Sia's
Turing nila sa akin, isang masamang tao na walang awa. Hindi naman ako ganoon. Sadyang may mga bagay lang na ayaw na ayaw kong ginagawa sa akin lalo na kung hindi ko naman kilala iyon. Tulad nalang ni Yenna na mukhang clown.
Sabi nila, do what ever you want. Ngayong ginagawa ko ang mga bagay na gusto ko, masama na ako? Ang gugulo talaga ng utak ng mga tao.
Aaminin ko, masama nga akong tao. Pero may awa naman ako. Kung wala eh, dapat patay na si Yenna ngayon at pinagbuburulan na ng pamilya niya. Kaso walang nangyaring ganun, sinampal ko lang ng medyo malakas.
Kung tutuusin nga, mas worst pa ang ugali ko noon. Literal na masama. Maki pag make-out kahit kailan ko gusto. Mag inom kahit kailan ko gusto. Umuwi ng bahay kung kailan ko gusto. Samantalang ngayon, hindi na ako nakikipag make-out sa kung sino sino lang. Hindi na rin ako masyado pala inom. Palagi na rin ako umuuwi sa bahay after ng school. Hindi ko nga alam eh. Bigla nalang ba nag iba ang ihip ng hangin.
Hindi ko alam kung saan nakuha ni Yenna yung lakas ng loob niya para ipagsigawan niyang slut ako. The heck?! Hindi niya ba ako kilala? Tapos itong si Draven, na ex fiancée pala ni Lyeei, dumagdag pa. Iba talaga kutob ko sa lalaking 'yan, eh.
Sa ngayon, wala akong ginagawa. Mamayang hapon pa kami aalis nila Flynn para mag Samgyup. Nabuburyo na ako sa bahay.
Napagpasiyahan ko nalang na dumiretso sa malapit na park dito sa subdivision namin. Hindi naman ito kalayuan at hindi naman mainit kaya hindi ako nahirapan mag lakad.
Oh shot! Nakakita ako ng isang Red Tibetan Mastiff! The most expensive dog in the whole world. Sino ang mayaman at ma-swerteng nag mamay-ari nito?
Maliit palang ang aso. Lalapitan ko na sana siya ng biglang may nagsalita sa likuran ko, "Don't you ever touch my dog! Get out of my way!" sigaw ng bata sa akin.
Sa tingin ko nasa limang taong gulang palang ito. Siya yung may-ari ng Red Tibetan na 'to? Kaninong anak naman kaya 'to? Never ko pa siyang nakita rito sa loob ng subdivision.
"Oh. Akala ko kasi nawawala siya," paumanhin ko. Hindi naman ako pumapatol sa bata. Hindi naman ako ganon ka immature.
"Poodie! Come here, now!" madiing sabi ng bata. Umingit ang aso niya at parang ayaw nito sumama.
Umupo siya sa isang swing doon habang hawak hawak ang aso niya.
"Kanina kang anak?" tanong ko rito habang nakaupo sa see-saw.
"None of your business," masungit na sagot niya.
Kung kanino mang anak 'to, hindi siguro naturuan ng magandang asal ng magulang niya. Kung siguro ay nanatili ang ugali ko noon, baka kanina 'to bulagta sa sahig.
"How much is your Red Tibetan?" tanong ko. Interesado akong malaman kasi itong Red Tibetan ang pinakamahal na aso sa buong mundo! Imagine, kaharap ko ngayon.
"One million dollars. Wait— you want to buy my Poodie? It's not for sale, sorry." masungit na namang sabi niya sa akin.
Pag ako na demonyo tataob nalang bigla 'tong bata na'to sa kinalalagyan niya.
"Where's your parents, by the way?"
Nagisip pa siya kung nasaan nga ang magulan niya. Bata ba talaga 'tong kausap ko?
"Jett, let's go na." boses nga isang lalaki.
Nagulat ako ng makita si Draven. Siguro kapatid niya itong lalaki sa swing.
"Ay putangina!" napasigaw ako ng lumabas ang isang Amur Leopard sa likuran ni Draven.
Shit shit shit! Bakit may ganitong klaseng alaga sila?
"Palayuin mo na, dali!" kinakabahang tanong ko kasi papalapit na itong ng papalapit sa pwesto ko.
Mahinang tumawa si Draven ng habluti niya ang tali na nakasabit sa leeg ng pusa na iyon.
"Sabihin mo nga sa akin? Bakit kayo may mga ganiyang alaga, ha?" tanong ko at nakahinga ng maluwag.
"Ah. Itong alaga ni Jett na Red Tibetan, iniregalo lang sa kanya ni Mom. Ito naman si Misty, binigay sa akin ni Dad bago siya lumisan sa mundo," sagot niya habang hinihimas ang ulo ng Amur Leopard.
Hindi ako makapaniwala. Isang Red Tibetan Mastiff na nagkakahalagang ONE MILLION DOLLARS at isang endangered species na Amur Leopard? Edi sila na ang mayaman.
"By the way, my Dad is veterinarian," gustong pa niya.
'Hindi ako interesado'
Gusto ko sanang sabihin pero na c-curious ako. Nawala saglit ang bad side ko. Ewan ko ba, simula ng makita ko ang isang Red Tibetan Mastiff na ito, lumabas ang kaunting bait ko. Dati-rati kasi sa pictures ko lang ito nakikita.
"Baka may tinatago pa kayo diyan ha," pabiro ko sabi.
"Uhm, wala. Pero may isa pa kaming alagang hayop. Sea creature siya. Inaalagaan siya ni ate Shea sa ibang bansa," pag amin pa niya.
Sea creature, huh?
Natawa ako ng mahina, "Ano naman 'yun? Imported gold fish?"
"No, it's Carcharocles megalodon," sagot niya.
Pilit kong inaalala kung saan ko nabasa at nakita sa internet na iyon. Mahilig rin kasi ako sa mga hayop. Sadly, bawal sa bahay kasi may sakit yung matandang babae.
Nanlaki ang mata ko ng maalala ko ang Carcharocles megalodon na sinabi niya.
"T-totoo? Hindi ba't extinct na yung ganoong uri ng shark? Atsaka bakit inaalagaan niyo 'yon? Bawal 'yun ah!"
Carcharocles megalodon is Earth's largest known shark. Which went extinct million years ago. Halos kaya nitong sirain ng ilang segundo ang isang barko na ginagamit nang mga nanlalambat.
"Ate found itself by diving the deep ocean. Kahit na nabibingi na siya sa sobrang lalim ng dagat na iyon, kinuha niya ang maliit pa lamang na shark nuon," paliwanag niya.
Wow. Tangina ang lupit naman ng magkakapatid na'to.
"Ito nalang ang nag iisang Carcharocles megalodon sa buong mundo. Ikinulong siya ni Ate sa malaking aquarium na magkakasiya ang shark na iyon. Hindi pa naman siya ganoong kalakihan," dugtong pa niya.
Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang yaman naman nila kung ganoon. May Red Tibetan Mastiff, Amur Leopard, at Carcharocles megalodon.
Matatanggap ko pa sana kung ang alaga nila eh yung Red Tibetan, kase pupwede naman talaga alagaan 'yon. Pero ang isang Leopard na kayang lumapa ng tao at yung Carcharocles megalodon na kayang kumitil ng libo-libong buhay sa isang iglap lang? Ang hirap paniwalaan 'yon.
Nagpaalam naman na ako sa kanilang dalawa. Nag change ng oras si Cleo dahil may pupuntahan pa raw ito.
Habang nakasakay sa sasakyan ni Flynn iniisip ko pa rin ang sinabi ni Draven kung totoo nga ba talaga iyon.
After ng Samgyup namin, napagpasyahan na din naman namin umuwi agad dahil nag iinarte na si Cleo. Hindi manlang namin na-enjoy masyado. Si Cleo kasi, pag pasok palang naminsa restaurant ay pinapapadalian niya na. Na weirduhan kami sa inakto ni Cleo kanina.
Draven's !!WARNING!!
"Where's my Mom?" walang emosyon kong tanong kay Lyeei. "Ugh," yumuko siya.
Sia's Hindi ko alam kung bakit rin ak
Si Cleo. "Stalker kaba niya, ha?" tanong ko muli
Gulat na gulat ang mga kaklase ko sa dumating. Ito kasing si Draven bigla bigla nalang pupunta rito sa room namin. "Ikaw ba ang bagong transfer rito?" tanong ng Prof namin.
Humagalpak ako ng tawa sa sinabi niya. Kaya pala siya hindi bumalik sa room kasi, yung alaga niya. Hindi ko talaga napigilan ang tawa ko sa sinabi niya na 'yon. "Si Cleo kasi, yung ginawa niya sa akin. Hindi kumalma 'to," sabi pa niya sabay tingin sa
"Ano bang problema mo, Cleo? Sinabi ko ng wala, 'diba? Tangina naman," naiinis na sagot ko sa kanya.
SYLVESTER
"Syl, look at them. Sino gusto mo d'yan?"
SIA
DRAVEN
"Ma! Nagbibiruan lang naman, eh," sabi ko rito. Nagulat kasi kami parehas ni Adler ng dumating si Mama rito.
DRAVEN
THIRD PERSON
"Sia! Kung mamamatay man ako, gusto kong sabihin sa'yo... Paki sabi kila Mom, mahal ko siya!" sabi ni Adler habang nakakapit sa braso ko.
SIA