugin dama ko ang bawat tunog na humihimay sa pagkatao ko. Talagang, pinapakilig ako ng asawa kung 'to. Kakaiba rin si tanda, walang ka-kupas kupas sa mga paandar na ganito. Hindi ko tuloy maiwasang pag masdan siya habang kumakain. Ang seryoso ng mukha niya palagi, mukha rin siyang suplado at ubod ng sungit, pero 'yun lang ang akala nila. Alex is a perfect husband and a father to his children. "Darling, bakit nakatingin ka na naman sa'akin?" biglang tanong nito ng mahuli niyang tinitingnan ko siya."Ah!
KINABUKASAN... Nauna akong gumising sa asawa ko at nag-ayos ng aking sarili para hindi naman ako mukhang bruha kapag nakita niya ako. Medyo, nako concious kasi ako lately sa katawan at sarili ko ngayong buntis ako, feeling ko ang pangit ko na. Nagseself pitty na ako kong minsan. Pagbalik ko sa kama galing comfort room gising na ang asawa ko at hinila ang kamay ko pagiga sa kaniya. Niyakap niya ako ng mahigpit sabay sabi na; "Ang bango naman ng asawa ko." wika niya. "Sus! Nang bola ka pa. Bilisan muna dyan at bumangon ka na. May check-up pa ako mamaya." utos ko rito. Kaya no choice siya kundi bumangon na. Kong ayaw niyang magalit na naman ako sa kaniya.Maya maya lang bumangon na ito at nag bihis. At niyaya na ako lumabas. Naglakad na kami patungong hagdan. Nang bigla na naman akong nakaramdam ng pagkahilo kaya'y napakapit muna ako sa grills ng hagdan at napatigil. Mabuti na nga lang nandya ang aking asawa kaya't ako'y kaniyang naalalayan. "Ayos ka lang ba? Bakit ka napatigil sa pag-
Nang silipin namin kung saan nang gagaling ang ingay mula sa ibaba. Napa ismid na lang ako bigla. Akala ko kung ano na nangyayari e'.Ang may pakana pala ng kaguluhan sa ibaba ay ang pabida bida ko pa lang asawa at hindi man lang nahiya at sinama pa niya talaga sa kalokohan niya ang mga tao sa Mansyon. Nababaliw na ba talaga siya.. Haixt!!!Patalikod na sana ako, nang nag simulang mag salita ito. Napa tigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses niya, kaya napa pihit ako paharap at pabalik na naglakad patungo sa veranda.."Hi! Darling ko, ipagpaumanhin mo ang pag istorbo ko sa masarap mong tulog at sana pagkatapos ng kantang ito na alay ko para sayo ay patawarin muna ako. I love you, Darling ko. Miss na miss na kita" wika niya sabay flying kiss pa. Napa taas ang kilay ko sa sinambit niya.. "Music maestro.. utos niya sa isang tao sa Mansyon na si Mang Caloy. Nagmamadali naman itong sumunod sa pinag uutos niya..Mga ilang sandali lang..Nag simula nang tumugtog ang music at magin
Halos hindi siya makatulog sa sofa kaya pabaling baling siya ng kilos at naibato na lang ang unan kung saan.."Bweset talaga! Hindi man lang ako pinagpaliwanag nito. Bumangon na lang ako at nag stretching.. Hindi rin naman ako makakatulog, dahil alam kung galit ang asawa ko. Anyway, nangyari na lahat wala na akong magagawa pa. Ang kailangan ko ay kung paano kami magkaka ayos ng asawa kong leon na tigre pa.Lakad at balik ang gawa ko hanggang sa mapagod ako.. At naupo sa sofa hanggang sa nakatulog na rin ako nang hindi ko namamalayan.. KINABUKASAN Umaga pa lang naka simangot na si Chynna at hindi maipinta ang mukha lalo nang wala siya sa mood, dahil sa inis niyang nararamdaman mula pa kagabi sa'kanyang asawa. Bumangon ako kahit wala ako sa mood, dahil kanina pa ako nakakaramdam ng gutom at ayoko namang tiisin ito at kawawa ang baby sa sinapupunan ko.Hindi na ako nag abalang magpalit ng nighties, bagkus nag suot lang ako ng robe para pantakip sa katawan ko, dahil sa nipis ng nighti
Nang matapos mag bangayan ang dalawa sa harapan ko at sa wakas nanawa rin sila. Pinasamahan ko muna sa maid si Shaira. At para maiwasan ang bangayan nilang nakakarindi na. Habang naka upo kami at binubuksan ko ang beer in can ni Luis. Pinagmasdan ko ito at mukhang parang nalugi ang negosyo nito sa itsura niya. "Bro.." tawag ko sa pansin nito at mukhang ang layo ng ini-isip niya. Inabot ko naman ang binuksang kong beer in can ng humarap ito sa akin. "Thank you." ani niya. "Hmmm! Mukhang may dapat kang ipaliwanag sa akin bro." saad ko habang naghihintay ng sagot nito. "Wala bro. Believe mo baliw yong babae na 'yon. Mantakin mo bang pumasok ng kotse ko yan at ayaw na kong lubayan. Sabi ba naman sa akin panagutan ko siya. Dam* ni hindi ko nga nababa ang panty niya. Alam mo bang siya nga ang nang halik sa akin." reklamo ni Luis habang nagku kwento ng mga pangyayari. "Parang hindi naman ako convince sa sinabi mo bro. Kong walang nangyari sainyo bakit siya ganyan umasta. Alam mo bro. pa
Lumabas kami ng airlines at hinihintay ang sundo namin. Naupo muna ako sa waiting area at medyo nahihilo ulit ako. Ilang saglit lang dumating na rin naman ang sundo namin. Nagulat pa ako ng lumabas ang kambal sa kotse. "Mom, Dad." nakangiting wika nito sabay yakap sa akin. "We miss you, Mom." "Na miss ko rin kayo mga anak." sagot ko sabay ngiti ko sa kanila. "Mom, its that true?" tanong ni Charles. "Yah! Mom, it is real we're going to be kuya na?" segunda naman ni Zach. "Yes mga anak." nakangiting wika ko."Wow! Awesome Mom." sabay pang sagot ng kambal sabay baling sa Daddy nila na. "You do good, Dad." lokong wika ng mga ito sa kanilang Daddy. "Enough na nga yang biruan niyo." saway ko sa kanila. At medyo pagod na rin ako. "Tara na?" yakag ko sa kanila. At nauna na akong pumasok sa kanila kuntodo naman agapay sa akin ang asawa ko kasunod namang sumakay ang kambal. Pinaharurot naman na ng driver ang sasakyan ng makarinig ng go signal dito.Two hours ang tinakbo ng byahe namin bag
Buntis ako, natutop ko ang bibig ko. 'Di ako makapaniwala sa aking nakikita. Two- lines! Excited akong lumabas ng maalala kong wala pala ang asawa ko. Kaya't itinabi ko na lang ulit ang pregnancy sa bulsa ng shorts ko at hinintay na makabalik ito.Two-hours Later...Narinig ko ang pag bukas ng pintuan. Patay malisya lamang ako at kunwari hindi ko narinig ang pagtawag niya."Darling. I'm back." malakas na sigaw nito. Nang naka lapit siya sa akin humalik ito at nanatiling hindi ako umimik. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito kaya kinuha ko ang palad niya at nilagay ko ang pregnancy test, sabay ngiti ko rito."Darling, what is it?" sambit nito at tila nagtataka pa kong ano bang inilipag ko sa palad niya."Open it," sabay ngiti ko. Alam kong magugustuhan niya ito. Nakita kong dahan dahan nitong binuksan ang kamay nito at kitang kita ko ang pag silay ng ngiti sa kaniyang labi. Kitang kita ang galak sa kaniya."It is real darling? Your pregnant again ? We are pregnant?" wika nito at bakas
KINABUKASAN Dahil nabitin ako sa paglilibot at nangako rin naman siya sa akin. Pumunta kami sa women sections. Pinapili niya ako ng mga gusto ko, paikot- ikot naman ako kaka kuha dahil ang dami talagang magaganda. Naisipan kong bilhan ang kaibigan ko nang matuwa naman ito pag nagkita kami. Napansin ko namang naiinip na ang asawa ko kaya sinabihan ko muna siyang maupo, dahil matagal tagal pa ako sa pag-lilibot. Hinalikan naman niya ako at lumayo na rin sa'kin.. Nang mga ilang oras rin nang pag lilibot hinanap na ng mga mata ko ang asawa ko at nakita kong prenteng nakaupo ito lalapit na sana ako ng biglang may babaeng lumapit rito. Nakita ko naman na umupo ito sa tabi niya at ang damuho kong asawa ay patawa tawa pa, nakalimutan niya yatang may-asawa siyang kasama. Dahan dahan akong lumapit at tumikhim. Napansin naman nito ang presensya ko at biglang tumayonat lumapit sa'kin. Hahalikan sana niya ako ngunit umiwas ako. Sinamaan ko siya ng tingin. Napangiti lang ang loko loko, hinawakan