READ AT YOUR OWN RISK!!! MAFIA BOSS SERIES 1. Black Diamond MAFIA Organization- Xerxex Helger - Mr. X Kailangan ni Apol ng pera kaya naman ng alukin siya ng trabaho ay pumayag siya agad. Malay ba niya na ang trabaho na inaalok sa kanya ay hindi ordinaryong trabaho lang kundi ang maging- Ikalimang asawa ng isang Mafia Boss! Matakasan kaya niya ang kapalaran bilang The Fifth Wife? O matutulad siya sa mga asawa ni Mr. X na biglaan ang pagkamatay?
View MoreKANINA pa tulala sina Ivy at Fredo habang kaharap si Charlotte. Nag-unahan pa ang dalawa para i-abot sa dalaga ang isang baso ng juice kay Charlotte. “Ano ba, pwede ba tumigil na nga kayong dalawa!” Isa ito sa dahilan kaya hindi gusto ni Charlotte na ipaalam sa iba na isa siyang Helger, nagbabago ang trato ng mga tao sa kanya. Nakangusong umupo ng maayos ang dalawa. “Miss Helger, bakit hindi mo naman sinabi agad na ikaw pala ay tunay na Helger. Tinuring ka namin na ka-level lang namin, n-nakakahiya naman.” Bumuntonghininga si Charlotte at matamlay na tiningnan ang dalawa. “This is the reason why I couldn’t tell you about this. Hindi ninyo ako kakaibiganin at magiging ilag kayo sa akin… and this is I hated the most. Special treatment is different than having a friends. Napapahiyang tumungo ang dalawa. Tama si Charlotte, nag iba bigla ang kanilang tingin rito— na hindi naman dapat dahil kaibigan nila ito. “Pa-Pasensya ka na, Charlotte… hindi nagulat lang talaga kami. P-Pero
“A-ano? H-hindi ko niloloko si Johnson!” Agad na binura ni Claudine ang history call sa kanyang cellphone, at malakas na sinampal ang kanyang sarili ng makarinig ng yabag. Inuntog pa ng dalaga ang ulo sa pader ay pinunit ang suot na dress. “A-ano ang ginagawa mo, Miss—“ “L-Love!” Lumuluhang tawag ni Claudine sa lalaking nasa likuran ni Hernan, si Johnson, “a-ang lalaking iyan, p-pinagtangkaan ako gahasain… m-mabuti na lamang at d-dumating ka…” umiiyak na gumapang pa si Claudine, pinag igihan ang kanyang pag iyak para maging kapani-paniwala. “H-hindi iyan totoo… n-nagsisinungaling siya, Mr. Darmilton—“ malakas na napaigik si Hernan ng makatikim ng malakas na suntok kay Johnson. “M-Mr. Darmilton…” hindi makapaniwala ang binata na gano’n na lamang kabilis paniniwalaan ng kanyang amo ang drama ng babae. “I trusted you, bastard! Magbabayad ka sa ginawa ko sa mag ina ko!” Muling sinuntok ng binata si Hernan, nangangalit ng panga ni Johnson sa galit… nasa mukha pa ang pagpipigil. “
Nang may kumatok sa kwarto ni Charlotte ay agad pinahid ng dalaga ang luha. “Ma’am Charlotte, oras na para maghapunan, hinihintay ka na nila Ma’am at Sir,” tuloy ng kasambahay sa magulang ng dalaga. “I-I’ll go ahead, sige na makakaalis ka na,” aniya. Inayos ni Charlotte ang sarili bago bumaba, nang makita ng dalaga ang magulang ay agad na nagpaskil siya ng ngiti sa labi. “Hi, mom, dad. Hmm, mukhang maganda ang mood ninyo ngayon. Ano ang mayro’n?” Kanyang tanong ng makita ang kakaibang kislap sa mukha ng magulang. Nagkatinginan ang mag asawa, ang ngiti sa mukha ng ginang ay lalong lumaki. “We decided na ipakilala na kayo sa isa’t isa ng mapapangasawa mo anak. Tutal pumayag ka na maikasal sa kanya in the next two months. Bakit hindi ninyo kilalanin ang isa’t isa? Mas mainam iyon para hindi kayo maging estranghero sa isa’t isa sa oras na magsama na kayo.” “Tama ang mommy mo, anak.” Segunda ng kanyang ama, bakas ang labis na kaligayahan sa mukha. “Mas mainam nga iyon… so kaila
“Mr. Darmilton, may appointment meeting ka after lunch kay Mr. Limop—“ “Cancel it,” agad na putol ni Johnson kay Hernan. “Pero, Mr. Darmilton, mahirap kumuha ng appointment kay Mr—“ Malakas na hinampas ni Johnson ang kamao sa kanyang office table. “Cancel it because I say so! Wala akong pakialam kung anumang alibi ang sabihin mo! Just cancel all my appointments today and the next damn day! Fvck!” Tumango na lamang si Hernan habang napapalunok ng laway. Napansin ng binata na halos isang buwan nang wala sa mood ang kanyang amo. Kung noon ay tolerable pa ang kasamaan ng ugali nito, ngayon ay hindi na. Halos lahat ng empleyado ay takot ng lumapit sa binata, makita pa lamang ito ng mga tauhan ay nagkukumahog nang tumakbo palayo. Napasabunot sa buhok si Johnson. He succeeded in getting revenge, but why isn’t he happy despite of everything? Bakit hindi niya magawa na maging masaya? He planned this… he wants it… “T-Tangina!” Malakas na hinampas ng binata ang kamao ng paulit-ulit sa m
Malamig na pinukol ng tingin ni Johnson si Charlotte. "Anong 'tayo?' Walang tayo, Charlotte. You seduced me that's why we ended up in bed. Pero hindi iyon katulad ng iniisip mo," may diing sabi ng binata. "Ano ang gusto mo? Porke naghubad ka sa harapan ko ay babalik tayo sa dati? Oh come on, Charlotte, hindi na tayo mga bata." Pagak na natawa ang binata, may panunuyang tumingin ito sa dalaga. "Like I told you before, you will regret for seducing me. Hindi ko na kasalanan kung naghubad ka sa harapan ko at pinatulan kita. Ginusto mo ito, Charlotte... walang ibang dapat sisihin rito kundi ikaw," paninisi pa ng binata. "J-Johnson..." lumapit si Charlotte kay Johnson, nagmamakaawang yumakap ang dalaga rito. "P-Please, w-wag mo akong iiwan... Oo, inaamin ko na inakit kita, pero aminin mo rin, mahal mo pa ako... naramdaman ko iyon sa bawat araw na magkasama tayo, kaya wag mong sabihin sa akin iyan... p-please, nakikusap ako... ako ang piliiin mo..." "Then what do you want me to do? Iwan
Inalalayan ni Sonnie si Charlotte hanggang sa makasanay ng kotse nito. Iyak ng iyak si Charlotte, sobrang nasasaktan siya... para siyang kakapusin ng hininga. "A-ang sakit... p-paano niya nagawa 'to sa akin?" Hindi maintindihan ni Charlotte... okay naman sila ni Johnson bago ito umalis... masaya pa silang magkasama, ramdam niya na may puwang pa siya sa puso ng binata... kaya bakit? "Charlotte..." awang-awa si Sonnie rito. "N-napakasakit, Sonnie! S-sana h-hindi ko nalang siya hinabol... h-hindi ko na sana narinig pa iyon sa kanya... hindi sana ako n-nasasaktan ng ganito," Tumiim ang bagang ni Sonnie habang nagmamaneho. Sobrang nasasaktan si Charlotte. Ano ba ang sinabi ni Mr. Darmilton rito at nagkakaganito ang dalaga? Bakit kung umiyak ito ay parang hindi lamang simpleng pagkastigo ang natamo nito? Tinawagan ni Sonnie si Ivy at Fredo para alamin kung saan tumutuloy ang dalaga, pero ayon sa dalawa ay hindi nila alam. Mukhang walang alam ang dalawang kaibigan ni Charlotte sa tuna
“Charlotte, pwede ba patigilin mo na si Ivy sa pagkanta? Nabibingi na ang ako sa boses ng babaeng ‘yan, hindi naman maganda ang boses!” Inis na pakli ni Fredo habang masamang nakatingin kay Ivy na halos hindi na bitiwan ang microphone. Masamang tiningnan ni Ivy ng tingin ang binata. “Hindi maganda ang boses? Nakakahiya naman sa boses mong parang inipit ng palaka. Charlotte,” bumaling ito sa dalaga. “Ikaw naman ang kumanta, medyo napapaos na ako.” Hindi ni Charlotte mapigilan ang matawa. Paanong hindi mapapaos, halos apat na oras na yata itong kumakanta. Narito sila ngayon sa isang videoke bar para i-celebrate ang kanilang pagkapanalo sa tournament. Hindi agad sila nakalabas magkakaibigan dahil inasikaso muna nila nila Sonnie at Ronie ang kaso nila Loisa. Tinaas ni Ivy ang hawak na beer, hindi maalis ang ngiti sa labi ng dalaga. Nang malaman nito na makukulong ang babae at mawawalan pa ng lisensya, sobrang natuwa ito. “Cheers! Hindi na natin kailangan makisama ngayon sa babae
Hindi pa nagalit ng ganito si Charlotte kay Loisa, ngayon lang. Sa sobrang galit ng dalaga ay nanginginig ang buo niyang katawan. Hindi niya akalain na aabot sa pagplanong pagpatay sa kanya ang galit at selos nito… bakit? Wala naman siyang kasalanan rito? Kung tutuusin ay ito pa ang may kasalanan sa kanya. “Tangina!” Mura ni Sonnie ng makitang pinaliligiran na si Charlotte. Kaya pala hindi makita ng binata ang lalaking kagrupo ni Loisa dahil narito ito, kasama ang iba pang kagrupo. Napamura na naman si Sonnie ng hindi tinablan nh airgun niya ang lalaki ng barilin niya sa likod. “Damn you, Loisa! Hanggang saan aabot ang inggit mo kay Charlotte!” Bumaba si Sonnie mula sa burol sa kalayuan. Masyadong malayo ang binata para mapuntahan agad si Charlotte. Tangina! Hindi niya mapaptawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa dalaga! NAPA-IGIK si Loisa ng malakas na suntukin ito ni Charlotte sa mukha, kasabay ng paglipas sa ere ng kanyang katawan para sipain naman sa mukha ang lal
Katulad ng nasa rules, sinuot ng grupo nila Charlotte ang clear glasses para sa mata nila. Ito ang magsisilbong proteksyon nila sa mata. Pati ear protection ay nagsuot din sila. “Charlotte,” tawag ni Sonnie sa dalaga. “Mag ingat ka sana. Sigurado ako na hindi papayag si Loisa na hindi ka masaktan.” Tumango si Charlotte. “Salamat, Sonnie. Kayo rin ni Ronie, mag ingat kayo.” Alam ng dalaga ang bagay na ‘yon. Alam niya na gagawin ni Loisa ang lahat para mapabagsak siya. Kanya-kanya ng pasok ang grupo sa gubat, kung saan gaganapin ang laban. “Maging alerto kayo. Hindi pwedeng mabagal ang kilos. Kailangan natin mapatumba agad ang kalabang grupo sa round na ito. Sige, kilos na!” Utos ni Ronie sa daawa. Pinilig ni Charlotte ang ulo. Ngayon nalang uli siya nakaramdam ng kakaibang excitement. Siguro dahil sa labanan ng kanya-kanyang grupo para manalo. Samantala… napangisi si Loisa. Wala pang trenta minuto ay nakita na niya ang target niyang si Charlotte, nakasandal ito sa puno at
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.