"Mag-mano ka sa Ninong mo, Lorna." Nakaramdam ako ng inis nang malamang naging mag-boyfriend na sina Tita Kristine at ang aking Ninong Royce. "Bakit ganyan ang suot mo?" Inis na tanong sa akin ng aking ina. Sinadya ko talagang mag-suot ng maikling short para lantad ang bilugan kong mga hita para maakit ko si Ninong Royce. "Ma, wala namang masama sa suot ko, t'saka, heto ang uso ngayon," nakasimangot kong sagot sa aking ina. "Hindi ba't may ibinigay ako sa'yo na damit at bakit hindi iyon ang isinuot mo?" "Ma, simple. I don't like it." "Nakakaloka ka talagang babae ka. Mas bagay sa'yo iyon, ilang beses ko bang sinabi sa'yo na kapag may lalaking bisita ay mag-suot ka ng damit na hindi lantad iyang hita at dibdib mo?" Napakamot ako sa aking batok. "Ma, pwede ba tumahimik ka nalang, nakakahiya sa bisita natin, baka akalain ni Ninong pinag-uusapan natin siya." Lumapit ako kay Ninong Royce at nahihiyang nagmano. Gosh, hindi bagay. Halik sa labi dapat ang ibibigay ko sa kany
Huling Na-update : 2025-04-02 Magbasa pa