Her Birthday NAGISING si Dynee na mag-isang nakahiga sa kama. Bigla niyang pinakiramdaman ang buong katawan.“Sabi nila, kapag may masakit. . . Ay, wala. Stop it, Dynee. Stop it! Masyado pang maaga at naiisip mo ang bagay na hindi nangyari! Walang nangyari.”Huminga siya nang malalim saka napangiti at napailing mag-isa sa kawalan.So, do I have to trust his words now? Walang kakaiba sa pakiramdam ko. In short, walang ganap. In short, may isang salita nga siya. Pero. . . parang nakakahiya `yung ginawa ko kagabi. Oh God! What have I done? I insist it, ang matulog kaming magkatabi sa silid at kama niya!Napatampal siya sa kaniyang noo sa isiping iyon. Oo, naaalala pa niya ang mga sinabi niya dito kagabi. Ngayon pa lang, para na siyang pulang-pula sa kahihiyan.It was already 07:00 AM in the morning, nalala niyang bigla ang pictorial sa K-Shoes. Nagmamadali siyang pumasok sa banyo at nagmumug saka isinuot muli ang kaniyang hinubad na damit na naka-hanger sa loob ng banyo. Napakunot-no
Yes “Ah, late na late na ako. Look, 09:00 AM na. Hinahanap na ako ng boss ko sa office.” Paalis na sana siya nang hinarang naman siya ng mga kaibigan sa labas ng bahay nila.“Sinagot mo na ba siya?” tanong ni Fina.“Alam ba niyang birthday mo ngayon?” Cupcake.“Parehong hindi ang sagot,” tugon niya na ikinairap ng mga ito.“Susme! Kailan mo pa ba sasagutin? Magbabagong taon na, ah. Wala ka pa ring jowa. Isa pa, ilang linggo na ba ’yang nanliligaw sa ’yo?” ani Fina sa kaniya.“Kaloka kang babae ka, huh. Sagutin mo na. Huwag ka nang paere-ere diyan. Alam naman nating type mo rin `yun, eh.” Bumuka ang bibig niya upang sumagot ngunit inunahan muli siya nito. “Sus, Dynee, huwag na huwag mo nang ikaila dahil kita sa kislap ng mga mata mo. Isa pa, aantayin mo pang mapagod sa panliligaw `yun? Kung ako lang ang niligawan niyon, wala pang isang araw ay sasagutin ko na agad iyon. Hmp!”“Tama,” sang-ayon naman ng isa.Napailing siya sa dalawa. Oo, hindi niya tinago sa dalawa ang panliligaw n
Secret Isinara nitong muli ang kotse kasa humarap at bahagyang dumukwang sa kaniya. “W-What did you say?”Masuyong niya itong tinitigan at hinaplos sa pisngi. “You give me a necklace with a heart pendant on it, I assume that it was your heart and you will entrust it to me.”Ngumiti ito at dinampian ng masuyong halik ang kaniyang kamay na nakahaplos sa pisngi nito. “Yes, because I want to be officially yours, and you will be officially mine.”Tumango siya. “Yes, we are finally official. I want to try even though I am not so sure of your feelings towards me. Kahit pa walang kasiguraduhan itong papasukin nating relasyon—”“Shh. . . Don’t say that. Don’t even doubt accepting me in your life. Kasi ako, wala akong pangamba simula nang umakyat ako ng ligaw sa ’yo.”She nodded at masuyo niya itong tinitigan. “B-But—”“Stop doubting, please?”“What if someday, bumalik siya at makipagbalikan sa ’yo?”“She can come back anytime. But, she will never win me back.” Inilapit nito ang mukha sa kani
My Love Nakatulugan niya ang malalim na pag-iisip kaya tinanghali siya ng gising. Wala siyang inaksayang oras at naligo na agad. Pagkababa ay nag-almusal nang madalian. Magpapaalam na sana siya nang bigla siyang napatingin sa slice bread.“Lola, magbabaon ho ako ng sandwich,” wika niya sa kaniyang lola.“Oh, sige, apo. Gagawan kita.”“Naku, La, huwag na ho kayong mag-alala. Ako na lang ho ang gagawa.” At siya na nga ang naglagay ng mayonnaise, lettuce, at cut potatoes.“Ikaw ang kakain niyan?”“Oho,” agarang tugon niya.“Eh, sa pagkakaalam ko, hindi ka naglalagay ng kamatis sa sandwich. Ayaw mo niyan, 'di ba?” Titig na titig ito sa kaniyang mga mata.“Oo nga po, Ate Dynee. 'Yun din ang alam ko. 'Di ba, Kuya Dillan?”Napatingin siya sa kapatid na bunso at sa kaniyang kuya na may laman din ang mga titig na ipinupukol sa kaniya.“Dynee. . . Apo?”“L-La?” Napatingin siya sa kaniyang abuela. “Eh. . . Iba na kasi ang taste ko ngayon. Napagtanto ko na masarap pala kapag may slice tomatoes
Morning Kiss “LOLA may kotse po sa labas ng bahay natin.”Napatingin silang tatlo kay Prinses na kakapasok pa lang sa maliit nilang kusina.“Kotse? Talaga?” Nakakunot ang noo nitong humarap sa kanila ng kuya niya. “Dillan, tingnan mo nga at baka boss mo ’yon sa trabaho.”“Malabong boss ko ’yon, La. Wala rin akong inaasahang bisita ngayon,” tugon nito sa matanda.“Dynee, baka naman si Oliver ’yon?”“Huh? Sige, lola i-check ko. Uhm, bye sa lahat tapos na akong mag-almusal.” Tumayo siya sabay hablot ng shoulder bag niya at ramdam rin niyang pinupukol siya ng tingin ng tatlo.“Apo, tinapay lang kinain mo at nangangalahati ka pa sa kape mo.”“Lola, busog na ho ako. Bye, Kuya, Prinses,” sabi niya habang humahalik sa pisngi ng dalawang kapatid.“Dynee, slow down. . .” sabi ng kuya niya sa kaniyang pagmamadali.Tumango siya dito. “Okay. Bye again.” Saka siya tuluyang lumabas ng kusina.Kunot-noo siyang napatingin sa kulay Grey na kotse na nasa mismong tapat ng bahay nila. Nakita niyang luma
The Ex Is Back GANOON nga ang nangyari kinabukasan at sa mga sumunod pang araw. Pagdating niya sa bahay nito ay nagsimula agad silang magluto ng simpleng breakfast para sa kanilang dalawa.Sa ilang araw pa lang nilang magkasintahan, masasabi niyang okay na okay ito. Oliver was a good, sweet, kind, and at the same time responsible boyfriend. Katangiang hindi niya inaasahan sa pagkatao nito. All she thought that he was bossy, serious, and boring person, ngunit nagkamali pala siya sa lagay na iyon.“Ay, salamat at nahanap din kita.” Nakakunot ang noo siyang humarap sa nagsasalita.“Ako?” Turo niya sa sarili sabay lingon kung may ibang tao ba sa loob ng comfort room.“Malamang ikaw. Bakit, sino ba sa akala mo ang kinakausap ko?” nakataas na kilay nitong wika sa kaniya.“Eh, ano’ng kailangan mo sa akin, Roche Palma?”“Dynee. Pinapasabi pala ni Ms. Sasha na nakahanda na raw ang conference room. Pakisabihan raw si Sir na paparating na rin sila Mr. and Mrs. Arsaide at exactly 03:00 PM.”Tum
Still Insist DUMERETSO agad si Dynee sa kaniyang opisina pagkagaling sa conference room. Huminga siya nang malalim. Nagpabalik-balik ng lakad saka pabagsak na naupo sa kaniyang swivel chair. Kinondisyon niya ang isipan at ang pintig ng kaniyang dibdib sa mga natuklasan.Dynee, huminahon ka. Remember what he always told you, right?“Yes. I have to trust him. Doon sa sinabi niya ako kakapit at. . .” Saka niya kinapa ang suot na necklace na may pendant na hugis puso. “His heart is already mine, akin ang puso niya at hindi ko hahayaang mapunta ito sa nagbabalik niyang EX! Ex lang siya! Nandito pa rin sa akin ang puso niya. And of course, I will not allow her to take it from me!” dagdag pa niya.Huminga muli siya nang malalim, at saka pilit na huminahon. Pilit rin niyang itinaboy sa utak ang lahat, at ginawa na lang niyang abala ang sarili sa ibang bagay at trabaho.After 30 minutes, may tumikhim at pumasok sa kaniyang opisina. Nakayuko siya, kahit hindi pa niya ito nakita ay alam na aga
No Turning Back TINANGHALI na siya ng gising kinaumagahan iyon ay dahil matagal siyang nakatulog pagkahatid ni Oliver sa kaniya. Alam rin niya kung bakit hindi siya ginising ng kaniyang abuela. Iyon ay dahil wala naman siyang pasok sa araw ng sabado.Inabot niya ang kaniyang cell phone saka nagtipa ng mensahe para sa katipan. She sent him a sweet morning message. Pagkatapos ay bumangon na siya at naligo bago nag-almusal.Kinahapunan ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Tita Carolina, the woman wanted to talk to her. Kinakabahan naman niyang sinang-ayunan ang gusto nito, tungkol iyon sa nasabi niya nang nakaraang araw. Huminga siya nang malalim habang patungo siya sa kinauupuan ng ginang na naghihintay sa kaniya sa isang tahimik na restaurant.“Good afternoon,” bati niya pagkalapit dito.Nagtaas ito ng tingin at ibinaba ang iniinom nitong juice. “Hija, sit down.”Naupo naman siya. “Tita—”“What do you want, Dynee? Mag-order muna tayo ng makakain natin.”“K-Kayo ho ang bahala, Tita.”