Share

Kabanata 0005

Dumiretso si Kyle sa Sachs Mansion pagkatapos umalis ng hospital, at mabilis na tinanong ni Simon Sachs, “Pumayag ba si Cordy sa pag annul ng engagement niyo?”

Umiling si Kyle, ang mga mata niya ay nakatitig sa cute na si Noel Sachs habang sinabi niya ng mahina, “Naghiwalay na kami. Parating na rin ang annulment. Pasensya at pinaghintay kita, Noel.”

“Hindi, ayos lang.” Umiling si Noel, ang mga mata niya ay kumikinang ng may lambing. “Magiging masaya ako basta’t makasama kita, Kyle.”

Natunaw ang puso ni Kyle mula sa maamong ugali ni Notel—tama siya para piliin ang babaeng ito!

Gayunpaman, pinigilan niya ang sarili niya at sinabi niya, “Bibisitahin ko lang dapat si Cordy, pero may kasama siyang ibang lalaki—ang bumbero mula kagabi.”

“Mahirap talaga magbago ang isang tao, huh? Iniwan mo na dapat siya sa simula pa lang! Hindi siya nararapat para sayo!” Ang sabi ni Simon.

Tumango si Kyle—masyadong madumi si Cordy!

“Sa totoo lang, ‘wag na tayong mag abala sa kanya. Pwede niyang gawin ang gusto niya—magpapanggap na lang ako na wala akong anak na walang hiya!” Suminghal si Simon nang banggitin niya si Cordy bago niya binago ang pinag uusapan nila. “Nabalitaan ko na si John Levine, ang tagapagmana ng Levine Ventures, ay bumalik na ng bansa. Magkita dapat kayo bilang CEO ng Starstream Group kapag may pagkakataon ka, Noel.”

“Sinasabi niyo ba na ako na ang mamumuno sa kumpanya, Dad?” Ang sabik na tanong ni Noel.

Tutal, ang nanay ni Cordy ang nag found ng Starstream, at ibig sabihin nito ay makukuha niya ang pinakagusto ni Cordy sa lahat.

“Salamat, Daddy! Hindi ko kayo bibiguin!” Mabilis niyang ipinakita ang determinasyon niya.

“Syempre nagtitiwala ako sayo,” Ang malambing na sinabi ni Simon.

“Oo nga pala, ang pamilya Levine ang pinakamayaman na pamilya sa lungsod, hindi ba? May sabi sabi rin na may anak si John sa ibang bansa, pero walang nakakaalam ng tungkol sa nanay ng bata?” Ang tanong ni Noel.

Tumango si Simon. “May balita na ang lolo Alan Levine niya ay may sakit, at sinabi ni Alan na bumalik si John at pamunuan ang family business. Si John ay nagdadala ng negosyo ng mga Levine sa foreign market para lumago, at ang kaalaman niya sa negosyo ay maihahalintulad kay Alan. Nasa edad mo din siya, Kyle, kaya subukan mo makipagkaibigan—tutal, ang mga Levine na ang may ari ng North City.”

“Kinausap ko na rin po ang tatay ko tungkol dito—bibisitahin ko ang mga Levine kapag pormal nang namuno si John,”

“Dalawampu’t pitong taong gulang pa lang siya, hindi ba?! Pero matagumpay na talaga siya… Ano kaya ang itsura niya?” Ang bulong ni Noel sa sarili niya.

“Darating ang ika-pitumpung kaarawan ni Alan Levine sa susunod na buwan. Makikilala natin siya sa oras na ‘yun,” Ang sabi ni Kyle habang pinapanood si Noel. “Ano, interesado ka ba sa kanya?”

“Hindi ah!” Itinanggi ito ni Noel, “Interesado lang ako sayo, Kyle… Sa tingin ko ay pangit siguro siya, ito ang rason kung bakit iniwan siya! Mukha siguro siyang isa sa mga matandang lalaki na may malaking tiyan. Sa North City, ikaw lang ang meron ng lahat, Kyle: gwapo, mayaman, at may family connections.”

Hindi mapigilan ni Kyle na ngumiti dahil dito, habang binago nila ang pinag uusapan.

Ang malungkot na ward kung saan tumutuloy si Cordy ay malayo kumpara sa masigla na hangin sa Sachs Mansion.

Medyo nagugutom si Cordy, ngunit hindi niya inaasahan na iiyak siya ng higit sa isang oras para kay Kyle, na siyang hindi nararapat.

Gayunpaman, bago pa siya umorder ng pagkain, may isang lalaki na nasa sinkwentang taon ang edad ang pumasok sa ward, kasunod ng dalawang babae na mukhang nasa dalawampung taon ang edad.

“Good day, Ms. Sachs,” Ang matandang lalaki na ito ay binati siya ng magalang. “Ako po ang assistant ni John Levine, pero pwede niyo ako tawaging Winston.”

Habang kumurap ng nalilito si Cordy, ipinakilala ni Winston, “Ito si Flora, at ito si Scarlet. Sila ay mga professional trained maid na dinala ni Mr. Levine para tulungan kayo, at pwede niyo silang utusan ng mga kailangan niyo habang nandito kayo.”

Pagkatapos, inutos niya, “Girls, ihain niyo na ang tanghalian ni Ms. Sachs, please.”

Sina Flora at Scarlet ay mabilis na nilabas ang mga lunchbox, nilagay nila ang mga masarap na pagkain ni Cordy sa overbed table, inabot pa nila ng magalang ang kutsara at tinidor. “Please enjoy your meal, Ms. Sachs.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status