All Chapters of 'Replacement Love' (El fuego Series 1): Chapter 121 - Chapter 130

141 Chapters

Kabanata 120: Regular

ALLYS POV "P-po?" naguguluhan kong tanong sa kanya at sinulyapan ang kamay kong may benda. "Ahh..maayos na po ang sugat ko. Salamat po sa tulong niyo," anas ko. Bakit nandito na naman siya? Kailan ba siya babalik ng Manila? "Anyway I want a cup of coffee americano. Iyon ang paborito kong kape tuwing umaga. Sinasabi ko sa iyo para alam mo na kapag pumunta ulit ako rito bukas," deretsong bigkas niya habang nakatitig sa mga mata ko. "Babalik ka pa rito bukas?" medyo gulantang kong tanong sa kanya. Nakita ko kung paano tumaas ang gilid ng mga labi niya na animoy manghang-mangha pa siya sa akin. Marahan siyang humilig sa lamesa para mas mailapit pa niya ang mukha niya sa akin. Nagpalipat lipat naman ang tingin ko sa kanyang magandang mga mata. Pakiramdam ko ay nilulunod ako ng mga ito sa kailaliman niya. "Uhuh...and I'm going to be your regular costumer from now on," he almost whispered in me. Napasinghap ako sa sinabi niyang iyon at pakiramdam ko ay nagtaasan ang lahat ng mga bala
last updateLast Updated : 2024-09-20
Read more

Kabanata 121: Resemblance

ALLYS POVHindi agad nakapagsalita ang dalawang nurse na nasa harapan ko kaya mas lalo lang akong nakaramdam ng inis sa kanila. Kita kong medyo mga bago ang mga ito dahil medyo mga bata pa at halatang hindi pa sila masyadong sanay sa kanilang mga dapat na gagawin. Ano ba ang mga ito? Nasa on the job training pa ba ang mga ito? Bakit ito ang ibinigay ng ospital na mag-aattend sa anak ko?!"Irereklamo ko kayo sa head ninyo!" galit na anas ko sa mga ito.Nakita ko pang medyo namutla iyong isa sa kanila dahil sa sinabi ko.Bumukas ang pintuan at pumasok ang umiiyak na si Joy kasama ang isang Doctor."Ma'am Alice," iyak niya sa akin."Bakit ka umalis Joy? Bakit mo iniwan ang anak ko rito mag-isa kasama ang walang alam na mga nurse na iyan!" galit na sabi ko sa kanya."Pasenya na Ma'am Alice. Tumawag kasi ang Mama ko at sinabi niyang may nangyari kay Papa. Malakas po kasi ang iyak ni Leo kaya lumabas po muna ako sandali. Pasensya na po ulit Ma'am," iyak niya sa akin.Bata pa si Joy at hindi
last updateLast Updated : 2024-09-21
Read more

Kabanata 122: Apartment

ALLYS POVKinabukasan ay sinabi ng doctor sa akin na pwede na kaming umuwi ni Leo. Pero bago ako nakaalis ay binigyan pa niya ako ng reseta ng gamot na kinakailangan kong bilhin at ipainom sa anak ko."Big boy....Leo...overcome fear," masiglang bigkas ni Leo nang makauwi na kaming dalawa sa apartment na tinutuluyan namin.Marahan ko siyang inilapag sa mat na nasa sala at pinakatitigan nang mabuti."Napakavery good ng baby Leo ko. Talagang big boy ka na but promise me don't make mommy worried again, hmm?" marahan kong sabi sa kanya.Nagulat ako nang hawakan ng maliit niyang kamay ang aking mukha at tinitigan ako ng deretso sa kanyang mga mata. Pakiramdam ko tuloy ay nakatitig lang din ako kay Leon sa mga mata niyang iyon."M..sowwy mommy.."Agad ko siyang nginitian at niyakap nang sobrang mahigpit."I love you, my baby Leo," sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa kayang pisngi."I love mommy too...sooo much!"Nasa ganon kaming ayos nang marinig kong may kumakatok sa labas ng pintuan. Ag
last updateLast Updated : 2024-09-22
Read more

Kabanata 123: Son

"Sino po sila?" Isang hindi kilalang babae ang bumukas ng pintuan. Kung hindi lang sa matandang nagturo kanina na ito ang apartment ni Allys ay iisipin kong nagkamali talaga ako sa pagkatok ko ng silid. "I'm Leon Versius Reniel Mondragon. Kaibigan........ako ni Alice." Fuck! At kailan pa ako naging kaibigan lang ni Allys?! Nakita ko na nagningning ang mga mata niya sa akin. "Hindi po sinabi ni Ma'am Alice na may bisita po pala siyang darating ngayon." So, ito nga talaga ang apartment ni Allys. Napakagat labi ako. "Hindi ko naman sinabi sa kanya na darating ako ngayon. Balak ko sanang sorpresahin siya," bigkas ko sa kanya. Napakurap-kurap naman siya at tumingin sa loob bago niya tuluyang binuksan ng malaki ang pintuan. Agad kong nakita ang isang may kaliitang sala at kusina, mayroon ding dalawang maliliit na kwarto sa gilid. The interiors of the room is so simple. "Umalis po si Ma'am Alice sandali, Sir. Dahil namalengke po siya. Pagpasensyahan niyo na rin po kung medyo makalat
last updateLast Updated : 2024-09-22
Read more

Kabanata 124: The Truth

LEON POV "I love mommy more!" aniya habang nakahawak pa rin sa mukha ko. Natawa ako sa kanya. "Mas mahal ko ang mommy mo....I'm sure of that big boy," natatawa kong pakli habang may luha sa gilid ng aking mga mata. Nakita kong sumimangot siya sa akin. "No! I love my mommy....sooo much!" sigaw na niya. Suminghap ako at marahang tumango sa kanya. You do, I'm sure of that. Every part of me loves your mom. And you are a part of me so I'm sure you love her so much! Binitiwan niya ang aking mukha at gumapang siya palayo para makuha ang kanyang pulang laruan na kotse. Muli siyang bumalik sa aking tabi at ibinigay sa akin ang kanyang laruan. "Play! Let's play!" pumapalakpak na sabi niya at nginitian ako. Halos madurog ang puso ko nang makita ko ang pagsingkit ng mga asul niyang mga mata at ang paglitaw ng kanyang maliliit na mga ngipin. Dammit, Allys! You are not going to leave me now again! I'll fucking make sure of that. You are fucking tied to me! Like how I am part of our s
last updateLast Updated : 2024-09-23
Read more

Kabanata 125: The Truth Part 2

ALLYS POV"B-bakit ka nandito?" mahinang tanong ko sa kanya.Umalis kami ng apartment ko para makapag-usap kaming dalawa nang maayos. Napatingin ako sa labas ng kanyang sasakyan. Nandito kami sa isang gilid ng daan kung saan makikita mo ang napakalawak na palayan. Ang makita siya kanina na karga-karga si Leo ay nagpagulat sa akin nang husto.Tangina!Papaano niya nahanap ang tinutuluyan ko? Ahh! Oo nga pala! Sinabi nga pala ni Mika sa kanya. Nanatili siyang tahimik sa tabi ko kaya hindi ko naiwasang makaramdam ng kaba."Kung iniisip mo na makukuha mo ang anak kong si Leo. Pwes sinasabi ko na sa iyo ito Leon. Hinding-hindi mo makukuha ang anak ko! Magkakamatayan tayong dalawa kapag kinuha mo siya sa akin!" hindi ko na napigilang sabihin sa kanya.He just stared at me for a while and then he gently hold my hand. Napasinghap ako sa kanyang ginawa."Anong ginagawa mo?!" galit na tanong ko sa kanya."Why so mad at me, baby?"Muli akong napasinghap sa sinabi niyang iyon at agad kong binawi
last updateLast Updated : 2024-09-24
Read more

Kabanata 126: The Truth Part 3

ALLYS POV "Ano ba kasi 'yon? Naiintriga na ako sa kaseryosohan mo ha," untag niya sa akin habang umiinom ng juice na inihanda ni Joy. Nasa kwarto si Joy at pinapatulog na ulit si Leo. Kaya kaming dalawa na lamang ni Mika ngayon ang nasa sala. "Pwede bang tulungan mo ako? Hindi ba't may tiyahin ka sa kabilang baryo?" panimula ko na ikinatango niya. "Oo meron nga. Ano naman ang maitutulong ko sa iyo?" naguguluhan na niya ngayong tanong. Pinagsiklop ko ang aking mga kamay at kinakabahan na tinitigan siya. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko pero siya lamang ang tanging nakikita ko sa ngayon na makakatulong sa akin. "P-pwede bang pakiusapan mo ang tiyahin mo, Mika na kung pwede sana ay makikituloy muna kami saglit ni Leo doon sa kanila. Kahit sandali lang bago ako makahanap ng lugar na mapaglilipatan naming dalawa ni Leo." Kumunot ang kanyang noo sa akin. "Bakit? Anong problema? At bakit biglaan naman yata?" tanong niya. Mariin kong hinawakan ang kanyang mga kamay
last updateLast Updated : 2024-09-25
Read more

Kabanata 127: Escape

ALLYS POVIpinaintindi ko kay Mika na hindi dapat kami maabutan ni Leon dito sa apartment dahil nasisigurado kong kukunin niya lang ang anak ko. Kahit na ang totoo naman ay walang nabanggit sa akin si Leon tungkol sa bagay na iyon. Ayaw ko nang magkaroon pa ulit ng ugnayan sa pamilya nila lalong lalo na sa pamilya ng mga Cuevas.Karga-karga ko ngayon si Leo sa aking mga bisig habang nakasakay kami sa isang tricycle na aming inarkila ni Mika. Konti lang na mga damit namin ni Leo ang dinala ko at nang hindi na kami mahirapan pa sa pagbyahe."Maraming salamat talaga Mika sa tulong mo," sabi ko sa kanya habang bumabyahe kami."Naku, ayos lang tsaka malapit lang naman ang bahay ng Tiya ko at nasa kabilang bayan lang. Pero ok na rin iyon dahil hinding-hindi na kayo makikita pa ni Engineer Mondragon don. Pagkarating natin doon ay hindi na rin ako magtatagal at babalik ulit ako rito sa bayan natin dahil may trabaho pa kasi ako bukas," mahabang sabi niya habang nakatingin sa may kadiliman na d
last updateLast Updated : 2024-09-26
Read more

Kabanata 128: Kabilang Bayan

ALLYS POV "Alice, ok ka lang ba diyan?" silip ni Mika sa akin sa kwarto. Mabilis kong pinalis ang aking mga luha at agad na tumayo at hinarap siya. "O-oo, ang Tiya mo?" "Halika sa sala at ipapakilala kita sa kanya," sabi niya sa akin at naunang lumapit doon sa sala. Muli kong nilingon si Leo bago ako tuluyang sumunod kay Mika. "Tiya Elsa, ito nga pala ang kaibigan ko pong si Alice. Kasamahan ko po siya sa tinatrabahuan kong coffee shop sa kabilang bayan. Alice, ang Tiya Elsa ko nga pala," pakilala ni Mika sa akin sa Tiya niya. Marahan naman akong yumuko sa harapan ng matanda. "Magandang gabi po, pasensya na po sa abala at maraming salamat po ulit sa pagpapatuloy niyo sa amin ng anak ko," magalang na sabi ko sa kanya. "Tiya, gusto ko po sanang dito na muna mananatili si Alice kahit ilang araw lang bago sila makahanap ng malilipatan nila ng anak niya. Napaalis po kasi siya sa apartment na inuupahan niya sa kabilang bayan at natanggal rin po siya sa trabaho. Maliit naman iyong k
last updateLast Updated : 2024-09-27
Read more

Kabanata 129: Start Again

ALLYS POVAbala ako sa pagwawalis nang may biglang dumating na sasakyan sa harapan ng bahay ni Tiya Elsa. At halos mabitawan ko na ang walis tingting na hawak ko nang makilala ko ang sasakyan na iyon. Mula sa makintab at itim na sasakyan na dumating ay bumukas ang pintuan non sa driver seat at bumaba doon si Leon.Agad na tumahip ang dibdib ko sa sobrang kaba nang deretso ang mga matang tiningnan niya ako.Tangina!Papaano niya nalaman na nandito ako?!Bumukas ang passenger seat at halos kumunot ang noo ko nang makita ko si Mika na lumabas din doon sa sasakyan ni Leon. Magkasama silang dalawa?Ano ba talagang nangyayari? Bakit? Bakit sinabi ni Mika aa kanya na nandito ako."Mika?! Naririto ka na naman? At sino iyang kasama mo? Ano ba talaga ang nangyayari?" tanong ni Tiya Elsa nang lumabas siya ng bahay niya habang karga-karga niya si Leo.Nagpalipat-lipat ang tingin ni Mika sa aming dalawa ni Leon bago niya nilapitan ang tiyahin niya at pilit na itinutulak papasok ulit sa loob ng kab
last updateLast Updated : 2024-09-28
Read more
PREV
1
...
101112131415
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status