Chapter: Kabanata 13Kabanata 13Mali“Auntie Sam!”Halos mapatalon ako at sakto ang pagtawag ni Auntie sa amin ngayon.“Oh, bakit? Namiss mo ako ano?” tanong ni Auntie Sam sa kabilang linya na bahagya pang tumawa.Taliwas ang nararamdaman niya sa nararamdaman ko ngayon. Mukhang masaya ang Auntie pero ako dito nakikipagdiskusyon huwag lang siyang hayaang masaktan. Handa na sana akong sabihin kay Auntie Sam ang mga nalalaman ko tungkol kay Xander tutal nandito na rin naman pero may biglang humablot ng telepono mula sa pagkakahawak ko. Nang tignan ko kung sino iyon ay natagpuan ko ang seryosong mga mata ni Manang Jasmin na nakatingin sa akin. Hawak na niya ngayon ang wireless telephone namin at nakatapat na iyon sa isang tenga niya.“Hello, Sam? Kamusta ka diyan?” biglang sabi ni Manang sa telepono.“Ayos naman kami dito--- Oo ayos lang siya. Naaalagaan din naman si Xander dito---- Kailan ka ba uuwi?”Hindi ko makuhang makagalaw man lang dahil kahit kausap ni manang ang auntie ko, sa akin nakatutok ang mga
Huling Na-update: 2023-07-16
Chapter: Kabanata 12Kabanata 12Gold diggerSaglit akong natigilan sa ipinaratang niya sa akin. Kitang-kita ko ang apoy ng galit sa kanyang mga mata habang matalim akong tinitignan. Bakas na bakas sa mukha niya ang muhi. Idagdag pa dito ang madungis niyang mukha. Napansin ko rin ang ilang galos sa pisngi niya.“Ano? Hindi ka makapagsalita? Dahil totoo? Totoo, hindi ba?! Totoong gusto mo akong mapahamak!”“Oo!” balik sigaw ko sa kanya.Bakas sa mukha niya ang gulat pero hindi pa rin ako binibitawan. Umalpas ang ngisi sa sa labi ko. Alam kong nakita niya ‘yon dahil hinigit niya ulit ako pagkatapos ay hinigpitan ang pagkakadiin ng kanyang kamay sa braso ko. Bahagya akong napangiwi sa sakit pero ininda ko iyon para mapaikita ang talim ng mga mata ko sa kanya dahil sa galit!“Paano kung sinadya ko ngang ipahamak ka sa bundok? May magagawa ka?”“Airina!”Napalingon ako sa sumigaw sa pangalan ko. Nang tignan ko kung sino iyon ay si Manang Jasmin pala na bakas rin ang gulat sa kanyang mukha. Katabi niya ay si Pe
Huling Na-update: 2023-07-10
Chapter: Kabanata 11Kabanata 11PurposeDumodoble na ang kaba sa dibdib ko habang nagpapalinga-linga sa paligid. Nasa ituktok na ako nang bundok nang makumpirmang hindi pala siya nakasunod sa likod ko. Sh*t! Where is he?Bumalik din ako sa dinaanan ko kanina para hanapin siya pero walang Xander ang nagpakita sa akin! Pabalik-balik ako sa pwesto namin kanina kung saan kami nag stop over para kumain pero wala rin siya doon. Bumalik na kaya ‘yon sa ilalim ng bundok? Tumingin ako sa pambisig kong relo. It’s exactly 5:15 pm. Kaya pala medyo dumidilim na rin ang paligid.Kumalma ako pagkatapos ay nagdesisyon munang bumaba ng bundok. Baka naman kasi nauna na siya di ba? Hindi lang niya ipinaalam sa akin kasi alam niyang kabisado ko ang bundok ng San Guillermo.Natatanaw ko na ulit ang paanan ng bundok nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Nagtakip ako ng ulo ko gamit ang dalawa kong kamay para maiwasan ang ulan pero wala ring silbi ‘yon dahil sa lakas ng buhos nito. Tinakbo ko ang distansiya mula sa paa
Huling Na-update: 2022-10-07
Chapter: Kabanata 10Kabanata 10Gone“Are you ready? Hindi naman tayo magtatagal doon.”Umalis ako mula sa pagkakasandal sa pintuan kung nasaan ang kuwarto ni Auntie Sam. Na nagsisilbing kuwarto rin ngayon ni Xander.Naglakad-lakad ako sa loob ng kuwarto para pagmasdan kung may nagbago ba. Kulay puti, beige, at vintage brown ang kulay ng kuwarto ni Auntie na halata sa hitsura ng kuwarto ang isang dalagang milyonaryo. I smirked. That’s my sophisticated Auntie anyway.“Ano bang kailangang dalhin? Ito ang unang beses na aakyat ako sa bundok.”Tumayo siya mula sa pagkakahiga pagkatapos ay kinuha ang bag na nasa gilid ng drawer sa gilid lang din ng kama. umupo siya sa swivel chair na nandoon pagkatapos ay tinignan ang laman ng bag. Iyon siguro marahil ang inihanda niyang dadalhin niya para sa lakad namin ngayon.“Ano ‘yan? Mag ca-camping ka ba?” hindi ko alam pero kusang napataray ang boses ko doon.Inayos ko ang lukot sa mukha ko nang tignan niya ko at napatigil sa pagkakalkal. Umupo ako sa gilid ng kama par
Huling Na-update: 2022-09-09
Chapter: Kabanata 9Kabanata 9ProfileNakatulala akong nakatingin sa kaledaryo na nakasabit sa pader dito sa sala namin malapit sa t.v. Bumuntong hininga ako nang makitang anim na araw pa bago umuwi si Auntie. Bakit pa kasi siya nag extend eh!Pabagsak akong umupo sa sala pagkatapos ay kinuha ang remote na nasa glass table ng sala pagkatapos ay binuksan ang t.v para manood. Nang makitang walang magandang palabas ay pinatay ko na agad ang t.v. pagkatapos ay napagpasyahan na tumayo at lumabas ng mansiyon.Bibisitahin ko sana si Coleen kung gumaling na ba siya pero I decided not to. Mahirap pa naman at may pagkamasungit si Tito. Tatawagan ko nalang siya mamaya sa telepono para kamustahin kung ayos na ba ang pakiramdam niya. May pagkamatigas pa naman ng ulo ‘yong bestfriend kong ‘yon.Kumuha ako ng isang kabayo para bumisita sa rancho. Weekend naman kaya walang alalahanin sa school. Isa pa nababagot na akong laging nasa bahay na lang lalo pa kapag lagi kong nakikita ang lalaking ‘yon na pakalat kalat sa man
Huling Na-update: 2022-08-30
Chapter: Kabanata 8Kabanata 8 Kaduda-duda Lumipas ang isa o dalawang araw ay hindi yata ako pinapansin ni Xander. Madalas din siyang umiwas sa akin na tinataasan ko lang ng aking kilay. Why? Disappointed that I ruined his call with my Auntie? Masama ba ang ginawa ko? Mukhang hindi naman. I smirked when I entered the kitchen but he leaves immediately even if I notice that he’s not done yet with his meal. May natira pang kaunti doon. Napansin ko ang pares na mga mata na nakatingin sa akin na si manang. “Nag-away na naman ba kayo ni Xander?” tanong ni manang. Bahagya kong itinaas ang isang kilay ko pagkatapos ay nagkibit balikat. Umupo ako sa katapat na upuan ni Xander. Nakita ko sa peropheral vision ko na tinitignan pa rin ako ni manang. Pumunta siya sa harapn ko pagkatapos ay bumuntong hininga at umiling-iling. “Alam mo ayaw ng Auntie mo ang ganyan. Kaya rin siguro nabanggit sa akin ni Xander na gusto na niyang bumalik ng maynila ay dahil sa’yo.” Naitaas ko ang isang kilay ko sa sinabi ni manang. S
Huling Na-update: 2022-08-09