Kinabukasan, habang nasa pier, si Sugar at si Marites ay naghintay ng bangka papunta sa Puerto Galera. Ang alon ng dagat ay tila nagdadala ng sariwang hangin, ngunit naroon pa rin ang bahagyang tensiyon sa dibdib ni Sugar. Nang makasakay sila sa bangka, tahimik lamang siya habang pinagmamasdan ang dagat, nag-iisip tungkol sa kung anong mangyayari kapag dumating siya sa isla.“Mukhang tahimik ka, Ma’am,” sabi ni Marites, na ngayon ay masiglang kinukunan ng litrato ang paligid gamit ang kanyang cellphone.“Naisip ko lang, Marites. Ang dami ko nang pinagdaanan. At pakiramdam ko, mas marami pang darating,” sagot ni Sugar, ang boses niya’y bahagyang malungkot.Ngumiti si Marites at itinuro ang linaw ng dagat. “Tingnan mo 'yan, Ma’am. Hindi ba ang ganda? Parang paalala lang na kahit gaano kadilim ang pinagdadaanan natin, may liwanag pa rin sa dulo.”Natawa si Sugar nang mahina. “Ang drama mo naman, Marites. Pero sige na nga, salamat sa pep talk mo.”Pagkarating ni Sugar sa isla, kitang-kita
Last Updated : 2024-12-31 Read more