"Here, inumin mo ito," abot sa kanya ni Alex ang isang basong tubig.
Tahimik niyang tinanggap ang bigay nito saka inilang lagok bago ibinaba sa mesa.
"Ano ba ang nangyari?" Puno ng pagtatakang tanong nito. "Tinawagan ako ni Adrian, nakikiusap na sunduin ka. Did you two fight?"
Kanina sa taxi ay hindi ito nagtanong ng kahit na ano, hinayaan lang siya nitong umiyak hanggang sa makauwi sila sa bahay. Pero hindi na ito nakatiis ngayon.
Sana nga simpleng pagtatalo lang ang nangyari sa kanila. But it was not. It was way too far from that.
Mapait siyang ngumiti. Ito pala ang tumawag kay Alex para sunduin siya. Dapat ba siyang magpasalamat? Because after he betrayed and hurt her he still have the decency to worry for her.
"Please Lex, ayoko munang pag-usapan," mahina niyang sabi."Hindi ko pa kaya. And please, gusto ko munang mag-isa!"
He gitted his teeth. Tiim siya nitong tinitigan.
--Cynthia--Bago siya ihatid ni Darwin sa kanilang bahay ay dumaan muna sila sa isang restaurant para kumain. Hindi na siya tumanggi dahil ramdam na ramdam na niya ang pagkalam ng kanyang sikmura. She didn't had a proper meal last night at the party. Ang kinain niya lamang doon ay isang slice ng mansanas.Paano pa siya makakain kung hinila na siya nito mula sa bulwagan papunta sa labas?Kita niya ang bahagyang pagtaas ng kilay nito ng mapansing sa pinakasulok ng restaurant siya napiling pumwesto kung saan hindi masyadong nakikita ng ibang kumakain doon. Bagama't tila bumakas ang pagtutol sa mukha nito ay hindi na ito nag-usisa pa o nagreklamo.Isang malalim na buntong-hininga na lamang ang pinakawalan nito bago muling itinuon ang mga mata sa menu."What do you like to eat?" tanong nito.Binuklat-buklat niya ang menu. Bigla tuloy umingay ang tiya
Kung meron mang higit na nagalit sa ginawang iyon ni Adrian bukod kay nanay Cely ay walang iba kundi si Alex. Halos isumpa nito ang binata ng malaman ang nangyari. Na kung nasa harap lang nito si Adrian ay malamang bugbog sarado na ito ngayon.Nang gabing din iyon mismo ay ipinagtapat niya sa mga ito ang lahat. Hindi niya iyon pwedeng ilihim dahil malalaman at malalaman din ng mga ito ang bagay na iyon oras na hindi na makikita ng mga ito na magkasama sila ni Adrian at hindi na siya pinupuntahan ng binata. Hindi niya iyon matatago ng matagal so she wanted to spill it first kaysa malaman ng mga ito ang tungkol doon sa ibang tao. Isa pa hindi na niya kaya. Pakiramdam niya kung kikimkimin niya pa iyon sa kanyang dib-dib ay sasabog na siya. Konti na lang at mababaliw na siya sa sobrang sakit."Ang putang-inang iyon! Huwag na huwag siyang magpapakita sa akin Jade at papatayin ko talaga siya!" Galit na galit
Ilang beses pang sinubukan ni Adrian na kausapin siya pero hindi niya ito pinagbigyan. Isang buwan na halos ang matulin na lumipas pero sariwa pa rin sa kanyang ala-ala ang lahat. Kahit anong pilit niyang ibaon iyon sa limot ay hindi niya talaga kayang gawin. Magkaganon man ay hindi siya nagpaapekto sa kanyang damdamin. She has been through a lot at nalagpasan niya lahat. Hindi ang pangyayaring iyon ngayon ang magpapalubog sa kanya. May dahilan siya para bumangon at iyon ay ang anak niya. Yes, she's not okey, emotionally but she needs to look okey physically. Para kay Zach. Hindi siya pwedeng manghina, hindi siya pwedeng bumigay dahil may anak siyang umaasa sa kanya. "Kailan ka mag-uumpisang magtrabaho sa shop ni kuya?" si Cynthia. Kasalukuyan niyang inaayos ang mga damit nila ng anak at inilalagay sa kanilang aparador ng pumasok ito sa kanilang kwarto. Nilingon niya ito. "Ang usapan namin ni Al
--ADRIAN--"Anong ginagawa mo rito?" matigas at halos mangalit ang mga bagang niyang tanong ng makita si Arie.Mula sa pagkakaupo sa sofa ay agad itong tumayo at bumaling sa kanya."Please Ade, we need to talk!" she said almost pleading.Agad siyang nagtiim-bagang. He hates to see her, kaya nga nitong mga nakaraang araw ay todo iwas siya sa tuwing tatangkain nitong kausapin siya. He even tell nana Rosa to not let her in inside the mansion. Kung paano itong nakapasok ngayon ay hindi niya alam."Paano ka nakapasok?" he asked cold as ice."Pinapasok ako ni Rosie.""Umalis ka na!"He saw her winced. Sandaling dumaan ang sakit sa mga mata nito. But after a while her eyes sharpen."You should have said that that night months ago! Pero hindi mo iyan sinabi, instead you plead me to stay! At matapos ang nangyari
Sa mansion sila dumiretso, Nana Rosa was so shocked when she saw Adrian face covered with blood when they got out of the car. Agad itong nataranta."Anong nangyari?" Agad nitong tanong saka tinulungan siyang alalayan si Adrian." Naaksidente ka ba Adrian?" tanong nito.Adrian didn't answer, hindi niya alam kung nakatulog ito o tuluyan ng nawalan ng malay. Kanina pa ito walang imik, kahit sa loob ng sasakyan ay tahimik lang ito habang nakasandig ang ulo sa backrest ng upuan.Ibinaling ng matanda ang nagtatanong nitong mga mata sa kanya."N..nagpang-abot po sila sa bahay ni Alex 'na," maikli niyang sagot habang inaalalayan itong papasok. Agad ding bumaling ang mga mata nito kay Zach na noo'y nagkukumahog sa pagsunod sa kanila."Kukuha lang ako ng bimpo at maligamgam na tubig." sabi nito ng nasa loob na sila at nakaupo na si Adrian sa sofa.
Hindi na naalis sa kanyang isip ang sinabing iyon ni nana Rosa. Mas lalo iyon nadepina ngayon habang minamasdan niya si Zach at si Adrian na mahigpit na nakayakap sa isa't-isa habang mahimbing na natutulog.They are both holding each other tightly as if they are scared that someone will break them apart.Makikita sa yakap na iyon kung gaano na miss ng mga ito ang isa't-isa at napakasakit isipin na ipinagkait niya iyon sa anak sa loob ng mahigit na isang buwan. Because of her grudge and her selfish reason, her son suffered."Tapos na ba kayong mag-usap ni nana Rosa?" halos bulong lang na tanong ni Adrian.Bahagya pa siyang nagulat. Hindi niya namalayan na nagising ito, o tulog nga bang talaga ito?Nakita niyang dahan-dahan nitong kinukuha ang braso mula sa pagkakaunan kay Zach, he was doing it so gently para hindi magising ang bata. Adrian knew well that Zach is a light sleeper, konting ingay lang ay nagigisin
"Sino iyan?"Kunot-noong tanong ni Alex ng pumasok ito sa driver's seat at makitang hindi niya sinasagot at hawak niya lang ang nagri-ring niyang cellphone.Ipinakita niya iyon rito at nagtiim rin ang mga labi nito ng makita ang nakarehistrong caller sa screen.Hindi niya iyon sinagot at wala siyang balak kaya kusa iyon tumigil. Ilalagay na niya ulit sana iyon sa bag ng muli na namang nag-ring.Inis niya iyon sinagot. May pakiramdam siyang hindi iyon titigil hangga't hindi niya sinasagot.MARIIN siyang napatiimbagang habang nakatayo doon sa labas ng Diego's place, ilang sandali din siyang nakatayo lang doon at iniisip kung papasok o hindi.Nang makita niya kanina na si Arie ang tumatawag ay wala siyang balak na sagutin iyon, napilitan lang siya ng muli ay tumawag ito."Pwede ba kitang makausap?" Agad na bungad nito sa kanya."Wala na tayong dapat na pag-usapan pa!" malamig pa sa yelong tugo
--Cynthia-- Ilang araw pa lamang mula ng mag-resign siya sa hotel ay nakakaramdam na siya ng pagkabagot. Hindi siya sanay na walang ginagawa. Buong maghapon yata mula ng lumipat siya sa apartment nila ni Darwin puro panonood ng TV o kaya ay pagse-cellphone ang kanyang ginagawa. It's been week mula ng umalis siya sa kanilang bahay at tumira sa apartment na kasama si Darwin at dahil maselan ang kanyang pagbubuntis kaya napilitan siyang mag resign. Gaya ng napag-usapan, siya ang pumili ng kanilang apartment. Pinili niya yung medyo malayo sa sentro ng ciudad para malayo sa ingay. She wanted to live peacefully. Isang kakilala ang nag-rekomenda sa kanya ng apartment na iyon. Isang two bedroom apartment. Bagama't maraming unit, iilan pa lamang sila ang umu-okupa doon. Bit-bit ang towel ay pumasok siya sa loob ng banyo, isa pa iyon sa nagustuhan niya doon, may kanya
AUTHOR'S NOTEThis is the final chapter.. Thank you so much guys for reading my story till this very end. Thank you for the never ending support, to my AE and SE, thank you so much. Words are not enough to express how happy and thankful I am right now. I am where I am because of you guys. Thank you.. thank you... thank you. Hanggang sa muli.. Shanelaurice<<<<<-->>>>>Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi matapos na ibaba ang kanyang cellphone. Gladness was in her heart after that talked.Matagal ring panahon na hindi sila nag-usap ni Arie. After that incident four years ago ay hindi na sila muling nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap. Umalis ito ng bansa and settled in Paris kung saan ito naging full time model ng isang sikat na kumpanya.Noon pa man alam nitong napatawad na nila ito, but still, she choose to stay away from them at piliin ang karerang magpapaligaya rito at magpapalimot sa mga masamang nangyari.
---Cynthia--Hindi niya mapigilan ang hindi mapangiti sa nakikita niya sa kanyang harapan. It was a picture of a happy and contented family. Kitang-kita niya sa mga mata ng mga ito ang hindi matatawarang kaligayahan. At masayang-masaya siya para kay Jade, para sa kaibigang saksi siya kung ano ang pinagdaanan at kung anong klaseng hirap ang naranasan.Seeing her this happy with her husband and two angels made her tears form at the corner of her eyes. Alam niya magiging maligaya na rin ito sa wakas. Lihim niyang kinuha ang kanyang cellphone at kinunan ang mga ito ng larawan. The scene infront of her is pictured perfect. Hanggang sa sasakyan na sila ni Darwin ay minamasdan-masdan niya ang larawang iyon.Naramdaman niya ang pag-abot nito sa kanyang kamay at mahigpit iyon na hinawakan. "Magiging masaya rin tayo kagaya nila Cyn. We will be a complete family and live happily like them kasama ng anak natin at magiging anak pa. I
Six months later...Nagising siya sa kalagitnaan ng madaling araw na humihilab ang kanyang puson. Napahawak siya sa kaumbukang iyon kasabay ng pag-ngiwi ng maramdaman ang paggalaw niyon. Dahil sa nangyari ay mas lalong nadepina ang sakit. "A..Ade.." baling niya sa asawang himbing na natutulog sa kanyang tabi."A..Ade.." ulit niya, marahan niyang niyugyog ang braso nito."Hmm.." nagmulat naman ito ng mga mata na tila naaalimpungatan pa. "May problema ba sweetheart?" paos nitong tanong na iniyakap pa sa kanya ang kanang braso at sumiksik pa sa bandang leeg niya.Pinaglapat niya ang kanyang mga labi. "M..Masakit ang tiyan ko.." mahinang sabi niya."Do you want me to get something to eat?" tila wala pa rin kamalay-malay na sabi nito. Buong akala siguro nito na gutom lang siya kaya sumasakit ang tiyan niya. He was used to her waking up in the middle of the night to eat. Umuling siya. "I.. it's different this time,
"J..Jade?"Kitang-kita niya kung paano nawalan ng kulay ang mukha nito habang gulat na nakatingin sa kanya. Sunod-sunod rin itong napalunok."A..Antonette.." Kung nagulat ito ay higit siya. Hindi niya inaasahan na magtatagpo pa ang landas nilang dalawa. Nakalimot na siya. Kinalimutan na niya ang ginawa nito sa kanya. But fate really play it's part in between them. And of all places sa lugar pa na iyon sila muling nagkita. All this time, naroroon lang pala ito. What a coincidence, ang kaibigan niyang ibinenta siya ay naroroon lang pala sa lugar ng lalakeng bumili sa kanya!Hindi man diretsang si Adrian, pero dito pa rin siya ineregalo nina Thorne at Fred. And Antonette was the main culprit. Ito ang tumanggap ng pera mula sa dalawa in the exchange of her.Ngayon nakita niya itong muli, hindi maiwasang hindi manariwa sa kanya ang mga ala-ala ng nakalipas na limang taon. Bumalik lahat. Lahat-lahat."Sweetheart do you know Annette?" Boses ni A
--ADRIAN--Namumungay ang mga matang minasdan niya si Jade habang mahimbing na natutulog. She is breathing high and low, kita niya iyon sa dib-dib nitong taas-baba at bahagya pang nakabukas ang bibig nito.She look so exhausted. Umangat ang gilid ng kanyang mga labi. Paano magiging hindi kung buong magdamag niya itong inangkin kagabi. He made love to her not just twice but thrice. Madaling araw na yata niya itong pinatulog. When it comes to her, para siyang nawawala palagi sa sarili. He always wanted to made love with her, to be inside of her. Hindi siya naging ganoon ka sabik sa mga babaeng dumaan sa buhay niya. Ngayon lang. Mag-asawa na sila, magkasama bawat oras but still, he keep on missing her, he keep on wanting her.Gaya na lang ng mga sandaling iyon, ramdam na ramdam niya ang pagwawala ng pagkalalake niya habang minamasdan ang maganda nitong mukha.He breath heavily. Pilit na pinapakalma ang sarili. "Hmm.." Bahagya itong umungol.
"Where are we going, hmm?" tanong niya habang marahan na inihilig ang ulo sa balikat ni Adrian habang abala ito sa pagmamaneho.Wala siyang ideya kung saan sila papunta para sa kanilang honeymoon. Hindi pa man natatapos ang reception ng kanilang kasal kanina ay nauna na silang umalis. They just change their clothes at pagkatapos ay hinila na siya nitong muli pasakay sa pick-up nito.He gently rested his head on hers too saka marahan at pilyo na ngiti ang sumilay sa labi."Sa lugar kung saan solong-solo kita." Natatawang tinampal niya ang braso nito."As if naman hindi mo ako nasosolo sa bahay." she playfully hissed. Pero sa totoo lang nae-excite siya sa sinasabi nito."Wala nga yatang gabi na--" napakagat-labi siya. Biglang nag-init ang kanyang mukha ng maalala na halos gabi-gabi siya nitong inangkin. May pagkakataon pa ngang inangkin siya nito sa opisina nito mismo sa hotel and even in the car in broad dayli
READY?" bulong sa kanya ng kanyang Papa saka hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa nakaabrisiete nitong isa pang kamay.Kung hindi lang dahil sa handgloves niya, mararamdaman na nito ang panlalamig ng kanyang kamay o baka ganoon nga kaya nito iyon hinawakan. She's too nervous that she can't feel her feet on the carpet, sa sobra ngang lakas ng tibok ng kanyang puso ay para na iyon lalabas sa kanyang lalamunan. Pangalawang beses na iyon na ikakasal sila pero hindi pa rin niya maiwasan ang hindi kabahan. She was so nervous at the same time very happy. They begin to walk down the aisle slowly habang kinakanta ang kanilang wedding song. Nang mag angat siya ng tingin, naroon si Adrian nakatayo sa may altar, katabi nito ang kuya Darwin niya na siyang bestman nila sa kasal and Mandy as their maid of honor.Sa kaliwang gilid nila, naroon si Zach, looking so handsome in his little tuxedo, napapagitna ito kina nanay Cely, Alex at kay Cynthia na tulad niya ay halata na
Kita niya kung paano unti-unting nawala ang ngisi sa mukha ni Adrian ng sabihin na niya dito ang tungkol kay Arie. Agad na nagtagis ang bagang nito."She's not herself Ade, kapag nanatili siya doon baka lumala ang kondisyon niya, baka tuluyan siyang mabaliw doon." mahinang sabi niya. Sana makumbinsi niya ito na iurong na lang ang kaso laban sa kapatid."If we're going to let her go, baka ulitin niya lang ang ginawa niya, baka sa susunod mas malala pa dito, God I can't imagine it Jade. Kung alam mo lang ang takot na naramdaman ko sa ginawa niya sa inyo ni Zach!""Siguro naman narealized na niya ang pagkakamali niya, at the end she still save me, binaril niya si Banjo kaya nakaligtas ako."Hindi ito nagsalita, nanatili lang ang tiim na mga mata."She needs to see a psychiatrist para hindi lumala ang kondisyon niya,""How sure are you that she's not faking it?" tanong nito. "Hindi kaya umaarte
Tulalang Arie ang nadatnan niya sa kulungan ng dalawin nila limang araw mula ng makalabas siya sa ospital. Dahil sa hindi pa nag-uumpisa ang hearing ay doon muna ito mananatili sa kulungan ng presinto.Naroroon ito at nakasandal lamang sa pader at tila wala sa sarili na nakatingin lang sa kawalan.Maayos naman ang suot nito. Her stepmother make sure to visit her everyday.Ngayon lang siya nakadalaw rito dahil ngayon lang medyo bumuti ang kanyang pakiramdam at unti-unti na ring naghihilom ang kanyang sugat kaya ngayon niya lang nakita ang kalagayan nito."Arianna Sandoval, may bisita ka!" sabi nong babaeng pulis at binuksan ang selda kung saan ito naroroon.Dagli lang ang pagsulyap nito. Walang emosyon ang mga mata nito ng dumako sa kanya.Pinosasan ito ng isa pang babaeng pulis at ilang sandali lang ay inilalabas na ito sa kulungan para dalhin sa visiting area.Pero hindi niy