"Bakit ngayon ka lang bumalik?" tanong ni Sia kay Lyeei.
"Ang dami kong inasikaso sa America. Hindi pa agad ako nakauwi dahil laging na ca-cancel ang flight ko noon." natatawang sagot ni Lyeei.
Kababata ni Sia si Lyeei. Sila ang unang mag kaibigan pagpasok palang sa Unibersidad. Kaya nga lang ay agad ding umalis si Lyeei para asikasuhin ang naiwang bahay duon. After one and half year, ngayon lamang siya nakauwi ng Pinas.
Ngayon lang na-meet in person ni Lyeei sila Flynn at Cleo. Parati lang kasi sa video call ito nakikita ni Lyeei. Naging malapit naman ang dalawa kay Lyeei dahil sa sobrang bait nito.
"May pasalubong ka ba sa amin ate Lyeei?" nakangiting tanong ni Cleo.
Mas matanda si Lyeei sa kanilang dalawa ni Flynn. Samantalang si Sia naman ay halos kaedaran lang Lyeei.
"Ilang beses ko ng sinabi sa inyo na Lyeei nalang?" natatawang sabi niya.
Ayaw niya kasing tinatawag siyang ate lalo na kung kaibigan pa niya. Para sa kanya ay nakakailang ito. "May pasalubong ako, kaso nasa bahay pa. Pumunta lang ako rit para mag enroll at para narin makita ko na kayo," dugtong pa nito.
"At— este L-lyeei, may bago ring estudayante rito!" excited na pag kuwento ni Cleo.
Natahimik naman sa isang gilid sila Sia at Flynn.
"Oh talaga? Ano namang pangalan niya?" tanong ni Lyeei.
Iniisip ni Cleo kung sino iyong lalaking natipuhan niya, "Si Draco? David? Damon?—"
"Si Draven Adler," putol ni Sia kay Cleo. Tila ba kasi hirap na hirap ito alalahanin kung sino iyong lalaki.
"Parang familiar siya. Adler, huh?" tumatangong ulit ni Lyeei. Iniisip kung saan ito nabasa o nakita.
"Hay anyway. Hahatid ko na kayo, kanina niyo pa dismissal," pag iiba niya ng topic.
"Sabi ko sa inyo, eh! Kanina pa dismissal," parang naninisi ang tono ni Cleo.
Kapag uwian ang usapan kay Cleo sila madalas nagtatanong dahil malakas ang pakiramdam nito sa ganon.
Natawa nalang sa kanila si Lyeei. Sasabay nalang siguro si Sia kay Lyeei dahil kapit bahay naman niya ito.
"Nako, ngayon pa nasiraan!" inis na sabi ni Lyeei.
Naihatid na nila si Flynn at Cleo. Ngayon ay silang dalawa nalang ni Sia at nasiraan pa.
"Diyan ka lang Sia! Ako na ang titingin," pigil ni Lyeei ng mapansing lalabas na sana si Sia sa sasakyan.
BEEP!
"Need help?"
Napalingon agad si Sia at Lyeei sa dumating na sasakyan.
"Draven?" ani Lyeei.
"Oh. Hi Lyeei. Long time no see," walang emosyong sabi ni Draven.
Naguluhan bigla si Sia sa inasal ni Draven sa kaibigan. Maging si Lyeei ay parang nanlalata o tinatamad.
May kinausap si Draven sa loob ng sasakyan at tinaas na ang bintana ng kotse. Bumaba ang isang lalaki galing sa loob ng kotse. Tinignan niya kung anong sira sa makina at may kung anong inayos lang roon at ipinatesting kay Lyeei kung gagana.
"Salamat, Kuya!" sigaw ni Lyeei at kumaway pa bago mawala sa paningin nila ang sasakyan nila Draven.
"Kaano ano mo 'yon, Lyeei?" tanong ni Sia.
"Dapat na magiging fiancée ko," tipid na sagot ni Lyeei.
"Anong nangyari? Bakit hindi natuloy?"
Mas lalo tuloy na curious si Sia sa kwento nila ni Draven.
"Ayaw niya sa akin, at mas lalong ayoko sa kanya. Kaya pala kako parang familiar. Nalimutan ko na kasi. Siya din ang dahilan kung bakit biglaan ang pagpunta ko sa America," sagot niya.
Ikunuwento niya ang nangyari sa loob ng isang taon sa America habang nag dadrive siya pauwi.
Marami rami rin ang naikuwento niya kay Sia dahil palagi itong umaalis at may inaasikaso na kung ano sa bansang pinuntahan.
"Dito nalang ako Lyeei. Kung gusto mo batiin ang matatandang 'yon, nasa loob lang sila. Welcome ka naman rito anytime."
Nagpasalamat si Sia sa paghatid sa kaniya ni Lyeei. Agad siyang dumiretso sa kwarto niya at nagpalit.
Ano kaya ang pwede kong gawin bukas? Tinatamad akong uminom. Pero ayoko rito sa bahay.
Umiinom si Sia at nakikipag make out kapag nalalasing. Dala ng init minsan ng katawan dahil sa tama ng alak. Wala naman siyang pinagsisihan duon dahil enjoy naman siya habang ginagawa ang bagay na iyon.
Madalas din siya napapa away kapag nakakainom. Kung warfreak siya kapag nasa normal nakalagayan, mas doble pa nuon pag nalalasing siya.
One time, may sinapak siyang lalaki ng malasing siya. Buti nalang at hindi siya ginantihan nito.
Kung ano ano ang ipinapasok na gulo ni Sia mapa normal o lasing man ang kalagayan niya. Hindi mo gugustuhin makita siyang lasing. Mahirap siyang pigilan sa mga bagay na gusto niyang gawin kapag nalalasing.
"Ano kaya ang pwedeng gawin bukas?" tanong niya sa sarili habang nakatingin sa laptop.
"Samgyupsal?"
Nakipag facetime siya kila Cleo at Flynn para ayain ito bukas na mag samgyup malapit lang sa mall.
Agad naman pumayag ang dalawa dahil libre naman ni Sia.
"Girl! May goodnews ako! Ni-accept na ni Draven ang follow ko sa IG!" kinikilig na sabi ni Cleo sa kabilang linya.
"Gagawin ko? Mag paparty?" sarkastikong tanong nito.
Napairap nalang si Cleo, "Should I invite him tomorrow?" nakangit nitong tanong.
"Wow ha? In-accept lang ang follow request mo sa IG isasama mo agad? Tandaan mo, bonding nating magkakaibigan 'yun!" naiinis na sabi ni Sia.
Napanguso nalang si Cleo dahil hindi siya napagbigyan.
"Si Lyeei? Hindi ba siya sasama?" tanong muli ni Cleo.
"Nah. May gagawin pa siya bukas sa kumpanyan nila. Kailangan siya duon dahil kulang ang workers nila," sagot ni Sia.
"Ah ganoon ba? Sige na! Bye naaa."
In-end na ni Cleo ang call.
Napaisip bigla si Sia. Hindi kaya masasaktan ang kaibigan niya kapag nalamang ex fiancée ni Lyeei si Draven?
Sana naman hindi, ayokong magkaroon ng ayaw sa pagkakaibigan namin dahil lang sa lalaking 'yon."
Draven's
Sia's Turing nila sa akin, isang masamang tao na walang awa. Hindi naman ako ganoon. Sadyang may mga bagay lang na ayaw na ayaw kong ginagawa sa akin lalo na kung hindi ko naman kilala iyon. Tulad nalang ni Yenna na mukhang clown.
After ng Samgyup namin, napagpasyahan na din naman namin umuwi agad dahil nag iinarte na si Cleo. Hindi manlang namin na-enjoy masyado. Si Cleo kasi, pag pasok palang naminsa restaurant ay pinapapadalian niya na. Na weirduhan kami sa inakto ni Cleo kanina.
Draven's !!WARNING!!
"Where's my Mom?" walang emosyon kong tanong kay Lyeei. "Ugh," yumuko siya.
Sia's Hindi ko alam kung bakit rin ak
Si Cleo. "Stalker kaba niya, ha?" tanong ko muli
Gulat na gulat ang mga kaklase ko sa dumating. Ito kasing si Draven bigla bigla nalang pupunta rito sa room namin. "Ikaw ba ang bagong transfer rito?" tanong ng Prof namin.
SYLVESTER
"Syl, look at them. Sino gusto mo d'yan?"
SIA
DRAVEN
"Ma! Nagbibiruan lang naman, eh," sabi ko rito. Nagulat kasi kami parehas ni Adler ng dumating si Mama rito.
DRAVEN
THIRD PERSON
"Sia! Kung mamamatay man ako, gusto kong sabihin sa'yo... Paki sabi kila Mom, mahal ko siya!" sabi ni Adler habang nakakapit sa braso ko.
SIA