Pinanood ko si Phoebe at Eugene na umalis. Agad na nawala ang saya na naramdaman ko ng tumigil si Eugene para kausapin ako. Pakiramdam ko binuhusan ako ng timba ng nagyeyelong tubig.Ganoon ba ang tingin niya sa akin? Na isa akong masamang mamamatay tao?Sumakit ang puso ko, pati din ang sikmura ko. Tumungo ako sa kusina para may kainin, pero walang pagkain na makikita. Ang mayroon lang ay kalahating piraso ng tinapay.Sinimulan ko itong kainin gamit ang ilang piraso ng kasoy, pero hindi nito napawi ang gutom ko. Isang katulong ang dumaan at umirap ng makita ako. Baka naisip niya na hindi ko siya nakita.Noong nakita niya ang tinapay, nagkunwari siyang nagulat at sinabi, “Oh, my! Huwag mo sabihin na kinain mo iyon, Ms. Holly. Itatapon ko na iyon dapat. Maagang nagising si Ms. Phoebe at mga kapatid mo, kaya naghanda kami ng almusal base sa schedule nila. Puwede kita ipagluto ngayon kung gusto mo.”Sumimangot ako sa naiinis niyang itsura. Pagkatapos, tinanggihan ko ang hindi sinsero
Magbasa pa