ILANG BESES NA iniiling ni Daviana ang kanyang ulo. Sobrang na-touch lang siya sa pagiging thoughtful ng binata sa kanyang inorder na mga pagkain. Favorite niya iyong comfort food kapag masama ang kanyang loob. At tamang-tama iyon sa mood niya.“Wala. Gusto ko ang lahat ng ito kaya lang ang dami nito. Hindi ko kayang ubusin.” kaila niya sa tunay na nararamdaman, “Pwede bang hatian mo ako? Sayang naman kung hindi ko mauubos.”“Sorry, Daviana. Hindi ako kumakain ng matamis.” tugon ni Rohi na isinandal na ang likod sa kanyang swivel chair, tinuro niya ang sofa sa kabilang sulok ng silid na hindi ni Daviana nakita pagpasok niya sa loob ng silid kanina. “Doon ka na maupo. Kung sakaling may tira ka, ilagay na lang natin sa fridge. Malaki naman ang fridge ko, kasyang-kasya iyan.” sinulyapan ng binata ang pagkain, sa tantiya niya ay kaunti lang naman iyon at kayang-kaya ni Daviana iyong ubusin. “Or ubusin mo na lang kaya? Kaunti lang naman iyan eh. Huwag ka ng magtira. Baka naman nahihiya ka
Magbasa pa