Buong magdamag niyang binantayan si Athena dahil talagang bumagsak na ang katawan niya sa sobrang hina at wala ng lakas. Ginamit niya ang cell phone ni Athena para itext ang Daddy niya para sabihin na mananatili na muna si Athena sa bahay nila Ethel. Tinawagan na rin ni Xavier si Ethel tungkol sa ba
“Papatayin ko silang lahat, dudurugin ko ang mga katawan nila sa pamamagitan ng mga kamay ko. Wala akong ititira.” May diin niyang saad, nanginginig ang kamay niya dahil sa pagkakakuyom niya. Kung may kinalaman nga sa paghihiganti nila ang pagkamatay ng anak nila, nagtagumpay sila, doble doble pa yu
Bumuntong hininga si Athena saka niya tiningnan si Xavier, alam niyang nahihirapan din ang asawa niya pero sadyang magaling lang magtago ng nararamdaman ang mga lalaki. “I’m sorry,” mahinang wika ni Athena, masyado kasi siyang mahina, sobrang hina ng puso niya at sarili na lang niya ang iniisip niy
Lumipas ang isang linggo at halos parang hindi na mapaghiwalay si Athena at Xavier. Medyo nagiging maayos na rin si Athena kahit na nasasaktan pa rin siya pero pinipilit niya ang sarili niyang tanggapin na ang lahat dahil sarili niya lang ang pahihirapan niya. Hinihingal si Simon na pumasok sa loob
“Athena,” anas ni Xavier at pipigilan sana si Nolan sa ginagawa niya nang itutok ni Don Rodriguez at ng mga tauhan niya ang mga baril nila kay Xavier. Natigilan na lang si Xavier, ayaw niyang masaksihan pa ni Athena ang lahat ng ito. “Ano ba, Nolan! Bitiwan mo ako!” sigaw ni Athena at pilit na pumi
“He is not your husband, Athena! Xavier Guevarra is not existing in this world! Wala kang asawang Xavier Guevarra at simula ngayong araw na ito, you are not allowed to go anywhere lalong lalo na ang makipagkita sa lalaking yun.” Napahilot na lang si Athena sa sintido niya dahil ang dami na ng sinasa
ATHENA’S POV Tatlong araw na ang lumipas simula nang kunin ako ni Daddy kay Xavier. Hanggang ngayon nakakulong ako sa sarili na naman naming pamamahay. Ang dami dami kong tanong pero hanggang ngayon tanong pa rin. Gusto kong makausap si Xavier pero kahit sa tawag man lang hindi ko magawa. Hilaw ako
Mapait na lang akong napangiti ng makita ko ang laruan ni Nathan na nasa ilalim ng lamesa. Tutal wala namang tao rito sa sala ay dito na lang muna ako nanatili. Lumuhod ako sa sahig saka ko tiningnan ang laruan niyang naihagis niya siguro rito at hindi niya na naabot. Isang maliit na robot. “Mom, w