Share

35

last update Last Updated: 2025-04-17 21:17:42

Pagkatapos ng dalawang linggo, marami nang natapos ang iilan sa hinanda para sa kasal nina Ashley at Artus. Dalawang buwan na rin ang pagbubuntis ni Ashley kaya naman nag-aya si Danica sa kanya lumabas.

“Saan ba tayo pupunta?” tanong ni Ashley nang makasakay siya sa kotse ni Danica.

“Sa Baby Shop. Gusto kong bigyan ng regalo ang inaanak ko.” Excited na sabi ni Danica.

Natawa naman si Ashley. “Dalawang buwan pa lang akong buntis, Dan. Paano natin malalaman kung anong dapat bilhin para sa baby kung kahit gender niya ay hindi pa natin alam.”

Naglabas nang mahinang hangin mula sa kanyang bibig si Danica. “Wala pa akong anak, pero may mga naging pamangkin din naman ako. Ganoon ang nakikita ko sa mga kapatid ko iba at pinsan na kahit hindi pa nila alam kung babae o lalaki ang magiging anak nila, pinaghahandaan pa rin nila ito. May tinatawag naman tayong unisex item, right? We can use that. And also, hindi lang naman kasal ang dapat paghandaan, mas okay nga na paghandaan nang mabuti ang p
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • A Night With My Stepsister's Fiance   36

    Hapon na nang matapos ang baby shopping nina Ashley at Danica. Halos mapuno na ang kanilang mga bitbit na bag ng mga unisex onesies, feeding bottles, at iba’t ibang gamit na magiging kapaki-pakinabang sa pagdating ng baby. Masaya ang kanilang mga mukha habang naglalakad palabas ng mall, nagkukuwentuhan pa tungkol sa mga nakita nila. Ngunit ilang hakbang na lang sana ay makalabas na sila sa exit nang biglang may sumalubong sa kanilang tatlong lalaki—mga estrangherong pormal ang suot na para bang may importante silang pakay.Nang makita ang lalim ng tingin ng mga lalaki at ang mabilis na paglapit ng isa sa kanila, biglang bumilis ang tibok ng puso ni Ashley. Agad niyang hinawakan ang tiyan, instinct na pangalagaan ang dinadala niyang bata. Napahinto si Danica sa tabi niya at agad pumwesto sa harapan ng kaibigan, tila handang ipagtanggol siya anumang mangyari.“Sino kayo?” tanong ni Danica, taas-noong nagsalita pero bakas sa boses ang kaba.Hindi agad sumagot ang mga lalaki. Tumigil lang

    Last Updated : 2025-04-18
  • A Night With My Stepsister's Fiance   37

    Nang bitawan ng bodyguard ang braso ni Stefanie, yumuko siya kay Ashley at saka umatras. Pinagmasdan naman nina Rafael at Cynthia ito, lalo na si Cynthia na masama ang tingin sa lalaki ngunit may takot din sa kanyang mukha, habang si Stefanie naman ay galit ang namumuo sa kanya. Naisip niya ang pagtaboy ni Artus sa kanya noong isang araw, pareho ang suot ng mga lalaking humawak sa kanya sa mga bodyguard na nasa bahay nila. Napagtanto niya rin na kahit mas nauna niyang nakilala si Artus kaysa kay Ashley, hindi niya rin ito lubosang kilala o alam kung ano ang buhay ni Artus. Pero ang mas kinaiinisan niya, kahit ni minsan hindi ginawa ni Artus sa kanya ang ginawa nito kay Ashley na bibigyan ng seguridad. “Maiwan ko na muna kayo,” paalam ni Ashley at pumunta sa mga kasambahay para sabihan na ihanda ang isa pang kwarto para sa tatlong bodyguard niya.Wala namang sinabi ang tatlong bodyguard kung uuwi ba sila sa kanya-kanya nilang bahay, at lalo na si Artus kaya naisip niya na baka nga sa

    Last Updated : 2025-04-21
  • A Night With My Stepsister's Fiance   38

    Nang matapos magluto si Ashley, agad niya itong hinain sa mesa sa kusina. Mainit pa ang sabaw at maayos ang pagkaka-plate ng ulam. Napangiti siya habang pinagmamasdan si Artus na abala sa pagkuha ng kanin at ulam.Sarap na sarap si Artus sa bawat subo, at halatang hindi niya lang kinakain ito para sumaya si Ashley—talagang nag-eenjoy siya.“Hindi ko inakalang ganito ka kasarap magluto,” ani Artus habang ngumunguya. “As in, wow.”Napatawa si Ashley. “Akala mo siguro puro takeout lang ako marunong.”“Medyo,” sabay kindat nito. “Pero I stand corrected. You're amazing.”Natuwa si Ashley sa papuri. Ramdam niya ang genuine na appreciation mula kay Artus, at kahit simple lang ang hapunan, parang espesyal ito dahil sabay nila itong kinakain.Habang abala pa sila sa pagkain, biglang nagsalita si Artus, tila kaswal lang.“Tomorrow is Saturday, wala akong trabaho. Susunduin kita rito, may pupuntahan tayo,” aniya.Napakunot ang noo ni Ashley habang tinutulungan si Artus maglagay ng sabaw sa mangk

    Last Updated : 2025-04-21
  • A Night With My Stepsister's Fiance   39

    Natapos ang unang linggo ng ikatlong buwan ng pagbubuntis ni Ashley. Unti-unti na siyang nasasanay sa panibagong ritmo ng kanyang buhay—malayo sa lungsod, pero mas tahimik at ligtas. Nakalipat na sila ni Artus sa bagong bahay nila sa isang pribadong subdivision sa labas ng syudad. Malaki, moderno, at elegante ang bahay, perpekto para sa paparating nilang anak.Maayos na rin ang lahat ng gamit. Naroon na ang mga kasambahay, apat na security guard, at tatlong driver. Isang driver para sa mga kasambahay kapag kailangang mamalengke o mamili ng gamit, at tig-isa sina Ashley at Artus ng sariling driver—isang patunay ng pagiging maingat at maalaga ni Artus sa kanyang kalagayan.Dumating si Danica isang Sabado ng hapon, at gaya ng inaasahan ni Ashley, bumilib ito sa bagong tahanan.“Wow, besh! Ang ganda ng bahay ninyo. Malayo nga sa City pero hindi ko inasahan na ganito ka hands-on si Artus. Hindi na talaga ako magdadalawang isip tungkol sa kanya para sa’yo,” masayang komento ni Danica habang

    Last Updated : 2025-04-22
  • A Night With My Stepsister's Fiance   40

    Napahinto si Sky. Hindi niya inasahan ang maririnig niyang sagot mula kay Artus.Kagaya ng ibang tao, narinig din nila ang balita—ikakasal si Artus para sa isang business partnership. Pinalabas ito sa TV, kaya inakala ng lahat na si Stefanie pa rin ang babaeng pakakasalan niya. Ang stepsister ni Ashley. Ang babaeng matagal na ring kasama sa mga bulungan at tsismis sa loob ng organisasyon.Pero ngayon, iba na. Iba ang pangalan na binanggit ni Artus. At kahit si Sky—kahit siya na palaging tahimik na nakamasid, hindi rin niya kilala ang babaeng iyon.“Kilala ba namin ito?” tanong ni Sky, bahagyang nanginginig ang boses, pilit ikinukubli ang pagkalito.Tumingin sa kanya si Artus, seryoso. “I don’t think so,” sagot niya, tapos ay tumayo. “Aalis na ako.”Humakbang siya palayo ngunit bago pa siya tuluyang makalayo, hinawakan ni Sky ang braso niya. Napahinto si Artus. Kumunot ang kanyang noo at saka lumingon.“May problema ba, Sky?”Walang salitang lumabas mula kay Sky sa una. Gusto niyang it

    Last Updated : 2025-04-23
  • A Night With My Stepsister's Fiance   41

    Naglakad siya at nang marinig ni Artus ang mga yabag, agad siyang tumayo. Nakita niya si Ashley na puno nang pagtataka sa mukha nito. Doon lang din tuloyang napagtanto ni Artus na hindi pa ito natutulog kaya nagtataka siya kung bakit hindi nito sinasagot ang tawag niya. Tahimik na lumapit si Ashley, dahan-dahang huminto sa harap ni Artus.“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Ashley, malamig ang boses pero may halong kaba.Hindi agad nakasagot si Artus. Tinitigan niya lang si Ashley, pilit binabasa ang ekspresyon sa kanyang mukha.“Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko,” sa wakas ay nasambit niya. “Nag-alala ako.”Nagtaas ng kilay si Ashley, pilit pinipigilan ang pagbagsak ng luha. “Nag-alala ka? Wala namang masamang nangyari sa akin kasi hinatid mo naman ako kanina.”“Yeah,” napahinto si Artus. “I’m sorry if I didn’t call you right away nang makarating ako sa condo ko. Something came up,” paliwanag niya. Naitindihan ni Ashley kung ano ang nangyari, inantay niya na sabihin ni Artus na p

    Last Updated : 2025-04-23
  • A Night With My Stepsister's Fiance   42

    “Oh, bakit ka nakangiti? Hindi ba hindi naman sila nagtagumpay patayin si Ashley?” tanong ni Myra nang mapansin ang ngiti ni Stefanie pagkatapos nitong ibaba ang tawag.Tumingin naman si Stefanie sa kaibigan na para bang nanalo siya sa laro. “Hindi ko na pala kailangan gawin iyon dahil may gagawa ng iba. Kung sino man siya o sila, malaki ang pasasalamat ko sa kanila at sana bilisan nilang patayin si Ashley,” mahaba nitong sabi. Noong una ay walang naitindihan si Myra pero nang maitindihan niya na ang sinabi ni Stefanie, nanlaki ang mga mata niya. Gulat itong tumingin kay Stefanie. “So, ibig sabihin may galit din kay Ashley? Kung gano’n, sino?” tanong niya. Kinuha naman ni Stefanie ang wine glass na may lamang wine at ininom muna ito, habang ginagawa niya iyon hindi pa rin nawawala ang ngiti niyang tagumpay. “Gaya ng sinabi ko, wala na akong pakialam kung sino iyon. Basta ang mahalaga, mawala si Ashley at mapa saakin si Artus.”Naglabas nang kaunting hangin si Myra. “Paano ka naman n

    Last Updated : 2025-04-23
  • A Night With My Stepsister's Fiance   43

    Hapon na nang matapos ang baby shopping nina Ashley at Danica. Halos mapuno na ang kanilang mga bitbit na bag ng mga unisex onesies, feeding bottles, at iba’t ibang gamit na magiging kapaki-pakinabang sa pagdating ng baby. Masaya ang kanilang mga mukha habang naglalakad palabas ng mall, nagkukuwentuhan pa tungkol sa mga nakita nila. Ngunit ilang hakbang na lang sana ay makalabas na sila sa exit nang biglang may sumalubong sa kanilang tatlong lalaki—mga estrangherong pormal ang suot na para bang may importante silang pakay.Nang makita ang lalim ng tingin ng mga lalaki at ang mabilis na paglapit ng isa sa kanila, biglang bumilis ang tibok ng puso ni Ashley. Agad niyang hinawakan ang tiyan, instinct na pangalagaan ang dinadala niyang bata. Napahinto si Danica sa tabi niya at agad pumwesto sa harapan ng kaibigan, tila handang ipagtanggol siya anumang mangyari.“Sino kayo?” tanong ni Danica, taas-noong nagsalita pero bakas sa boses ang kaba.Hindi agad sumagot ang mga lalaki. Tumigil lang

    Last Updated : 2025-04-23

Latest chapter

  • A Night With My Stepsister's Fiance   75

    Ilang minuto na hindi nagsalita si Ashley, tahimik ang buong loob ng kotse dahil inaantay rin ni Artus ang sasabihin ni Ashley ngunit nakatingin lang ito sa kanya. Nang mapagtanto ang reaction ni Ashley na naiilang ito, tumawa siya. “I’m just joking, Ash. Masyado ka namang seryoso.” Bumalik ang tingin niya sa daan, sakto ay nag green light na kaya naka-focus siya sa pagmamaneho. Napalunok naman ng laway si Ashley na tila ba nabunutan siya ng tinik sa lalamunan niya. Pinagdasal niya kanina habang nanahimik siya na sana nga nagbibiro lang si Artus. Kaya nang sabihin nito na biro lang, guminhawa siya. “Stop talking nonsense again, Artus.” Natatawa niyang sabi pero ramdam sa garagal niyang boses na naiilang pa rin siya. “Yes, I know. I’m sorry…” Humina ang boses ni Artus na para bang kahit siya ay biglang nailang. Pakiramdam niya kahit anong gawin niya wala siyang pag-asa kay Ashley. Hindi niya malaman kung bakit niya iyon iniisip pero isa lang ang gusto niyang mangyari, ang maging c

  • A Night With My Stepsister's Fiance   74

    Umuwi sila sa bahay nila, pero kahit na kasama na ni Artus si Ashley at sinasabi nito na ayos lang siya, pakiramdam ni Artus ay hindi. Ngunit ayaw niya na rin pa isipin pa o sabihin kay Ashley ang nararamdaman niya, dahil para sa kanya ang mahalaga kasama niya na muli si Ashley. ***Makalpas ang isang buwan, marami nang nangyari katulad na lang na naipadala na lahat ng wedding invitation na nasa listahan nila, nakabili na ng mga regalo para sa mga bisita, mga wedding sponsors at iba pa. Tapos na rin lahat ng preparation, kasal na lang talaga ang kulang para maging perpekto na ang lahat. Apat na buwan na buntis na rin si Ashley, at sa susunod na buwan na ang kasal nila. Tungkol naman sa nalaman ni Ashley kay Artus, pilit niyang inaalis iyon sa isipan niya sa tuwing nakikita niya si Artus dahil ayaw niyang maramdaman ni Artus na natatakot siya kaya ginagawa niya ang lahat para ipakita kay Artus na ayos siyang kasama nito.“Kumusta ka?” tanong ni Danica. Bumisita siya kay Ashley at nas

  • A Night With My Stepsister's Fiance   73

    Ang lahat ay nasa simbahan na, si Ashley na lang ang inaantay. Nasa bridal car na ito, kasama si Danica. “Hey, ayos ka lang ba? Masyado bang malamig ang aircon? Nilalamig ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Danica sa kaibigan. Mabilis namang umiling si Ashley. “Ayos lang ako. Medyo kinakabahan lang ako,” saad niya sabay ngiti. Tumango naman si Danica, ginawa niya ang lahat para mawala ang kaba ni Ashley. At makalipas ang ilang oras sa byahe, nakarating na sila sa simbahan. Sabay silang lumabas ng kotse, inayos muna ni Danica ang gown ni Ashley bago siya pumasok sa loob ng simbahan.Maya-maya, nagsimula na ang wedding ceremony.Tumugtog ang unang nota ng kanta — isang mabagal at malamyos na himig na pumuno sa buong simbahan. Tumayo ang lahat ng bisita, sabik na naghihintay sa pagdating ng bride.Nakatayo si Artus sa unahan, sa harap ng altar. Suot niya ang itim na tuxedo, maayos ang buhok, ngunit hindi maitago sa mata niya ang tensyon at kaba. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang

  • A Night With My Stepsister's Fiance   72

    Napatingin si Rafael sa paligid, at napagtanto niya na tama nga si Jacob, dumami ang bodyguards. Bumaling ulit siya kay Jacob. “Bukas na ang kasal, kailangan talaga paghandaan kaya sila nariyan,” paniniwala niya. May parte na iyon ang dahilan ni Artus, pero ang lahat ng inakala nilang bodyguard ay mga miyembro ng Agentum Order na si Artus mismo ang nag-demand para sa kasal nila bukas. Kailangan nga niyang paghandaan dahil hindi niya alam kung aatake si Axel bukas. ***Dumating ang gabi bago ang kasal. Tahimik na ang buong bahay. Sa master's bedroom, nakaupo si Ashley sa kama, marahang hinihimas ang kwintas sa leeg niya — regalo ni Artus ilang linggo bago sila ikasal. Wala ang wedding gown niya roon; ipinagkatiwala na niya ito sa mga kamay ng coordinators para bukas.Pumasok si Artus, dala ang isang tasa ng gatas. Nilapag niya ito sa side table bago naupo sa tabi ni Ashley, sinandal ang katawan sa headboard."Ang lalim ng iniisip mo," puna niya, nakangiti.Ngumiti si Ashley pabalik,

  • A Night With My Stepsister's Fiance   71

    Sa isang tahimik na coffee shop sa Quezon City, nagkita sina Sofia, Lyka, at Loraine para sa isang simpleng catch-up. Tanghali pa lang pero halos puno na ang café, kaya pumuwesto sila sa sulok na may kaunting katahimikan.“Grabe, ang tagal din bago tayo nagkita ng tatlo lang ulit,” ani Sofia habang hinahalo ang kanyang cappuccino.“True,” sabay tango ni Loraine. “Ang dami na ring nangyari sa buhay natin. Pero ang pinaka-hindi ko in-expect…”Napatingin siya sa dalawa at inilabas ang cellphone mula sa bag.“…ay ‘tong message ni Danica kaninang umaga.”“Ano ‘yon?” tanong ni Lyka habang abala sa pag-check ng order nila.Binuksan ni Loraine ang message at binasa aloud:Danica: Hi girls! I hope you're doing well. Just wanted to invite you to Ashley’s wedding and baby shower! Gaganapin ito next month and we’re hoping you can come. It would mean a lot to her. 🥹💌Saglit na natahimik ang mesa. Tanging ingay lang ng espresso machine ang maririnig.“Wait, what?” napataas ang kilay ni Sofia. “As

  • A Night With My Stepsister's Fiance   70

    Ang lahat ay nasa simbahan na, si Ashley na lang ang inaantay. Nasa bridal car na ito, kasama si Danica.“Hey, ayos ka lang ba? Masyado bang malamig ang aircon? Nilalamig ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Danica sa kaibigan.Mabilis namang umiling si Ashley. “Ayos lang ako. Medyo kinakabahan lang ako,” saad niya sabay ngiti.Tumango naman si Danica, ginawa niya ang lahat para mawala ang kaba ni Ashley. At makalipas ang ilang oras sa byahe, nakarating na sila sa simbahan. Sabay silang lumabas ng kotse, inayos muna ni Danica ang gown ni Ashley bago siya pumasok sa loob ng simbahan.Maya-maya, nagsimula na ang wedding ceremony.Tumugtog ang unang nota ng ka

  • A Night With My Stepsister's Fiance   69

    Napatingin si Rafael sa paligid, at napagtanto niya na tama nga si Jacob, dumami ang bodyguards. Bumaling ulit siya kay Jacob. “Bukas na ang kasal, kailangan talaga paghandaan kaya sila nariyan,” paniniwala niya.May parte na iyon ang dahilan ni Artus, pero ang lahat ng inakala nilang bodyguard ay mga miyembro ng Agentum Order na si Artus mismo ang nag-demand para sa kasal nila bukas. Kailangan nga niyang paghandaan dahil hindi niya alam kung aatake si Axel bukas.***Dumating ang gabi bago ang kasal. Tahimik na ang buong bahay. Sa master's bedroom, nakaupo si Ashley sa kama, marahang hinihimas ang kwintas sa leeg niya — regalo ni Artus ilang linggo bago sila ikasal. Wala ang wedding gown niya roon; ipinagkatiwala na niya ito sa mga kamay ng coordinators para bukas.

  • A Night With My Stepsister's Fiance   68

    Sa isang tahimik na coffee shop sa Quezon City, nagkita sina Sofia, Lyka, at Loraine para sa isang simpleng catch-up. Tanghali pa lang pero halos puno na ang café, kaya pumuwesto sila sa sulok na may kaunting katahimikan.“Grabe, ang tagal din bago tayo nagkita ng tatlo lang ulit,” ani Sofia habang hinahalo ang kanyang cappuccino.“True,” sabay tango ni Loraine. “Ang dami na ring nangyari sa buhay natin. Pero ang pinaka-hindi ko in-expect…”Napatingin siya sa dalawa at inilabas ang cellphone mula sa bag.“…ay ‘tong message ni Danica kaninang umaga.”“Ano ‘yon?” tanong ni Lyka habang abala sa pag-check ng order nila.

  • A Night With My Stepsister's Fiance   67

    Umuwi sila sa bahay nila, pero kahit na kasama na ni Artus si Ashley at sinasabi nito na ayos lang siya, pakiramdam ni Artus ay hindi. Ngunit ayaw niya na rin pa isipin pa o sabihin kay Ashley ang nararamdaman niya, dahil para sa kanya ang mahalaga kasama niya na muli si Ashley. ***Makalpas ang isang buwan, marami nang nangyari katulad na lang na naipadala na lahat ng wedding invitation na nasa listahan nila, nakabili na ng mga regalo para sa mga bisita, mga wedding sponsors at iba pa. Tapos na rin lahat ng preparation, kasal na lang talaga ang kulang para maging perpekto na ang lahat. Apat na buwan na buntis na rin si Ashley, at sa susunod na buwan na ang kasal nila. Tungkol naman sa nalaman ni Ashley kay Artus, pilit niyang inaalis iyon sa isipan niya sa tuwing nakikita niya si Artus dahil ayaw niyang maramdaman ni Artus na natatakot siya kaya ginagawa niya ang lahat para ipakita kay Artus na ayos siyang kasama nito.“Kumusta ka?” tanong ni Danica. Bumisita siya kay Ashley at nas

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status