One Point “BEBE, we enjoyed this pictorial. Tomorrow ulit,” B1 said while warmly smiling.“Last session na bukas, kaya mag-beauty rest ka, huh?” Tumango siya kay B2. “Uy, Boss Oliver, huwag mong pagurin o puyatin si Bebe Dynee, huh? May shoot pa ’yan dito bukas.”Napatikhim siya sa sinabi ni B2. Ramdam niya ang pamumula ng magkabilang pisngi. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nitong iyon.“Girls, uuwi na ako. Bye!” Nagpaalam din siya kay Dimitri. Sumunod na rin si Oliver at nagpaalam din ito.Paglabas ng K-Shoes Company ay agad niyang binitiwan ang kamay ni Oliver. Napailing siya. Hinarap ito at nagpaalam na rin. “Uhm, mauna na ako sa ’yo. Bye.” Tumalikod siya at hahakbang na sana, ngunit agad naman siyang pinigilan ng braso nito at muling pinaharap dito.“Where are you going?”“Uuwi na.”“Then let me drive you home. Nandoon ang car ko. Let’s go.”“No. Magko-commute na lang ako.” Sinubukan niyang hilahin ang kamay ngunit hindi siya nito binitiwan.“Tsk, I insist Dynee. Come
Trust “Ano’ng one point ka riyan? Tse!” sabi niya saka ito tinalikuran upang ikubli rito ang pamumula ng kaniyang mga pisngi.“Where are you going?”Nilingon niya ito at tinaasan ng kilay. “I am going to prepare some siding for your fish fillet. Eh, puwede bang makialam sa laman ng refrigerator mo?”“Of course, you can. Feel free,” sagot nito.Dynee prepared slices of carrots, raddish, lettuce, and young corn. Ginawa niya iyong vegetable salad at saka inilagay sa lamesa. She also made some fresh juice. Tinanong niya pa si Oliver kung ano’ng flavor ang gusto nito. Nang matapos na nilang ihanda ang mesa, saka naman silang naupo.“Enjoy eating,” wika niya nang magtagpo ang mga mata nila.“Thanks, you too.”She didn’t move, hinintay muna niyang mauna itong sumandok kaysa sa kaniya. But to her surprised, sumandok na nga ito ng kanin, ngunit ang pinggan naman niya ang nilagyan nito. She tried to stop him ngunit hindi ito nagpaawat. Saka nito sinunod ang mga ulam at sidings.“S-Salamat.” T
Her Birthday NAGISING si Dynee na mag-isang nakahiga sa kama. Bigla niyang pinakiramdaman ang buong katawan.“Sabi nila, kapag may masakit. . . Ay, wala. Stop it, Dynee. Stop it! Masyado pang maaga at naiisip mo ang bagay na hindi nangyari! Walang nangyari.”Huminga siya nang malalim saka napangiti at napailing mag-isa sa kawalan.So, do I have to trust his words now? Walang kakaiba sa pakiramdam ko. In short, walang ganap. In short, may isang salita nga siya. Pero. . . parang nakakahiya `yung ginawa ko kagabi. Oh God! What have I done? I insist it, ang matulog kaming magkatabi sa silid at kama niya!Napatampal siya sa kaniyang noo sa isiping iyon. Oo, naaalala pa niya ang mga sinabi niya dito kagabi. Ngayon pa lang, para na siyang pulang-pula sa kahihiyan.It was already 07:00 AM in the morning, nalala niyang bigla ang pictorial sa K-Shoes. Nagmamadali siyang pumasok sa banyo at nagmumug saka isinuot muli ang kaniyang hinubad na damit na naka-hanger sa loob ng banyo. Napakunot-no
Yes “Ah, late na late na ako. Look, 09:00 AM na. Hinahanap na ako ng boss ko sa office.” Paalis na sana siya nang hinarang naman siya ng mga kaibigan sa labas ng bahay nila.“Sinagot mo na ba siya?” tanong ni Fina.“Alam ba niyang birthday mo ngayon?” Cupcake.“Parehong hindi ang sagot,” tugon niya na ikinairap ng mga ito.“Susme! Kailan mo pa ba sasagutin? Magbabagong taon na, ah. Wala ka pa ring jowa. Isa pa, ilang linggo na ba ’yang nanliligaw sa ’yo?” ani Fina sa kaniya.“Kaloka kang babae ka, huh. Sagutin mo na. Huwag ka nang paere-ere diyan. Alam naman nating type mo rin `yun, eh.” Bumuka ang bibig niya upang sumagot ngunit inunahan muli siya nito. “Sus, Dynee, huwag na huwag mo nang ikaila dahil kita sa kislap ng mga mata mo. Isa pa, aantayin mo pang mapagod sa panliligaw `yun? Kung ako lang ang niligawan niyon, wala pang isang araw ay sasagutin ko na agad iyon. Hmp!”“Tama,” sang-ayon naman ng isa.Napailing siya sa dalawa. Oo, hindi niya tinago sa dalawa ang panliligaw n
Secret Isinara nitong muli ang kotse kasa humarap at bahagyang dumukwang sa kaniya. “W-What did you say?”Masuyong niya itong tinitigan at hinaplos sa pisngi. “You give me a necklace with a heart pendant on it, I assume that it was your heart and you will entrust it to me.”Ngumiti ito at dinampian ng masuyong halik ang kaniyang kamay na nakahaplos sa pisngi nito. “Yes, because I want to be officially yours, and you will be officially mine.”Tumango siya. “Yes, we are finally official. I want to try even though I am not so sure of your feelings towards me. Kahit pa walang kasiguraduhan itong papasukin nating relasyon—”“Shh. . . Don’t say that. Don’t even doubt accepting me in your life. Kasi ako, wala akong pangamba simula nang umakyat ako ng ligaw sa ’yo.”She nodded at masuyo niya itong tinitigan. “B-But—”“Stop doubting, please?”“What if someday, bumalik siya at makipagbalikan sa ’yo?”“She can come back anytime. But, she will never win me back.” Inilapit nito ang mukha sa kani
My Love Nakatulugan niya ang malalim na pag-iisip kaya tinanghali siya ng gising. Wala siyang inaksayang oras at naligo na agad. Pagkababa ay nag-almusal nang madalian. Magpapaalam na sana siya nang bigla siyang napatingin sa slice bread.“Lola, magbabaon ho ako ng sandwich,” wika niya sa kaniyang lola.“Oh, sige, apo. Gagawan kita.”“Naku, La, huwag na ho kayong mag-alala. Ako na lang ho ang gagawa.” At siya na nga ang naglagay ng mayonnaise, lettuce, at cut potatoes.“Ikaw ang kakain niyan?”“Oho,” agarang tugon niya.“Eh, sa pagkakaalam ko, hindi ka naglalagay ng kamatis sa sandwich. Ayaw mo niyan, 'di ba?” Titig na titig ito sa kaniyang mga mata.“Oo nga po, Ate Dynee. 'Yun din ang alam ko. 'Di ba, Kuya Dillan?”Napatingin siya sa kapatid na bunso at sa kaniyang kuya na may laman din ang mga titig na ipinupukol sa kaniya.“Dynee. . . Apo?”“L-La?” Napatingin siya sa kaniyang abuela. “Eh. . . Iba na kasi ang taste ko ngayon. Napagtanto ko na masarap pala kapag may slice tomatoes
Morning Kiss “LOLA may kotse po sa labas ng bahay natin.”Napatingin silang tatlo kay Prinses na kakapasok pa lang sa maliit nilang kusina.“Kotse? Talaga?” Nakakunot ang noo nitong humarap sa kanila ng kuya niya. “Dillan, tingnan mo nga at baka boss mo ’yon sa trabaho.”“Malabong boss ko ’yon, La. Wala rin akong inaasahang bisita ngayon,” tugon nito sa matanda.“Dynee, baka naman si Oliver ’yon?”“Huh? Sige, lola i-check ko. Uhm, bye sa lahat tapos na akong mag-almusal.” Tumayo siya sabay hablot ng shoulder bag niya at ramdam rin niyang pinupukol siya ng tingin ng tatlo.“Apo, tinapay lang kinain mo at nangangalahati ka pa sa kape mo.”“Lola, busog na ho ako. Bye, Kuya, Prinses,” sabi niya habang humahalik sa pisngi ng dalawang kapatid.“Dynee, slow down. . .” sabi ng kuya niya sa kaniyang pagmamadali.Tumango siya dito. “Okay. Bye again.” Saka siya tuluyang lumabas ng kusina.Kunot-noo siyang napatingin sa kulay Grey na kotse na nasa mismong tapat ng bahay nila. Nakita niyang luma
The Ex Is Back GANOON nga ang nangyari kinabukasan at sa mga sumunod pang araw. Pagdating niya sa bahay nito ay nagsimula agad silang magluto ng simpleng breakfast para sa kanilang dalawa.Sa ilang araw pa lang nilang magkasintahan, masasabi niyang okay na okay ito. Oliver was a good, sweet, kind, and at the same time responsible boyfriend. Katangiang hindi niya inaasahan sa pagkatao nito. All she thought that he was bossy, serious, and boring person, ngunit nagkamali pala siya sa lagay na iyon.“Ay, salamat at nahanap din kita.” Nakakunot ang noo siyang humarap sa nagsasalita.“Ako?” Turo niya sa sarili sabay lingon kung may ibang tao ba sa loob ng comfort room.“Malamang ikaw. Bakit, sino ba sa akala mo ang kinakausap ko?” nakataas na kilay nitong wika sa kaniya.“Eh, ano’ng kailangan mo sa akin, Roche Palma?”“Dynee. Pinapasabi pala ni Ms. Sasha na nakahanda na raw ang conference room. Pakisabihan raw si Sir na paparating na rin sila Mr. and Mrs. Arsaide at exactly 03:00 PM.”Tum
Finale “WE WISH you a Merry Christmas and a Happy New Year...”Masayang nagkakantahan at nagpapalakpakan ang lahat ng tao sa buong sala ng kanilang bahay. Lahat sila ay nakaupo sa carpeted floor. Ang kanilang anak na isang taon ang edad ang siyang nagbigay kulay, sigla at saya sa pagdiriwang nila ng Noche Buena. Hindi lang sila ng kaniyang sariling pamilya ang naroon kundi ang buong pamilya ng kaniyang asawa at ang pamilya din niya.She was so happy that their whole family agreed na sa kanila pa rin magdiwang ng Christmas Eve. Naging bida tuloy ang anak nila sa pagpapasaya ng mga naroon. Their son, Owen, was one and a half years old. Matalino kahit sa murang idad pa lang nito. He could also speak basic words.Hindi lubos akalain ni Dynee na mas titibay pa ang pamilyang binuo nila ng kaniyang asawang si Oliver. Way back when he was asking her hands on the family, hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa. Mahal niya ito at ramdam naman niyang seryoso ito lalo at magkakaanak na rin silang dala
Yes Napalingon ang lahat nang sumigaw si Dynee. Nag-panic ito at tinungo ang kinaroroonan ng kaniyang kuya nang makita nitong susugurin muli si Oliver.“Kuya, huwag!” Pumagitna siya sa dalawa.Pumagitna rin si Fina at hinarangan si Dillan.Pinagmasdan niya si Oliver. Nakita niyang namula agad ang sinuntok ng Kuya niya. “A-Are you okay?” her heart felt pity for him. Masuyo niyang hinaplos ang pumutok na gilid ng labi nito.“Yes, I am okay. I deserve it,” wika nito habang mariing nakatingin sa kaniya. Wari'y hindi nito iniinda ang pumutok na labi.“Pare, pasalamat ka at may umawat. Kung hindi, hindi lang ’yan ang aabutin mo sa akin.”“Kuya, stop.” Hinarap niya ang kaniyang kuya.“Kahit nasaktan ka nang dahil sa kaniya, nandiyan ka at ipagtatanggol ang lalaking ’yan na walang isang salita, Dynee?”“Kuya, I said stop!”Galit itong tumingin sa kaniya. “Gusto lang kitang protektahan sa lalaking ’yan, Dynee.”“Kuya, wala siyang kasalanan. Ako, 'di ba alam mo namang ako ang may kasalanan ng
Visit “YES TITA, I will wait for you here in my house with Tito Jayme and Tito Carlo. Okay, that’s all.”Nang matapos kausapin ni Oliver ang kaniyang tiyahin sa telepono ay bumaba na agad siya sa kaniyang kotse at pumasok sa loob ng kaniyang bahay.Ngayon na lang ulit sila nag-usap ng tiyahin after a month, nang magpursigi itong humingi ng tawad sa kaniya at kausapin siya nang masinsinan. That time, ayaw niyang makarinig nang kahit ano tungkol sa panlilinlang at paglalaro ng mga ito sa damdamin niya. Her Tita and Tito Carlo confessed everything from the start. Yes, galit siya dahil bakit kailangan pa ng mga itong gumamit ng tao kung puwede naman siyang kausapin nang maayos upang mapagtulungan nilang baguhin at ayusin ang mga testamentong naiwan ng kaniyang abuelo para sa kanilang lahat?He was not after their wealth. Kaya kusang ibibigay niya sa kaniyang tiyahin, tiyuhin at pinsan ang para sa kanila. Ang pagkakamali lang na ikinagagalit niya ay ang pinaglaruan siya ng mga ito at gina
Pregnancy Nanginginig ang kamay na inabot ni Dynee ang maliit na puting aparato. Nakailang minuto rin niya iyong tinitigan bago napagpasyahan na gamitin sa umagang iyon. Kabado pa rin siya at hindi mapakali sa magiging resulta.Unti-unti at tuluyan na niyang iniharap sa kaniya ang resulta ng aparatong hawak. Upon seeing the result, biglang bumilis ang pagtahip ng kaniyang puso. Hindi siya makapaniwala. Nasapo niya ang noo at biglang nanghina ang kaniyang mga tuhod.Diyos ko, a-ano’ng gagawin ko? Paano ko sasabihin ito sa kanila? Diyos ko. A-Ano na lang ang sasabihin nila sa akin?Hindi niya alam kung matutuwa o malulungkot siya sa kaniyang nalaman sa umagang iyon. Hindi niya alam kung ano ba ang kaniyang dapat na maramdaman.“Dynee…”“H-Huh?” Napalingon siya sa kaniyang dalawang kaibigan na halos sabay na tinawag ang kaniyang pangalan.“Bakit hindi ka pa kumakain?” tanong ni Cupcake.“Apo, hindi ba masarap ang luto ko at hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo?” tanong ng kaniyang lola.
Pale ISANG araw hanggang dalawang araw pilit iniwasan ni Dynee si Oliver. She never did leave her office when she knew that Oliver was still around. Mabuti naman at hindi ito masyadong naglalagi sa company dahil may outside meetings din itong pinupuntahan sa company nito.Alam niyang ramdam nito na umiiwas siya. She went home early, iyon ay dahil masama pa rin ang pakiramdam niya at panay rin ang nararamdaman niyang pagkahilo.Katok sa labas ng kaniyang opisina ang gumising ng kaniyang inaantok na diwa. Napaupo siya nang maayos at napatingin sa pinto.“Yes, Yeye?”“Excuse me, ma’am. Puwede ka bang maabala saglit?” Tumango siya. “Tapos na kasi naming gawin ang recommend new design ninyo sa team natin para sa bagong square brackets, will you please check it out, ma’am. For final judgment na ho sana.“Sure. Let me see your work.”“Tara sa hallway, ma’am” Tumayo siya at sumunod kay Yeye.Malayo pa lang ay kitang-kita na niya ang magandang project na inilunsad niya for their new revised
Morning Coffee AS DYNEE walked inside the company, ang una niyang napansin ay ang pagkukumpulan ng mga empleyado. Nagtaka siya kung anong mayroon at kung bakit nagkakagulo ang lahat.May tumawag sa kaniya. Napalingon siya doon.“B1, B2, anong mayroon at busy ang lahat? May meeting bang magaganap?” nagtatakang tanong niya sa dalawa.“Hayaan mo, mga mosang ang mga ’yan,” nakangiting sagot sa kaniya ni B1.“Pero sa tingin ko, nakibalita na kayo,” sabi niya sa mga ito.“Ay, kami pa ba? Pahuhuli ba kami sa balita?” ani ni B2.“Oh, anong mayroon at sa inyo na lang ako makikibalita?” tanong niya nang sumabay ang mga ito sa kaniyang paglalakad patungo sa team office.“Baka mabigla ka.” Si B1.“Ay, for sure bakla. Yay, this is excited. Time for reconciliation.” Si B2.“Good morning, Ma’am Dynee,” bati sa kaniya ng lahat nang mapadaan siya.“Morning, girls,” bati ni B1 at B2 sa lahat.Nagtaka si Dynee nang biglang nabuwag sa pakikipag-tsikahan ang kaniyang team nang dumating siya. “Good mornin
Invitation SIYA ang unang umiwas dito ng tingin. She continued walking in his direction. Ramdam niyang hindi ito gumalaw sa pagkakatayo nito sa daraanan niya.She heard him cleared his throat. “Hi.” Mismong padaan na siya nang magsalita ito. “Good evening.”Kumurap siya at lumingon dito. “Good evening too, Mr. Acemzade,” tugon niya dito na halos iniiwasan ang matiim na mga mata nito. She cleared her throat. “Uhm, if you excuse me, I’ll go ahead—”“How are you?”Bumilis ang tibok ng kaniyang puso sa tanong nito. “K-Kung hinahanap n’yo ho si Sir Dimitri, nandoon siya sa event kasama ni Ms. Lia at mga—”“I’m not looking for him, Dynee.” Umawang ang bibig niya at sumulyap dito. “But it’s you—”“Ah, okay. So, if you really excuse me, kailangan ko pang sundan ang boss ko sa event.” Saka niya ito tinalikuran.“Dynee!”Her heart stopped from beating for a while. Napalunok siya saka tiningnan ang kamay nito na nakahawak sa braso niya. Kumunot ang noo niyang kumawala rito.“Mr. Acemzade—”“It’
Palpitated “ANO? bakit ngayon pa? Hindi ba talaga puwede? My God, but Marga—” Naputol ang sasabihin ni Dynee nang magpaliwanag ang kausap niya sa kabilang linya. “Okay, okay. Wala na tayong magagawa kung masama talaga ang pakiramdam mo ngayon. Tsk! Okay bye.”Napakamot siya sa kaniyang noo pagkababa niya ng tawag.“What’s going on here, Barbie?”Napalingon siya sa taong nagsalita sa kaniyang likuran. “Oh, finally you’re already here, Dim.”“Oh, bakit gan’yan ang mukha mo? Something bad happened here?”“Dimitri, kasi 'yung model mo na nakuha natin ay hindi makakarating. Look, kulang 'yung model natin para sa gabing ito—” napahinto siya sa pagsasalita nang may napansin siyang babae na katabi nitong nakatayo. Huli na nang namataan iyon ng kaniyang mga mata. “Ay, pardon.” Napatampal siya sa kaniyang noo habang nakatingin sa dalawa.“It’s okay. Anyway, this is Breezelle. And Breeze, this is Dynee, my very efficient fashion organizer.”“Hi, Dynee.” Nakangiti itong naglahad ng kamay.“Hell
Resignation Letter DYNEE was still going to work for two days, ngunit walang Oliver ang pumapasok sa opisina nito. He never informed her where he was. Nauunawaan naman niya iyon. He distanced himself, and she gave him space.Tanging si Shasha lang ang sinasabihan nito at binibigyan ng instructions about the company. Which was wrong dahil nandoon naman siya para ayusin ang buong schedule nito habang wala ito sa opisina.Shasha has no idea what was going on with their relationship. Pero alam niyang nakakapansin din ito na hindi sila nagkakaunawaan ni Oliver. Ramdam nitong may nangyari kaya gusto nitong tanungin siya. But she didn’t even ask her. Ipinaalam naman niya dito na may konting problema lang silang dalawa. She didn’t ask for more information, but Sasha gave her some advice, na nagpagaan ng kaniyang mabigat na problema.Dumating sa punto na kailangan niyang magpakatatag at magdesisyon. And that night she finally decided to talk to him, naisip niyang tama na ang space na bini