"Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang payat mo. Pinapabayaan mo ang—" "Ano namang pakialam mo sa kung anong hitsura mayroon ako?" Napasuklay na ng buhok si Geoff upang supilin ang awang nadarama. Medyo guilty siya na baka dahil iyon sa annulment nila. "Kailangan kong makialam sa'yo Alyson dahil hindi ka pwedeng mamatay hangga't hindi pa tayo annul. Narinig mo? Ayokong gagamitin mo hanggang kamatayan ang apelyido ko!" "Huwag kang mag-alala, hindi pa ako mamamatay. Ayoko rin namang gamitin ang apelyido mo at ilagay sa magiging lapida ko." Matapos ng tatlong taong pagiging martir at pagkakakulong sa sagradong kasal ni Alyson Samonte kay Geoffrey Carreon ay tuluyan na itong sumuko sa asawa. Sa kabila ng pagtulong ni Don Gonzalo Carreon na pigilan 'yun ay nangyari pa rin. Muntik na sanang magtagumpay ang Don, kaya lang isang pangyayari ang naganap. Nalagay sa alanganin ang buhay ni Alyson at ng mga batang nasa sinapupunan. Iyon ang naging daan upang tuluyang talikdan ni Alyson si Geoff na akala niya ay pipiliin na siya. Lumabas siya ng bansa. Nangarap at nagsikap. Sa tulong ng ibang lalake, sa pag-aakalang kaya niyang kalimutan ang asawa sa paglipas ng maraming taon. Sa pagbabalik niya ng Pilipinas bilang matagumpay na CEO ng sarili niyang kumpanya, muli kayang magsanga ang landas nila ng dati niyang asawa, ngayong nasa iisang industriya na sila? Ano ang kapana-panabik na mangyayari sa muli nilang pagkikita lalo pa kapag nalaman ni Geoff na nagkaroon sila ng kambal na anak ng dati niyang asawa?
View MoreUMABOT DIN IYON sa kaalaman ni Alyson na sa mga sandaling iyon ay hindi sadyang naalimpungatan. Ni hindi siya makatulog dahil hinihintay niya si Geoff na umuwi at puntahan siya. Pagbukas ng cellphone ay bumabahang chat at text agad ng bestfriend niyang si Rowan ang unang gumising sa kanya na may naka-attached na link ng balita na kailangan kuno niyang tingnan sa lalong madaling panahon. Si Geoff naman ng mga sandaling iyon ay hindi makontak dahil sa empty battery na ang cellphone nang ilang beses iyong subukan ni Alyson na tawagan. Nagbabaka-sakali siyang makakausap niya ito about sa nasabing balita.“Sa tingin ko, matutuloy pa rin ang annulment naming dalawa. Bakit ba kasi ako umasa sa pangako niya? Sinasaktan ko na naman ang sarili ko.” malungkot na wika ni Alyson na bumangon na upang maglakad-lakad sa labas ng apartment hindi pa man sumisikat ang haring araw. Kailangan niyang pagpagin sa katawan ang bumabalot na matinding kalungkutan. “Suko na kasi, Alyson, sumuko ka na…”WINDANG N
NANG MALAMAN IYON ng ina ni Geoff ay agad nilang kinumbinsi si Don Gonzalo na mag-released na sa press ng statement. Kating-kati na siyang sabihin na magpapakasal na naman ang dalawa dahil nasa in a relationship sila. Iyon din ang idadahilan nila sa mga investors na nag-pull out ng kanilang mga projects at shares na walang alam na may asawa na palang tao si Geoff. Kapag ginawa nila iyon kaagad, tiyak na magiging okay na ulit ang lahat at takbo sa negosyo nila. Wala ng kahit anong problema. Balik na sa dati ang lahat. At pasasalamatan pa sila doon ni Geoff. Pumunta pa talaga ang mag-ina ng opisina ng matanda. Effort kung effort ang Ginang upang mapabilis ang paglinis sa nadungisan nilang ginagamit na apelyido.“Hintayin nating pumunta dito si Geoff at sa kanya mismo manggaling ang desisyon. Huwag kayong magpadalus-dalos. Baka mamaya ay iba pala ang gusto niyang mangyari o may iba siyang plano.”Ang gustong sabihin ng Don ay baka mamaya may ibang pangbala ang apo. Nakarating kasi sa ka
HINDI NAGTAGAL ANG paghihintay ni Geoff doon, ilang minuto matapos niyang ibaba ang tawag ay lumabas na rin ang Doctor tulak-tulak ang wheelchair ni Loraine. Nakangiti siyang lumapit sa kanila, nang bumaling ang mga mata niya kay Loraine ay nagkaroon siya ng kaunting pagbabanta. Kakaiba kasi ang ngiti ng babae, ngiti na ayaw na makita ni Geoff sa labi ngayon ni Loraine. Para itong may masamang plano o sigurado na sa result ng DNA test nila ng anak nito. “Pupunta na lang ako mamaya sa kwarto ni Miss Loarine, Mr. Carreon.”Tumango lang si Geoff at saka itinulak na ang wheelchair ni Loraine upang ibalik ang babae sa silid. Habang hinihintay ang result ay hindi na mapakali si Geoff. Sabay silang napapalingon ni Loraine sa pintuan tuwing magbubukas iyon. Umaasa na ang Doctor na ang papasok dala ang result ng kanilang DNA test. Pinapunta na rin muna ni Geoff si Alia doon upang maging support system niya.“Mr. Carreon, narito na po ang result.” bungad agad ng doctor pagkapasok pa lang sa lo
HUMIGPIT ANG YAKAP ni Geoff sa katawan ng asawa. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. Iyon din ang paulit-ulit na tanong niya. Bakit? Bakit ngayon pa nangyari ‘yun kung kailan nakahanda na siyang baguhin ang kanyang sarili? Kung bakit ngayon pa na may na-realize na siya sa mga nangyari sa buhay? “B-Bakit, Geoff?” lumuluhang patuloy na tanong ni Alyson, yumakap na ngayon sa bulto ng katawan ni Geoff. Isinandal pa ang mukha niya sa tiyan ng asawa. “Bakit?” patuloy nito sa paraang hirap na tinig.“Hindi ko rin alam, M-Mahal…hindi ko rin alam…” pumipiyok na rin doon ang boses ni Geoff.Lumakas pa ang palahaw ng iyak ni Alyson na animo ay sobrang inapi siya. Sa bawat paglakas ng tunog ng mga iyak niya, humihigpit nang humihigpit naman ang yakap sa katawan niya ni Geoff na walang ibang nagawa kung hindi iyon. Pinagbigyan ni Alyson ang sariling maka-bwelo na ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ng mga sandaling iyon. Naghalo-halo na ang mga hinanakit niya sa noon at sa ngayon.
NAPAIGIK NA DOON si Geoff, walang humor na bahagyang natawa. Nanliit pa sandali ang kanyang mga mata. Alam niyang pinapaikot na naman siya ni Loraine at binibilog nito ang kanyang ulo. Maya-maya pa ay napahawak na ang lalake sa beywang. Ang babaeng ito pa talaga ang may lakas ng loob na sabihin iyon sa kanya? Nagpapatawa ba ito? Dahil kung oo ay hindi ‘yun nakakatuwa. Di man lang nagkaroon ng kaunting hiya sa mga ginawa niya.“Anong pinagsasasabi mo? Hindi ka ba kinikilabutan man lang? Gagawin mo pa akong tanga? Bakit kita papakasalan kung nakita kong nakikipag-sex ka sa ibang lalake? Anong tingin mo sa akin, nahihibang?”Malamya na ngumisi na doon si Loraine. Wala ng talab ang galit na nasa mukha ni Geoff sa kanya. Sanay na sanay na siya. Pasasaan ba at papayag din ito sa gusto niya kapag napakita niya at napatunayan na dugo at laman ng lalake ang batang ipinagbubuntis niya. Iyon lang naman ang kailangan.“Dahil may anak ka sa akin at—”“Kikilalanin ko lang ang bata, Loraine, pero hi
TAAS ANG NOO at walang lingon sa likod na lumabas ng mansion ni Don Gonzalo si Geoff. Dire-diretso siyang pumunta sa garahe at sumakay ng kotse. Binuhay niya ang makina noon at mabilis na pinaharurot paalis, patungo ng hospital kung saan dinala ng kanyang ina si Loraine sa halip na magtungo sa apartment ni Alyson kagaya ng pangako niya sa asawa. Kinailangang dalhin ng hospital si Loraine dahil bukod sa nawalan ito ng ulirat matapos na masagip ng mga rescuers ay para na rin ma-check ang anak nito. “Nandyan si Mr. Carreon!” maingay na turan ng isa sa mga nurse na nagpasalin-salin na sa mga kasama.Hindi alintana ang presensya ng lalake. Harapan talaga nila 'yung sinabi. Kaswal na tinanong ni Geoff sa nurse station kung saang silid naroon ang hinahanap niyang babae, at dahil kalat na kalat maging doon ang mga nangyari ng araw na ‘yun ay hindi pa rin humuhupa. Itinuro nila ang silid ni Loraine kay Geoff habang may mapanghusagang mga mata. Nang bumukas ang pintuan at pumasok si Geoff ay m
NANGHIHINANG NAIBABA NA ni Alyson ang cellphone matapos na maputol ang tawag ng asawa. Para siyang nalantang bagong aning fresh na gulay na nasobrahan ng matinding sikat ng araw. Napakurap na ang kanyang mga mata na mabilis na agad namula. Naluluha na siya. Humakbang si Alyson papunta ng silid upang kunin ang importanteng mga gamit. Kasalukuyang nasa may balcony si Alyson ngayon at tinatanaw ang makulimlim na langit. Hindi niya maintindihan kung ano ang connection ng kadiliman ng langit sa kanya, ang tanging alam niya ay nahawa siya. Idagdag pa ang malamig na ihip ng hangin.“Mrs. Carreon, saan ka po pupunta?” kuryusong tanong ni Manang Zenny na sinuyod ng tingin ang dala niyang maleta, iisa lang naman iyon pero napuno pa rin ng pagtataka ang matanda. "Aalis po kayo?"“Uuwi muna ako ng apartment ko ngayong gabi, Manang. Alam na rin naman po ito ni Geoff.”“Bakit po, Mrs. Carreon? Nag-away po ba kayo ni Sir at kailangan mong umalis?”Nakangiting umiling si Alyson, malamang ay hindi pa
MATABANG AT PILIT man ang ngiting nakapaskil sa labi ni Alyson ay hindi niya ipinahalata kay Kevin na anxious na siya. Malakas ang kutob niya na parang may kakaibang nangyayari sa paligid. Idagdag pa ang hitsura ng kaibigan n'ya ngayon. Kilala niya kapag ganito ang mga titig sa kanya ni Kevin, puno iyon ng awa gaya ng mga kasama sa trabaho. Lalo pa tuloy siyang naging cuious dito.“Ano bang problema, Kevin? Bakit ganyan din ang reaction mo? May na-miss ba akong event? I mean ayos ka lang ba?” litong tanong na ni Alyson sa oras ng pagpasok nila sa loob ng opisina nito.Umiling lang si Kevin, naupo na sa harap na sofa habang isinenyas kay Alyson na maupo sa harap niya. Sinunod naman iyon ni Alyson na puno pa rin ng pagtataka ang buong mukha. Kinakabahan na siya, iba na ang kutob ng puso niya ngayon pa lang. May mali eh, at hindi niya alam kung saan.“Nakita mo na ba?” puno ng pag-iingat na tanong nito, ikinakunot pa iyon ng noo ni Alyson.“Ang alin, Kevin?”“I guess, hindi mo pa yata na
NAPUNO NA NG labis na pagtataka ang mga mata ni Geoff pagpasok pa lang ng sasakyan niya sa compound ng pinapasukan niyang building. Hindi mapawi ang ngiti niya dahil kasabay niyang pumasok ang asawa kanina. Naiisip pa niya ang tahasang goodbye kiss nito sa labi. Hindi na niya mahintay na dito na magtrabaho sa building nila si Alyson. Maya't-maya ay pwede niya itong puntahan upang makita at bisitahin. Nanliit na ang mga mata ni Geoff ng may makita siyang ambulance, rescuers trucks and vehicles, at marami ang mga onlookers sa harap noon. Wala namang rally kaya nakakapagtaka talaga iyon.“Alia, anong nangyayari?” agad na tanong niya sa secretary matapos na sagutin nito ang tawag, “Bakit ang daming tao sa harap ng building? Anong kaguluhan ito? May sunog ba sa office?”“S-Sir, si Loraine po nasa balcony ng fifth floor. Magpapatiwakal daw po!” aligagang sagot ni Alia na hindi na malaman kung ano na ang gagawin.“Ano? Si Loraine? Gagawin niya pa talagang dying ground niya at babahiran ng du
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.