When I came back to the hotel--with Luther Rico, dire-diretso akong naglakad papunta sa elevator pero hindi pa ako ganoon nakakalayo nang maramdaman ko ang hawak niya sa kamay ko."Your room number..." he said. Ang baba ng boses. Ganito siya kapag alam niyang seryoso na talaga ako at hindi na ako basta lang madadaan ng mga pa-sweet niya."Secret," walang emosyon ko na sabi. He sighed deeply and swallowed hard. Nakikita ko na sa kaniyang mukha ang matinding pagod at medyo nakaramdam naman ako ng awa kaya sinabi ko na rin sa kaniya. At aba, ngumiti ang loko."Huwag kang ngumiti na akala mo okay na tayo. Sinabi ko lang sa 'yo para makapagpahinga ka na rin."Tumango naman siya. "Because you are worried about me."Malamang! Alam naman niya na kahit ganito ako ay love ko pa rin siya! Kaya nga minsan itong si Luther Rico ginagawa na talaga niya ang mga gusto niya, tulad nito na alam niyang nanghingi ako ng space pero sumunod pa rin. Eh, dati naman patiently waiting siya magkasundo ang mga b
Magbasa pa