Share

Appendectomy

Pinakamalapit siya sa head nurse ng operating

room, si Sally. Hindi ito nagpapatawag ng Ma'am.

Ito ang nag-orient sa kanya. She had a pleasant face

and sweet smile. Isang dekada na daw itong nagtatrabaho sa Dr. Amadeo Dizon Memorial Hospital. Pinlano nitong magtrabaho sa bang bansa noon katulad ng iba ngunit hindi raw nito kayang iwanan ang mga anak. Gumanda ang trabaho ng asawa nito kaya nakontento na lang ang pamilya sa Pilipinas.

Namangha ang ilan sa mga kasamahan niya nang

malaman na nurse siya sa Hamburg at sa ibang bansa siya nakapagtapos ng kolehiyo. Paano raw niya nagawang pakawalan ang isang napakagandang trabaho sa Amerika at piliin pa rin na bumalik sa Pilipinas? Sinabi niya na nais niyang baguhin ang takbo ng kanyang buhay. Alam niya na hindi gaanong naniniwala sa kanya ang mga ito.

Hindo rin naman kaso niya puwedeng sabihin na kaya siya narito sa Pilipinas ay dahil sa iniwan siya sa altar ng kanyang lalaking dapat ay papakasalan. Na may

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status