author-banner
Line_Evanss
Line_Evanss
Author

Novels by Line_Evanss

Love on the Chilling Breeze

Love on the Chilling Breeze

Bianca Samonte is a famous college instructor in department of nursing. Pinili niyang magturo kaysa ituloy ay propesyon bilang isang nurse dahil sa trahedyang nangyari noon sa kanya. Naging mailap sa lalaki, dahil rito sa edad na bente-nwebe anyos ay tinanggap na niyang tatanda na siya ng dalaga. Ngunit nagkamali siya sa iniisip nang alukin siya ni Mayor Madrigal na maging tutor at personal assistant ng kanyang nag-iisang tagapagmanang anak na si Darius Rhyl Frio Madrigal na nasa ika-apat na taon sa kolehiyo bilang isang civil engineering student. Kararating lamang nito ng bansa at doble ang pag-iingat sa kanya dahil ito ay may amnesia dahil sa kinasangkutan na trahedyo noong bata pa. Marami nang natanggal na personal assistant ni Darius dahil kalaunay nagiging babae niya na ang mga ito at iyon ang labis na ayaw ni Mayor Madrigal. Sa isip ni Bianca na malayong matutulad siya sa mga babaeng iyon dahil malayo ang agwat ng edad nila. 'Di hamak na mas matanda siya ng limang taon kay Darius. Bianca was confident na kaya niyang sanggahin ang lahat kapilyuhan at kalandian ng binata, ngunit kalaunay unti-unti na itong bumibigay sa karisma na hatak ni Darius. Laging may pangamba sa kanyang isip na makakasama ito sa kanyang iniingatang trabaho at imahe sa lipunan. Iniisip din ni Bianca na masyadong malayo ang edad nilang dalawa at maraming tao na huhusga sa kanila. Mapaglaro ang tadhana, na ang kahapong bangungot ni Bianca ay muling bumalik sa pagpasok ni Darius sa kanyang buhay. Na ang lalaking pinaglilingkuran niya ngayon ay siyang bata na kasama niya noon nang mangyari ang isang malagim na trahedya. Paano kung unti-unting mauungkat ang kahapong bangungot na sisira sa kanyang pagkatao at ang nabuong pagmamahalan nila ni Darius? Taktakbo ba siya uli o lalaban na para sa hustisya at pag-ibig?
Read
Chapter: Kabanata 4.2 Careful
[ Nakapasok na siya Boss sa mansion ng mga Madrigal. Mukhang nagkrus muli ang kanilang landas. Anong plano niyo po?"] Pagtatala ng isang espiya sa kangyang amo matapos makitang nagpunta na nga si Bianca sa Mansion ng mga Madrigal.[Hayaan muna natin silang magsaya. Dahil sa huli sa akin pa rin ang bagsak ni Bianca. Tatapusin ko ang sinimulan ko noon sa kanilang dalawa] at tumawa nang malakas ang amo ng espiya sa kabilang linya.[Siguraduhin mong hindi ka mahahalata ni Bianca at lalo na si Darius. Darating ang araw, magbabayad ang lalaking 'yan sa paglalayo niya sa aking pinakamamahal na Bianca] at ibinaba na ng misteryosong amo ang tawag.Samantala ay nag-isip ang espiya ng paraan upang mas mapalapit pa siya kay Bianca para makita ang mga galaw nito.[Ano po ang susunod na hakbang ang ating gagawin? Ngayong magkalapit na naman ang dalawa?] tanong ng espiya.[Anak ka ng putcha! Sabing bantayan muna sila! Lalong lalo na si Bianca. Kay tagal kong naghintay upang tikman siya. Nakakaulol an
Last Updated: 2023-05-28
Chapter: Kabanata 4.1 Contract
Naramdaman ko ang pagdampi ng ilong ni Darius sa aking pisngi. Kasunod ay ang paghaplos nito sa aking tenga at bumulong na halos ika nginig ko."I'm gonna kiss that seductive lips, someday." Sensual na sambit ni Darius. Buong lakas ko namang tinulak siya ngunit nabigo ako nang hilain niya ako."I'm gonna make you scream my name. Someday Miss Samonte." Seryosong sambit ng binata saka ako pinakawalan nang malumanay."You are crazy, Darius! You can't think like that! I'm your tutor, I'm older than you and we have boundaries. This is not right and will never be! Kaya itigil mo 'yang kabaliwan mo. Maghanap ka ng mga kaedad mo at huwag ako ang guluhin mo!" Asik ko at dali-daling umalis palabas ng gate. Napagpasyahan ko na dumiretso muna sa aming bahay upang ayusin ang mga gamit na dadalhin ko sa headquarters ng mga Madrigal. Habang nag-iimpake ay kausap ko si Eleanor sa kabilang linya."Hindi mo ba naisip na parang nag-rereplay kang dati ang mga nangyayari noong teenager palang siya?" Tano
Last Updated: 2023-02-04
Chapter: Kabanata 3.2 Taste your lips
"Antatanda niyo na nakuha niyo pang magsuntukan dahil lang sa basketball na 'yan." Sermon ni Eleanor sa mga estundyanteng engineer nang makapasok ito sa loob ng infirmary. "Ma'am Reyes, 'yong mga marine students po ang nauna. Dumepensa lang po kami" pangangatwiran ni Derrick at ngumiwi ito nang sumakit ang pilay. "Kahit na. Graduating students na kayo dapat ay umiiwas na kayo sa gulo. Gusto niyo bang hindi magtapos ng maaga? Imbes award ang makuha niyo! Ayan bugbog ang abot niyo!" Ngitngit ni Eleanor kaya nilapitan na ko na siya. Nagkaroon kasi ng gulo kanina habang ginaganap ang elimination round sa basketball. Dahil nga mainit ang laban ng engineering department at marine department ay nauwi sa suntukan ang laro. "Eleanor, hayaan mo munang magpagaling ang mga estudyante mo. Saka mo na sila sermunan kapag ayos na sila" pagpapakalma ko sa kaibigan at hinikayat na lumabas na muna ito. "Ako nang bahala muna sa mga studyante mo." Pagmamabuting loob ko. "Sige. Basta sinasabi ko
Last Updated: 2022-11-21
Chapter: Kabanata 3.1 Job
Napabuntong hininga ako nang makitang mag-ala singko na ng hapon. Usapan kasi namin ni Eleanor na magkikita kami sa baba ng engineering department para isauli ang black suit ni Daniel. 'Di katagalan ay nakita ko na ring pababa ito. Nakita kong nakangisi ng nakakaloko ang kaibigan. "Umayos ka Eleanor. Kung may binabalak ka man, itigil mo na'yan" at inilabas ang paper bag na pinaglagyan ko ng suit. Tumaas kilay ni Eleanor "Nako Bianca, hindi ko iaabot 'yan. Ikaw ang mag-abot dahil ikaw mismo ang pinahiraman" "Minsan, ang hirap mong paki-usapan talaga. Pero sige, ako na ang mag-aabot" usad ko at excited naman akonh kinaladkad ni Eleanor paakyat. Maingay ang mga takong namin na binabagtas ang hagdan na para bang nagmamadali. Nasa hallway na kami papunta sa office nang makasalubong namin ang grupo ni Hazel. Imbes na batiin kami bilang paggalang ay nagparinig pa si Hacel ng makahulugang linya. "Humahanap talaga ng paraan para magpapansin. So desperate." Madiin na hayag niya at nakating
Last Updated: 2022-11-20
Chapter: Kabanata 2.2 Hacel
Buong byahe ay nakatulog ako sa balikat ng kaibigan. Sinabihan na gisingin na lang ako kapag malapit na sa mismong site. Lingid sa kaalamaan ko na buong magdamag na nakamasid si Darius saakin at may malalim na iniisip ang binata. "Please huwag, Rhyl. Ibaba mo ang baril" nagmamakaawang saad ko nang itutok ng bata ang baril sa lalaking nasa likod niya. Duguan si Rhyl pati na rin ako dahil sa mababato at matatarik na lugar na dinaan namin para lang takasan ang aming kalaban. "Iputok mo, bata. Napakahina mo naman!!" Saka humalakhak ang lalaking parang hayop na tumitig saakin. Nakita ko ang namuong puot sa mata ni Rhyl at naging blangko ang ekspresyon. Narinig ko ang pagkalabit ng batang lalaki sa gatilyo ng baril. Agad nanlaki ang mata ko kasabay ng pag-agos ng aking mga luha. "Huwaaaag!!!" Nagising na lamang ako na pawis na pawis. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at basa ito, umiyak ako? Tanong ko sa sarili. Mabilis ang pagtaas baba ng aking dibdib. Ngunit mas nagulat ako
Last Updated: 2022-11-11
Chapter: Kabanata 2.1 Gentleman
Hindi na ako sinundan pa ni Darius sa loob ng Casa Real kahit pa malapit sa kaniya ang mga ito at puwede siyang pumasok anumang oras niya gustuhin. Kilala ang mga Real at Madrigal bilang isa sa mga maimpluwensyang tao sa kanilang lugar at respetado ninuman. "Bianca! Finally, you are here na!" Eksahiradang saad ni Celestine Real isang ganap na lawyer, nang makitang papasok ako na ng Casa. "Sa wakas nakauwi ka na" ngiting balik ko sa kaibigan. Mag-iisang taon na kasi itong hindi umuwi dahil sa patong patong na kasong hinahandle niya. Agad na niyakap ko ito at tuluyan nang pumasok sa loob. Sa higanteng double doors ay makikita mo na ang karangyaan ng pamilya Real. Apat na malalaking gusali ang nagsisilbing haligi ng buong mansyon at may nakaukit na mga kadaanang disenyo at ang mahabang hagdanan ay dinamitan ng pulang carpet. Mga nakakaakit at nagsisikihang na chandeliers ang bumubungad sa paningin ni Bianca. Umupo ang dalawa sa sofa at nag-umipisang kumain ng red forest na cake.
Last Updated: 2022-11-11
Make Him Better in 370 Days

Make Him Better in 370 Days

Jaxon Rayleigh Laxamana ay isa sa tinaguriang hottest and powerful bachelor sa bansa. Matalinong businessman, misteryoso, at kilala rin bilang isang magaling na engineer sa loob at labas ng bansa. Ngunit isang malagim na trahedya ang makakapagpabago sa kanyang buhay. Siya ay naparalisa, naging mahina at itinago ng kanyang pamilya sa loob ng mansyon upang ilihim sa lahat ang nangyari dahil lubos na makakaapekto sa mga taong nasasakupan niya at sa kanyang career. Shantal Alleiah Magnayon, ay isang fresh graduate criminology student at kilala din sa larangan ng taekwondo dahil sa mga napanalo niyang medalya sa labas ng bansa. Akala niya ay magkakaroon siya ng normal na buhay at trabaho sa oras na siya ay nakapagtapos. Ngunit kakaibang trabaho ang ibinigay sa kanya ng kanyang tiyuhin na isang higher official. Papasok siya bilang private nurse ni Jaxon Laxamana at tutulungan niya itong gumaling sa loob ng 370 days. Dahil kapag hindi nagawa iyon ni Shantal, ay tuluyan nang mawawala kay Jaxon ang lahat. Ang kanyang kayamanan, tauhan at kapangyarihan. Ano kaya ang matutuklasan ni Shantal sa misteryosong nangyari kay Jaxon kung bakit ito naparalisa at nawalan ng kridibilidad. Paano matutulungan ni Shantal si Jaxon para makabalik sa dating sitwasyon ang binata? Will she able to help Jaxon and retrieve all his wealth and strengths or she will fail him? Will she be able to make him better in 370 days?
Read
Chapter: Kabanata 8
Dabog [Tito, may ipinadala akong e-mail sa iyo. Pwede po bang atin atin muna ang tungkol sa malalaman mo?] Hatinggabi na at andito ako sa labas ng mansyon at palihim na kinakausap si tito tungkol sa mga nalaman ko nitong mga nakaraang araw. [Makakaasa ka, Shantal. Ang hiling ko lang ay mag-iingat ka sa misyon mo. Marami ang gustong pabagsakin si Jaxon] paalala ni tito. Napasinghap ako at umupo sa malaking bato na nasa likuran ko. Hindi ako basta bastang makakakilos kung maraming bantay at lalo na kung nariyan si Ms. Felicia. May kung ano sa awra niya na hindi ko gusto. Mapanganib siya at may idudulot na hindi maganda kaninuman. [Gusto ko rin ng private investigation kay Zebiarrha, tito. Mahirap man ito ngunit may mga ikinikilos siyang hindi maganda.] [Mag-iingat ka Shantal. Maraming kaaway na gustong pabagsakin si Jaxon at ikaw mauunang mapapahamak dahil ikaw ang pinakamalapit sa kanya ngayon.] Nang matapos ang usapan namin ni tito ay napatingin ako sa kawalan. Nag-iisip kung a
Last Updated: 2024-02-08
Chapter: Kabanata 7
Hug "Jaxon, ako ito si Shantal. Iyong sinabitan mo ng medalya noon. Sana maalala mo ako. Ako ang mag-aalaga sa'yo" malambing kong sambit nakita kong pumungay ang ekspresyon niya habang hinahaplos ang dulo ng buhok ko. Nakita kong kumunot ang mata niya na para bang may hinahanap saakin. "Hinahanap mo ba ang white cap? Isusuot ko iyon sa susunod." Usal ko. Nagulat ako nang bigla siyang umalis sa pagkakadagan saakin. Lumipat siya sa kabilang pwesto ng kama at umupong ulit na tulala. Tingin ko ay ayaw niya ng kasama sa ngayon. "Liligpitin ko lang ang mga kalat mo at iiwan na muna kita para makapagpahinga ka. Babalik ako ulit dito mamaya." Palihim ko ring kinuha ang syringe at gamot na tinuturok sa kanya. Kailangan kong malaman kung ano ang mga ito. Nang matapos na akong magligpit ay pinuntahan ko siya para tignan muli. Nakita kong mahimbing na siyang natutulog. Lumapit ako at kinumutan siya. "Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tulungan kang gumaling. Makakaasa ka saakin." Kitang
Last Updated: 2023-06-17
Chapter: Kabanata 6
True people "Kahit na, Shantal! You should be more careful! Hindi mo puwedeng gawin ang basta lang pumasok sa utak mo!" Habol na hayag ni Vaugh. Umiling lang ako at iniwan na siya roon. Lumipas ang ilang oras at naghihintay akong lapitan ni ms. Felicia para sermonan ngunit walang naganap na ganoon. Nang dumaan si Vaughn sa harap ko ay iritang mata ang ipinukol niya saakin. Samantalang nakangising nakakaloko ang kasama niya. Tumango lang ako at iniwas na ang tingin sa kanila. Alam kong may mali akong nagawa. Ngunit para din iyon sa ikabubuti ni Jaxon. Hindi habangbuhay ay masasanay siya sa ganoong ayos. Dapat harapin niya ang mga bagay na mas kumplekado. Hindi siya gagaling kung lahat ng dito sa mansyon ay ituturing siyang lumpo at mahina. "Miss Magnayon?" Napitlag ako nang tawagin ako ng nakababatang babaeng kapatid ni Jaxon. "Yes, ma'am Jessica?" Natulala ako sa ganda niya. Para siyang banyagang modelo. Malamig siyang tumitig saakin. Agad akong kinabahan. "Follow me. May sasabi
Last Updated: 2023-06-16
Chapter: Kabanata 5
Playing gamesMaaga akong nagising upang aralin ang pagsusuot ang white cap sa buhok ko. Nagulat rin ako nang kasya saakin lahat ng puting uniporme na inabot ng mga kasambahay saakin kahapon. Mas lalo na ang puting pants, na kuhang kuha ang hubog ng balakang at binti ko.Kakausapin ko rin mamaya si Vaughn. Ang sabi niya saakin ay uuwi muna siya sa mansyon nila rito dahil may aasikasuhin siya sa kanilang kompanya. Gusto kos siya pasalamatan dahil sa pag-aasikaso niya ng mga kailangan ko hanggang sa makarating ako rito sa Batanes.Napili kong bumaba sa kusina para magtanong sa mga kasambahay. Since sila ang unang nakasama ni Jaxon ay alam kong mas marami silang alam tungkol sa kanya. "Magandang umaga po sa inyo" tipid kong bati at ngumiti sa kanila.Nakita kong nahihiyang ngumiti ang iba at ang iba naman ay marahang tumango lamang. Lumapit ako sa kanilang mayordoma upang sana'y magtanong kay ms. Merceda."Sumama ka saakin, ms. Shantal at pag-usapan natin ang mga dapat at hindi dapat na
Last Updated: 2023-06-04
Chapter: Kabanata 4
Nurse"Ano? Pupunta ka ng Batanes?" Ilang ulit nang tanong saakin ni Zebia. Naisip kong sabihin manlang ang totoong lokasyong pupuntahan ko dahil nakakaramdam ako ng konsensya sa pagtatago nitong misyon ko. "Iba talaga kapag social reseacher. Kung saan-saan nakakagala." Komento naman ni Mona at ininom ang milkshake niya. Sa impormasyong nabasa ko. Nasa Batanes nagpapagaling si Jaxon. Doon napagpasyahang itago siya ng kanyang mga magulang. Malayo sa syudad at media, malayo sa realidad. Ayon kay tito iilang katiwalang kasambahay lang ang naroon at pati na rin ang ibang mga kasama. Bukas ako aalis dito sa Manila, sa ngayon kailangan ko munang umaktong normal. Dahil ayokong makatunog ang mga kaibigan ko o sinuman sa misyong ito. Gusto kong isipin nila na normal lang ang gagawin kong trabaho. Si Vaughn ang maghahatid saakin sa Batanes. Sasakay kami ng private plane nila dahil kung babyahe kami by land ay baka isang araw pa bago kami makarating doon. Napansin ko na on-hands siya sa pag-
Last Updated: 2023-05-21
Chapter: Kabanata 3
370 Days"Aray!" Napangisi ako sa sigaw ng ka-sparring ko "Okay, you stop!" Utos ni Sam at tinatapik na ang sahig, hudyat na tinanggap na ang pagkatalo. May narinig akong palakpak sa madilim nasulok ng gym."Napaka galing talaga, Shantal" ngiti ni tito. Bumaba ako para lapitan siya. "Kumusta ka na? Hindi ka na dumadalaw saamin. Nagtatampo na si Timo sa'yo."It's been six months nang makapasa ako sa board exam at napagpasyahang bumukod na kila tito. Napili ko na ring magtrabaho bilang isang social researcher kaysa ang magtabaho sa mismong field ng kurso ko. Gusto kong mabuhay nang hindi na umaasa kina tito at tita kaya minsan na lang ako dumalaw roon para hindi na kulitin ni Timo na bumalik sa kanila.Alam kong hindi pagdalaw saakin ang sadya ni tito. Kundi trabaho na matagal niya nang sinasabi saakin noong hindi pa ako graduate. Isa rin sa dahilan kung bakit ako umalis saamin dahil sa madalas na pagtatalo nila ni tita tungkol sa pera at trabaho."Tito, kung 'yong traba--""Yes. And th
Last Updated: 2023-05-18
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status