All Chapters of Arranged Marriage to a Billionaire: Chapter 71 - Chapter 76

76 Chapters

Chapter 70

Nagising ako sa dilim, malamig ang paligid at naramdaman ko ang bigat sa buong katawan ko. Unti-unti akong nagkamalay, pilit inaaninag ang paligid kahit na parang umiikot pa rin ang paningin ko. Amoy kong may kahalong amag at metal sa hangin—isang lugar na malayo sa anumang pamilyar sa akin. Naramdaman ko ang mahigpit na gapos sa aking mga kamay at paa. Nakaupo ako sa isang malamig na upuan, at ang mga tali sa akin ay tila hindi matitinag kahit anong pilit kong igalaw. Ang tiyan ko ang unang pumasok sa isip ko, at napakabilis kong ibinaba ang tingin sa sarili ko. Salamat sa Diyos, ligtas ang baby ko. Pero hindi ko maikakaila ang kaba sa dibdib ko. "Hello? May tao ba rito?" tanong ko, kahit alam kong malabo akong sagutin ng kahit sino. Tahimik. Sobrang tahimik, maliban sa tunog ng mga patak ng tubig sa di kalayuan. Napahinga ako nang malalim, pilit iniipon ang lakas ng loob. Kailangan kong tumakas. Hindi pwedeng magtagal ako rito. Pagkatapos ng ilang minuto, narinig ko ang mahi
last updateLast Updated : 2024-12-16
Read more

Chapter 71

Lumapit siya nang bahagya at tumigil sa harapan ko, yumuko para tumitig nang diretso sa mga mata ko. "Guess what, hija?" bulong niya, ang boses niya’y malambing ngunit puno ng pananakot. "You’re not married to Azcárraga, Margaret." Parang may bumagsak na bomba sa paligid ko. Ang utak ko’y nagsimulang maglikot, pilit inaalala ang lahat ng nangyari. Hindi maaari. Ang kasal namin ni Rome... ang lahat ng iyon... "You’re lying," madiin kong sabi, pilit pinapakalma ang sarili. "Lahat ng sinasabi mo ay kasinungalingan!" Ngunit tumawa lang siya, malamig at malutong. "Lying? Ako? Hija, ang totoo lang ang sinasabi ko." Tumuwid siya ng tayo at naglakad muli paikot sa akin. "I fake your marriage, Margaret, and never submit your marriage certificate. Wag kang magalit. Tinulungan na nga kita eh. Hindi ba't ayaw mong maikasal din sa kanya? And I think, ganun din siya." Nakangiti ito. "Naalala ko tuloy kung paano sumama ang mukha niya. Kung gaano siya kagalit malaman niyang ikakasal siya sa
last updateLast Updated : 2024-12-16
Read more

Chapter 72

Lumayo ito at humalakhak na parang demonyo. Sumabay ang mga anak niya't asawa tila natutuwa sa nangyari. Natutuwa silang makita akong wasak at durog. Para bang nanonood sila ng isang palabas na sila mismo ang nagsulat at dinidirek, at ako ang bida sa kanilang trahedya. Napakapit ako nang mahigpit sa mga tali sa kamay ko, pilit pinipigilan ang pangangatog ng aking katawan. Ayokong ipakita sa kanila na nadadala ako sa kanilang mga laro. Napatingin sa akin si Lilian at binigyan niya ako ng matamis na ngiti. "Don't cry, Ate Margaret? You're strong, right? Why so mad? Why are you crying? Don't tell me, you love him? Aw! So sad. Kawawa ka naman." Hindi ko siya pinansin. Ngunit biglang bumaba ang tingin nito sa aking tiyan. Bumalot muli ang takot sa buo kong katawan sa posibilidad na mangyari. Ngumisi si Lilian, puno ng panunukso at kasamaan. "Oh, what's this?" aniya, tinutukoy ang tiyan ko. "Don't tell me... you're carrying his child?" Napatitig ako sa kanya, pilit iniipit ang takot
last updateLast Updated : 2024-12-22
Read more

Chapter 73

"Hindi ako papayag, Antonio. I will not do that. I'm not your puppet anymore! Bakit hindi ang anak mong si Agnes ang gumawa niyan?" Tumingin ako kay Ate Agnes. "Hindi ba, ate Agnes?" Diniin ko ang pangalan niya. Nakita ko kung paano namutla at napatras siya habang nagtaka naman ang buong pamilya. Nakita ko kung paano nilingon ng papá si ate na naiiling na lumingon sa kanya. "I..I don't know what she means, dad. Kung anuman ang sasabihin ng gag*ng niyan, don't believe her! She's making me her target." Nagulat ang lahat sa naging reaksyon ni Agnes. Hindi ko napigilan ang mapangisi, kahit pa nanginginig pa rin ako sa galit at takot. “Target? Ate Agnes, bakit ka naman kakabahan kung wala kang itinatago?” Seryoso kong tanong, tinitingnan siya diretso sa mga mata. "Stop it, Margaret!" Singhal ni Agnes, ngunit halata sa boses niya ang kaba. "You don’t know what you’re talking about!" “Really? Wala akong alam?” Hinawakan ko ang mga tali sa kamay ko, pilit na nilalabanan ang pangh
last updateLast Updated : 2024-12-22
Read more

Chapter 74

Napalunok ako habang sinasabi ni Antonio ang mga salitang iyon. Sa kabila ng galit at determinasyon kong labanan siya, hindi ko maalis ang kirot na unti-unting bumabalot sa puso ko. Paano kung tama siya? Paano kung magbago ang lahat kapag nalaman ni Rome ang totoo? Ipinikit ko ang aking mga mata, pilit na tinatanggal ang mga pagdududang sinisimulan niyang itanim sa akin. Mahal ako ni Rome, alam ko iyon. Pero sapat na ba ang pagmamahal na iyon para harapin ang katotohanan na matagal ko nang itinago? "You're lying," mahina kong sabi, ngunit nanginginig ang boses ko. "Rome is not like you. He loves me, and he loves our child. Kahit ano pang sabihin mo, Antonio, hindi mo kami kayang sirain." Lumapit si Antonio, mabagal ngunit puno ng awtoridad, hanggang maramdaman ko ang malamig niyang hininga sa gilid ng aking tainga. "Oh, Esmeralda," bulong niya. "Do you really believe that? Love has limits, hija. And when those limits are tested by betrayal, it crumbles. Tandaan mo 'yan." Bigla
last updateLast Updated : 2024-12-22
Read more

End

Paulit-ulit kong binasa ang papeles na nasa harap ko. Ang marriage certificate na nagpapakita ng katotohanan na kasal nga ako kay Rome Benjamin Azcárraga. Walang kurap-kurap ang mga mata ko habang nilalapit ito sa mukha ko, na parang sa bawat pagtingin ay may magbabago. "Is this true, Aria?" tanong ko habang walang emosyon na isinubo ang isang kutsara ng macaroni. Hindi ko siya nilingon, pero ramdam ko ang bigat ng buntong-hininga niya bago niya ako sinagot. "For the 50th time, your grace," madiin niyang sabi, halatang inip na, "your marriage certificate is true. You are legally married to Rome Benjamin Azcárraga. And if you want proof, you can check your CENOMAR ten times a day, just as you always do. Maybe even twenty if it helps you sleep better." Lumingon ako sa kanya, binigyan siya ng masamang tingin bago inikutan ng mga mata. "Don’t be so snappy, Aria. Pregnancy hormones, remember?" sabi ko, sabay muling isinubo ang macaroni. Tinitigan ko ulit ang CENOMAR, na para bang
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status