"Uy, magkagalit kayo niyon?" usisa sa akin ni Gab sabay nguso sa lalaking nasa table nina Kenya. Kakapasok pa lang din nito at kasama si Lyssa.Mula kaninang tanghali ay hindi na kami nagkausap pa. Gusto ko sana siyang puntahan sa opisina niya pero nahihiya ako. Kahit hindi niya man aminin ay alam kong galit o nagtatampo siya sa akin. Iyon kasi ang nararamdaman ko. "Hindi naman," tanggi ko pa. Umismid lang ang Silang. "Payapa! Di kayo magkagalit pero magkaiba kayo ng mesa at hindi pa kayo sabay na dumating? Actually, kahapon ko pa kayo napapansin. Mga adik!"Napabusangot na lang ako dahil sa tabas ng dila nitong kausap ko."Mas adik ka nga, eh," sabat ni Jinro na nasa tabi ko lang habang tutok na tutok sa kanyang cellphone. Naglalaro na naman ng online game."Ikaw nga ang pinakaadik, eh, kita mo nga, kakain na lang pero nagse-selpon pa rin. Matalo sana."Kasabay nang pagkasabi niyon ni Gab ay narinig namin ang 'Defeat' mula sa phone ni Jin. Napahagalpak ng tawa ang haduf kong kambal
"Pakiulit ng sinabi mo?" matapang kong saad kahit pa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nagtatapang-tapangan lang ako pero ang totoo ay bigla akong nakaramdam ng takot lalo pa't mukhang seryoso talaga siya."Maghiwalay na tayo." Sinabi niya iyon ng hindi man lang ako siniringan ng tingin.Haduf! Bakit parang damang-dama ang sakit noong tinagalog niya na? Hindi agad ako nakapagsalita at namalayan ko na lang na nabitiwan ko na pala ang kutsarang hawak ko. "A..." Nag-alangan ako kung itutuloy ko ba ang sasabihin ko o hindi. Bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Napasinghot pa ako dahilan para mapaangat na siya ng tingin sa akin. "Oh? Bakit ka umiiyak?" may halong pagkataranta sa boses niya pero ang kilos niya ay kalmado pa rin."E-ewan ko sa'yo! I hate you!" sigaw ko sa kanya at nagmadaling lumabas ng flat niya. Hinabol niya ako at nagtangkang hawakan ako sa braso pero mabilis na nakapihit ako paharap sa kanya at tsaka dalawang malakas na sipa ang pinakawalan ko. Bagsak siya ng tam
"Sinong 'Mr. Guieco' ang tinutukoy mo, Mareng Christy? Ako o ang anak ko?" biro pa ni Tito Zeus pero nanatiling seryoso ang mukha ng mom. Mas nagpadirilyo sa sistema ko.Siniko naman ni Tita Adelle ang kanyang asawa at sumenyas na baka siya ang masapak ng ina ko.Oh god, help me or just kill me now. As in ngayon na!"Tinatanong kita, Ashmer," may diin iyon na tila ba may 'or else' na kadugtong. Bakit ganito si Mom? Hindi naman siya ganito noong nagka-boyfriend si Percy, ah? Bakit parang krimen ang dating nito sa kanya?"Si Ell po.""Wala akong kilalang Ell, hijo." Sarkastiko naman iyon. Inakbayan pa siya ng Dad at pinakalma."Si Marciella po," ulit ni Ash. Naaawa ako sa kanya, tiningala ko siya at nagpapaumanhin ang tinging ibinigay, nginitian niya lang ako at bahagyang pinisil ang aking kamay para iparating na ayos lang siya."A-ahh, Mom. M-magpapaliwanag po kami," natataranta kong saad. Ramdam ko ang tensiyon sa pagitan ng mga magulang namin."Dapat lang," wala ring emosyong saad
Isang mahinang tapik sa aking braso ang aking naramdaman."Nak, gising," rinig ko pa. Agad akong napabalikwas ng bangon at niyakap ang babaeng aking nagisnan."M-mommy," wala sa sarili kong usal. Naramdaman ko ang mahinang haplos sa aking likuran."Marci, ayos ka lang ba talaga?"Napakalas ako ng yakap ng mapagtantong hindi pala ang mommy ko ang babaeng nasa tabi ko ngayon. "T-Tita Lex, I'm sorry. Akala ko kasi si M-.ommy ka." Napayuko na lang ako dahil sa hiya. Iniangat niya ang mukha ko dahilan para magkasalubong ang paningin namin. "I can be your mom just for today, hija. If you need someone to talk to, I'll listen." Malumanay ang pagkakasabi niya niyon. Bigla na lang nagsipatak ang mga luha ko. Hiniling ko na sana ang aking ina ang nasa tabi ko ngayon at siyang karamay at kasangga ko sa laban na ito. Pero meron ding parte ng utak ko na sinasabing gusto lang naman niya na itama ko ang mga pagkakamali ko. Ayokong mapalitan ng galit ang pagmamahal ko para sa aking mga magulang. Ay
I decided to take a quick shower to feel more refreshed. I'm dressed in an oversized T-shirt and moderately-length shorts. I searched for a hair tie, but when I couldn't find one, I resorted to securing my damp hair with a pen I stumbled upon.My phone caught my eye next to my sling bag, and I realized it was already well past three in the afternoon, which explained my growling stomach. I must have taken quite a long nap."Marci, halika na," untag sa akin ni Tita Xandra. Kasama niya na ang dalawa niyang anak at si Tito."You really look like my mom, huh?" saad ni XJ at tsaka inakbayan ako. Well, mas matanda ako sa kanya pero mas matangkad naman siya."Talaga ba?""Yes. How's GC, Ate Marciella?""Fine," tipid kong tugon."Alam ng may problema, magtatanong pa," singit ni Calla na ang pinaparinggan ay ang kapatid."Anong problema ng GC, Ate Marci?" muling tanong ni XJ. "Duh, bro? Nag-iisip ka ba talaga?""Sis, 'di ikaw ang kinakausap ko.""Enough na," saway sa kanila ni Tita habang naka
"Okay ka na ba?" usisa niya habang nakaunan ako sa kanyang kaliwang bisig. Medyo okay na ang pakiramdam ko pagkatapos kong magsuka. "Ayoko ng maglasing pa," nakanguso kong saad. Natawa naman siya at pagkuwa'y hinaplos-haplos ang buhok ko."Sino ba kasing may sabing maglasing ka? Inutusan ba kita?"Napasinghap naman ako ng maalala ang sinabi ni Tita Adelle. "Tumawag si Tita Adelle gamit ang phone number mo.""And? When?""Kanina, halos kakarating ko lang dito. Sinabi niyang... L-layuan na raw kita."Hindi naman siya nakaimik. Tiningala ko siya para pag-aralan ang kanyang reaksyon. May bahid ng galit ang kanyang mukha."But don't be mad at her, pinoprotektahan ka lang niya.""Kanino? Sa'yo? Damn it! You're the safest person I've ever known, Marciella. Tsaka wala silang karapatang diktahan ka o ako.""Mali tayo, let's just accept it. Pero mas magiging mali kapag nagpatalo pa tayo uli. Kapag hinayaan nating masayang ang lahat ng sakripisyo at paghihirap natin pareho. Don't worry, Ash, h
Nakanguso akong nakatingin sa kakapasok palang sa flat ko na si Ash. Kanina pa nakauwi sina mommy at isinama nila si Lyssa kaya naman nakapasok siya rito.Mula nang mag walk-out ako kanina ay ngayon lang kami magkakausap. "Lunch tayo," agad na yaya niya sa akin. Mas napabusangot naman ako."Napakanyawa mo talaga!" asik ko sa kanya sabay irap. Napakunot-noo naman siya."Is it about Claire Domingo?""Your fianceé? Seriously?" mataray kong tanong. Napabuntonghininga naman siya. Akmang lalapit siya sa'kin pero umatras ako nang bahagya. Gusto ko pa siyang awayin ng bongga at hindi ko iyon magagawa kapag magkalapit kami."Dailann and Havana ba ang peg natin?"Sarkastikong tanong ko. "Let me explain, Ell." Mukhang na stress din siya sa ganap kani-kanina."Okay. Explain it concisely," sukong saad ko. Parang sa aming dalawa ay ako ang boss at sidekick ko lang siya.Baklang sidekick, zsss!"Kilala ko noon pa man si Claire pero sa pangalan lang dahil hindi ko pa talaga siya na meet in person.
Matapos niyang kumain ay hinila niya na ako patayo. Pakiramdam ko ay nanginginig pa ang buong sistema ko."Sipsip laway, nice!""Bampira? Ay wait, dugo pala sinisipsip niyon," alaska sa amin nina Xandria at Shines nang dumaan kami sa table nila."Sipsip laway? Paano kaya iyon, Ate?" inosenteng tanong ni Kendra kaya napabunghalit ng tawa ang dalawang kasama niya."Malalaman mo rin 'yan sa takdang panahon."Tuluyan na kaming lumabas ng DH. Tahimik lang kaming naglakad, hindi ko pa rin kasi nakakapa ang dila ko."Napakanyawa mo! Bakit mo iyon sinabi ha?" reklamo ko sa kanya nong nasa flat ko na kami."Why? Problem?""Nakakahiya sa kanila.""Ikinahihiya mo ako?""Hindi. Pero nakakahiyang malaman nila ang ginagawa natin.""Iyon lang naman ang sinabi ko kahit pa may iba pa talaga akong sinisipsip sa'yo."Hinampas ko siya sa braso, muling nanginit ang mukha ko.Pesteng nyawa! Para namang ang landi-landi ko nun."Ewan ko sa'yo!" singhal ko at pasalampak ng naupo sa sofa. Naupo naman siya sa
A FORBIDDEN AFFAIR Guieco Clan Series #2Ashmer Guieco and Marciella PerrerASHMER GUIECO'S POV"You may now kiss the bride," anunsiyo ng pari. Nakangiting tinitigan ko siya na halata namang namumula sa ideyang hahalikan ko siya sa harap ng lahat. Kinabig ko siya at saka hinalikan. Hindi sapat ang segundo para ipakita sa lahat kung gaano ako ka-proud na ako ang naging asawa niya."Hoy! Tama na, aba!" rinig naming sigaw ni Shane. Napuno naman ng tawanan ang loob."This is the best birthday gift I've ever received from you, Marciella," puno ng saya kong bulong sa kanya. Yes, today is my birthday, and at the same time our wedding day. It's July 26. "Happy birthday, baby. I still can't believe na noong isang araw ko lang nalaman na ngayong araw na pala agad ang kasal natin," natatawa niyang saad. "Bakit? Ayaw mo?""Pabebe ka talaga! Ayaw pa ba, eh tapos na nga, oh. Ang akala ko kasi ay next month or year pa. Yon pala ay next, next day na."Sabay kaming natawa."Congratulations, Mr.
A Forbidden Affair(MARCIELLA PERRER X ASHMER GUIECO)Guieco Clan Series #2***["Marciella, please... Don't leave me. Hindi ko kaya."]Nagpaulit-ulit iyon sa aking pandinig. "Tita Marci, gising na po. Ang tagal mo namang matulog, eh. Hindi... Hindi ka na po nakakakain at nakakaligo," boses iyon ni Lyssa kung hindi ako nagkakamali. Marahan kong idinilat ang aking mga mata. "Hala! Gising ka na po? Gising na po si Tita Marci!" tili pa ng bulilit. Ilang araw na ba akong nakaratay dito? Huling naalala ko ay halos kunin na ako ng puting liwanag at kamuntikan na akong sumama kung hindi ko narinig ang pakiusap ni Ash na 'wag ko siyang iwan.O baka guni-guni ko lang iyon?"Gising na? Weh?" rinig kong sambit din ni Shane na nasa sofa at prenteng nakaupo habang nagpipindot ng cellphone niya."May migraine ako pero kapag naririnig ko 'yang tawa mo, feeling ko ay stage 4 brain tumor ang meron ako, eh! Ang sakit mo sa utak!" asik ni Beatrice habang may kausap sa cellphone. Kapapasok lang nito.
Kasabay ng pagsabi ko niyon ay ang muling pagtunog ng monitor. Pare-pareho kaming naestatwa at napatitig lang sa linyang unti-unting nagkakaroon ng kurba."Oh, God! Move out! Hurry up!" sigaw sa amin ni Xandria. Muli silang nagsipasukan kasama ang isa pang doctor at tatlong nurse. Nahagip din ng aking paningin si Froizel na naka-doctor gown na rin kahit na kagagaling lang din nito sa isang mission."Froi, save her, save her," I pleaded with my cousin."We'll try our best, Ashmer. Now, leave us alone so we can save Marciella."Hinila ako palabas ni Mommy na nakatulala lang. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Kompleto na rin pala ang piooners. Sobrang nawala sa huwisyo ang pamilya ni Ell kaya maraming umalalay sa kanila palabas. Lahat kami ay pinalabas sa hospital dahil mas naging maselan diumano ang kalagayan ni Ell."M-mom? B-huhay si Ell, 'di ba? Buhay ang mahal ko, 'di ba?" Naramdaman ko ang panginginig ng labi ko. Nakaalalay sila ni Dad sa akin dahil para akong batang nawala
ASHMER GUIECO'S POV"Ell!" I almost panicked as I noticed her hand, which was gripping mine, losing its strength.Tears streamed profusely from my eyes, causing my vision to blur. She coughed up blood."Xandria! Please, help Marciella! Please?" My tone was filled with pleading.I didn't want to see her in this condition because it felt like I was slowly losing my own life. The pain she was experiencing, I felt it too.If only I had decided to follow them early on. If only I had prioritized my love for her over my responsibilities in the GC. Perhaps... Perhaps she wouldn't have been hurt like this, maybe I could have protected her."Calm down, Boss! Hindi mo kailangan manigaw. Ito na nga, pilit ng sinasalba namin si Marciella, kahit... kahit napaka imposible na!"I feel like it's not just the knives or hammers that are tormenting my heart right now. I'm in so much pain.Just thinking that... That... No, she won't be taken away from me. No. She promised.Nangako ka na palagi kang babali
Pagkadating namin sa S-Area ay agad na nakasalubong namin sina Earthe. Halata ang pagod sa mga mukha nila."Where are they?!" agarang tanong ko."Tumatakas sila. Ipapasa na namin sila sa inyo. Hindi pa sila nakakalayo, this way ang takbo nila. Black van with plate number 5****," bigay-alam nito at itinuro pa ang tinutukoy sa direksyong ng daan. Pagkarinig namin niyon ay agad kaming nagsampaan sa sari-sarili naming sasakyan. Walang sali-salitang hinabol namin sina Gabriel. After 10 minutes ay agad naming nakita ang sinasabing Van ni Earthe. Sakto lang ang takbo nila na para bang minamaliit ang mga kaaway nila. Nagtagis ang bagang ko."Wow, playing cool ang mga butete," rinig kong asik ni Shane. Masyado silang kampante na akala nila ay sila na ang hari ng QC."Wag kayong magpahalata. Kailangan marating natin ang lungga ni Gabriel," utos ko sa kanila habang hindi iwinawala sa paningin ko ang sasakyan ng mga haduf. Sige lang, take your time stupids!"Copy, Prime."Narinig namin ang in
Nagpapaumanhin ang tingin na ipinukol ko kay Mer bago ito iniwan. Patakbo kong sinundan si Ashmer. Dahil sa napakabilis ng hakbang na ginagawa niya ay kailangan ko pang gamitin ang bilis ko. Agad na hinarangan ko ang pinto ng kanyang flat bago niya pa ito maisara."What?!" asik niya na agad. Bahagya kong itinabingi ang aking ulo at napapalatak na tiningnan siya. Nagsalpukan na naman ang kanyang kilay at halata sa mukha niya ang matinding iritasyon. Pumasok ako at isinara ang pinto."Anong what?! Diba ako dapat ang magtanong sa'yo niyan? Ano ang pumasok sa kukuti mo at sinapak mo na lang bigla ni Lovimer?! Anong kasalanan niya sa'yo, ha?""Hindi mo ako kinausap simula kahapon! Hinintay kita sa DH pero malalaman ko na nasa clinic ka pala at kasama ang lalaki iyon?!""Oh, ano masama, ha? Kung inagahan mo ng dating eh di sana hindi na ako nakasama pa kay Mer!""Ang sabihin mo ay gusto mo rin ang pinsan ko!""Damn, Ashmer! Girlfriend mo na ako diba? Engaged na tayo at alam mong ikaw ang m
Pilit ko na ikinalma ang aking sarili habang naghahanda para mamayang gabi. Hindi ako makakatulog ng hindi ko nasasapak si Gabriel.Hindi na ako lumabas ng flat para kapag nawala ako dito ay iisipin nilang nasa loob lang ako. Dinampot ko ang aking phone at tinawagan si Shane."Marci?""Nasa bahay ba niya si Gabriel?""Kaninang 4:00 pm ay nahagip siyang camera na papasok sa loob kasama ang mga aliporos niya. Hindi pa yata sila umaalis, why?""Ah wala. Just checking." Pinutol ko na ang linya. Nagpalit ako ng damit. Isinukbit ko sa aking bewang aking stun gun. Nilagyan ko ng protection gear ang kamay at tuhod ko. Eksaktong 7:00 pm ay pasimple akong pumuslit sa camp. Hindi ako dumaan sa main gate dahil makikita ako nina Shines na nasa control room. Inakyat ko ang bakod palabas at ingat na ingat dahil naalala kong may alarm pala ang bawat sulok ng labas ng camp.Matiwasay akong nakalabas. Ang problema ko ay ang sasakyan ko papuntang BV. Dali-dali akong naglakad papuntang phone station at
Kasalukuyang nasa Interrogation Room na kami ngayon kasama si Harvey. Mukhang hindi naman siya nagulat ng sabihin ni Ash na may mga katanungan lang ito sa kanya dahil agad naman siyang sumama. Baka ang inaakala nito ay pag-uusapan nila ang tungkol sa panliligaw nito kay Shane.Nasa tabi na rin ni Shane si Beatrice na walang imik mula nang magising ito. Habang nasa kabilang dulo naman si Mer. Napapagitnaan nila si Shane at Crystal. "Ano bang tanong, Bro Ashmer? Bakit kailangan nandito rin sila?" usisa ni Harvey na ang tinutukoy ay kami.Tumikhim ako at pinakatitigan siya. "Anong alam mo tungkol sa Snellenn?" direktang tanong ko. Halata ang pagkabigla sa kanyang mga mata. Hindi agad nakaimik o di alam kung magsasalita pa ba siya."Speak Harvey," untag sa kanya ni Shane."B-bakit interesado kayo sa Snellenn?""Dahil may mga bagay kaming dapat malaman tungkol sa kanila na ikaw lang ang nakakaalam."Inilapag ko sa kanyang harapan ang papel. Alanganing kinuha niya iyon, nasaksihan ko kung
"May problema tayo," anunsiyo ni Shane nang lumapat ang kanyang paa sa loob ng flat ko."What is it?""Si Claire."Napataas-kilay naman ako. "What about her?""Napag-alaman naming member siya ng isang sindikato. Shit! Dapat ay hindi muna natin siya pinakawalan, eh! Duda talaga ako sa pagkatao ng isang iyon lalo pa at nagawa ka niyang pagtangkaang patayin."Nanlumo naman ako sa aking narinig. "But I thought, anak siya ng kaibigan ni Tita Adelle?""Yeah but not by blood pala. Inampon lang siya ng kaibigan ni Tita Ad na si Tita Paz kaya siya ang naging panganay. Pero ang totoong anak ni Tita Paz ay nasa ibang bansa pala, doon nagtatrabaho. Later on, nalaman ni Claire na ampon lang pala siya kaya medyo nagrebelde at sumapi na talaga sa mga buteteng rebelde ng lipunan!""So, anong sindikato ito?""Darkee Clan.""Unfamiliar, though.""Ayon sa nakalap namin ay minsan na silang nakasagupa ng RAO second generation. Tulad ng PC ay nagbalik lang uli sila para gumanti. Remember noong na kidnap si