Lahat ng Kabanata ng The Billionaire Stole Me From My Groom: Kabanata 21 - Kabanata 30
44 Kabanata
Chapter 21- Tattoo ni Kallahan
“Lumandi ka sa iba, huwag sa asawa ko!” Natatawang sabi ni Shamcey. Magkatawagan na sila ngayon habang nakahiga sa kama nila. Alas siete na ng gabi, si Kallahan ay nasa study room pa at may ginagawa.Mukhang windang pa rin si Shamcey hanggang ngayon na ang Mithi na kilala niya ay tumatapang na. Na hindi na ito iiyak na lang sa tabi kapag tinatapakan ng ibang tao.“Ay beshy, first time kitang makita na ginanoon mo ang impokrita mong stepsister. Super satisfying. Halos pumalakpak na lang ako doon kanina sa sinabi mo.”Natawa si Mithi dahil kahit siya sa sarili niya ay hindi rin niya aakalain na magagawa niya ang bagay na yun. Sumasagot siya sa iba, pero hindi sa stepsister niya dahil ayaw niyang magalit ang papa niya sa kaniya. Pero iba kanina. Inis na inis talaga siya sa kapatid niya lalo na no’ng padosdusin nito ang daliri sa braso ni Kallahan.Hindi siya sigurado kung naiinis siya na nananadya si Analia kanina para galitin siya o sa katotohanang hinawakan nito si Kallahan.Noong sila
Magbasa pa
Chapter 22- Maling akala ni Alicia
Monday, balik trabaho ulit si Mithi. Hinatid siya ng driver na si Alfred papuntang Si Corp.Dahil sa tindi ng lakas ng ulan, nagmamadaling lumabas si Alfred mula sa front seat para payungan siya."Naku kuya, salamat po sa paghatid," saad ni Mithi dahil nakita niyang nabasa ang balikat ni Alfred sa ulan masigurado lang siya."Walang anuman po ma'am," magalang na sabi ni Alfred dito.Pumasok na si Mithi sa loob dala ang payong at napabuntong hininga ng mamataan si Alicia na tila hinihintay siya."Iyon na ba yun?" mahahalata sa boses nito na disappointed siya. "Akala ko pa naman e mas gwapo kay Luis ang ipinalit mo. Ang chaka pala. Wala ka bang ka taste taste?"Napanganga si Mithi dahil hindi na naman niya alam kung anong problema ni Alicia sa kaniya."Kung sabagay, mukhang maraming pera. Hindi kita masisisi kung bakit pumatol ka doon. Ang cheap mo ah!"Tinalikuran siya ni Alicia matapos irapan at naglakad papasok sa loob ng opisina. Napanganga nalang si Mithi. Wala siyang masabi. Napati
Magbasa pa
Chapter 23- Ang plano ni Alicia
Malaki ang galit ni Alicia kay Mithi. Pakiramdam niya ay inaagaw nito ang lahat sa kaniya. Lahat ng attention at kahit sa trabaho.Matagal na siyang nagpapapansin kay Dexter—ang boss nila para ibigay sa kaniya ang position ni Mithi. Gusto niyang siya ang ipadala sa mga food exhibit dahil gusto niyang makarating ng ibang bansa."Hindi pwede. Ipinagkatiwala ko na ang trabahong yun kay Mikaela Thilany." Mariing sabi ni Dexter ng minsan niya itong kausapin para siya ang ipadala sa food exhibit.Kumuyom ang kamao ni Alicia sa sagot ng boss niya sa kaniya. Naiinis at nagagalit siya, lalo't kahit kailan ay hindi pa siya nagkaroon ng break sa career niya.Kahit lahat ng lalaki sa opisina nila e si Mithi ang gusto. Si Mithi ang laging pinapansin dahil si Mithi raw ang pinakamaganda.Ilang pera ang nagasto niya sa derma at pagpapa-facial para lang maging maganda ngunit ng makilala niya si Mithi, tinalbugan ang gandang ginastusan niya.At ngayon, sa tingin niya ay may gusto si Dexter kay Mithi.
Magbasa pa
Chapter 24- Ang estrangherong lalaki
"MITHIIII!" Sigaw ni Alicia kaya napatigil sila ni Shamcey sa pag-uusap."Ano na namang plano ng bruhang ito?" bulong ni Shamcey sa kaniya."Bakit Alicia?" malumanay na tanong ni Mithi dito, hindi pinansin ang komento ng kaibigan sa tabi."Ano... Gusto ko lang kunin ang chance na ito para makahingi ng sorry kasi I doubted you. Hindi ako naniniwala na may asawa ka nga."Tumaas ang kilay ni Shamcey na nakarinig. 'Himala ata at nagbago ang ihip ng hangin?' tanong niya sa isipan niya."Hindi. Ayos lang yun." Saad ni Mithi na nanibago rin sa pakikitungo ni Alicia."Talaga? Mabuti naman na hindi ka galit. Wait," kinuha niya ang baso ni Mithi st nilagyan iyon ng alak. Ngumiti siya ng palihim habang sinasalinan ang basong yun.Sinigurado niyang matakpan ng likod niya ang pagsasalin niya ng alak sa baso doon sa paningin ng dalawa. At iyong dala niyang alak kanina, pasimple niya iyong ipinalit sa baso ni Mithi."Here's your drink. Dapat e celebrate natin na okay na tayo." Saad ni Alicia dito.N
Magbasa pa
Chapter 25- Galit na si Mithi
“Kelleon, who is that?” tanong ng isang vet doctor pagkapasok ni Kelleon sa loob ng veterinary clinic kasama ni Mithi na walang malay.“Her colleague drugged her. Check her Dame,” sabi ni Kelleon sabay lagay kay Mithi sa hospital bed kung saan pinapahiga ni Damien ang mga pasyente niyang aso.“May I remind you that this is a veterinary clinic. Kaya bakit mo dinala iyan dito?”“Ipagpahingahin mo nalang at lilipas rin ang epekto niyan.” Sabi ni Kelleon sa kaniya.“Why did you help her? Kilala mo?”“Nope. Mukhang plano siyang gawan ng masama no’ng dalawang kasama niya.”“So you’re saying that you’re just acting like a Good Samaritan?”“Stop nagging, Dame. I want to sleep.” Sabi niya at pumikit para matulog. Pero nang ipikit niya ang mata niya, naalala niya ang mukha ni Mithi kaya nagmulat siya ulit para tignan ito.Ngunit, biglang nag ring ang phone ni Mithi na nasa loob ng blazer niya. Tumayo si Kelleon para tignan ito.Nabasa niya ang registered name sa phone ay ang pangalang Kal. Kumu
Magbasa pa
Chapter 26- Who are they?
"L-LIAR!" Sigaw ni Alicia kahit na halata sa mukha niyang medyo kabado siya."May ebidensya ka ba?" Sigaw nito kay Mithi."Ikaw Alicia, gusto mo ba talagang mapahamak si Mithi? Ganoon ka ba ka inggit sa kaniya para gawan mo siya ng masama?" Sigaw ni Shamcey at humarap kay Joey."Ikaw Joey, alam kong may gusto ka kay Mithi. Pero talaga ba? Binalak mo siyang gahasain?""THAT'S ENOUGH!" Sigaw ni Dexter kaya tumigil ang lahat."Mikaela, pumasok ka sa opisina ko." Sigaw ni Dexter.Walang nagawa si Mithi kun'di ang pumasok lalo't kita niyang galit na galit ito.Pero nagulat siya at napahinto ng bigla siyang abutan ni Dexter ng panyo."I want to help you Mithi. Pero wala kang ebidensya na magsasabi na talagang drinoga ka nila."Nagulat si Mithi dahil hindi niya aakalaing paniniwalaan siya ng boss nila. Buong akala niya e magagalit ito sa kaniya dahil nagwala siya sa opisina.Tumulo ang luha sa mata niya. Nauunawaan niya ang punto ni Dexter dahil kahit na gusto niyang sampahan ng kaso ang dal
Magbasa pa
Chapter 27- Bakit wala pa si Kallahan?
“Kal, please… Huwag na.” Umiiyak na sabi ni Mithi. Agad niyang hinawakan ang pisngi ng asawa niya at idinampi ang labi niya dito.Gusto niyang kumalma si Kallahan pero hindi niya alam kung paano ito kumalma.Natatakot siya ng husto. Ayaw niyang makagawa ng masama si Kallahan para sa kaniya. Paano kung makulong ito? Paano kung masira niya ang buhay nito?“Please… Don’t mind them please.. Ayokong iwan mo ‘ko.”Parang doon lang nagising si Kallahan ng ang luha ni Mithi ay dumikit sa mukha niya matapos siya nitong haIikan.Agad niyang ipinulupot ang kamay niya sa bewang ni Mithi. Dahan-dahan siyang umupo sa sofa na hindi pa rin pinuputol ang haIikan nilang dalawa.Umupo si Mithi sa kandungan niya at ng makita ng mga katulong ang ginawa ng dalawa, lahat sila ay straight lang ang tingin at hindi sinulyapan ang ginagawa ng dalawa.Sinusuklian ni Kallahan ang bawat haIik na binibigay ni Mithi.Nang kapusin sila ng hininga, agad na tumingin si Mithi sa mga mata niya. Naroon pa rin ang pag-aalal
Magbasa pa
Chapter 28- Ang dating magkakaibigan
“Your wife is coming to your company,” saad ni Milandro.“Let’s go,” sabi ni Kallahan at tinapunan muna ng tingin si Alicia na ngayon ay umiiyak habang nakasalampak sa lupa.“You went too far,” saad ni Ismael na siyang nagmamaneho ngayon ng sasakyan.“Kulang pa yan.”Napailing na lang si Milandro habang si Ismael ay napabuntong hininga sa driver’s seat. Agad silang dumiretso sa Pelo Hotel—ang undercover business ni Kallahan.It’s a five star hotel at talagang kilala sa bansa.Pagdating nila ng Pelo Hotel, hindi pa man sila nakakapasok ay agad silang natigilan ng makita si Kelleon at Damien.“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Milandro kay Kelleon.“Easy, Drew. Hindi mo ba kami namiss?”Kumunot ang noo ni Milandro sa kanilang dalawa.“Nagcheck-in kami. That’s why we’re here.”“I’m outta here. Magbubukas pa ako ng clinic ko bukas.” Saad ni Damien na tumalikod na para sumakay sa motor niya. “Kelleon, let’s go!” Tawag niya kay Kelleon.“Teka lang Dame. Ayaw mo dito? It’s a reunion!” Tuwan
Magbasa pa
Chapter 29- Nagulat ang lahat ng malamang may asawa na si Kallahan
"Ano pa lang ginagawa nila dito Kal?" tanong ni Mithi ng makaalis ang dalawa."Nag check-in lang sila ng hotel," si Milandro ang sumagot."Hotel?" takang tanong niya. Tapos nang mapatingin siya sa gilid, nakita niya ang malaking hotel na pagmamay-ari ni Kallahan."Wow. Ikaw pala ang may-ari ng Pelo Hotel?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mithi.Alam niya ang Pelo Hotel pero hindi niya akalain na si Kallahan ang may-ari no’n."Yeah. Wanted to go inside?" tanong ni Kallahan. Excited na tumango si Mithi. Hinawakan ni Kallahan ang kamay niya para hilahin papasok sa loob ngunit biglang nagring ang phone nito. His grandma is calling him."I'll answer this call for a while."Tumango si Mithi. "Pwedeng mauna na muna ako? Gusto kong magbanyo." "Yeah sure." Kallahan replied.Nagmamadali si Mithi na pumasok sa loob ng hotel. Ngunit isa sa nasa reception area ay namukhaan siya."Miss Red!" Sigaw nito. Napatigil si Mithi at napatingin doon sa tumawag. Hindi niya ito kilala pero nakita niyang naka
Magbasa pa
Chapter 30- Alicia begged and blamed her
“Bye wife,” malapad ang ngiti ni Mithi matapos siyang ihatid ng asawa niya papunta sa sasakyan. Papasok na siya ng trabaho ngayon at ayos na ang pakiramdam niya.Kung sakali mang makita niya si Joey at Alicia, hindi na siya sasabog sa galit. Malaki ang epeko ni Kallahan sa kaniya at pakiramdam ni Mithi ay nagiging dependent na siya dito emotionally.“As long as hindi niya ako iiwan, ayos lang naman siguro.” Sabi ni Mithi sa sarili niya.Pagdating niya ng Si Corp., sinalubong siya ng mga co-workers niya na nag-alala sa kaniya.“Ayos ka lang ba Mithi?”“Grabe, ang sama ni Alicia.”Mga komento ng kasamahan niya. She smiled; she didn’t expect she’ll get this kind of concerns.“Ayos lang ako. Salamat everyone,” saad niya.“Mikaelaaaaa!” Napatingin si Mithi kay Shamcey na umiiyak nang makita siya. Tumakbo si Shamcey palapit sa kaniya at niyakap siya.“Mithi, ayos ka lang ba? May masakit ba sa’yo?”Umiling siya at ngumiti. “Thank you Shams, pero walang masakit sa akin. Ayos na ako. Salamat sa
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status