Share

Chapter 20

last update Last Updated: 2025-04-01 22:28:18

Matapos ang dalawang araw na pananatili ni Ashley sa mansyon ng mga Villegas, napagdesisyunan niyang bumalik na sa Maynila. Kahit ramdam niya ang pag-aalalang bumalot sa pamilya ni Artus, alam niyang hindi siya maaaring manatili roon nang matagal. May mga bagay siyang kailangang ayusin, at isa na roon ang sariling pamilya.

Habang nakaupo sa sala, kaharap ang buong pamilya Villegas, nagbigay ng huling paalala si Grace.

“Sigurado ka ba na babalik ka na roon? Mas maaalagaan ka rito kahit sinabi pa ng doktor na maayos ang pagbubuntis mo. Pero bawal pa rin tayong magpakampante, iha,” mahinahong sabi nito, ngunit dama ni Ashley ang pag-aalala sa boses ng ginang.

Ngumiti siya upang ipanatag ang loob ng matanda. “Ayos lang po ako, Tita. May kasama naman po ako sa condo unit ko, hands-on din po siya. Huwag po kayong mag-aalala, susubukan ko pong makatawag dito.”

Napatingin siya kay Artus na tahimik lang na nakikinig. Nilingon niya ang kanyang tiyahin, ngunit bago pa siya makapagsalita, sumabat
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Honaka Yahagi
more update po please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • A Night With My Stepsister's Fiance   Chapter 21

    Sa bawat hakbang ni Ashley papasok sa bahay ng mga Echavez, ramdam niya ang bigat ng tingin ng bawat isa sa kanya. Tahimik na sumunod si Artus, hindi bumibitaw sa tabi niya. Nang marating nila ang sala, agad siyang pinaupo ni Rafael sa sofa."Upo kayo," malamig ngunit may halong pag-aalalang wika ng kanyang ama.Tahimik na umupo si Ashley, pero ramdam niya ang tensyon sa paligid. Napatingin siya kay Jacob, na nanatili lang nakatayo sa tabi ni Stefanie. Ang kapatid niya ay hindi na itinago ang inis at galit sa kanyang mga mata."Bakit ka bumalik, Ashley?" mabigat ang tanong ni Cynthia.Huminga nang malalim si Ashley at hinawakan ang kanyang tiyan, pinapalakas ang sarili. "Papa, Tita, may kailangan akong sabihin sa inyo." Sandaling nagbuntong-hininga siya bago nagpatuloy. "Ang tungkol sa pagbubuntis ko….si Artus ang ama."Parang bumagsak ang mundo sa tahimik na sala. Tanging marahang tunog ng wall clock ang naririnig nila.Alam na nila ang totoo, inaantay na lang na si Ashley ang magsas

    Last Updated : 2025-04-03
  • A Night With My Stepsister's Fiance   Chapter 22

    Napalunok si Jacob sa sagot ng kapatid. Alam niyang hindi ito totoo. Alam niyang pinipilit lang ni Ashley ang sarili na tanggapin ang sitwasyong hindi niya naman ginusto. Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito, ang takot na pilit nitong ikinukubli.“Ashley…” bulong niya, tila may pag-aalinlangan pa rin.Ngumiti nang bahagya si Ashley, pero bakas ang pighati sa kanyang mukha. “Ito ang tama, Kuya.”Bago pa man makapagsalita muli si Jacob, bumalik na si Artus at Rafael sa sala. Napansin agad ni Artus ang pamumula ng mga mata ni Ashley, pero hindi siya nagsalita tungkol doon.“Ashley, anak,” mahinahong tawag ni Rafael. “Nakapag-usap na kami ni Artus.”Tumingin si Ashley sa kanya, naghihintay. Hindi niya alam kung anong mararamdaman—takot, kaba, o pag-asang may natitira pang kabutihan sa puso ng kanyang ama.Nagpatuloy si Rafael, “Pinagkasunduan namin na kailangan nang ipahayag ang inyong kasal sa lalong madaling panahon. Ayoko nang palakihin pa ang gulo sa pagitan ng pamilya natin at ng

    Last Updated : 2025-04-03
  • A Night With My Stepsister's Fiance   Chapter 23

    Unang araw sa isang buwan nagsimula nang maghanda sina Ashley at Artus sa kasal, katulong ni Ashley ang pamilya ni Artus. Masaya silang naghahanda. Sa loob ng isang wedding boutique sa Quezon City, masigla ang paligid. May iba’t ibang klase ng gowns na nakadisplay sa bawat sulok, mula sa modernong disenyo hanggang sa mga klasikong estilo. Tumigil si Angeline sa harap ng isang brochure at halos mapatalon sa tuwa nang may makita siyang design na agad niyang inabot kay Ashley.“Ito Ate Ashley, bagay sa’yo ‘to!” masayang sabi ni Angeline sabay pakita sa elegant gown na nasa brochure. Pinagmasdan naman ito ni Ashley, at totoong maganda nga ito pero naisip niya ay masyadong classy. Gusto niya ay simple lang ang susuotin niya dahil pakiramdam niya doon siya komportable. “Maganda nga…pero sa tingin ko hindi bagay sa akin ang sobrang elegante. May ganito pa kayang style pero may pagka simple?” tanong niya. “Meron naman po siguro, wait itatanong ko.”Isa si Angeline sa excited sa kasal ng k

    Last Updated : 2025-04-06
  • A Night With My Stepsister's Fiance   Chapter 24

    Matapos ni Ashley, hinatid na siya ng pamilya ni Artus sa kanila. Agad din naman siyang inalayan ng dalawang kasambahay pagkatapos niyang magpaalam sa pamilya ni Artus.“Si Dad at Kuya?” tanong ni Ashley sa dalawang kasambahay.“Si Sir Rafael po ay hindi pa nakauwi, si Sir Jacob naman kakarating lang din po may kasama siyang bisita si Sir Kyler.”Nanlaki ang mga mata ni Ashley sa narinig. “Nandyan si Kyler?” Bakas sa mukha at boses niya ang saya. Si Kyler ang best friend ng Kuya Jacob niya na nakakalaro niya rin noong bata pa lamang siya. Mabait ito, magalang sa magulang niya. Noong nag-college sila ay pumunta si Kyler sa France para mag-aral. “Opo. Ma’am, dahan-dahan lang baka madulas ka. Kaka-mop lang po namin.” Mas lalo nilang inalayan si Ashley papasok ng loob. Excited naman na si Ashley na makita muli si Kyler. Kaya nang makapasok siya, nadatnan niya si Kyler na kakababa lang sa hagdan kasama si Jacob. “Kyler!” sigaw ni Ashley, agad siyang naglakad nang mabilis papunta kay Kyl

    Last Updated : 2025-04-07
  • A Night With My Stepsister's Fiance   Chapter 25

    Walang nakaimik ni isa sa kanila pagkatapos magsalita ni Artus. Napaawang ang bibig ni Ashley, gulat. Dahan-dahan siyang bumaling sa likod at naroon ang Kuya Jacob niya at si Kyler na nakatayo, seryoso ang mga mukha—na para bang wala lang sa kanila na nandoon si Artus.Si Artus naman ay nakatingin din nang seryoso kay Kyler. “Who is he?” mahinang tanong ni Artus kay Ashley.Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan sa tanong na iyon, pero mas hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang reaksyon ni Artus—para bang may nakita itong mali.“He’s Kuya’s friend… and my friend too,” sagot ni Ashley, halatang naguguluhan.Napatingin si Artus sa kanya, matalim. “Bakit siya nakayakap sa’yo?”Napakunot ang noo ni Ashley. “Paano mo nalaman?”Sa pagkakaalam niya, wala namang ibang tao sa living area kanina habang magkausap sila ni Kyler. At ang yakap na iyon? Panandalian lang. Walang malisya. Isang yakap ng kaibigan.“Just answer my question, please… bakit siya nakayakap sa’yo?” bakas sa tono

    Last Updated : 2025-04-08
  • A Night With My Stepsister's Fiance   Chapter 26

    Narinig sa buong bahay ang sigawan nina Ashley at Stefanie. Malinaw ang sampal, kasunod ang matalim na palitan ng salita. Sa tapat ng kusina, si Ashley ay nakatayo, hawak ang pisngi, nanginginig sa galit habang si Stefanie naman ay hindi pa rin natitinag, matalim ang titig at tila handang sumugod muli.Biglang bumukas ang main door ng bahay at bumungad si Rafael, at Stefanie. Kasama niya si Cynthia. Parehong gulat at bakas sa mukha ang pagkabahala sa narinig na sigawan.“Ano bang nangyayari rito?!” malakas na tanong ni Rafael, nanlilisik ang mata.Sabay-sabay na napalingon ang dalawa sa kanya. Sa sandaling iyon, bumaba rin mula sa itaas sina Jacob at Kyler, dala ng ingay na kanina pa nila naririnig. Agad na lumapit si Jacob kay Ashley at tinignan ang pisngi ng kapatid.“Ash, anong nangyari? May masakit ba sa’yo?” tanong niya, puno ng galit ang boses habang tinitigan si Stefanie. Ganoon din si Kyler. Noong dati pa ay hindi niya na gusto ang ugali ni Stefanie, ang buong akala niya ay na

    Last Updated : 2025-04-08
  • A Night With My Stepsister's Fiance   27

    Kinabukasan, hindi pumasok si Artus sa trabaho, laha ng meetings at iba niyang kailangan gawin ay pinalibana niya muna. Napag-isipan niya na siya naman ang sasama kay Ashley sa schedule ngayong araw para sa kasal nila. “Sigurado ka ba talagang hindi ka papasok? Napag-usapan na rin naman namin ni Angeline na siya ang sasama sa akin ngayong araw,” sabi ni Ashley. Maaga pa lang ay dumating na si Artus sa bahay nila kaya gulat na gulat si Ashley. Hindi niya iyon inasahan, ang akala niya ay si Angeline ang pupunta pero hindi naman maaga ang usapan nilang dalawa.“Sinabi ko na sa kanya na ako na muna ang sasama sa’yo, pumayag din naman siya dahil may biglaan din silang alis ng mga kaibigan niya,” paliwanag ni Artus. “Kung gano’n, bakit ang aga mong pumunta rito? Hindi niya ba sinabi na after lunch ang alis namin?” tanong ni Ashley. Ngumiti si Artus sa kanya na para bang isang bata si Ashley na panay tanong. “Ayaw mo ba akong makasama nang matagal ngayong araw?”Nagulat si Ashley nang ba

    Last Updated : 2025-04-10
  • A Night With My Stepsister's Fiance   28

    Habang nag-uusap pa rin sina Artus at Ashley sa garden, napadaan si Stefanie. Kita niya kung gaano kasaya mag-usap ang dalawa, mas lalo siyang nagalit kay Ashley. Nakakuyom ang mga kamay niya sa inis na para bang anumang oras ay susugurin niya silang dalawa, hilahin si Artus palayo kay Ashley. Pumikit siya nang mariin at pinakalma ang sarili. Kung nakaligtas si Ashley sa kanya kagabi dahil sa pagtatanggol ni Rafael, tiyak makakaligtas din siya ngayon dahil naroon si Artus kaya naisipan niya na maging kalmado. Huminga siya nang malalim at naglakad patungo sa dalawa.“Artus, hi. Nandito ka pala.”Sabay na lumingon sina Artus at Ashley sa kanya. Malapad ang ngiti ni Stefanie ngunit alam ni Ashley na hindi iyon totoo. Tumayo si Ashley kaya sumunod si Artus. “Stefanie,” bati ni Artus. Tinignan ni Stefanie saglit si Ashley bago lumapit kay Artus. Hinawakan niya ang braso ni Artus, agad naman inalis ni Artus ang kamay niya. Napansin iyon ni Ashley, napansin din niya na saglit na nawala an

    Last Updated : 2025-04-11

Latest chapter

  • A Night With My Stepsister's Fiance   75

    Ilang minuto na hindi nagsalita si Ashley, tahimik ang buong loob ng kotse dahil inaantay rin ni Artus ang sasabihin ni Ashley ngunit nakatingin lang ito sa kanya. Nang mapagtanto ang reaction ni Ashley na naiilang ito, tumawa siya. “I’m just joking, Ash. Masyado ka namang seryoso.” Bumalik ang tingin niya sa daan, sakto ay nag green light na kaya naka-focus siya sa pagmamaneho. Napalunok naman ng laway si Ashley na tila ba nabunutan siya ng tinik sa lalamunan niya. Pinagdasal niya kanina habang nanahimik siya na sana nga nagbibiro lang si Artus. Kaya nang sabihin nito na biro lang, guminhawa siya. “Stop talking nonsense again, Artus.” Natatawa niyang sabi pero ramdam sa garagal niyang boses na naiilang pa rin siya. “Yes, I know. I’m sorry…” Humina ang boses ni Artus na para bang kahit siya ay biglang nailang. Pakiramdam niya kahit anong gawin niya wala siyang pag-asa kay Ashley. Hindi niya malaman kung bakit niya iyon iniisip pero isa lang ang gusto niyang mangyari, ang maging c

  • A Night With My Stepsister's Fiance   74

    Umuwi sila sa bahay nila, pero kahit na kasama na ni Artus si Ashley at sinasabi nito na ayos lang siya, pakiramdam ni Artus ay hindi. Ngunit ayaw niya na rin pa isipin pa o sabihin kay Ashley ang nararamdaman niya, dahil para sa kanya ang mahalaga kasama niya na muli si Ashley. ***Makalpas ang isang buwan, marami nang nangyari katulad na lang na naipadala na lahat ng wedding invitation na nasa listahan nila, nakabili na ng mga regalo para sa mga bisita, mga wedding sponsors at iba pa. Tapos na rin lahat ng preparation, kasal na lang talaga ang kulang para maging perpekto na ang lahat. Apat na buwan na buntis na rin si Ashley, at sa susunod na buwan na ang kasal nila. Tungkol naman sa nalaman ni Ashley kay Artus, pilit niyang inaalis iyon sa isipan niya sa tuwing nakikita niya si Artus dahil ayaw niyang maramdaman ni Artus na natatakot siya kaya ginagawa niya ang lahat para ipakita kay Artus na ayos siyang kasama nito.“Kumusta ka?” tanong ni Danica. Bumisita siya kay Ashley at nas

  • A Night With My Stepsister's Fiance   73

    Ang lahat ay nasa simbahan na, si Ashley na lang ang inaantay. Nasa bridal car na ito, kasama si Danica. “Hey, ayos ka lang ba? Masyado bang malamig ang aircon? Nilalamig ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Danica sa kaibigan. Mabilis namang umiling si Ashley. “Ayos lang ako. Medyo kinakabahan lang ako,” saad niya sabay ngiti. Tumango naman si Danica, ginawa niya ang lahat para mawala ang kaba ni Ashley. At makalipas ang ilang oras sa byahe, nakarating na sila sa simbahan. Sabay silang lumabas ng kotse, inayos muna ni Danica ang gown ni Ashley bago siya pumasok sa loob ng simbahan.Maya-maya, nagsimula na ang wedding ceremony.Tumugtog ang unang nota ng kanta — isang mabagal at malamyos na himig na pumuno sa buong simbahan. Tumayo ang lahat ng bisita, sabik na naghihintay sa pagdating ng bride.Nakatayo si Artus sa unahan, sa harap ng altar. Suot niya ang itim na tuxedo, maayos ang buhok, ngunit hindi maitago sa mata niya ang tensyon at kaba. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang

  • A Night With My Stepsister's Fiance   72

    Napatingin si Rafael sa paligid, at napagtanto niya na tama nga si Jacob, dumami ang bodyguards. Bumaling ulit siya kay Jacob. “Bukas na ang kasal, kailangan talaga paghandaan kaya sila nariyan,” paniniwala niya. May parte na iyon ang dahilan ni Artus, pero ang lahat ng inakala nilang bodyguard ay mga miyembro ng Agentum Order na si Artus mismo ang nag-demand para sa kasal nila bukas. Kailangan nga niyang paghandaan dahil hindi niya alam kung aatake si Axel bukas. ***Dumating ang gabi bago ang kasal. Tahimik na ang buong bahay. Sa master's bedroom, nakaupo si Ashley sa kama, marahang hinihimas ang kwintas sa leeg niya — regalo ni Artus ilang linggo bago sila ikasal. Wala ang wedding gown niya roon; ipinagkatiwala na niya ito sa mga kamay ng coordinators para bukas.Pumasok si Artus, dala ang isang tasa ng gatas. Nilapag niya ito sa side table bago naupo sa tabi ni Ashley, sinandal ang katawan sa headboard."Ang lalim ng iniisip mo," puna niya, nakangiti.Ngumiti si Ashley pabalik,

  • A Night With My Stepsister's Fiance   71

    Sa isang tahimik na coffee shop sa Quezon City, nagkita sina Sofia, Lyka, at Loraine para sa isang simpleng catch-up. Tanghali pa lang pero halos puno na ang café, kaya pumuwesto sila sa sulok na may kaunting katahimikan.“Grabe, ang tagal din bago tayo nagkita ng tatlo lang ulit,” ani Sofia habang hinahalo ang kanyang cappuccino.“True,” sabay tango ni Loraine. “Ang dami na ring nangyari sa buhay natin. Pero ang pinaka-hindi ko in-expect…”Napatingin siya sa dalawa at inilabas ang cellphone mula sa bag.“…ay ‘tong message ni Danica kaninang umaga.”“Ano ‘yon?” tanong ni Lyka habang abala sa pag-check ng order nila.Binuksan ni Loraine ang message at binasa aloud:Danica: Hi girls! I hope you're doing well. Just wanted to invite you to Ashley’s wedding and baby shower! Gaganapin ito next month and we’re hoping you can come. It would mean a lot to her. 🥹💌Saglit na natahimik ang mesa. Tanging ingay lang ng espresso machine ang maririnig.“Wait, what?” napataas ang kilay ni Sofia. “As

  • A Night With My Stepsister's Fiance   70

    Ang lahat ay nasa simbahan na, si Ashley na lang ang inaantay. Nasa bridal car na ito, kasama si Danica.“Hey, ayos ka lang ba? Masyado bang malamig ang aircon? Nilalamig ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Danica sa kaibigan.Mabilis namang umiling si Ashley. “Ayos lang ako. Medyo kinakabahan lang ako,” saad niya sabay ngiti.Tumango naman si Danica, ginawa niya ang lahat para mawala ang kaba ni Ashley. At makalipas ang ilang oras sa byahe, nakarating na sila sa simbahan. Sabay silang lumabas ng kotse, inayos muna ni Danica ang gown ni Ashley bago siya pumasok sa loob ng simbahan.Maya-maya, nagsimula na ang wedding ceremony.Tumugtog ang unang nota ng ka

  • A Night With My Stepsister's Fiance   69

    Napatingin si Rafael sa paligid, at napagtanto niya na tama nga si Jacob, dumami ang bodyguards. Bumaling ulit siya kay Jacob. “Bukas na ang kasal, kailangan talaga paghandaan kaya sila nariyan,” paniniwala niya.May parte na iyon ang dahilan ni Artus, pero ang lahat ng inakala nilang bodyguard ay mga miyembro ng Agentum Order na si Artus mismo ang nag-demand para sa kasal nila bukas. Kailangan nga niyang paghandaan dahil hindi niya alam kung aatake si Axel bukas.***Dumating ang gabi bago ang kasal. Tahimik na ang buong bahay. Sa master's bedroom, nakaupo si Ashley sa kama, marahang hinihimas ang kwintas sa leeg niya — regalo ni Artus ilang linggo bago sila ikasal. Wala ang wedding gown niya roon; ipinagkatiwala na niya ito sa mga kamay ng coordinators para bukas.

  • A Night With My Stepsister's Fiance   68

    Sa isang tahimik na coffee shop sa Quezon City, nagkita sina Sofia, Lyka, at Loraine para sa isang simpleng catch-up. Tanghali pa lang pero halos puno na ang café, kaya pumuwesto sila sa sulok na may kaunting katahimikan.“Grabe, ang tagal din bago tayo nagkita ng tatlo lang ulit,” ani Sofia habang hinahalo ang kanyang cappuccino.“True,” sabay tango ni Loraine. “Ang dami na ring nangyari sa buhay natin. Pero ang pinaka-hindi ko in-expect…”Napatingin siya sa dalawa at inilabas ang cellphone mula sa bag.“…ay ‘tong message ni Danica kaninang umaga.”“Ano ‘yon?” tanong ni Lyka habang abala sa pag-check ng order nila.

  • A Night With My Stepsister's Fiance   67

    Umuwi sila sa bahay nila, pero kahit na kasama na ni Artus si Ashley at sinasabi nito na ayos lang siya, pakiramdam ni Artus ay hindi. Ngunit ayaw niya na rin pa isipin pa o sabihin kay Ashley ang nararamdaman niya, dahil para sa kanya ang mahalaga kasama niya na muli si Ashley. ***Makalpas ang isang buwan, marami nang nangyari katulad na lang na naipadala na lahat ng wedding invitation na nasa listahan nila, nakabili na ng mga regalo para sa mga bisita, mga wedding sponsors at iba pa. Tapos na rin lahat ng preparation, kasal na lang talaga ang kulang para maging perpekto na ang lahat. Apat na buwan na buntis na rin si Ashley, at sa susunod na buwan na ang kasal nila. Tungkol naman sa nalaman ni Ashley kay Artus, pilit niyang inaalis iyon sa isipan niya sa tuwing nakikita niya si Artus dahil ayaw niyang maramdaman ni Artus na natatakot siya kaya ginagawa niya ang lahat para ipakita kay Artus na ayos siyang kasama nito.“Kumusta ka?” tanong ni Danica. Bumisita siya kay Ashley at nas

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status