Hindi naging maganda ang karanasan ni Shaina sa mga naunang karelasyon. Ang huling lalaking pinagkatiwalaan at minahal ay nagpaakit sa kaniyang pinsan. Ang malala pa ay nabaliktad ang sitwasyon at siya ang lumalabas na manloloko. Naisumpa niya sa sarili na hindi na muling magmahal at pagbayarin ang dalawang nagwasak sa kaniyang puso. Ngunit nagbago ang kaniyang isip nang mabuo ang isang gabing pagkakamali. At hindi lang isa ang kaniyang iniluwal kundi dalawang cute na mga bata. Bigla siyang natakot sa isiping hindi lang guwapo ang hindi nakilalang ama ng kambal, kundi genius dahil tiyak dito nagmana ang mga anak. "Mommy, don't worry, we can help you to find our father." A five-year-old named, Adrian, said. Pakiramdam ni Shaina ay atakehin siya sa puso sa naging sagot ng bibong anak na lalaki. Sa halip na ma-disappoint dahil hindi niya kilala ang ama ng mga ito, mukhang lalong na-excite ang mga anak na hanapin ang lalaki. Sa kaniyang pagbabalik kasama ang mga anak ay maraming katanungang kailangang masagot. Pero saan siya magsisimula kung maging ang mukha ng nakabuntis sa kaniya ay hindi niya alam?
View MoreBest 393 callerHalos umusok ang ilong ni Beatrix dahil sa galit nang may matanggap na namang larawan. Katulad sa una, nakatalikod pa rin ang babae at si Aldrin ang naka side view sa kuha ng larawan. "Mom, hindi pa man kami kasal pero pinagtataksilan na ako ni Aldrin!" Naiiyak niyang sumbong sa ina at kulang na lang ay ibato ang cellphone. Nanlilisik din ang mga mata ni Lita habang nakatingin sa larawan. Halatang nang aakit ang babae dahil sa kasuutan nito na walang manggas. Nakikinita niyang malalim ang ukab sa dibdib ng naturang dress at huli pa sa camera na doon nakatingin si Aldrin."Mom, paano kung pakakasalan lang talaga ako ni Aldrin upang hindi maging bastardo ang anak niya pero sa babaeng iya. Uuwi?" Halos maiyak na si Beatrix dahil sa galit at selos."Hindi ko hahayaang mangyari iyan, hija. Huwag kang patalo sa selos. Kikilos tayo ng palihim at kilalanin ang malanding babaeng iyan. Hindi tayo maari mabigo ngayon at nagawa nating lampasan ang mahirap na sitwasyon noon. Sisi
Tumalim ang tingin ni Aldrin matapos mabasa ang report na nanggaling sa isang tauhan. Lalong hindi siya mapakali at kulang ang impormasyong nakuha. Tinawagan niya ang kaibigan, ito ang nakikita niyang makatulong sa kaniya upang makuha ang tamang kasagutan."May problema ba?" tanong ni Clara kay Dean nang mapansin na mukhang may problema matapos maibaba ang tawag. Magkasama sila ngayon at kumain sa labas."Sigurado ka ba na wala akong ibang sinasabi kagabi?" tanong ni Dean sa kaibigan.Sandaling nag isip si Clara nago umiling. Nasabi na niya kanina ang tungkol sa paulit-ulit na sinabi kagabi at tinatawanan ito. "Sino ba ang tumawag?""Iniimbitahan ako ni Aldrin mamaya for dinner at isama daw kita."Nangunot ang noo ni Clara at pati siya ay nabanggit. "Sa labas ba kakain?""No, sa bahay nila."Biglang kinabahan pero excited dahil makikita niya ang anak."Pero tinanggihan ko.""Bakit?" Mukhang baliwala niyang tanong sa kaibigan at hindi pinakitang dissapoint siya."Hindi natin alam kung
"Ano ang ginagawa mo sa apo ko at umiiyak?" galit na tanong ni Travis kay Beatrix. "Che-chairman!" nauutal na bati ni Lita sa ginoo. "Bigla lang po niya na miss ang daddy niya at gusto nang umuwi.""Then, bakit hindi niyo pa siya inuuwi?" galit pa ring tanong ni Travis.Nakagat ni Beatrix ang loob ng labi at natakot ibuka ang bibig. Katakot ang hitsura ng ginoo dahil galit. "Sorry po, chairman, pauwi na po kami nang makita ninyo. Katatapos lang din po kasi niyang kumain ng ice cream." Mapagkumbaba na paliwanag ni Lita."Huwag na mag abala at ako na ang maghahatid sa kaniya pauwi." Matabang na turan ni Travis. Mabuti na lang at naroon lang din siya sa mall kasama ang asawa na namimili ng damit."Chairman, ako po ang kumuha sa kaniya kanina kaya hayaan niyong ako na ang maghatid sa kaniya pabalik." Paglalakas loob ni Beatrix habang nakatungo ang ulo."May nakapagsumbong sa akin na kanina pa umiiyak ang apo ko ngunit hinahayaan niyo lang siyang umiyak.""Hindi po totoo iyan, Chairman
Mula sa kinatayuan, natatanaw ni Clara ang batang naglalaro sa isang palaruan na nasa loob ng mall. Parang nadudurog ang puso niya nang makitang yumakap ito kay Beatrix. Kasama rin ng babae ang ina nito na kinamumuhian niya. Naikuyom niya ang palad at matalim ang tinging ipinukol sa ginang na nakatalikod. Kung nakakamatay lang ang tingin ay suguradong duguan na itong bumagsak sa sahig."Mommy, gusto ko po sa slide." Turo ni Tyler sa mataas na bagay.Muling nasaktan si Clara nang marinig na tinawag ng bata si Beatrix na ina. Siya dapat ang kasama ng bata at hindi ang mga mamatay tao. "Kaunting panahon na lang, anak, makukuha na rin kita at makakasama ang kakambal mo." Napatingala si Beatrix at tiningnan ang bagay kung saan nais maglaro ng bata. Mabilis siyang umiling at takot siya sa ganoon. "Anak, si Lola na lang ang sasama sa iyo at mahiluhin ang mommy."Biglang nalungkot si Tyler at tinalikuran ang ina. Inis na napatingin si Beatrix sa ina. Ito ang may idea na hiramin amg bata at
Napatda si Dean sa kinatayuan nang makita ang batang nakaupo sa sofa. Biglang kumabog ang dibdib niya dahil sa kaba. Ito ang isa sa dahilan kung bakit pumasyal siya dito sa bahay ng kaibigan. Ang makita nang personal ang bata."Dean, mabuti at naisipan mo na ring bumalik dito sa ating bansa. Pinatatawag ko na si Aldrin sa katulong." Magiliw na kausap ni Sunshine sa matalik na kaibigan ng anak."Tita, siya po ang anak ni Aldrin?" tanong niya habang hindi hinihiwalay ang tingin sa batang tahimik lang ding nakatingin sa kaniya at mukhang kinikilala siya."Oh sorry, yes. Siya si Tyler." Binalingan ng tingin ni Sunshine ang apo. "Hijo, say hello to Tito Dean."Mabilis na nilapitan ni Dean ang bata at sinapo ang pisngi nito at sinuri ng husto. "May problema ba sa anak ko?" tanong ni Beatrix at parang hindi siya nakikita ng lalaki.Parang natauhan si Dean at mabilis na binitawan ang bata na halatang nagtataka sa ginawa niya. "Sorry, don't be scared. Ang cute mo kasi at may kamukha ka."Lalo
"Aldrin, hindi ka ba magpapaliwanag?" tanong ni Sunshine sa anak matapos ipakita ang larawang ipinasa sa kaniya ni Beatrix. "Alam ko na hindi mo mahal si Beatrix, pero mali na pagsabayin mo ang mga babae sa iyong buhay. Kung may mahal kang iba ay sabihin mo sa amin ng daddy mo upang walang masaktan.Muling napatingin si Aldrin sa larawan. Hindi imposible na makuhanan siya ng larawan nang kahit sino mang naroon. Pero private room ang kinaroonan nila kagabi. Ang nakakapasok lang bukod sa kanila ay staff sa hotel."Mom, wala akong ibang babae.""Pero bakit kailangan ipadala kay Beatrix ang larawan na ito?" Kilala mo ba ang babaeng iyan?" Pangungulit ni Sunshine sa anak.Sandaling natigilan si Aldrin at napaisip. Mukhang mayroong ayaw na matuloy ang kasal nila ni Beatrix. Mula nang maresolba nila ang kaso ni Natasha noon ay nabawasan na rin ang obligasyon ng agents sa kanilang pamilya. Kapag mayroon silang ipagawa ay saka lang umaaksyon ang mga ito."Daddy, daddy!"Naudlot ang pag iisip
Mom, ayos na po ba itong suot ko?" tanong ni Beatrix habang sinisipat ang katawan at mukha sa malaking salamin."Yes, hija! Perfect! Tiyak na hindi ka na matanggihan ni Aldrin kapag inakit mo mamaya." Mukhang kinikilig na ani Lita. Pati mga mata ni Beatrix ay ngumiti habang nakipagtitigan sa sariling reflection mula sa salamin. Hanggang ngayon ay parang hindi siya makapaniwala sa mga nangyari sa buhay niya ngayon. Ilang months na rin silang engaged ni Aldrin mula nang malaman niyang ito talaga ang ama ng batang inangkin niyang anak. Pupunta siya ngayon sa bahay nila Aldrin upang dalawin din ang anak."Anak, dapat ay makagawa kayo ng sarili niyong anak upang hindi ka na magawang hiwalayan ni Aldrin kapag kasal na kayo."Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Beatrix at pinaalala ng ina ang tungkol sa kasunduan. Papakasalan lamang siya ni Aldrin para hindi maging illegitimate ang anak nito. Pero mayroong kasulatan na naman at hindi niya gusto ngunit walang magawa. Hanggang papel lamang si
Pagkatigil ng sasakyan ay saka lang muli nagsalita si Clara. "Thank you!"Tinanguan lang ni Zion ang dalaga at hinayaang ang guard sa naturang hotel ang magbukas ng pintuan ng sasakyan. First class din ang hotel kaya masabi niyang hindi na mahirap ang babae. Sinundan niya ng tingin ito hanggang sa makapasok sa hotel bago nagmaniubra upang umalis na.Saka lang lumingon si Clara nang masigurong wala na ang sasakyan ng binata. Humulma ang magandang ngiti sa labi niya pero matalim kung tumingin sa kawalan. Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone niya."Ma'am, na send ko na po ang larawan," ani ng boses lalaki mula sa kabilang linya."Good, I will send the full payment!" aniya bago pinatay ang tawag. Mabilis na siyang pumasok sa elevator upang umakyat sa floor kung nasaan ang silid na tinutuluyan. Pagkapasok ay agad na binuksan ang email at tiningnan ang mga kuhang larawan. Pumaskil muli ang magandang ngiti sa labi niya at nasisiyahan ang tingin sa mga larawan. "Perfect!" aniya bago nag
"May problema ba?" tanong ni Aldrin nang mapansin ang tingin ng kaibigan sa larawan ng anak niya.Napakurap si Dea bago umiling. Naalog pa niya ang ulo at mukhang lasing na siya. "Ang guwapo ng anak mo at parang may kamukha."Napatango si Aldrin bago ipinagpatuloy ang pag inum. "Kayo ng nobya mo, kailan ikakasal?"Pumalatak si Dean, "magkaibigan lang kami."Umangata ang mga kilay ni Aldrin at hindi makapaniwalang napatitig sa kaibigan"Hayaan mo lang na isipin ng iba na girlfriend ko si Clara upang hindi na diskartehan pa ng iba nating kaibigan." Paliwanag ni Dean."Kuntinto ka na ba sa pagiging magkaibigan niyo lang?" Nanunubok na tanong ni Aldrin sa kaibigan.Tumawa ng bahaw si Dean bago nagsalin ng alak sa sariling baso. "I tried, pero wala pa siyang balak pumasok sa isang relasyon.""Bilis-bilisan mo at baka maunahan ka pa ng iba diyan." Makahulugang biro ni Aldrin sa kaibigan. Tumawa lang si Dean at sinulyapan ang kaibigan na mukhang abala sa cellphone nito at may binabasa. Pagb
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.