Unexpected Wife of a Billionaire
Halos mabaliw si Danica, ng malaman niyang wala sa kanilang bahay ang kanyang mga anak. Nalaman niya mula sa mga katulong, na kinuha ito ng kanyang asawa.
Agad niyang tinawagan si Jethro.
"Nasaan ang mga anak ko?" tanong niya dito.
"Wala kang karapatang maging ina nila. Inuuna mo ang landi, kesa alagaan ang mga bata. Simula ngayon, hindi mo na sila makikita! akin ang mga anak ko!" mataas ang boses nito kahit nasa phone lang.
"A-anong ibig mong sabihin?" hindi siya makapaniwala sa sinasabi nito.
"Wag ka ng magmaang maangan pa, Danica. Magsama na lang kayo ng lalaki mo, hanggang gusto mo!" saka nito pinatay ang kanyang tawag.
"No!!!" napaupo siya sa sahig, saka binuksan ang mensaheng ipinadala ni Jethro.
Babaeng may kayakap na lalaki! kahawig niya iyon, subalit sigurado siyang hindi siya ang babaeng iyon! kasunod noon ang email ng kanilang annulment papers, na may pirma niya mismo.
"Wala akong pinipirmahang ganito!!" umiiyak niyang sabi. Hanggang sa sumagi sa kanyang isipan, kung sino ang may pakana noon.
"Traydor ka!!" sigaw niya sabay bato ng kanyang cellphone sa sahig.
102.2K viewsOngoing