"I have to go to this government hospital, Gilliane." panimula nito. "Gusto mo bang sumama o mas gusto mong manood ng sine muna kahit na mag-isa ka lang? Is that okay with you?"
"Ano na muna ang nangyari? Who's this 'Kier' who called you?"
"Pinsan ko. Nakababatang kapatid ni Celine. He's been shot and bleeding."
Kaagad napatayo si Gilliane. "Then why are you still sitting there? Halika na."
Bakit hindi nagkukumahog ang binata sa pagpunta sa pinsan nito para alamin ang nangyari dito? Wala ring bahid nang pag-aalala ang mga mata nito na nananatiling blangko pero alam niyang may kung anong iniisip.
Hindi na rin nakapagsalita pa si Sebastian. Mabilis itong naglagay ng pera sa table bilang bayad sa kinain nila at hinila na rin siya paalis.
"Nasa ospital ang pinsan mo? Is he okay?'' wika ni Gilliane, matamang nag-iisip. Hindi alam kung tana ba ang tanong niya dahil halatang hindi mapalagay si Sebastian simula ng matanggap ang tawag galing di
"I think I'm going to be okay. Hindi pa nila inaalis itong mga bakal dahil kailangan pa daw nilang i-assess ang extent ng injuries ko. Baka raw mas makasama kung aalisin kaagad. Tama ba sila Kuya Seb o baka kailangan na itong tanggalin sa katawan ko?" tanong ni Kier kay Sebastian.Nakikita ni Gilliane na kinakabahan si Kier kahitna sinisikap nitong itago sa mga ngiti nito. Kahit na sino naman marahil ay kakabahan nang husto. Halos maging isang linya na ang mga kilay ni Sebastian habang binabasa ang chart na iniabot ng nurse."You're conscious and you're talking. It can't be that bad, you'll be okay. At saka tama sila. Kailangan muna nilang siguraduhin na walang mas maaapektuhang organ sa loob bago pa hugutin ang mga bakal na 'yan.""You'll be fine, Kier'' sabi ng binata, halos wala sa loob. Tila sinasabi nito iyon sa sarili at hindi sa pinsan. Tila hindi rin nito nais hayaan ang sarili na mag-isip ng ibang posibilidad.Isang matangkad na babaeng nak
Mabilis na ring sumakay si Gilliane sa ambulansiyaupang makaalis na sila kaagad. Sebastian was giving the EMTs rapid-fire orders. Isinilid ni Gilliane ang card sa kanyang bag bago niya sinimulan ang pagtulong. Hindi na muna niya tinanong si Sebastian kung okay ito o kung ano mang tungkol sa Doktorang nagngangalang Monica. Alam naman na niya ang posibleng sagot sa tanong na iyon. Mas mahalaga rin sa mga oras na iyon ang pinsan nitong si Kier na sa ngayon ay unti unti nang nauubusan nang dugo at kailangan ng pangangailangang medical.Pero si Gilliane? Hindi ito okay. Marami siyang tanong tungkol kay Monica. Kung ano ba talaga ito kay Sebastian. Kung sino ito sa buhay niya dahil nakumpirna niya kanina na magkakilala ang dalawa. Na may kung anong mahalagang koneksiyon sa pagitan nila kahit hindi man niya deretsang nakuha ang sagot sa binaga.May mga damdaming umuusbong sa kanyang dibdib na hindi niya gaanong maintindihan, hindi malaman k
As of today, they are holding and examining a scan of one of his pediatric patients. This young fifteen year old girl had multiple masses in her liver. The operation would be extremely risky but he was confident he could take everything out.May itinuro na isang partikular na mass si Sebastian sa scans. "Sa isang ito ako pinaka-mahihirapan. I'm going to take that one last. It's complicated but I can handle it.""You leave it alone if things get too risky, brother." sabi ni Dylan, bahagyang nagsalubong ang kilay."We have to be agressive kung nais mo p talagang magkaroon ng mahabang buhay ang batang ito, Dylan." Hindi siya magkakaroon ng mahabang buhay kung mamamatay siya sa operasyon. At hindi niya rin hahayaang manguari 'yon. She's a wonderful kid."Sebastian, she deserves a long and happy life. Please, do everything for this young girl for her to be okay.""They are all wonde
Hindi nabura ang ngiti ni Gilliane sa sinabi ng best friend na si Phoebe. Bakas ang pag-aalala sa ekspresyon ng mukha ng kaibigan ngunit sa kanyang opinyon ay wala namang dapat ipag-alala. Masyado lang nag-iisip ang matalik na kaibigan. Alam niyang nag-aalala lamang ito sa kanya pero wala naman siyang naiisip na dahilan para katakutan o layuan si Sebastian.Nasa grocery store na malapit sa condominium building sila nang araw na iyon. Dahil madalas namakikain si Sebastian sa unit niya, mabilis ding maubos ang kanyang stock. Hindi na muna sana maggo-grocery si Phoebe ngunit natiyempuhan niya ang kaibigan nang pa-alis na ito patungo sa grocery store kaya napagpasyahan nitong sumama na rin sa pamimili at para makipag kwentuhan na rin sa kanya.Pareho silang may tulak-tulak na cart. Hindi niya sigurado kung pano napunta kay Sebastian ang usapan nilang magkaibigan samantalang kanina ay pinag-uusapan lamang nila ang tungkol sa pasyenteng dinala kahapon sa ospital
Natigil siya sa paglalakad patungo sa silid. Sunod-sunod ang naging paglunok niya nang marinig ang pamilyar na tinig ng lalaki. Kaagad nanikip ang kanyang dibdib. Ibinagsak niya ang bag sa sahig at pilit siyang humugot ng malalim na hininga.Pilit niyang kinalma ang kanyang sarili. Masyado lang sigurong matagal mula nang huli niyang marinig ang tinig ni Stefan. Nasorpresa lamang siya. Hindi niya inakala na tatawag pa ito sa kanya."S-Stefan?" aniya nang bahagya siyang makahuma. "H-how did you---?" Tumikhim muna siya bago nagpatuloy. "H-how.... How did you get this number?""I got it from Pauline. She didn't want to give it atfirst. I bugged it out on her. I-I just need to hear your voice and talk to you."Napabuntong-hininga si Gilliane. Noong inaasikaso niya ang pagtatrabaho sa Pilipinas, isa si Pauline sa una niyang tinawagan gamit ang bagong biling cell phone. Kinailangan kasi niya ng tulong ng kaibigan at dating katrabaho sa ospital sa ila
Ilang sandaling natahimik ang kabilang linya.''I this a booty call or something, sweetheart?" wika ni Sebastian sa nagbibirong tinig. "Masyado pang maaga, Nurse Gilliane. Alas-otso pa lang ng gabi."Kahit na paano ay napangiti siya. Kaagad gumaan ang kanyang mabigat na pakiramdam. Tama ang naging desisyon niya. Kailangan niya si Sebastian. At masaya siyang marinig dito na kahit nakakahimig na ito na hindi siya okay ay nagbibiro ito para lamang mapangiti siya."You owe me a movie," sabi na lamang niya na pinasigla ang boses."Sure. Saan mo gustong manood ng sine? Wait. Are you okay? I know something happened. Tell me later about it, okay?"Tumayo na siya sa kinauupuan at tinungo ang kusina. "Y-yeah. Of course. Ahm... Sa unit mo. Let's go there for movies. I'd love to visit your place, if that's fine with you.""Ha?" Nagtatakang tanong nito sa kabilang linya."I mean doon tayo sa unit mo manood. Ayaw mo ba akong papasukin sa unit
"Wow." usal ni Gilliane, hindi pa rin siya gaanong makahuma sa mga nakikita. "Hindi ka pa talaga nakakapag-ayos sa lagay na ito? This unit looks so sterile. I think we can operate here." Hindi gaanong nag-exaggerate si Gilliane sa sinabi. Totoong maaaring magsagawa ng operasyon sa bahay nito dahil sa linis at halos ni wala siyang mahawakang alikabok. Isama na rin ang pagiging organize ng kahit anong gamit na maabit ng kanyang mata.The interior was mostly glass and stainless steel. Itim at pilak ang mga dominanteng kulay. Walang makikitang kahit na anong kalat sa paligid. Ni anino yata ng alikabok ay hindi maaaninag. Organisado ang lahat ng bagay na naroon, mula sa placement ng entertainment consoles hanggang sa mga makakapal na libro at journals na nakasalansan sa isang steel bookshelves. Everything is organized and it's right place."This place is unbelievable," bulong ni Gilliane habang humahanga sa nakikita ng mata."Are you going to watch a movie or not, sw
"Yeah. But it happens. Hindi talaga mawawala ang pamilya na may namumuong competition sa bawat miyembro, like your family. But... not that too much. Nagkakasakitan na kayo dahil lamang sa competition na 'yan." Tukoy nito sa kwento ni Sebastian."You can say that. But that's not the whole story." Muli ay nagsimulang magkwento si Sebastian habang minamasahe ang mga palad ni Gilliane."Auntie Carmela was having a hard time getting pregnant. Nagkaroon siya ng severe reaction sa mga fertility drugs na itinurok sa kanya. Isa pang mahalagang bagay sa pamilya namin ay ang pagkakaroon ng heirs para magpatuloy ang medical dynasty ng pamilya. Iyong magmamana ng lahat ng naipundar at naipatayo ng aming mga magulang. Ang magtatadala at magpapalago pa ng mga businesses nila. Mas marami, mas maganda. Kailangan ay maging doktor ang lahat ng supling naiyon dahil doon magaling ang mga Villaraza. Habang dumadami kami, mas nagging malala ang kompetisyon