Mabilis na lumipas ang apat na araw at tuluyan na ngang nagtungo sina Aries, Haven at ang pamilya Spinster sa America. At dalawang araw na lang ang pinakahihintay bago ang kasal. "Hello! Narinig mo na ba ako?" sigaw na tanong ni Haven habang kausap sa kanyang cellphone ang kaibigan niyang si Lexi. Sinabi niya dito na nasa California na siya. "Yes, bes! Nasa party ka ba? How come you're in a party?" tanong nito sa kabilang linya. Napakagat siya ng labi. Alam nito na hindi siya mahilig sa mga party. "Listen to me, please pick me up here in San Francisco. Explain ko nalang sayo later." "Are you in trouble? I will call 911!" "Don't, I'm not in trouble! Please pumunta ka na lang dito, gusto kasi kitang makita nami-miss lang kita. Please hurry up!" "Okay sabihin mo sa akin kung nasaan ka." sabi nito sinabi niya ang exact location niya. Nasa malapit lang daw pala ito maghintay lang daw siya ng ilang minuto. Lumabas siya ng club dahil maingay sa loob. Naki-connect
“Who is that handsome guy? Bes, I saw it, he kissed you! Don't you dare deny it!" sa nanlalaking mga matang tanong ni Lexi. "Im Aries, your friends groom and you're Lexi, right? Lagi kang kinukwento sakin ng fianceé ko. It is nice to know such a good friend of my bride." sabi ni Aries at inilahad nito ang kamay kay Lexi na tinanggap naman nito. "We were going to get married the next two days right, sweetheart?" casual na sabi ni Aries at ibinaba nito ang tingin sa kanya. Tango lang ang naging sagot niya. Papaanong nasundan siya agad nito!? At papaanong nalaman nito ang pangalan ni Lexi? Nakailang lunok na siya ng coffe de latte pero hindi pa rin mabawas-bawas ang tensyon na kanyang nararamdaman. Paano kung nakatunog ito na tatakas nga siya? "Haven! You liar! Sabi mo sa akin wala ka pang boyfriend! And now malaman-laman ko na ikakasal ka na? Bessy, naman akala ko ba walang lihiman!" "Did she tell you that? Sweetheart, why didn't you tell her the truth that I am your man
Mabilis na lumipas ang dalawang araw at mangyayari na nga ang kinakatakutan ni Haven ay ang tuluyan na siyang makasal sa taong hindi niya alam kung ano talaga ang totoong pakay nito. Ano kaya ang magiging kahihinatnan niya sa pangalawang bangungot na kanyang kakaharapin ngayong hindi na siya makakaatras pa sa kasal? "Bessy, stop crying will you? Ikakasal ka lang naman hindi ka naman bibitayin." Lexi said while comforting her. Umiiyak siya dahil magsisinungaling siya sa harapan ng pari at lalong-lalo na sa Diyos. Nasa loob sila ng dressing room at ang mga bridesmaid na sina Tasha, Chloe, Britney, at Eloise ay nakaayos na. "Natatakot ka ba sa honeymoon niyo? Huwag mong isipin ang sinabi ni Debbie na halimaw sa kama ang pinsan ko. Gentleman ang pinsan ko trust me." napalatak na sabi din ni Eloise. Habang nagtawanan naman ang mga pinsan nila ni Aries. Napalabi siya sa sinabi nito. Hindi naman iyon ang ikina-iiyak niya. "Haven! Now don't get upset..." pang-aalo di
"I declare I don't see how anyone could be so clumsy." sabi ni Aries at walang kahirap-hirap siyang binuhat nito. "I guess my wife is too hungry and ran out of energy that she doesn’t want me to carry her in traditional way." Aries said casually and she heard the people around laughing. Nakatitig siya sa gwapong mukha ng asawa. She felt relieved. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman pero naging panatag ang pakiramdam niya sa bisig nito. Sometimes Aries bullies her and sometimes he cares for her. Alinman sa dalawa ang tunay na meron ito hinihiling niya na sana balang araw magkaroon din siya ng halaga dito. Maingat na ibinaba siya nito sa malambot na upuan na pang dalawahan at tumabi ito sa kanya. Medyo naiinis siya sa kumikislap na flash ng camera dahil masakit iyon sa kanyang mata. Pero si Aries hindi nito alintana iyon at mukhang sanay na sanay. "The son of the CEO takes his father's place." "The CEO's successor used to be the president but after the succ
"Sweetie, may ipapakilala ako sayo." nakangiting bungad ng ina ni Haven sa kanya sa sala na kinaroroonan niya. "Sino na naman, ma?" she asked. "Come here, Arnolfo." sabi ng ina niya. Nangunot ang noo ni Haven nang makita ang isang matanda na nasa edad sixty marahil ito. "Isn't she beautiful, Arnolfo? She's my daughter." Bagong lalaki na naman ba ng mama niya? "My! My pleasure to meet you! I'm Arnolfo Bautista" sabi ng matanda at inilahad nito ang kamay sa kanya pero hindi niya tinanggap iyon at tinignan lang. "Haven, huwag kang bastos sa bisita ko." her mom warned her at pinanlakihan siya ng mata. "I like her, Priscilla." sabi ni Arnolfo na nakaramdam siya ng pandidiri sa sinabi nito at nakikita niyang may mali sa sinabi nito. "Hindi mo ba kilala ang taong binabastos mo!?" galit na sabi ng ina at hinawakan siya ng mahigpit sa braso at kaagad din siyang binitawan. "H-hindi ko siya kilala at wala akong interes na kilalanin siya." "You!" akmang
Nang bumaba ang mga labi ni Aries sa kanyang puson ubod lakas niya itong pinagsusuntok sa mukha at pinagtatadyakan ang katawan nito! Kung kaya't humiwalay ang katawan nito sa pagkakadagan sa kanya at humiga ito sa tabi niya. Sapo ang nasaktang mukha nito! Napahiyaw ito! Wala sa sariling tumakbo siya palabas ng kwarto at tinungo ang balkonahe habang itinali niyang muli ang suot niyang roba. "Where are you going!" narinig niya na sigaw nito! Alam niyang nakasunod kaagad ito sa kanya. No! Hindi siya magpapahabol kay Marco! Hindi siya nito mahahabol mamatay muna siya bago nito makuha ang gusto nito! No! Hindi pwede! Napahawak siya sa railings, sumampa siya doon at akmang tatalon nang may mga kamay na yumakap sa kanyang baywang hinila siya nito at pabagsak silang napahiga sa sahig! "Bitawan mo ko, Marco! Mamatay muna ako bago mo makuha ang gusto mo! Bitawan mo ko! Paki-usap!" nagsisisigaw na wika niya habang walang tigil ang pagluha ng kanyang mga mata sa kanyang
It was cloudy, a little foggy and breezy. Haven gave a light hearted skip as she jumped out the bed and went to the bathroom to do her morning routine and after that she hurried to the kitchen to prepare breakfast. Nang makarating siya sa kusina walang bakas na may gumamit niyon. Tinignan niya ang laman ng ref. Nakita niyang may nagyeyelong karne, ham, bacon at kung anu-ano pa. Mukhang kalalagay lamang ang mga iyon kahapon. Nang matapos kasi ang kasal hindi na siya nag-abalang kumain pa ng pang gabi dahil busog pa siya. Hindi niya alam kung kumain na din si Aries kahapon. Bakit ba siya mag-aalala sa taong 'yon? Wala na siyang pakialam kung kumain na ito o hindi pa! Kaninang pagbaba niya ng hagdanan sumalubong sa kanya ang nakakabinging katahimikan. Hindi niya maramdaman ang presensya Aries. Where is he? Maaga ba itong umalis? O baka naman hindi pa ito nakaka-uwi simula kagabi? Pagkatapos ng argumento nila kagabi at nang magtungo na siya sa kwart
"Woman, where are you?" Natigil ang panginginig ng katawan ni Haven nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Aries? Mabilis niyang binuksan ang aparador mula sa loob na kinaroroonan niya at sumalubong sa kanya ang liwanag ng flashlight na hawak ni Aries at nakatutok sa kanyang direksyon. "Aries!" she shouted and ran over him and threw her arms around his neck. Sa ginawa Haven napa-atras ang mga paa ni Aries saktong nasa likuran nito ang kama napatid ang likod ng paa nito at nasama ang bigat niya sa katawan ng asawa, kasabay niyon sabay silang bumagsak sa ibabaw ng kama at nabitawan nito ang hawak na flashlight. Aries put his arms protecting her waist while Aries' feet were on the floor. Haven finds safety on Aries arms. Bagama’t si Aries nagulat sa pagyakap na iyon ng asawa sa kanyang leeg. He felt like someone's waiting for him to come back and misses him so much. He couldn't figure it out but it makes him feels good and comfortable. "W-what's