Romance

Ang katha ng Romance ay isang genre ng panitikan na nakatuon sa paglalarawan ng mga relasyon at romantikong pag-ibig sa pagitan ng dalawang tao. Ang romansa ay palaging isang paksa ng interes ng mga tao mula noong sinaunang panahon, kaya karamihan sa mga nobela ay nagdaragdag ng mga romantikong elemento upang maakit ang interes ng mga mambabasa. Ngunit ang pagkakaiba sa pagitan ng mga nobelang romansa at iba pang uri ng mga nobela ay nakasalalay sa kanilang magkakaibang diin. Ang mga nobelang romansa ay dapat maglaman ng isa o higit pang mga kuwento ng pag-ibig, may kasama man o hindi mga elemento ang mga ito. Mahilig ka bang magbasa ng mga romance novel at mag-enjoy sa mga love story ng ibang tao? Nag-aalok ang GoodNovel ng malaking seleksyon ng mga sikat na romance novel at online na libro.

I-filter sa

Salita ng nilalaman
Lahat<30k30k-50k50k-100k>100k
magbukod-bukod ayon sa

SikatRekomendasyonRatingNa-update
Dangerous Temptation - Romance nobela & mga-kwento
snowqueencel
Lumaki sa isang marangyang pamumuhay si Kylie Aragon. Kaya naman ay sanay itong nakukuha ang anumang gustuhin niya. Bukod roon ay palagi rin itong nangunguna sa buong klase. Marami rin ang mga kalalakihan na talaga namang humahanga sa kaniya nang dahil sa taglay niyang ganda at talino. Higit sa lahat ay ito lang naman ang nag-iisang tagapagmana ng Aragon Group of Companies. Ngunit ang hindi alam ng nakararami na sa likod ng halos perpekto niyang buhay ay mayroon itong sikreto na pilit itinatago. Dahilan para ilayo niya ang sarili sa iba upang maiwasan na muling maulit ang isang trahedya mula sa kaniyang nakaraan na hindi pa rin niya magawang ibaon sa limot hanggang sa kasalukuyan. Ngunit nagbago ang takbo ng kaniyang buhay nang makilala niya si Caleb Valiente. Ang lalaking itinalaga ng kaniyang ama upang maging personal niyang bodyguard na magpoprotekta sa kaniya. Ang kaso lang ay hindi sila magkasundong dalawa. Sa hindi malamang kadahilanan ay naiirita si Kylie sa presensya nito. Para kasi siyang bata kung tratuhin ni Caleb at talaga namang wala itong palya sa pagbuntot sa kaniya saan man siya magpunta. Kung tawagin pa siya nito sa kaniyang pangalan ay para bang matagal na silang magkakilala. Pero paano kung kailan naman nahulog na ang loob niya rito at nadala na siya sa temptasyon ng pangangatawan nito na tila balewalang inilalantand nito sa kaniyang harapan ay saka naman niya madidiskubre na mayroon pa itong ibang pakay bukod sa pagiging bodyguard niya? Na mayroon itong personal na dahilan kaya gusto siyang protektahan nito? Mapipigilan ba ng mga malalantad na sikreto ang pag-ibig na unti-unting umuusbong sa kaniyang puso? O magsisilbi niya itong sandigan para sa mga paparating pa lamang na pagsubok?
10
1.4K
PREV
1
...
238239240241242
...
365
DMCA.com Protection Status