''Okay na ang lahat lina.'' Dinig kong sabi ni ma'am maya saakin, pagkaupo ko pa lamang sa passenger seat ng sasakyan niya.siya ang tumulong saakin simula ng mamatay ang mga magulang ko,labing limang taon na ang nakakaraan.Huminga ako ng malalim,at tumingin sa magandang tanawin na nasa aming harapan.nakaparada ang sasakyan ni ma'am maya sa ilalim ng malaking punong kahoy,at tanaw namin ang magandang parke. Nakaramdam ako ng inggit sa mga batang masayang naglalaro at nagtatakbuhan sa malawak na parke,at ang kanilang mga magulang ay masayang pinagmamasdan ang kanilang mga anak. Ganito din dapat ako noon,kaya lang namatay ng maaga ang mga magulang ko.pumikit ako nang maramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko,at sumandal sa upuan.tangina!hindi mawala-wala ang sama ng loob ko sa tuwing naaalala ko ang pagkamatay ng mga magulang ko. "I'm sorry,lina.hindi ko alam na hindi magiging okay sayo na dito tayo nagkita." Dinig kong sabi saakin ni ma'am maya, dahil nakita niya ang masakit na ek
Huling Na-update : 2025-01-07 Magbasa pa