Ilang beses na nag-ring ang phone ng Mama ni Serrie pero ayaw sumagot. Nasaan na ba ito? Gusto niya itong kausapin pero hindi ito sumasagot. Kailangan niyang tanungin ang ina niya tungkol sa mga narinig niya. Ang ina niya? Ang dahilan ng pagpapakamatay ng ina ni Hidan? Halos hindi siya makapaniwala.Hindi kailanman nakwento iyon ng Mama niya. Ngayon ay siya ang paghihigantihan ni Hidan. Hindi lang siya ang mapapahamak ngayon. Maging ang batang nasa sinapupunan niya, madadamay. “Dyusko po...” mahinang sambit niya nang matapos ang ilang ring ngunit hindi pa rin sumasagot ang Mama niya.Hindi siya pwedeng magtagal doon. Kailangan niya nang kumilos.Agad siyang nagtungo sa closet niya at pinagmasdan ang mga damit niya doon. Ang madalas na dinadala niyang bag ay iyong maliit. Sa pagkakataong ito ay kailangan niyang magdala bukas ng medyo malaki-laking bag. Pinili niya ang mga damit na madalas niyang dalhin. Iiwan niya ang damit na hindi niya naman madalas gamitin. Makakabili pa siya ng
“Tatlong araw na siyang natutulog, 'di ba? Ayos lang kaya siya?”“Buntis siya. Asawa kaya ito ni Sir? Nagtataka ako. Ngayon lang nag-uwi ng babae si Sir. Ngayon ko lang siya nakita.” “Oo nga, 'no? Hindi ko naisip 'yan.”Nakarinig si Serrie ng usapan sa paligid. Iyon ang dahilan para dahan dahang magmulat ang mga mata niya. Ang mataas na kisame ng isang kwarto ang bumungad sa kaniya.“Dyusko! Gising na siya! Dali magtawag tayo ng kasama.”“Gising na nga siya!”Sinundan iyon ng mga mabibilis na yabag palabas. Halatang tumakbo ang mga babaeng iyon matapos malaman na gising na siya.Nakaramdam siya ng pamimigat ng katawan kaya muli niyang sinara ang mga mata. Nagising na lang ulit siya may nagche-check na ng BP niya. Nang magmulat siya ng mata ay isang pigura ng lalaki ang naaninag niya. Hanggang sa naging klaro ito.Sandro Alvarez?Kahit masakit pa ang katawan at namimigat pa ay bumangon siya. Agad siyang nilapitan ni Sandro at ng doktor na nasa tabi.“Huwag mong pilitin ang sarili mo,
Malaki ang pasasalamat ni Serrie kay Sandro at tinulungan siya nito hanggang sa maka-recover siya. Pinanindigan ng binata ang pagtulong sa kaniya alang-alang sa kahilingan ng namayapa nitong ama.Nasa isang probinsiya ngayon sila. Property ni Sandro ang malaking hacienda na ngayo'y naging pinakamalaking banana plantation sa buong lugar. Anim na taon na ang nakakaraan. Nanganak siya sa pangangalaga ni Sandro. Upang kahit papaano ay masuklian niya ang kabutihan ni Sandro. Nakipagkasundo siya rito na payagan siya ng lalaki na magtrabaho sa bahay. Walang ibang bakanteng trabaho na mai-offer kundi ang kasambahay. Wala ring kaso sa kaniya. Ang importante ay hindi siya magmukhang walang silbi sa bahay na 'yon.Natanaw niya ang batang lalaki na may bitbit na balde na maliit. Napabuntong hininga siya. Ilang beses niyang sinabi rito na huwag na itong tumulong. Pero ang tigas pa rin ng ulo.“Maglaro ka na lang doon, Edann. Sabi ko naman sa'yo kaya ko na 'tong mag-isa, e. Madisgrasya ka pa diya
Sa ngayon, tama si Sandro. Mas makapangyarihan si Hidan kaysa sa kanila. Magagawa nitong kunin sa kaniya ang anak nila pag nagkataon. Kahit gustong gusto niya na itong harapin at sumbatan ito sa mga ginawa nito sa kanila noon, hindi niya magawa. Dahil wala siyang laban dito. Nakikitira lang siya sa poder ni Sandro. Maging si Sandro ay walang laban kay Hidan. Kaya ano pa ang saysay ng paglaban kung alam nilang talo rin sila sa huli?Bago mag-eight ay nakasakay na sila sa sasakyan nina Sandro tungo sa planta sa kabilang bayan. “Aalis po tayo? Saan tayo pupunta?”Hindi niya na halos napansin ang mga tanong ni Edann. Nagmamadali na sila. Ang sabi'y mga bandang ten ng tanghali ang dating ni Hidan.Base sa narinig niya'y biglang nagkaenteres si Hidan sa banana plantation ni Sandro. Ayaw talaga ni Sandro kay Hidan. Pero kailangan itong pakisamahan ni Sandro dahil na rin sa utang na loob ng ama ni Sandro sa ama ni Hidan. Nakahinga lang ng maluwag si Serrie nang umandar na ang sasakyan. Nak
“Ano naman ngayon? Baliw na kung baliw pero wala akong pakialam. Tapos na, nagawa ko na!” sigaw ni Amara. Nagtagis ang bagang ni Hidan matapos marinig ang mga sinabi ni Amara. Tila saglit siyang nawala sa katinuan nang lapitan niya si Amara at hawakan ito sa leeg. Natagpuan niya na lang ang sariling sinasakal na si Amara at dinidiin niya na ito sa pader ng silid.“What did you say?” mariin niyang tanong sa babae.Nakakatusok ang mga titig na pinukol niya kay Amara habang puno ng pagtataka at gulat sa mga mata ng babae. Halatang naguguluhan ito dahil sa inakto niya ngayon. “H-Hidan, baby. Hindi ako m-makahinga...” nahihirapang sambit ni Amara. Tila maiiyak na rin ito at nagsisimula nang mamutla.Mas dumiin pa ang hawak niya sa leeg nito. Habang nag-aalala siya at hinahanap si Serrie biglang susulpot sa harapan niya sa Amara para sabihing ito ang nag-utos na sirain ang break ng sasakyan ni Serrie. Sinong hindi madedemonyo sa narinig niyang 'yon? For fvck sake! Ang buntis na si Serrie
Umaasa si Serrie na sa sagingan siya ilalagay. Kahit maghahakot ng saging ayos lang kaniya. Pero nagulat siya nang malaman na sa opisina siya ilalagay. Nandoon ang secretary ni Sandro para ituro sa kaniya ang mga dapat gawin. Hindi ito ang first time niyang magtatrabaho sa mismong opisina.Nagtrabaho na siya noon sa kompanya ni Hidan kaya hindi na siya hirap na magsimula ngayon doon. “Ang bilis mong matuto. Sana dito ka na lang noon kaysa sa mansyon. Masakit sa ulo pero hindi kasing hirap noong trabaho mo sa mansyon,” ani Trixie ang kasama niya.Ngumiti lang siya. Si Trixie ay anak ng cook sa mansyon. Nang makapagtapos ng college ay sa plantasyon kaagad nina Sandro nag-apply. Ayaw niya rin sapawan pa ang mga tauhan ni Sandro sa mga trabaho nito. Hindi na siya magde-demand. Tinanggap niya ang maging katulong ni Sandro dahil sa utang na loob. Kaya ayos lang sa kaniya ang trabaho sa mansyon. Ngayong na-mention iyon ni Trixie ay na-miss niya tuloy ang trabaho niya sa mansyon.“Balita ko
Ilang beses siyang napalunok bago lumingon kay Hidan. Sinikap niyang ipakita ang pormal niyang awra. Kailangan niyang kumalma. Dapat makita nitong hindi siya apektado. Dapat isipin nitong wala lang iyon sa kaniya.“Po?” aniya nang tuluyan nang makalingon.Nakita niya kung papaano gumalaw ang bagang ni Hidan nang magsalubong ang mga mata nila. Gusto niya nang umatras pero hindi pwede. Gusto niya nang tumakbo palayo rito pero kailangan niyang manatili doon at harapin ito. “Serrie...”Sinikap niyang manatiling kalmado matapos marinig ang pangalan niya sa bibig nito. “Hindi po ako ang sekretarya ni Sir Sandro. Si Trixie po ang sekretarya niya. Tatawagin ko ho si Trixie para sa inyo.”Inignora niya ang binanggit ni Hidan. Umaktong hindi big deal iyon. “How are you Serrie?” ani Hidan nang akma na siyang tatalikod para umalis sana at tawagin si Trixie.Kunot noong nilingon niya si Hidan. “Bakit niyo ho ako kilala?”Tama! Ang pinaka unang sumagi sa isipan niya ay... magkunwaring may amnesi
“Hindi ko alam ang gagawin, Sandro. Bakit biglang ganito? Bakit bigla niyang naisip na gawin akong secretary?”Nanginginig ang kamay na kausap niya sa kabilang linya si Sandro. Tapos sabihin ni Hidan iyon ay agad niyang sinabi kay Sandro ang desisyon ni Hidan.“Hahanap ako ng paraan para makumbinsi siyang huwag kang kunin na-”“Hindi! Hindi! Huwag mo siyang kausapin ng tungkol doon. Pagdududahan niya tayo!” agad niyang sansala.Malaki ang tsansang magduda si Hidan kapag si Sandro pa ang kukumbinsi kay Hidan para sa kaniya. Matalino si Hidan. Tiyak na bibigyan agad nito ng kahulugan ang lahat ng mapapansin nito. “Hahayaan ko na lang siya sa gusto niya. Sa ngayon... iyon na lang ang tanging magagawa ko.” Tensyunadong napalunok siya.“Oobserbahan ka niya, Serrie. Kaya ka niya kukuning secretary at kaya gusto niyang malapit ka sa kaniya. Mag-iingat ka.”Mas lalo lang siyang kinabahan sa huling sinabi ni Sandro. “Hindi ko alam kung bakit gusto niyang makipagpalit ako sa'yo. Wala namang k
"Anong ginagawa mo?"Parang nagulantang siya sa nakikita. Nagkasundo na sila kanina na magtabi pero kasama sa kasunduan nilang haharangan nila ng unan ang gitna ng higaan. Alam niyang maliit lang ang hospital bed pero pinipilit ni Hidan na doon siya matulog at hindi sa sofa kaya napipilitan siya ngayong matulog na lang doon. "Nag-usap na tayo kanina, Hidan." Iritado na siya nang sabihin iyon. Hindi kasi ito tumutupad sa usapan.Pero hindi nakinig ang lalaki at nagpatuloy sa pagtabi sa mga unan. Kinakabahan na siya habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Hidan. Kung pwede niya lang itong sigawan ay baka kanina niya pa ginawa. Kaya lang baka pag nagpakita siya ng panic at mapansin nitong affected siya ay baka isipin nitong may naalala na siya. Nagkukunwari lang siyang walang naalala kaya dapat hanggang ngayon isipin pa rin nitong wala nga siyang naalala.Nang maalis na nga nito ang mga unan ay tumingin sa kaniya si Hidan. Sumilay ang mapaglaro nitong ngisi. “Now we can sleep,” anito.Nap
Dahan dahan siyang humarap sa lalaki. Napalunok siya nang magsalubong ang mga tingin nila ni Hidan.May benda pa ang kabilang braso ng lalaki. Hindi niya alam kung talagang sinundan siya nito. "P-Pinapatila ko lang," pagdadahilan niya. Sa pagkakataong 'yon ay kinakabahan na siya. Baka tanungin nito kung ano ang sadya niya doon at bakit nandoon siya. Tiyak na wala siyang maisagot.Sinulyapan niya ang braso ng lalaki. Napansin nitong nakatingin siya sa braso nito."Just want to breath a fresh air," depensa ni Hidan.Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Hidan. Anong klaseng dahilan 'yon? Gusto nito lumanghap ng sariwang hangin tapos dito talaga sa labas? E malakas ang hangin dahil bagyo. Dapat nasa loob ito ngayon dahil may injury ito. Tsaka hindi niya rin inasahang maabutan pa talaga siya ng lalaki hanggang dito e kanina lang kinakausap pa nito ang nurse na 'yon."Hindi po maganda ang panahon. Mas mabuting pumasok na ho kayo sa loob. Baka imbes na preskong hangin ang masagap niyo e baka s
Malakas na ang hangin nang tanghali. Hindi inasahan ni Serrie na magkakaroon ng bagyo ng araw na 'yon. Kahapon pa hindi umuuwi si Hidan. Hindi man lang ito umuwi para kumuha ng gamit. Baka nag-check in sa hotel?"O baka may kasamang babae. Nag-enjoy siguro kasama ng babae niya," biglang naiusal niya ng hindi namamalayan."Sinong may kasamang babae, Mama?"Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang biglang magsalita ang anak sa likuran niya. Kanina kasi ay nasa baba lang naman ito tapos biglang umakyat pala ito. Hindi niya man lang namalayan. Naabutan pa siya nitong nagsasalita mag-isa rito na parang tanga. "W-Wala naman. May naisip lang ako. Iyong mga katrabaho ko sa plantasyon, mga babae. Bagyo ngayon, paniguradong pahirapan ngayon doon sa plantasyon.""Nagpunta rin po si Tito sa plantasyon. Nagmamadali siya kanina. Ano kayang nangyari?"Kumunot ang noo niya. Nagmamadali si Sandro? Bakit nga kaya? Wala namang nabanggit si Sandro tungkol sa nangyayari sa plantasyon. Kaya lang sa pagkak
Paunti-unti ang pagsubo ni Serrie. Hindi niya akalaing magkasabay nga sila ngayon ni Hidan. Talagang pumayag siyang magkasabay silang kumain ngayon. "Eat more, Serrie," ani Hidan at nilagyan pa ng kanin at ulam ang lagayan niya."A-Ayos lang, Hidan. Okay na ako dito." Tipid ang ngiting binitiwan niya sa lalaki. Hindi niya naman talaga gustong ngitian ito. Hindi niya na ito boss pero ito pa rin ang may hawak ng plantasyon ni Sandro. Hindi niya pwedeng ipahalata ang iritasyon niya sa lalaki.Huwag na kasi nitong sagarin ang pasensiya niya. Huwag na siya sana nitong kausapin at baka hindi siya makapagtimpi rito. Nandito ito para sa anak niya. Akala siguro nito at hindi niya alam 'yon. Akala nito mangmang siya na pwede lang nitong utuin ng candy. Binilisan niya ang pagkain. Nang matapos ay agad niyang tinabi ang pinagkainan."Salamat sa pagkain, Hidan."Napansin niyang nakasunod ang mata sa kaniya ng lalaki. Napansin nito malamang ang pagmamadali niya. Sana naman sa pagkakataong 'yon ay
Nababalisa si Serrie hanggang sa makarating sila sa Hospital. Agad na sinalubong ng ibang nurse si Hidan. Kita ang gulat sa mga mata ng mga nandoon nang makilala kung sinu-sino ang mga nandito ngayon. Halatang maraming nakakakilala kina Sandro at Hidan sa lugar na iyon. Mayayaman ang pamilya na kinabibilangan ng dalawang lalaki. Sa pagkakataong ‘yon ay hindi maalis sa isipan ni Serrie ang ideyang baka nga alam ni Hidan na anak nito si Edann. Ang alam ni Hidan ay wala siyang maalala. Kahit kailan ay hindi naman siya nito pinagdudahan. May mga oras na inuusisa siya nito. Dahil sa aksidente ay maaring isipin nitong nakunan siya... na imposibleng maka-survive ang anak niya doon.Pero mayaman si Hidan. Hindi imposibleng malaman nito ang tungkol sa anak niya. Lalo na at related sa kaniya ang bata. Nanginig ang daliri niya sa kamay habang nakasunod sa stretcher na lulan ng anak niyang walang malay. Doble ang kaba na naramdaman niya na sinabayan ng kalituhan. Bakit ganoon na lang ang reaksyo
Nagpapasalamat siyang sa loob ng isang linggo ay hindi umuuwi si Hidan sa mansyon. Noong unang gabi nila doon ay hindi siya mapakali. Umuuwi si Hidan sa mansyon at doon malamang natutulog. Paniguradong magkikita ulit sila, pero sa kabutihang palad ay hindi pa naman umuuwi ang lalaki. Papaano kung magduda na ngayon si Hidan? Iisipin nitong iniiwasan niya ito. Totoo naman, guilty siya doon. Pero tauhan siya ni Sandro noon pa. Paniguradong may sapat na dahilan si Sandro para pahintuin siya nito sa pagtatrabaho sa plantasyon.Nang maalala niyang hindi pa kailanman umuuwi si Hidan sa mansyon ay napaisip siya kung saan ito tumutuloy ngayon. Sa babae kaya nito? Napapailing siya sa biglang pumasok sa isipan. Ano bang pakialam niya kung may bago na naman itong babae? Mambabae ito ng marami wala siyang pakialam. Napakuyom ang kamao niya sa ideyang ‘yon.“Magkakape kayo?” nagtatakang usisa niya kay Aleng Lita. Tanghali na kasi at ang init sa labas.“Dalhin mo sa office,” ani Aleng Lita imbes n
“Ayos lang naman siya ‘di ba, Mama? Wala namang nangyari sa kaniyang masama, ‘di ba?” Sunod sunod ang mga tanong ni Edann. Ngumiti siya nang balingan ang anak. Halata kasi sa mukha nitong nag-aalala talaga ito sa Tito Sandro nito.“Ayos lang siya, anak. Walang mangyayaring masama sa Tito Sandro mo. Nandito tayo babantayan na’tin siya.”Tumango tango ang anak niya. Ginulo niya ang buhok nito at nginitian ito. “Bakit kasi kailangan pa na’tin iwan si Tito Sandro? Pwede naman kasi na’tin siyang isama sa pupuntahan na’tin. Huwag kasi na’tin siyang iwan.” Maiiyak ang anak niya habang nakatitig sa kaniya. Bakas ng pagsusumamo ang mga mata nito.Hindi kasi nito alam na desisyon ni Sandro ang iwan ito. Hindi niya nasabi iyon sa anak. Ayaw niya na rin na magtanong ito sa dahilan niya. Ayaw niyang ang ama nito ang dahilan kaya sila aalis doon. Mas lalo lang nitong kasusuklaman ang ama kapag nalaman nito ang lahat. Ayaw niyang mamuhay na may galit sa puso ang anak niya. Habang buhay na pahihira
“You don’t like the food?” Napaangat ang tingin niya kay Hidan nang magsalita ito. Umiling siya dito. “Ayos lang,” aniya. Ang totoo niyan ay masarap ang pagkain. Talagang nagustuhan niya. Kaya lang hindi siya kumportableng kumakain kasama si Hidan kaya hindi siya makasubo ng maayos. Kung sana pumayag na lang itong kakain siya sa sarili niyang table e ‘di sana maayos siyang nakakakain ngayon. “What are your favorite foods?”Natigilan siya sa naging tanong ni Hidan. Huminto siya sa pagsubo at sinulyapan ang plato nito. Imbes na si Hidan ang tingnan. Bakit naman nito natanong iyon?“You like grapes, don’t you?”dagdag nito.Sa pagkakataong iyon ay kinabahan na siya nang mapagtantong tila kumakalap ito ng impormasyon sa kaniya. Ang alam nito ay hindi niya ito maalala. Kapag sinabi niyang ‘oo’ magtatanong pa ulit ito kung kailan niya iyon nagustuhan. Baka aksidente niyang masabing paborito niya iyon no’ng naglilihi siya. Kapag nalaman nitong aware siya sa katauhan nito baka kung anong
Pag-isipan mong mabuti, Serrie. Alam kong pabor sa’yo ito.” Natahimik siya sa sinabi ni Sandro. Nag-offer si Sandro ng ibang trabaho maliban sa magtrabaho sa banana plantation. Tama si Sandro. Pabor nga sa kaniya ang sinabi nito. Makakalayo na siya kay Hidan at mailalayo niya na rin ang anak niya. Kaya lang nakokonsensiya siya. Parang hindi naman tama na layasan na lang nila ng ganun-ganoon lang si Sandro pagkatapos sila nitong tulungan. Nasa kasagsagan ng crisis ang plantation nito. Ngayon, mas kailangan sila ni Sandro. Pero iyong offer ni Sandro ay malaking bagay rin para sa kanila ng anak niya. Isa iyon sa pinangarap niya… ang makalayo kay Hidan. Kaya nalilito siya ngayon.“Hindi na’tin alam kung ano talaga ang tumatakbo sa utak ni Hidan ngayon. Hindi na’tin alam kung bakit wala pa siyang ginagawa ngayon matapos niya kayong makita ni Edann. Hindi na tayo dapat maghintay ng matagal. Pasensiya na kung bakit natagalan ako sa bagay na ‘to. Marami akong inayos kaya natagalan.”Hindi n